Nai-stress ako, hindi ko alam paano ako aarti nang sweet sa kaniya, eh 'pag nakikita ko s'ya natatakot na ako eh. Tapos wala pa akong karanasan sa ganito, hindi pa nga ako nagkakanobyo. Hindi rin ako sweet na babae katulad nang ibang babae. Bakit kasi ako pa? Argh bahala na si batman. Nag-iisip ako nang puwede kong movie na mapanood, 'yung sweet at eliganting babae. Baka sakaling matuto agad ako. Maya maya lang bumukas ang connecting door naming at, iniluwa no'n ang guwapo kong boss. Napakunot noo ako dahil hindi ko alam bakit s'ya pumunta rito.
"O—h babae, panoorin mo 'yan para may matutunan ka!" ani nito at binato ang Cd sa mukha ko. Gosh ang sakit, hindi ba puwedeng i-abot nang maayos? "Umayos ka bukas? Galingan mo ang pag-arti!" ani nito at umalis na. Ako naman tumayo na at pumunta ng sala, doon na lang ako manonood. Pagdating ko sa sala agad ko sinaksak ang Cd, pinanood ko na. Wala pa ako sa kalahati dumating na ang mga asungot na kaibigan ni boss.
"Hi Miss. Shairly! " bati sa'kin ni Mr. Cute, ngumiti lang ako sa kanila at pinilit na mag-focus sa pinapanood ko. Ang ganda sana nakaka-bitter lang. Nagulat ako nang biglang umakbay sa akin si Kerswel.
"Ano'ng pinapanood mo Ms. Flatchested?" tanong nito kaya sinamaan ko 'to ng tingin at tinanggal ang pagkaka-akbay sa'kin.
"Tigilan mo ako Mr. Manyak, baka samain ka sa 'kin!" inis na ani ko rito.
"Ang sungit mo naman babaeng walang dibdib, nagtatanong lang naman!" ani pa nito, kaya nagtawanan ang mga kaibigaan nito.
"Tumigil nga kayo! Romance movie ang pinapanood ko! Lumayas kayo sa harapan ko!" sigaw ko naiinis na kasi ako eh. Imbis na umalis nagtawanan lang sila. Grrr nakakaasar na sila.
"Ang korni nang pinapanood mo, bakbakan na lang ang panoorin na 'tin!" suhesyon ni Mr. Basugalero, kung puwede lang hindi ako manonood nang ganito, hindi talaga ako mahilig dito. Action movie lang pinapnood ko.
"Tch... Horror na lang panoorin na 'tin!" ani Mr. Manyak.
"Sus! Style mo bulok, Kerswel! " ani ni Jeckson. Tspos nag tawanan sila, anong pinag uusapan nila?
"Tch... ang sama nang iniisip n'yo sa 'kin eh no--h? Don't worry 'di ko tsa-tsansingan ang babaeng poste na 'to, wala naman makakapa d'yan. At saka mahal ko pa ang buhay ko!" ani nito at ngumisi pa sa 'kin ang yabang talaga.
"Hindi ako poste! Akala mo naman Malaki 'yang alaga mo!" ani ko, akala n'ya? Aasarin ko rin s'ya. Ngumisi ako rito nang hindi agad ito nakaimik.
"Maliit pala ang sa'yo Kerswel kawawa ka naman! Nakita mo na pala 'yan Shairly?" nang init ang mukha ko sa tanong ni Mr. Basugalero, bakit ko ba sinabi 'yon? Gosh nakakahiya ka self!
"Are you sure maliit ang alaga ko?" tanong nito at lumapit pa sa'kin. As in sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ko. Gosh! Nagbibiro lang naman ako eh. Nanginig naman ang kamay ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko, mukhang sineryoso n'ya ang sinabi ko. Tinapat naman nito ang bibig sa tenga ko at bumulong "Gusto mo ipakita ko sa'yo ang alaga ko? Ikaw na bahala sumukat ano payag ka? Kapag Malaki 'to makikipag one night ka sa'kin..." bulong nito na nakapagpataas ng baliho ko. Gosh! Nagbibiro lang naman ako.
"Tang"a*n ka pre! Ano binulong mo?" tanong ni Mr. Cute.
"Sinabi ko lang na sukatin n'ya ang t*t* ko sac r!" sa sinabi n'ya mas lalong ng init ang mukha ko sa kahihiyan, sh*t ka talaga Mr. Manyak, napayuko na lang ako at hindi na umimik. Nagtawanan lang sila ako naman parang gusto ko na lang lamunin ng sofa na kinauupuan ko.
"G*go ka talaga pre! Tumigil ka na baka marinig ka ni boss lagot ka do'n!" ani Mr. Cute.
"Tch, s'ya nag-umpisa eh! Baka 'pag pinasubo ko 'to sa kaniya baka mabilaukan s'ya!" ani pa nito, sobra na talaga akong nahihiya.
"Tch, stop it Kerswel!" saway ni Mr. Sungit.
"Miss. Hula ko hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" tanong ni Mr. Basagulero, nakahinga ako nang maluwag nang baguhin nito ang topic.
"Ano naman kun 'di pa ako nagkaka-boyfriend?" mataray na tanong ko.
"Really? Kung papayag ka? Ako na lang ang gawin mong boyfriend, hindi ka na lugi do'n panget at walang dibdib na babae. Dahil guwapo ako." Ani nito, ang yabang aba. Nilait pa ako, wagas talaga makalait ang isang manyak na katulad n'ya.
"Kung ikaw lang magiging boyfriend ko huwag na lang, hindi ako magkakagusto sa katulad mo! Manyak!" inis na ani ko, natatawa na lang sa amin ang mga kaibigan nito, para kaming aso 't pusa.
"Really? Ang dami nang nagsabi sa akin n'yan pero kinain lang nila. Baka bukas makalawa, umamin ka na lang sa akin inlove ka na sa guwapong katulad ko." Ani nito at ngumisi pa. "I'm seruos, payagan mo akong ligawan ka? Para maranasan mo ang magkaboyfriend ng guwapong katulad ko." Argh ang yabang talaga, seryoso raw? Pero nilalait ako? Ang hangin, sobrang confident sa sarili eh.
"What did you say, Kerswel?" tanong bigla ni boss at nagulat ako nang magkasa ito ng baril at nakita kong tinutok nito ang baril sa ulo ni Kerswel.
"Wa---wala boss! Sige aalis na ako!" ani nito at kumaripas nang takbo palabas. Natatawa tuloy ako, kinarma tuloy s'ya.
"Bakit kayo nandito? Nagawa ba ninyo ang pinapagawa ko?" tanong nito sa mga kaibigan nito.
"Yes boss! Kahapon pa tapos!" sagot naman ni Mr. Cute
"Good! Come to my office!" sabi nito at umakyat na sumunod naman ang mga kaibigan ni boss, ako naman pinagpatuloy ang panonood. Parang gusto ko na lang masuka sa pinapanood ko. Sige na ako na bitter, sensiya na sa 23 years ko sa mundo ewan ko bakit walang nagtangkang manligaw sa akin? Siguro talagang kapalaran kong maging matandang dalaga. Dahil sa inis ko pinatay ko na ang tv.
__
Nag luto na 'ko ng almusal ni boss, tapos inihanda ko na rin at tumaas na 'ko para tawagin ang boss ko. Pagtaas ko kumatok na ako, nang wala akong response na narinig pinihit ko ang door knob sa connecting door namin nang bumukas ito pumasok na ako. Ang ganda at ang bango ng kuwarto n'ya.
"Why are here woman?"
"Ay sh*t boss ang guwapo mo!" dahil sa gulat ko kung ano ano nang lumalabas sa bibig ko, tinignan ko s'ya nang dahan dahan at sh*t nakatapis lang s'ya kaya kitang kita ko ang six pack abs n'ya. Gosh! Ang hot n'ya parang uminit yata dito sa loob my god. Parang naakit akong hawakan ang abs n'ya.
"Don't f*cking stare at me like that, woman, or else I will f*cing kill you! Get the hell out of here!" sigaw nito, para s'yang dragon na anumang oras magbubuga ng apoy. Kumaripas na ako ng takbo palabas. nakakatakot s'ya, ba't ba sobrang sungit ni boss? Siguro 'di pa 'yon nagkaka-gf? Kaya napakasungit.