bc

The slave of a Mafia Boss

book_age18+
8.1K
FOLLOW
45.3K
READ
dark
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Isang babaeng dahil sa katangahan magiging slave ng isang mafia boss?

makakayanan kaya nito ang isang taong kontrata kay Hell Gavin Korizaki?

Ano kayang magiging katapusan, kapag natapos na ang kontrata na kanyang pinirmahan. Basahin mo kung gusto mo malaman hanggang dulo.

chap-preview
Free preview
Chapter1
Habang naglalakad ako pa-sipa sipa ako sa mga bato sa gilid ng kalsada. Naiinis na kasi ako dahil natanggal ako ngayon sa trabaho. Buwisit talaga, hindi ko naman akalain na tatanggalin talaga ako ng matandang gurang na'yon. "Nakakaasar talaga!" inis na ani ko habang naglalakad pauwe, may mga tao na nga rin na nakatingin sa akin. Iniisip siguro nila baliw na ako, bahala sila kung ano man isipin nila. Ano nang dapat kong gawin? Gosh! Ang sakit na ng paa ko, dahil kanina pa ako naglalakad pauwe no, ang layo kaya ng inuupahan ko mula sa trabaho kom Tch, hindi manlang kasi ako binigyan nang pamasahe ng boss naming gurang eh. Nagugutom na rin ako, dahil pumasok ako kanina na walang kain. Wala rin akong malaking pera para makabili ng pagkain. Habang inis pa rin akong naglalakd, biglang may nasipa akong may kalakihang bato. Nagulat ako nang tumama ang batong 'yon sa isang napakagandang kotse. Sh*t katangahan ko! Tinignan ko muna ang nabasag na windshield ng kotse, bago ko ito tinalikuran. Sino ba naman kasing tanga? Ang ganda ng kotse hindi naman maiparada sa tamang paradahan. Gosh! Kung sino man may ari nito, letche s'ya! Huwag sana akong hanapin. Bibigwasan ko talaga s'ya, dahil ang tanga niya. Tumakbo na ako palayo, bahala na si Batman kasalanan naman ng taong 'yon. Umuwe na lang ako at nagdasal na sana, hindi malaman ng may ari ng kotse na ako ang nakabasag ng windshield niya. Nakakainis, bukas siguro maghahanap na lang ako nang bagong trabaho. Ako pala si Shairly Manami Porteros, 23 taong gulang. Ulilang lubos, kaya kailangan kung kumayod para maka-survive sa mundong ginagalawan na'tin. Hindi rin ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya naman nahihirapan akong maghanap nang trabaho. Need ko ulit humanap ng new work, dahil naalala ko hindi pa ako nakakabayad ng renta. Apat na buwan na rin pala gosh! Huwag naman sana ngayon dumating si Aling Duling. Dahil yari na ako kapag dumating 'yun, sisigawan at susungitan na naman ako no'n. "Shairly!" speaking of the devil, kakasabi ko lang na huwag dumating eh. Bakit ka pa dumating, grabe ang malas ko. "Aling Duling! Bakit po?" binuksan ko ang pinto at hinanda ang sarili, mukhang galit na galit na s'ya sa akin eh. "Ano'ng bakit po? Ano'ng petcha na? Hindi ka pa magbabayad ng renta mo?" mataray na tanong nito, nakahalukipkip pa ito. "Ah, eh! Kasi wala pa akong pera ngayon Aling Duling..." ani ko at kumamot pa sa batok. Mas tumaray naman ang itsura nito, at tumaas ang kilay sa akin. Ang taray n'ya, hindi naman s'ya maganda. Joke lang! "Hala sige! Lumayas ka na! Para mapaupahan ko na ito sa iba! Hindi ko kailangan ng katulad muna hindi marunong magbayad!" masungit na sigaw nito sa akin. "Aling Duling please! Huwag n'yo akong paalisin, magbabayad agad ako kapag nakahanap na ako ng trabaho please! Wala akong matitirahan!" handa akong magmakaawa, huwag lang akong mapaalis ngayon dahil wala talaga akong matutulugan. Kapag napaalis ako ngayon, hindi ko alam kung kanino ako makikituloy dahil kahit kaibigan wala ako. "Kaylan pa 'yon? 'Pag pumuti na ang uwak! Hindi na lumayas ka na, kahit huwag mo ng bayaran ang ilang buwan na renta mo. Basta umalis ka na!" wala na akong nagawa, kun 'di kunin ang mga damit ko, at nanlulumomg lumabas ng bahay. Kaikangan ko na lang talagang tanggapin na may kakambal akong malas. Naglakad ako ng med'yo malayo nang may makita akong waiting shade, umupo ako dito na muna ako magpapalipas ng gabi. Bahala na, wala naman sanang loko loko rito. Habang nakahiga ako, dahil ako lang naman mag-isa rito may isang van na huminto at biglang may bumaba na mga kalakakihan. At nagulat ako nang tutukan nila ako ng baril. Gosh! Sino sila? "Sino kayo?" mahinahong tanong ko, hindi ako puwedeng sumigaw baka mamaya patayin nila ako. Nakakatakot sila dahil may mga baril silang hawak, pero hindi naman sila halatang kidnapper dahil ang guwapo nila. "Kunin n'yo na 'yan!" ani ng lalaking halata mong masungit at bumalik na sa van. "Sumama ka na lang Miss. Para hindi ka na masaktan!" ani ng lalaki, at sapilitang hinila ako at sinakay nila ako sa van, wala silang paki kahit masaktan ako. Wala na akong nagawa, dahil baka mapatay talaga nila ako. Napatingin ako sa mga kidnapper, ang guwapo nilang kidnapper, gosh! "Mga kuya parang awa n'yo na, pakawalan n'yo na ako! Wala naman kayong mapapala sa akin, dahil hindi ako mayaman! Maganda lang talaga ako!" ani ko. Nakuha ko pang magbiro sa kalagayan ko ngayon pero ang totoo sobra na akong kinakabahan. "Tss. Shut up, Woman!" ani agad ng isang lalaking halata mong masungit. "Please... pakawalan na ninyo ako, wala naman akong ginagawang masama sa inyo eh!" pagmamakaawa ko pa. Ano bang balak nilang gawin sa akin? Wala naman silang mapapala sa katulad ko, dahil wala naman akong pera. "Miss. Matulog ka muna, ang ingay mo eh!" ani ng lalaking cute at bigla nito akong nilagyan ng panyo sa bibig na may kakaibang amoy. Amoy na parang hinihikayat akong matulog, hanggang sa nilamon na ako ng dilim. ___ Nagising ako sa isang madilim na kuwarto, nasaan ako? Bakit nila ako kinuha? Nakita ko ang mga lalaking kumidnap sa akin, na nasa labas ng kuwartong kinalalagyan ko. Nakatali ang paa at kamay ko kaya naman hindi ako makagalaw. "Hoy mga kuya! Pakawalan n'yo na ako rito! Ayaw ko rito! Tulong! Tulungan n'yo ko!" sigaw ko. Kahit natatakot, pilit akong magpakatatag ayokong mamatay sa ganitong sitwasyon at ganitong lugar. Hindi pa nga ako nadidiligan eh, tapos mamatay agad ako. "Miss. Gising ka na pala! Huwag ka mag-alala, pakakawalan ka rin naman namin! Pero hindi pa ngayon, kaya naman matulog ka muna d'yan! Oh baka gusto mong dalhin kita sa langit baby!" ani ng lalaking mukhang manyak. Gosh! Pinagsasabi ng manyak na 'to. Guwapo sana siya, pero bastos lang. "Hoy pre, tumigil ka nga!" ani naman ng isang lalaking ang cute, singit ang mata niya at may mapupulang labi at abo ang mata niya. "Nagbibiro lang eh, ang seryoso niyo naman!" nagtawanan naman sila, bakit kasi sumama na lang ako nang basta sa kanila eh. Argh, ang tanga ko! Umiyak na lang ako, dahil sa mga nangyayari sa akin. Bakit kailangan mangyari ito sa 'kin? May nagawa ba akong kasalanan? Paano ba ako makakawala rito? May kasiguraduahan ba na papakawalan nila ako? Kaya naman kahit, parang wala naman makakarinig sa akin, sumigaw lang ako. Nagbasakali pa rin ako na may tumulong sa akin. "Tulong! Tulungan n'yo ako!" hindi naman ako pinapansin ng mga kalalakihan na kumidnap sa akin. Argh sino ba kasi sila? "Hoy mga kuya! Bakit n'yo ba ako kinuha?" tanong ko. Hindi kaya sila 'yung mga napabalita na nangunguha ng mga kababaihan para ibenta sa mga matatandang hayok sa laman? Huwag naman sana, ayokong madiligan ng isang matanda. Kadiri 'yun! "Pasensiya na babae, napag-utusan lang kami! Kaya puwede manahimik ka na r'yan!" ani ng lalaking mukhang manyak. Hindi pa rin ako tumigil kakasigaw, baka kasi mamaya kung anong gawin nila sa akin. Hay bakit kasi naging kidnapper ang mga guwapong kagaya nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
456.5K
bc

YOU'RE MINE

read
901.5K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
431.1K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
254.2K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
65.2K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
587.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook