Chapter 8

2174 Words
Pag-uwe namin ako na naman nag-drive. Pagkarating namin sa mansion agad kong pinarada ang kotse at pinagbuksan 'yung boss ko ng pinto. Mabuti na lang talaga, hindi ako makakalimutan sa mga bagay bagay. Marunong pa rin akong mag-drive ng kotse. "From now on, ikaw na laging mag-dadrive para sakin." Sabi n'ya at bumaba na ng kotse. Hays Wala akong magagawa, kasi slave nga ako. Kunting tiis lang, isang taong lang naman 'tong pagdurusa ko 'pag natapos na ito, babatukan ko talaga si boss para makabawi man lang. Pumasok na ito, kaya naman sumunod na lang rin ako. Hangga't hindi niya sinasabing tapos na ako sa gawain ko ngayong araw, hindi ako puwedeng umupo. Kahit ang totoo pagod na ako. Nakita ko naman ang mga kaibigan ni boss na, nasa sala at nanonood. "Hi Miss, saan kayo galing ni boss? Nag-date ba kayo?" tanong ni Mr. Cute na nakapagpainit ng mukha ko. "Date, baka kasi sa motel sila nag-date ugh ano'ng pakiramdan nang nadiligan Miss?" napangiwi na lang ako, dahil langya ang dumi ng utak niya. Seryoso? 'Yun talaga iniisip niya, my god! Bigla naman binatukan ni Mr. Cute si Kerswel. "Aray ha?" "G*go! Ang dumi talaga nang pag-iisip mo! Ayusin mo ha, ipalinis mo na 'yan!" "Bakit ba, masama bang magtanong? Parang nagtatanong lang ako eh, " "Masama talaga, basta galing sa madumi mong bibig!" ani naman ni Mr. Basagulero. Nagtawanan naman sila, ako naman napailing na lang. Nagulat naman kami nang biglang tumikhim si boss, hindi pa pala siya nakakataas? "Boss!" "All of you? Get out of here!" galit na sigaw nito. "Ang init ng ulo mo boss, siguro nabitin ka sa honeymoon niyo!" sabi ni Mr. Manyak at kumaripas na nang takbo. "k******e! Don't you dare to show you're f*cking ugly face to me! I will f*cking kill you!" sigaw ni boss. Ewan ko lang kung narinig pa ni Mr. Manyak. Napapailing naman ang mga kasama nito, habang palabas ng bahay. "Boss may ipag-uutos ka pa?" tanong ko rito. "Nothing," sagot nito at umalis na. Ako naman tumaas na rin at pumunta sa kuwarto ko. Kinabukasan Kinabukasan maaga akong nagising baka kasi may pupuntahan si boss ng maaga alam niyo na driver nga niya ako? Ang kupal talagang 'yun kababae kong tao, ako gagawing driver tch. Nang matapos kong gawin ang morning routine ko, lalabas na sana ako nang biglang may Dragon na sumigaw sa intercom. "Woman! Come to room, now!" nagulat naman ako at agad nang pumasok sa room nito, grabe naman makatawag eh. "Ano'ng maipanglilingkod ko sa inyo boss at tinawag ninyo ako?" magalang na tanong ko. Ngayon lang ito kasi nga boss ko siya. "Clean my room, hurry up!" "Boss, baka puwedeng hinaan mo naman ang boses mo? Ang sakit sa tenga eh..." angal ko, para na kasi akong mabibingi sa kaniya eh. Nakita kong sumama ang tingin nito sa akin. "I don't care, you're just my slave! Wala kang karapatan umangal! Bilisan mo, kilos na! I have a meeting!" hindi na ako umimik, kumuha agad ako nang mga panlinis pagkatapos tumaas ulit ako. Pero wala na s'ya sa room n'ya, narinig ko na lang ang lagasgas ng tubig sa cr meaning naliligo na s'ya. Ako naman nag-umpisa nang magwalis, malinis naman sa kuwarto n'ya dinaig n'ya pa ang kuwarto ko sa sobrang kalinisan. Parang hindi s'ya lalaki. Habang naglilinis ako biglang may ipis, ay putsha paano nagkaroon nito dito. Pumalahaw na lang ako sa sobrang takot. "Ipis! No! No! 'Wag ka lalapit! Alis!" bugaw ko dito, takot talaga kasi ako sa ipis. Para tuloy akong mamatay sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko, habang unti unti itong lumalapit sa akin. Para pang nang aasar 'yung ipis eh, parang gusto kasi akong dambahin. "Lumayo ka! Layo!" sigaw ko dito. "What happening?" tanong ni Boss, noong lumabas ito sa cr. Imbis na sagutin ko siya, napayakap ako sa kaniya, sa sobrang takot. Noong magdikit ang katawan namin parang nawala ang takot ko, basa pa ang katawan n'ya. Gosh! Nahawakan ko siya! Ang tigas pa ng nahahawakan ko. "Bakit ka sumisigaw?" tanong nito sa akin. Napatingin ako sa kaniyang mga mata, my god ang ganda nakakalusaw. "May ipis..." bulong ko, tapos umiyak. Ewan ko bakit ako naiyak eh, ang oa ko. "Tsk, Don't cry is a fake, laruan ko lang 'yan." Sabi nito sa akin. What the fake lang 'yon? Wow ganda naman ng laruan niya. Sa daming puwedeng maging laruan ipis pa. "Weh?" tanong ko, habang nakakapit pa rin ako sa kaniya. Parang ayoko na tuloy bitawan ang matigas na katawan niya. "Yeah, that's cockroach web..." napatango na lang ako, hindi ko man naintindihan ang sinabi niya. Sorry bobo ako eh. "Tsk... Chansing ka na, alis na at mag-asikaso ka. Aalis na tayo!" aniya, kaya napabitaw na ako, kahit ayaw ko pa. Pumunta na ako ng kuwarto ko, para mag-asikaso. Ayaw ko ngang masigawan ng Dragon at takot ko na lang mabugahan ng apoy. Pero gosh, ang tigas talaga! Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako at pumuntang ng parking lot. Nauna s'ya sa akin, kaya yari na naman ako nito. Tiyak akong, umuusok na ang ilong niya, dahil ayaw raw kasi niyang pinaghihintay. Ang arti niya, 'yung iba nga diyan ilang taon na pinaghihintay. Binalikan ba? "Tch, napakakupad mo naman babae!" may inis na sabi nito. Kaya agad ko s'yang pinagbuksan ng pinto, baka lalo pang magalit eh. Mahirap na, kapag ang Dragon ay uminit. 'Di ba parang ako pa ang lalaki, sa sitwasyong namin. Ang galing talaga niya, wala talaga siyang awa pati babae pinapatulan. Pero hayaan na, isang taon lang naman ako magtatyaga sa kagaspangan na ugali niya. Sumakay na ako at pinag-drive s'ya papuntang company nito, pagkarating namin. Lumabas na ako para sana pagbuksan ito ng pinto. Pero bumaba na rin si boss, nang bigla ako nitong hilahin at halikan. Shock! Ilang segundo rin naistak ang utak ko, at hindi ko agad naisip ang ginawa niya. Gosh! Ang lambot ng labi niya. Pero bakit? Ano'ng ginagawa niya, sh*t! My first kiss! Bumitaw ito at bigla na lang akong naiyak, ewan ko bakit? Pero masarap talaga 'yung labi niya, hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko. "Hey woman, why are you crying?" tanong nito at hinawakan pa ang dalawang pisngi ko at pinunasan ito. Tang*na, para tuloy may butterfly sa t'yan ko ngayon. Kinikilig ako! "Bakit? Bakit mo ako hinalikan ha? Unang halik ko 'yun!" inis na sabi ko, kahit ang totoo. Kinikilig na ang petchay ko dito. Bigla naman ako nitong niyakap at bumulong. "I'm really sorry, hindi ko sinasadyang halikan ka..." nagkakamali ba ako ng rinig? Isang masungit na mafia boss? Nanghihingi ng sorry sa isang slave na kagaya ko? At ang nakakahinala, niyakap pa ako? Pero nakakainis, first kiss ko 'yun! Para lang sana 'yun sa magiging future husband ko eh, pero wala na kinuha na niya. Pero masarap ang lambot ng labi niya mga besh... "Tumigil ka na diyan, o baka gusto mong ituloy ko 'yang halik na 'yan sa isang honeymoon..." napatigil na lang ako nang wala sa oras. Walanghiyang lalaking ito, lakas ng tama. Sinamaan ko nga siya ng tingin, akala niya nakakatuwa 'yun. "Let's go!" aya nito sa akin. "Saan tayu pupunta?" takang tanong ko "Sa motel gagawa ng baby!" pilyong sabi nito at ngumisi pa. May ganiyang side pala si boss, 'di ko naisip 'yun kasi puro kasungitan lang niya ang nakikita ko. "Boss!" inis na ani ko. Natawa naman ito nang bahagya, talagang ginagawa niya akong katuwaan. Pero infairness, mas lalo siyang na-guwapo kapag tumatawa at himala tumawa siya. "Just kidding!" bawi nito, tinignan ko lang ito. Mukhang masaya siyang pinagtitrip-an ako ah? "Baka matunaw ako, Let's go!" aya nito at hinila na ako papasok, bakit parang hindi nagsusungit si boss sa akin ngayon? Baka part lang 'to nang pagpapanggap namin. Ayokong mag-assume, 'di naman totoo lahat ito. Alam kong mamaya, magsusungit na naman siya sa akin. Pero bakit, hindi ko mapigilan ang puso ko na mahulog sa kaniya. Ikaw ba namang sobrang guwapo ng boss eh, manhid ka na lang kapag 'di mo siya naging crush. Pagpasok namin sa company n'ya lahat nakatingin sa amin ang mga mata. Tapos napagtanto ko bigla na magkahawak kamay kami ni boss. Gosh! Nakakahiya! Kaya pilit kong tinatanggal ang kamay ko, pero hinihigpitan lang lalo nito ang pagkakahawak. Ang dami tuloy nakatingin, tapos 'yung ibang babae sobrang sama na ng tingin sa akin. "All of you back to your work, or else I will f*cking fired you!" pagbabanta ni boss, kaya bumalik na sa kaniya kan'ya nilang trabaho. Ang mga nakatingin sa amin, hay salamat! Sumakay kami sa private elevator nito, ang ganda pala ng company n'ya. Pagkarating namin sa office n'ya, sumalubong agad ang secretary nito na nakataas ang kilay sa akin at inirapan ako. Aba't Ang taray niya ah? porke malaki lang hinaharap niya? Kung gusto niya ng palakihan, uuwe na ako panalo na siya. "Boss may bisita po kayu sa loob, pasensiya na boss ayaw papigil eh, nagpumilit pong pumasok..." "You're fired!" sigaw ni boss at hinila na akong pumasok, kawawa naman 'yung babaeng malaki ang hinaharap kahit inirapan n'ya ako naawa pa rin ako. "Boss bakit mo ginawa 'yun wala naman kasalanan 'yung sexytary mo?" tanong ko. "Tsk, I didn't f*cking care..." nasabi na lang ni boss pagpasok namin sa pinakang table nito may nakaupong babae sa table ni boss. Ang damit ng babae kinulang sa tela at talagang kitang kita ang hinaharap n'ya, sige na kayu na malaki, nakakaliit naman at nakakababa ng self defense ang mga babae sa company ni boss. Uso ba 'yun? Pero kung pagandahan ng mukha, uuwe na ako. Talo rin ako eh. Ayoko na talaga sa Earth! "Hi my future husband, who is she?" malanding lumapit at yumakap ito kay boss at hinimas himas pa nito ang dibdib ni boss. Ang landi niya! "She's my wife so f**k off!" Maadiin na sabi ni boss at tinulak ang babae. "Hindi 'yan totoo malapit na tayo ikasal sabi ng daddy mo!" desperadang sabi nito. "Si Daddy ang pakasalan mo, get out!" kawawa naman 'yung babae, para ng iiyak eh. Lalapit sana kay boss ang babae ng itulak ito ng marahas ni boss. Kaya napaupo na lang ito. "Umalis ka na!" "Babe..." tumayo ang babae at pilit na humahawak kay boss. Napapailing na lang ako, ganiyan talaga siguro ang nagagawa ng pagmamahal. "Huwag kang gumawa ng gulo dito, umalis ka na... bago pa ako hindi makapagpigil..." "Hindi ako titigil mapapasa-akin ka rin! Aagawin kita sa babaeng 'yan!" sabi pa ng babae, bago umalis padabog pang sinara ang pinto. Disperada ang gaga, natatawa na lang ako kung totoong may relasyon kami ni boss baka lagas na ang buhok niya. "Tsk, woman make some coffee for me!" utos ni boss sa akin mabuti at may water dispenser s'ya dito. Pagkatapos kong magtimpla binigay ko na sa kan'ya. Mga ilang oras na akong nandito, wala naman akong natanggap na utos. ano'ng gagawin ko dito maghapon manonood sa kan'ya, habang nagtitipa s'ya sa laptop n'ya? Bigla naman nag-aalburuto na mga bulate ko sa tyan kailangan ko nang kumain kaya lumapit ako kay boss. "Boss?" tawag ko sa rito. "What?" matipid na tanong nito, habang 'di pa rin tinatanggal ang paningin sa computer. "Pwede bang lumabas muna ako bibili lang nang makakain, nagugutom na ako..." "No, magpa-deliver na lang ako..." sabi nito at inihinto ang ginagawa at kumuha ng cp at may tinawagan at sinabi n'ya 'yung order. "Done, wait for a moment... darating na 'yun..." sabi nito at tumutok na naman sa laptop n'ya. Ako naman bumalik na sa inuupuan kong sofa. Maya maya lang may kumatok na sa pinto kaya agad kong binuksan ito. "Delivery for Mr. Korizaki!" "Magkano po?" tanong ko "1.8k po lahat!" sagot ng delivery boy. Kaya nahihiya man lumapit ako kay boss, wala naman akong pang bayad dito kasi nga ang balak kong kainin 'yung street food lang para kasing may nakita ako do'n sa labas eh. "Boss..." tawag ko "Here!" inabot nito agad ang 2k. "Thank you, Boss!" sabi ko at pumunta na kay delivery boy at inabot ang pera naghagilap naman siya ng panukli. "Ma'am, I'm sorry wala ho akong barya pwede ho bang ibalik ko na lang?" tanong nito sa akin, pero hindi pa ako nakakasagot si boss na ang sumagot. "Keep the change!" sabi ni boss, ano daw sayang naman ang 200 pesos. "Aalis na po ako, boss, ma'am! Maraming salamat, um-order sana ulit kayo! Enjoy your meal!" sabi nito at umalis na. Grabe naman si boss 200 din 'yun, ako nga piso lang nawala sa akin naiiyak na ako tapos s'ya binibigay n'ya lang? "Boss sayang 'yun?" apila ko. Akala mo naman sa aking pera no? "I don't care..." masungit na sabi n'ya, kaya 'di na lang ako umimik. Inayos ko na sa lamesa ang kakainin namin. "Boss, nakahanda na! Kain na tayo!" aya ko rito. "No, hindi pa ako nagugutom. Sa'yo lang 'yan!" sabi nito nang hindi natingin sa akin. "Sure ka boss?" tanong ko. "Yeah," sagot nito. Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Lapang na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD