Pagpasok namin sa loob na-amaze ako dahil super duper ganda. Inilibot ko ang paningin ko at may nakita akong iba't ibang painting. Naagaw naman nang pansin ko ang napakalaking painting ng isang magandang babae. Sino kaya s'ya? Napansin kong ang daming mibs sa loob at labas, pati na roon sa gate papunta rito. Kung sakaling tatakas ka pala rito, hindi ka na makakalabas nang buhay. Ibang klase, ang yaman pala ng lalaking 'yon.
"Shairly paki-sara ang bibig, hindi tayo pumunta rito para tuluan mo ng laway ang mansion ni boss. Maarti pa naman 'yon, sige ka baka mapatay ka no'n!" pananakot sa akin ni Mr. Manyak. Kaya naman sa takot ko, pinahid ko agad ang bibig ko. Wala naman eh, manloloko talaga ang lalaking 'to. Napakunot noo ako nang makita kong tumawa ito, hawak pa nito ang t'yan. Kulang na lang maglampisaw s'ya sa sahig eh.
"Bakit?" maang na tanong ko.
"Ibang klase ka talaga! Ang bilis mong maniwala hahaha! Nagbibiro lang ako eh!" ani nito at tumigil na sa kakatawa. Sinamaan ko s'ya ng tingin, ano bang meron sa lalaking 'to? Palagay ang loob ko sa kaniya kahit ngayon ko lang naman s'ya nakilala.
"Oh bakit nakatingin ka sa akin? Natulala ka na ba sa aking ka-guwapo?" ani nito kaya naman iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.
"Buwisit ka talaga! Ikaw guwapo? Saan banda?" guwapo naman talaga s'ya, pero syempre hindi ko sa kaniya sasabihin baka lumaki ulo n'ya.
"Halata naman na guwapong-guwapo ka sa akin! Ayaw mo Lang aminin" ani pa nito at kinindatan pa ako sinamaan ko nga ng tingin tch.
"Hoy hindi ka guwapo para sa akin!" ani ko.
"Sus! Nag-deny pa, baka malaman ko crush mo na pala ako! Huwag kang aamin sa akin. Hindi kita kayang panindigan!" ani nito at tumawa pa nang malakas, kun 'di rin loko ang lalaking 'to eh. Ang yabang, hindi ako magkakagusto sa kaniya. Duhh never! Kakatawa n'ya bigla s'yang nasamid, kaya naman ako naman ang napatawa. Ayan karma n'ya yan.
"Oh ano? Nasamid ka? Gago ka kasi eh! Karma mo 'yan!" pang aasar naman ni Mr. Basagulero.
"Ayan kasi mas'yado kang manloloko! Na-karma ka tuloy!" ani naman ni Mr. Cute at pinagtawanan pa, naawa tuloy ako.
"Wait lang pre kuha lang ako ng tubig!" ani Mr. Basagulero at umalis na. Tinapik ko naman ang likod n'ya, naawa kasu ako. Namumula na kasi ang mukha n'ya dahil sa sinasamid nga s'ya. Feeling close lang ako no? Nang bumalik si Mr. Basagulero may dala na itong tubig at agad rin, pina-inom kay Kerswel. Nang maging maayos na s'ya, pinaupo muna namin s'ya.
"Ano lasa?" nakangising tanong ni Mr. Basagulero, palagay ko may ginawang kalokohan 'to sa tubig na binigay n'ya.
"Nothing! Thanks bro!" ani Kerswel.
"Walang anuman! Mabuti naman walang lasa, kinuha ko kasi ang tubig na 'yan sa inidoro!" ani Jeckson at tumawa naman sila. Ako naman nandriri, jusko seryoso? Mga gago pala ang mga taong 'to. Halos ma-suka naman si Kerswel dahil sa narinig, hindi ko na alam kung ma-aawa ako o tatawa sa itsura n'ya ngayon eh.
"Hay*p ka Jeckson papatayin talaga kita!"
"Just kidding bro! Ano? Alam muna ang pakiramdam nang niloloko?" tanong ni Jeckson.
"Ewan ko sa'yo!" inis na ani Kerswel. Nagtawanan na lang kami, sorry hindi ko na napigilang tumawa eh.
"Mga hijo! Nand'yan na pala kayo! Oh may kasama pala kayong babae, asawa mo ba 'yan Kerswel?" Halos masamid naman kaming dalawa ni Kerswel sa tanong ni manang. Seriously naisip 'yun ni Manang? Gosh!
"Manang, hindi ko asawa 'yan! Nakakasuka naman kung s'ya lang magiging asawa ko! Magpapakamatay na lang ako!" ang yabang ng lalaking 'to, puwede ko bang sapakin 'to? Nakaramdam naman ako ng hiya, ewan ko pero parang nasaktan ako sa sinabi n'ya.
"Paumanhin Hijo, hindi ko alam. Huwag kang gan'yan sa babae, hindi ka dapat magsalita nang gan'yan sa isang babae!" nanahimik naman sila, hanggang sa basagin ni Mr. Cute ang katahimikan.
"Manang may pagkain na ba?"
"Oo! Saglit at ihahanda ko lang!" ani Manang at aalis na sana ng pigilan ito ni Jaril.
"Ako na kukuha manang! Gutom na ako eh!" ani Jaril at tumakbo na papunta sa kusina.
"Mabilaukan ka sana!" sigaw nila, puwera lang kay Klint na tahimik lang.
"Manang s'ya si Shairly, paki hatid na po s'ya sa magiging kuwarto n'ya. Pinadala lang po sa amin 'yan dito ni boss!" grabe naman, sana huwag isipin ni manang na prostitute ako sa pagkakasabi ni Kerswel.
"Oh s'ya sige! Tara na hija!" ani nito at nauna nang lumakad, tumingin pa ako sa mga lalaking kasama ko bago ako sumunod kay manang.
"Hija kilala mo ba ang mga lalaking kasama mo? Lalong lalo na si Hell?" Hell? The Hell! Choss, grabeng pangalan 'yan, impyerno?
"Opo, ang alam ko mga mafia boss sila at mga delikadong tao." Ani ko, 'yon lang naman ang alam ko eh.
"Mabuti at alam mo, mag-ingat ka sa kanila lalo na kay Hell!" tumango lang ako, dapat lang na mag-ingat ako sa isang 'yon. Dahil awra pa lang no'n nakakatakot na. Sumakay kami sa elevator at bumaba kami sa 3rd floor. Nakakatakot naman pala rito, ang dami kasing bantay. Lumakad kami sa mahabang hallway at huminto kami sa isang itim na pinto, puro itim naman lahat ng kuwarto rito.
"Hija, ito na ang kuwarto mo pumasok ka na! Baba na ako at a-asikasuhin ko muna ang mga kaibigan ni Hell!" ngumiti ako rito at nagpasalamat. Pagka-alis ni manang pumasok na ako, napa-wow ako dahil ang ganda ng kuwartong ito. Akala ko ba slave ako, bakit ang ganda ng kuwarto ko? Dapat nasa maids room lang ako 'di ba? Ah bahala na. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto, kompleto na ang lahat. Ang ganda ng closet punong puno ng mga damit, pati na ang cr dito ang ganda. 1/4 lang nang inu-upahan ko ito eh. Habang naglilibot ako may isang pinto akong nakita. Kahit hindi ko alam kung para saan 'to, binuksan ko. Isa pa palang kuwarto ito, connecting door pala ito. Mas malaki ang kuwarto na ito kaysa sa kuwarto ko, nilibot ko ang paningin ko. Napukaw ulit nang pansin ko ang isang malaking painting ng isang babae, kagaya no'ng nasa sala kanina.
"What are you f*cking doing here, Woman?" nagulat ako sa nagsalitang lalaki. Napalingon ako sa lalaki, oh gosh! Si boss pala. Napatulala naman ako rito dahil wala itong damit, kaya kita ko ang six pack abs n'ya. Hoy huwag kayong ano d'yan nakatapis s'ya, kayo talaga kung ano anong iniisip n'yo. Parang ang init, parang gusto ko rin maghubad choss!
"S--so--sorry! Hindi ko alam boss na kuwarto mo ito!" ani ko nang magising ako sa pagkatulala.
"Get out of here woman! Now!" sigaw nito kaya naman agad na akong napatakbo papasok sa kuwarto ko. Gosh! Nakakatakot s'ya, para s'yang dragon na bumubuga ng apoy. Pero sh*t! Ang hot n'ya. Ay ang landi Shairly? Pumunta na lang ako sa bed ko at doon nagtatalon, kasi nahihiya ako sa pingagawa ko.
Napatigil ako nang may kumatok. Kaya naman pumunta ako sa pinto para pagbuksan ang kumakatatok.
"Madame Shairly, bumaba na raw kayo at kakain na!" ani ng babae.
"Oo sige baba na ako." Tumango ito at umalis na. Ako naman inayos ko muna ang sarili, ang hagard kasi ng mukha ko. Bumaba na ako at nakita ko agad ang mga kaibigan ni boss.
"Kain na tayo Shairly!" ani Mr. Cute, kaya napangiti ako rito. Napatingin naman ako kay boss, nakatingin rin pala ito sa akin kaya agad rin akong umiwas ng tingin. Ang lamig kasi ng tingin n'ya dinaig pa ang yelo.
"Sit down!" mahinahong sabi ni boss, hindi ko naman alam kong ako ba sinasabihan n'ya. "I said sit down!" sigaw nito.
"Shairly umupo ka na!" sabi sa'kin ni Mr. Cute, ako pala sinasabi n'ya? Malay ko ba ayaw kong mag-assume eh. Umupo ako sa tabi ni Mr. Sungit.
"Sit beside me!" inis na sabi ni boss, hindi ko siya pinans dahil baka hindi akon 'yun. "Umupo ka sa tabi ko babae!" ani nito kaya naman napalipat ako ng upo, at kumain na ng kumain. Ang dami kaseng pagkain, nakakatakam lahat.