"Wifey ano ba, hindi mo ba ako naalala?" tanong ko. "Hindi nasaan na ba ang asawa ko?" tanong n'ya sa'kin. "Argh, ako nga ang asawa mo!" pilit ko rito. "Ang kulit mo, hindi nga ikaw ang asawa ko! S'ya ang asawa ko!" sabi n'ya at tinuro si Klint na kakapasok lang. P*tang ina. "Are you serious?" tanong ko sa kan'ya. F*ck sa dami dami nang hindi dapat makalimutan, ako pa ang nalimutan nakakainis. Ang maalala pa kaibigan ko pa ang nakilala n'yang asawa, nakakaasar! "Ikaw ang asawa ko 'di ba?" tanong ko. Sabi n'ya kay Klint kaya sinamaan ko nang tingin si Klint, subukan n'yang lumapit sa asawa ko papatayin ko s'ya. "What?" tanong ni Klint. "Hubby naman, bakit ayaw mong lumapit sa akin? Ikaw ang asawa ko eh! I miss you! Alam mo bang akala ko hindi na talaga kita makikita?" aniya at lumuh