Ang sarap ng kain ko nang biglang dumating ang mga kaibigan ni boss. Ang ingay na tuloy, grabe akala mo naman nasa palengke sila.
"Mamaya na tayo, bibili muna ako ng pagkain... nagugutom na ako!" sa palagay si Mr. Cute ang nagsasalita.
"Alam mo Jaril, uminom ka na lang ng pang purga! Baka puro bulate na 'yang t'yan mo, parang may halimaw eh palaging gutom!"rinig kong sabi ni Mr. Manyak, kabisado ko na boses no'n eh.
"Yow wazzup boss!" bati ni Mr. Basugalero kay boss.
"Hi miss? Nandito ka rin pala?"
"Ay wala ako rito, hindi mo ako nakikita 'di ba?" sarcastic na sagot ko kay Mr. Manyak.
"Ang sungit, flat naman!" sinamaan ko ng tingin Ito, aapila na sana ako kung hindi lang sumigaw si Jaril.
"Miss, pahingi ako please gutom na ako!" lumapit sakin si Mr cute at nilantakan ang pag Kain ko aba't hindi pa nga ako pumapayag eh kinain agad. Ibang klase siya.
"Mr. Cute huwag mo akong ubusan!" angal ko, paano grabe kung makalantak akala mo sa kaniya. May sinabi naman ito kaso hindi ko maintindihan kasi nga puno bibig niya.
"Ang takaw mo talaga Jaril, hindi naman sa'yo 'yan. Tch, tch! Mabilaukan ka sana!" sigaw ni Mr. Basugaler, maya maya nga nabilaukan si Jaril. May sumpa yata ang sinabi ni Mr. Basugalero eh. Tumingin siya sa amin at sumenyas ng tubig.
"Ayan kasi katakawan!" asar ng mga kupal na kaibigan nito. Naawa naman ako, dahil mukhang mamatay na siya kaya kinuha ko ang bote na mahawakan ko at iyon ang sinalin sa baso tapos inabot ito sa kaniya. Natawa naman kami nang bigla nitong ibuga ang tubig.
"Ang bastos mo, Jaril!" ani ng mga kaibigan nito.
"Tang*na, bakit ang asim!" sabi nito. Tinignan ko ang nailagay ko sa baso, sh*t suka pala ang nailagay ko. Hindi kasi ako nakatingin sa ginagawa ko, nagkamali tuloy ako. May suka dito kasi trip ko 'yun pinabili ko pa kay boss ito kanina. Ang kapal rin ng mukha ko no? Ang problema um-order ng isang 500ml si boss ng suka, hindi ko naman akalain na mapagkamalan ko na tubig 'yun.
"Sorry Jaril, suka pala 'yan..." nahihiyang ani ko, pero ang totoo gusto ko na talagang tumawa dahil sa katangahang ginawa ko.
"May galit ka ba sa akin, Miss?" serysosong tanong nito na nakapagpakaba sa akin, ay sh*t nakakatakot siya. Para kasi siyang papatay sa itsura niya ngayon, hindi ko naman sinasadya 'yun.
"Wa... wala..." takot na sagot ko. Bigla naman binatukan ni Mr Manyak itong si Jaril. Kaya nawala ang pagka-seryoso sa awra nito.
"Kawawa ka naman, ayan kain pa ng hindi sa'yo ha?"
"Buraot ka kasi!" pang aasar pa nila. Nagtawanan naman sila maliban sa tatlo si boss si Mr. Sungit at Mr. Magdalena na tulog na naman sa sofa wala ba talaga siya'ng kasawaan matulog? Nakita kong kukunin na sana ni Mr. Cute ang juice ko nang agawin ko ito.
"Akin to!" sabi ko at ininom ang juice
"Hati tayo please!"
"Ubus na!" sabi ko ng makabawe manlang inubos n'ya pagkain ko eh, tumakbo naman agad s'ya sa water dispenser at uminom.
"Sh*t, bakit ang init!" nagulat kami sa sigaw nito. Natawa na lang ako bigla, paanong hindi siya maiinitan eh 'yung pula ang pinindot niya. Natawa na lang rin ang mga kaibigan nito sa kaniya, dahil sa katangahan nito.
"Jaril, hindi ko sinasabing ang tanga mo huh? Pero parang gano'n na nga!" sabi bigla ni Mr. Sungit kaya mas lalo kaming natawa. Kasi akalain mong napansin 'yun ni Mr. Sungit? Minsan na lang magsalita may tama pa.
"Ang sama mo naman, huwag ka na nga magsalita, ang init napaso ang dila ko!" sabi nito habang naglalakad papunta sa upuan.
"Sa dami ba namang t*nga dumagdag ka pa!" banat naman ni Mr. Magdalena.
"Alam niyo kayong dalawa, buwisit kayo! Magsasalita na lang kayo, nakakasakit pa!" nakasimangot na sabi ni Jaril.
"Masakit talaga ang katotoohanan, Jaril!" sabay na sabi ng dalawa.
"Mga bwisit kayo!" inis na sigaw nito, kaya natawa kami.
Maya maya lang nagpaalam sila sa akin na kakausapin muna nila ang boss nila. Tapos saglit lang rin, umalis na sila. Kaya bigla akong naburyong, wala na kasing maingay. Si boss naman, tahimik lang nagtitipa pa rin sa laptop niya. Saka kahit ano'ng gawin mong kausap sa kaniya masasayang lang laway mo, asa kang kausapin ka niya'n. Ilang oras pa ang lumipas talagang, wala siyang balak umuwe. Ano'ng oras na kaya gabi na, tutuk pa rin siya sa laptop. Kanina nagpa-deliver na lang siya ng pagkain. Ako naman ito, pilit na nililibang ang sarili. Hanggang sa humikab na ako, dahil inaantok na talaga ako kanina pa. Pinipigilan ko lang, baka mapagalitan ako eh. Lumipas pa ang sandali, hindi ko na napigilan ang antok ko kaya humiga na ako at hinayaan ang sarili na makatulog.
___
Nagising akong nasa kuwarto na ako. What the? Paano ako nakarating dito? Ang Aaam ko nasa office ako ni boss natulog ah? Don't tell me binuhat ako ni boss papuntang sasakyan para maihatid ako dito?
*Hell Gavin pov*
"Sign or die?" banta ko sa matandang gurang na ito ayaw pang pirmahan eh. "Ayaw mo pirmahan? Madali naman akong kausap. You have a family right?" nakangising tanong ko rito.
"Maawa ka, huwag ang pamilya ko... huwag mo sila idamay dito, wala silang alam!" pagmamakaawa n'ya sa akin, isa s'yang Drug Lord kaya gusto ko lang makihati sa pera n'ya mabuti at pera lang kinukuha ko eh pero subukan niyang magsumbong lalabas ang baho niya.
"Ok fine, pirmahan muna ito..." sabi ko rito. Kinuha nito ang papel at pinirmahan.
"Please huwag ang pamilya k----" hindi ko na s'ya pinatapos magsalita binaril ko na agad s'ya sa ulo. Uto uto tsk dapat lang na hindi na siya mabuhay sa mund para hindi na siya muling makapinsala ng mga kababaihan tsk.
"Nice one boss, the best ka talaga!" sigaw nila, napailing na lang ako.
"Linisin niyo ang kalat, and make sure na walang maiiwan na ebendensiya! Maliwanag?" sabi ko bago ako umalis sa torture room dito namin ginagawa ang pagpatay sa mga masasamang tao. alam kong masamang tao rin ako pero may mas masama pa sa akin ayun ay ang mga ganid gagawin lahat para makuha ang gusto. Marami na silang inapi pero patuloy pa rin silang nabubuhay sa mundo, kaya ako na ang tatapos sa kanilang kasiyahan.
"Yes boss!" tumango na lang ako at umalis na at umuwe sa bahay, kailangan ko na rin magpahinga kasi nakakapagod ang araw na ito.