Kinakabahan ako dahil ngayong araw na ang pagpapakilala sa 'kin ni Boss sa pamilya nito. Kahit alam kong pagpapanggap lang ito, natatakot pa rin ako sa sasabihin nila. Nag-aayos ako ngayon ditto sa kuwarto, kanina pa nga sigaw nang sigaw ang Boss ko dahil kanina pa ako pumipili ng dress. Wala akong mapili dahil lahat sila maganda.
"Woman! Hurry up! You're like a f*cking turtle!" sigaw ni boss, naiimagine ko na ang mukha niyang, galit na galit. Parang Dragon na umuusok ang ilong. "What the hell, Woman? Hurry up! Faster please!" napaka-mainipin talaga ng taong 'to? Tch. Siya kaya papiliin ko rito?
"Teka lang, Boss! Hindi ako makapili!" sigaw ko, mas lalong hindi ako makapili dahil nagmamadali siya. Nakakahiya naman kung pipili ako nang hindi bagay sa 'kin.
"F*ck, woman! Ang tagal mo, huwag mong hintayin na pumasok ako d'yan para ako na pumili at magbihis sa 'yo!" ani nito na nakapag-painit ng mukha ko. Sh*t, ka boss.
"Hindi na, boss! Ito na nakapili na ako!" pinili ko na ang dress na sa tingin ko babagay sa 'kin. Ito na lang black dress, ang susuutin ko. Naghanap naman ako ng flat shoes. What the hell? Puro matataas ito ah? 5 inches yata ang pinaka-mababa. Arg nakakainis, bakit puro matataas lahat? Gosh! Hindi pa naman ako sanay magsuot nang ganito.
"Sh*t, Woman! Hurry up! " sigaw ulit ni boss, siguro kanina pa umuusok ang ilong niya? Kaya kinuha ko na ang 5 inches na heels at nagmabilis nang lumabas ng kwarto, paglabas ko bigla akong natapilo. Kaya pumikit na lang ako at hinintay na bumagsak ang katawan ko sa sahig, naghintay ako nang ilang Segundo. Pero hindi naman ako nahulog pakiramdam ko nakalutang ako. Napag-pasyahan ko nang mag-mulat ng mga Mata, pagmulat ko. Nakita ko ang hot kong boss, nakahawak sa bewang ko sinalo niya pala ako. "Tsk, clumsy!" sabi nito at inayos ako nang tayo at nauna na itong maglakad pababa, kaya sumunod na lang ako papuntang parking lot. Pagdating ko sa parking lot naghihintay ito sa 'kin sa labas ng kotse. Gosh! Nakakhaiya, pinaghihintay ko si boss. Paglapit ko inabot nito sa 'kin, ang susi ng kotse niya. What the hell, don't tell me? Ako ang gagawin n'yang driver?
"Ano'ng gagawin ko rito, boss?" tanong ko.
"Obvious ba? Try mo kainin, para malaman mo tch. Stupid!" sagot nito sa 'kin, what? Makakain ba ito? Kaylan pa nagging pagkain ang susi? Ipakain ko kaya ito sa lokong boss ko?
"Ang tigas-tigas nito? Makakain ko ba Ito?" tanong ko rito.
"Geez! You're such f*cking stupid, Woman! F*ck, sa tingin mo makakain 'yan? Slow lang? Pag-drive mo 'ko tsk." Masungit na sabi nito at sumakay na sa backseat ng kotse. Ayos kaya si boss? Hindi nga ako magaling mag-drive, matagal na nang huli akong makipag-race. Mabuti at tinuruan ako ng Papa ko no'ng nabubuhay pa. Pero ayos lang mag-drive ulit ako, nakakamiss kaya.
"Boss, walang sisihan 'pag nabangga tayo! Matagal na nang huli akong nag-drive!" ani ko at pinardar nang sobrang bilis ang kotse. Maya maya lang muntikan na akong maka-aksidente dahil hindi ko napansin ang motor na paparating. Kaya bigla akonng napa-preno.
"F*ck! What the hell, woman! Mag-ingat ka naman, kapag nagasgasan ang kotse ko papatayin kita!" sigaw nito sa 'kin. Wow? Ibang klase? Kotse talaga inaalala n'ya?
"Sino kasi ang nagpilit na mag-drive ako? Ikaw naman may kasalanan! Kaya huwag kang umangal!" ani ko rito, ang tapang ko no? Kahit boss ko pa siya, bahala siya.
"Tsk. Mag-drive ka na lang." Masungit na sabi niya. Mabuti at may Google map dito sa kotse niya. Nang makarating kami sa mansion nila agad kaming pinapasok at dumeretyo kami sa parking lot. Pagka-park ko bumaba na s'ya, kaya bumaba na rin ako inilahad niya ang braso, para kapitan ko. Malugod ko naman itong kinapitan.
"Umayos ka. Huwag kang ta-tanga tanga, babae..." bulong nito sa 'kin, ouch ha? Makasabi sa 'kin nang tanga h? Ngumiti na lang ako nang pilit. Gosh! Kinakabahan na talaga ako, kahit hindi Naman ito totoo. Pumasok si boss nang hindi nakatok, ganito ba talaga itong lalaking 'to? Napaka walang respeto? Hindi ba puwedeng kumatok muna?
"Oh? Hijo, you're here? Oh, may kasama ka pala? Who is she?" tanong ng matandang babae. Itong katabi ko walang imik, hindi manlang bumati sa Lola niya,
"She's Shairly, my fiancé!" pakilala nito sa 'kin, kaya ngumiti ako rito.
"Hello po, kamusta po kayo?" ani ko, maya maya lang may bumabang isang matipunong lalaki. Siguro ito ang daddy ni boss at sumunod naman ang isa pang matanda na mas may edad sa naunang lalaki.
"Really? Totoo nga na may fiancé ka na? I'm glad hijo. Nice meeting you, hija! I'm he's grandamother, Telya!" ngumiti ako rito at nakipagbeso. "Halina kayo, naghanda ako nang makakain!" tumango kami at pumunta ng lamesa. Kaharap naming ngayon ang Daddy at Lolo ni boss, nakakatakot ang awra nila. Tahimik lang kaming kumain, hanggang basagin ng Daddy ni boss ang katahimikan.
"So? Ano'ng natapos mong degree?" tanong ng Daddy ni boss. Gosh! Anong isasagot ko?
"Secretary po," sagot ko, hindi ko natapos ang course na 'yan. Ayoko lang mapahiya si boss.
"Nice! Saan ka na-tatrabaho ngayon?"
"Dati nag-tatrabaho s'ya sa company ng kaibigan ko, pero ngayon pinatigil ko na siya!" mabuti naman at nagsalita na rin ang lalaking ito, baka madulas pa ako. Hindi pa naman ako sana'y sa pagsisisnungalin.
"How about your wedding? Kaylan?" muntikan na ako masamid sa tanong ng lolo ni boss.
"Inaasikaso na namin, maybe next month."
"Really? Congratulation!"
"Excuse me, Cr lang ako!" ani nito at umalis na, iiwan talaga niya ako rito? Kahit kabado ako kumain na lang ako nang dahan dahan. Nakaka-tense ang mga tingin nila sa 'kin.
"Shairly, right?" biglang tanong ng daddy ni boss, kinakahan tuloy ako.
"O-opo..." nauutal na sagot ko , ang lamig niya kase makatingin.
"Sasabihin ko na sa 'yo ang totoo. Hindi kita gusto para sa anak ko." Ani nito, kaya kahit alam kong pagpapanggap lang ito? Nasasaktan pa rin ako.
"Marcus, tanggapin muna lang ang magiging asawa ng anak mo! Mukha namang mabuting bata ang mapapangasawa ng apo ko!" ani ng lola ni boss.
"Alam naman ninyong may kasunduan na kaming, ipapakasal ko siya sa anak ng kumpare ko. Kung ako sa 'yo, hiwalayan muna ang anak ko. Sa ayaw at sa gusto ng anak ko ipapakasal ko siya sa babaeng gusto kong mapangasawa ng anak ko!" mahabang sabi nito at umakyat na.
"Pagpasensiyahan muna ang Daddy ni Hell, kakausapin ko na lang mamaya. Sige lang kumain ka lang, hayaan mo lang ang anak ko!" ani ng lol ni boss. Ang lolo naman ni boss, walang imik.
"Ayos lang po..." ano ko. Pero ang totoo naawa ako kay boss, dahil wala ba siyang karapatan pumili nang tamang babae para sa kaniya?
"Hija, bigyan niyo agad ako ng apo. Para maabutan ko pang lumaki. Bago manlang ako mamatay!" sabi ni lola, kaya nasamid ako bigla. Gosh! Anak agad? Shem!
"Susubukan po naming." Tumango ito at ngumiti sa 'kin.
"Dalian ninyo, hija!" ani naman ni lolo tapos ngumiti sila parehas sa 'kin, sh*t paano kaya kapag nalaman nilang nagpapanggap lang kami?
"Aalis na kami! Let's go, Shairly!"
"Bumalik ulit kayo rito, dapat may apo na kami no'n! Mag-ingat kayo!" my gosh!
"Sige, kahit mamaya na kami gumawa!" ani boss. Hinamapas ko nga siya sa braso, lintik may kapilyuhan rin pala ang lalaking ito?