"Miss. Tirahan mo naman ako, halos maubus muna ang pagkain eh!" angal ni Mr. Cute. Tinarayan ko lang ito, ang sarap kaya kumain.
"Marami pa kaya, kumain ka na baka ubusan talaga kita!"
"Marami? E----h halos maubos muna lahat!" angal pa nito, pasalamat 'to cute s'ya, kun 'di kanina ko pa ito sinampal. Ayoko kasing iniistorbo 'pag kumakain eh.
"Huwag ka magpout ang cute mo!" sabi ko habang puno ang bibig.
"Don't talk when you're mouth is full Woman!'' sigaw ni boss, grabe highblood agad?
"Asharap kasi boss!" sagot ko.
"Tch! 'Di makaintindi?" ani boss, imbis na sumagot kumain na lang ako baka mamaya magbuga pa 'yan ng apoy.
Kakainin ko na sana ang nag-iisang fried chicken nang kunin 'yun ni Mr. Cute.
"Miss. Naman maawa ka na sa'kin! Akin na 'to kasi halos lahat kinain mo na!" pagmamaktol n'ya sa'kin
"Hayaan muna Jaril! Ngayon ka lang magugutom eh!" ani Mr. Basugalero. Ang bait naman.
"Sabi ni mommy, huwag raw ako papagutom! Baka raw magkasakit ako..." ani Mr. Cute. Natawa ako, hindi naman halatang nagugutuman s'ya?
"Bro, magpaubaya ka na, dapat ang lalaki mapagbigay!" sabi ni Mr. Manyak, gentleman rin pala ang loko. Manyak nga lang.
"Okey fine! Sige na sa'yo na! Magpapaluto na lang ako kay Manang!" sabi n'ya sa 'kin at inabot ang isang manok, kinain ko agad baka magbago pa ang isip.
Bigla naman akong napadighay nang mabusog na 'ko pagtingin ko, nakatingin sila sa 'kin. Kaya napakamot ako sa batok. Nakakahiya!
"Sorry," nakangiwing ani ko.
"Tch. Where is you're manner?" tanong ni Mr. Sungit. Gosh nakakahiya!
Hindi na ako nakasagot sa sobrang hiya. Nang matapos kami kumain, kaming dalawa ni Manang, ang naghugas.
"Manang puwede ho ba ako magtanong?"
"Oo naman hija, ano ba 'yon?" tanong nito.
"A----h eh kasi manang, hindi ko pa alam ang totoong pangalan ni boss. Ano po bang pangalan n'ya?'' nakikita ko nga s'ya sa pahayagan, pero hindi naman totoong pangalan n'ya ang nababasa ko. Kun' baga code name lang n'ya ang alam ko. Dark Demon mafia 'yan lang, never rin naman ako nagka-interes sa kaniya.
"Gano'n ba? Bakit hindi mo sa kaniya tanungin?"
"Natatakot po ako magtanong, mamaya magbuga ng apoy 'yon!" sagot ko, awra pa lang no'n nakakatakot na eh.
"Nakakatakot nga ang batang 'yon, pero mabait ang batang 'yon hija. Tanungin muna lang s'ya, dahil ayaw n'ya pinagsasabi ang pangalan n'ya." Mabait raw? W—eh? Halimaw nga 'yon, nakakatakot. Sa tingin si siguro ni manang mabait siya pero para sa akin hindi.
"A--h gano'n po ba? Sige po, salamat po! Tanungin ko na lang mamaya.''
Pagkatapos namin maghugas tumaas na 'ko.
__
Pagmulat nang mga mata ko nakita ko, agad ang guwapo kong boss na nakatayo malapit sa kama ko at unti unting nilapit ang mukha sa 'kin. Hanggang sa lumapat ang labi nito sa labi ko. Gosh! Ang first kiss ko? Hindi agad ako nakapalag, hanggang sa tinulak ko na s'ya.
"Bastos! Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo, Boss?'' hindi ako nito sinagot at hinapit ako nito sa bewang. Holy sh*t! Pakiramdam ko ang pula na ng pisngi ko. Gusto kong pumalag, pero ayaw ng katawan ko.
"Pagbigyan muna ako... naaakit ako sa'yo..." malambing na ani nito, parang hindi ito si boss? Hindi kaya nanaginip lang ako? Naramdaman kong hinihimas nito ang d*d* ko. Gosh! Hindi pa ako ready para sa ganito.
"Boss tama na!'' sigaw ko agad akong napabangon sa kama, gosh panaginip lang pala. Akala ko totoo na, inayos ko ang sarili ko.
Maaga pa lang umalis si Boss. Tumulong na lang ako sa gawaing bahay, habang inaantay ang boss ko. Nang matapos pumunta rito ang isang kaibigan ni boss, hinahanap si boss tapos umalis rin agad.
__
"Babae, sumunod ka sa 'kin!'' sumunod agad ako rito, dahil iba ang awra n'ya ngayon. Kakarating lang nito sa bahay, para s'yang badtrip na badtrip base sa awra nito ngayon. Ano kayang nangyari sa kaniya? Sumunod ako rito, sumakay kami ng elevator hanggang sa office n'ya. Nakaramdam ako nang sobrang kaba dahil baka sa badtip nito, ako ang pagbuntunan.
"Umupo ka!" malamig na ani nito. Umupo agad ako dahil sa takot. Tumungo lang ako, hindi ko kayang tignan si boss dahil sa sobrang lamig nang awra nito. Kinakabahan ako, namamawis nang malamig ang mga kamay ko. Gosh!
"Mula bukas magpapanggap ka bilang fiancé ko!"
"What?!" gulat na tanong ko.
"Huwag mo ako paulit ulitin babae!" galit na sigaw nito sa 'kin. "Wala kang karapatan tumanggi dahil slave kita? Baka nakakalimutan mo? Kaya puwede kong ipagawa sa'yo lahat!'' sigaw pa nito sa'kin. Parang gusto tuloy kumawala nang mga luha ko. Oo nga slave nga pala ako ng taong 'to.
"Okey..." nakayukong pagsang ayon ko.
"Good! Magpractice ka na umarte nang eligante at kung paano maging sweet!" ani nito. "Dahil sa tingin ko sa'yo, hindi mo alam ang pagiging sweet at pagiging eliganti sa obserbasyon ko pa lang sa'yo, wala ka no'n." Ani nito, parang minamaliit n'ya ako. Tama naman s'ya hindi ko kayang makipagsabayan sa buhay na meron s'ya. Dahil hindi naman ako pinanganak na mayaman kagaya n'ya.
"Okey..." sagot ko, paano ako matuto agad na maging katulad n'ya kung bukas na ang umpisa nang pagpapanggap ko? Parang gusto ko na lang umiyak dahil napi-pressure ako sa mga sinasabi n'ya.
"Be ready, tomorrow pupunta tayo sa bahay nila Lolo. Kailangan mapaniwala na'tin sila na mag-fiancé tayo. Dahil kun 'di ipapakasal nila ako sa babaeng hindi ko gusto." Huh? Bukas agad? Grabe naman. "Huwag kang tanga-tanga babae kasi malilintikan ka sa'kin, maliwanag?"
"Naiintindihan ko!" grabe para na akong mahihimatay sa sobrang kaba. Gosh! Sobra s'yang nakakatakot.
"Good! Mabuti nagkakaintindihan tayo." Ani nito at hinimas pa ang sintido "Sige na makakaalis ka na, tandaan mo lahat nang sinabi ko!" ani pa nito kaya tumayo na ako at nag-bow sa kaniya.
"Sige po aalis na ako, tawagin na lang ninyo ako kung may kailangan kayong ipagawa!" ani ko at lumabas na. Huminga ako nang malalim nang makalabas ako, para kasi akong mawawalan nang hininga sa mga sinabi nito. Kinakabahan ako para bukas, hindi ko alam kung paano ako a-arti ng eligante sa harap ng pamilya ni boss. Argh bakit kasi ako pa? Puwede naman humanap s'ya nang iba. Wala na akong magagawa, dahil slave n'ya ako. Hay bahala na bukas.