Nandito na ako ngayon sa kuwarto ni boss nagkukuwentuhan, 12 midnight na hindi pa kami makatulog eh. Siguro dala pa rin ng kasiyahan ito. "Nga pala, akala ko ba hindi pa kayo ayos ni Kerswel?" basag katahimikan ko. "Kanina lang kami nagkaayos," aniya. "Ahh paano?" tanong ko pa. "Kanina nakasalubong ko sila habang papunta ako speaker room," sabi n'ya "Ahhh gano'n mabuti at ok na kayo..." ayaw ko kasing nag-aaway sila dahil lang sa akin, nakaka-guilty. "Hindi ko kasi kaya na iniisip mo kami na magkakaaway, sabi ko sa'yo 'di ba gagawin ko ang lahat para sa'yo... "Thank you boss," sabi ko sa kan'ya at niyakap s'ya. "Don't call me boss, honey..." aniya. "Ano naman itatawag ko sa'yo sweetypie?" birong sabi ko, sumama naman ang timpla nang mukha n'ya nakakatuwa s'ya ang cute. "So co