11pm na pero hindi pa rin ako makatulog mula nang magising ako kanina. Kaya naisipan ko na lang magpahangin sa veranda. Tumayo ako at tumanaw sa malayo, ang sarap naman ng hangin, nakakarelax para kang hiniheli. Bigla naman akong napabuntong hininga nang maalala ko na naman sila. "Kamusta na kaya sila Mama at Papa? Sobrang namimiss ko na sila, sana kasama ko sila ngayon, sana hindi muna sila kinuha sa akin..." bulong ko habang nakatingin pa rin sa langit. Napaiyak na lang ako kasi ang hirap kasi mag-isa. Wala kang kakampe, ang unfair kasi bakit kinuha agad sila sa akin? Pinunasan ako ang luha ko na patuloy pa ring umaagos, t*ngina akala ko manhid na ako. Akala ko, kaya ko na lahat kahit mag-isa lang ako. Pero iba pa rin pala kapag kasama mo sila, ang hirap minsan gusto kong magpahinga pe