Pagkatapos ko mag-asikaso, lumabas na ako ng kwart. Nagulat pa ako dahil naka-abang na pala si boss sa pintuan, himala at hindi s'ya nagmamadali ngayon. "Let's go, honey!" aya nito at nilahad ang kamay sa'kin, agad ko naman itong inabot. Bumaba na kami at dumeretsyo ng parking lot s'ya na raw ang mag-drive. Nakakapanibago tuloy kasi, ako no'n nagsisilbi sa kan'ya ngayon s'ya na. "Honey, mas'yado kang maganda ngayon." aniya sa'kin, naglagay lang naman ako ng konting lipstick tsaka face powder grabe na talaga s'ya baka lumaki na ulo ko nito. "Bolero," natatawang ani ko. "Hindi naman kita binobola, nagsasabi lang ako ng totoo. I'm scared honey, baka maagaw ka sa akin. F*ck! Subukan lang nilang agawin ka, hindi na sila sisiktan ng araw. " Sabi nito, normal ba talaga sa kan'ya ang pagiging