CHAPTER 2

1495 Words
My tears like choking me. Napahawak ako sa dibdib ko, sumasakit ito sa tuwing iiyak ako, pati na rin ang ulo ko. Pinilit kong pumasok sa classroom kahit na nanghihina ako. Mukhang marami naman na nakapansin, ang iba nakangisi pa at mukhang masaya pa silang pinapanood ako. "Good morning, class!" Bati ni Miss Cathalina, our professor. Tumingin naman siya sa akin saglit kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya, ayaw niya rin akong nandito at ramdam ko 'yon. Sa paraan pa lang ng tingin at pananalita niya sa akin. "Walang pinagbago, Ms. Dela Cruz, ah? Pangit pa rin," pambu-bully ng teacher kaya nagtawanan naman silang lahat. They all laughed. "Kasi po ma'am wala naman po siyang ikagaganda kahit anong gawin niya!" "You are right!" Napatungo ako at mas lalong sumikip ang dibdib ko, ayaw ko nang magpigil ng luha pero sobrang sakit na ng mata ko sa kakaiyak araw araw. I promise, if I become a teacher, discrimination is not visible to me. Hindi ako magiging ganito sa magiging estudyante ko "Umiyak ka na, Ms. Dela Cruz, nahihiya ka ba sa mga classmates mo?" Miss Cathalina said again without cutting her stares at me while grinning. "Iiyak na 'yan!" "Iiyak na 'yan!" "Iiyak na 'yan!" "Iiyak na 'yan!" Hindi ko na nakayanan at napahikbi na ako. Naririndi ako sa mga naririnig ko. "Pinaiyak niyo lagot kayo!" "Sabi na e, hindi talaga ako tinitigilang pasayahin ng reyna ng mga shokoy!" "Magsusumbong 'yan sa kapwa aso niya!" Umalingawngaw ang tawa nila sa buong classroom. Pinagbabato din nila ako ng mga papel na may laman pa atang bato. Iyak lang ako nang iyak habang tinatakpan ang sarili ko gamit ng bag ko. Nasasaktan ako. Bawat pagtama ng mga papel sa balat ko ay nagkakaroon ng malakas na impact, lalo na nang matamaan ang mukha ko. "T-Tama na po," nahihirapang pakiusap ko pero nanatili silang binabato ako kaya naman mabilis akong tumayo upang tumakbo pero laking gulat nang pinatid nila ako dahilan para mapadapa ako at mahalikan ang sahig. Lalong lumakas ang tawanan nila. Nanghihina akong tumayo at pinilit kong tumakbo palabas habang umiiyak. Nagpunta ako sa lugar kung saan ako nakatambay, sa likod ng C.R. Ito lang kasi yung lugar na walang estudyante na mang-aaway sa akin. Bakit kasi ang hina hina ko?! Bakit hindi ko sila kayang labanan? "A-Ayoko na..." I said in a rasping tone while massaging my chest, "ang sakit-sakit na!" Kakayanin ko pa ba? Paano ko lalagpasin lahat ng struggles na 'to if they maltreated me? "James, help me," I murmured, thinking that he would come for me. Tumingala ako at pumikit. Lord, bakit nangyayari yung mga bagay na 'to sa akin? Gaano ho ba kalaki yung kasalanan ko para po pahirapan po ako nang ganito. "Ayoko na, ayoko na, ayoko na!!" Hindi ko na pinansin kung may makakarinig pa sa sigaw ko, gusto kong maglabas ng sama ng loob. Araw-araw na lang ganito ang eksena. Hindi na ako nasanay. 'Do I deserve this life? Puro lait? Hindi ko naman hiniling na magustuhan ako ng ibang tao, gusto ko katahimikan at walang gumugulo, kasama ang mga taong mahal na mahal ko sa buhay.' Lahat na lang kontrolado, lahat na lang ng bagay na gusto kong gawin may kontra. Gusto ko nang magbago yung buhay ko. "Ugh!" Nasabunot ko ang buhok dahil sa sobrang inis. 'Stand up and know the truth' 'Stand up and know the truth' May bulong akong naririnig. Naririnig ko ang sarili kong boses. Sa hindi inaasahan, napasunod ako sa narinig ko. Anong totoo? Anong aalamin ko? "What the, she looks crazy. Pangit na nga, baliw pa." Napatingin ako sa nagsalita. Parang may nagtutulak sa akin na labanan ko siya. Napapikit ako ng mariin at napaatras. Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa katawan ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang salamin ko sa mata at bumaling sa taong nagsalita. "Tell me again who is f*cking crazy?" A smile came on my lips and I approached where she was. "Who's f*cking crazy?" "A-Are you scaring me?" she stuttered a question that made me laugh. I grabbed her by the collar and looked her straight in the eye. A car. She will die in a car. She will be hit by a car tonight. At exactly 7:45 p.m. Another smile appeared on my lips. "Rest in peace. You'll die soon." I pushed the student hard to get away from me. She sped off and even dropped her I'd. Napahawak ako sa pader nang biglang umikot ang paningin ko kaya agad kong isinuot ang salamin ko. Wala namang grado ang salamin ko pero hangga't isinusuot ko 'to nawawala ang pagkahilo at sakit ng ulo ko. Anong nangyari? 'ALAM kong balang araw ay matitigil na ang mga panlalait niyo sa akin, sinisiguro ko 'yan' Nagbuntong-hininga ako at tumingala ulit sa langit, pagkatapos ay tumango. Pumasok ulit ako sa Classroom at napayuko. Tumingin naman silang lahat sa akin, ngunit diretso lang ang tingin ko sa bangkuan ko. "Ms. Dela Cruz, you're late. We will be having a long quiz today, so I'll give you 5 minutes to review," sabi ni Prof. Callie, prof namin sa Creative Writing. Agad ko namang kinalkal ang bag ko. Nagulat ako nang makita kong sobrang daming basura. Balat ng mga chichirya at papel na mukhang isinawsaw pa nila sa putik. Napanganga na lang ako sa gulat habang inaamoy ang kamay ko nang may mahawakan akong isang malamig. Gusto kong magsuka dahil panis na pagkain pala ang inilagay na may buhangin. Napamura na lang ako sa isip ko at isinarado ang bag matapos kong kinuha ang notes ko. "Pfffftt." Pabagsak kong binitawan ang notebook ko at nagsimulang magbasa. Nakakainis naman! Pati gamit ko pinagtitripan. Napataas ang tingin ko at naglinga-linga sa buong classroom dahil may naramdaman ako bigla sa paligid ko, simoy ng hangin, sobrang lamig. Nangilabot din ang buong katawan ko at naramdaman kong nagsisitayuan ang balahibo ko. 'Ayesha, bow. They gonna throw something on you.' Nagbuntong-hininga ako dahil hindi ako makafocus sa binabasa ko. Palagi na lang may bumubulong sa akin at boses ko ang naririnig ko. Minsan naiisip ko na kailangan ko ng patingnan ang sarili ko sa Psychiatrist. Hindi pumapasok sa utak ko ang binabasa ko kaya hindi ko mapigilan ang mapanguso. Ipinatong ko ang dalawa kong paa at iniyuko ang ulo ko sabay ipinatong ang dalawa kong kamay sa likod ng ulo ko. Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari! Nang umangat ang tingin ko, nakita ko na lang na may lumilipad na lata papuntang pwesto ko. Sinundan ko ng tingin ang lata kung saan ito umuntog. Hindi ako natamaan. "Woah, galing umilag, ah," natatawang sabi ng kaklase kong lalaki. Sinamaan ko siya ng tingin. I wanna approach him and I wanna see his eyes. Only his eyes. Nadedemonyo ako sa itsura niya. And I just can't believe, tatamaan na talaga ako ng lata eh, pero dinaig ko pa ang daloy ng tubig sa bilis. "Our quiz today will cover everything we've studied, it will serve as an assessment summary for the entire quarter. Good luck, Ms. Shin. I'm expecting you. Get one sheet of paper and respond to the Identification and Enumeration regarding our topic. If you perfect this quiz of ours, I will not give you a test paper and you will have a + point in my subject," sabi ng prof. Tumingin naman ako kay Shin. Isa rin siyang matalino rito sa University, favorite siya ng mga professor namin. Isa pa, napakamisteryoso at ang cute ng kanyang mukha. Minsan nakikita ko na lang siyang nagsasalita mag-isa habang may sinusulat sa notebook niya. Pinakamagaling siya pagdating sa Creative Writing subject, hindi ko lang maintindihan kung bakit mas mataas pa ang grades ko sa kanya. Ang kagandahan lang sa nga professors dito, kahit na madalas nakiki-kutsa sila sa mga estudyante nila, fair pa rin sila pagdating sa grades. Tiningnan niya ako nang napaka-seryoso, ganun din ako. Para kaming naglalaban sa tingin. Siya lang yata yung taong kaya akong titigan ng matagal. "Bring it on, Ayesha," banggit nito na parang naghahamon ng contest. Umiwas lang ako ng tingin. wala akong balak makipag-kompetensya sa kanya. Masyadong sayang sa oras. At kahit hindi ako makipag-kompetensya, mataas ang scores ko kumpara sa kanya. Hindi sa pagmamayabang, pero palagi yan. Siya itong hamon nang hamon, siya itong natatalo at sa palagay ko punong-puno na siya ng sama ng loob sa akin. Pero wala na akong pakialam sa nararamdaman niya. Malakas ang loob niya ngayon dahil alam niyang kaya niyang maiperferct ang quiz namin dahil CW ang subject namin ngayon. Madalas naman nakakaperfect ako sa subject na 'to kaya siguro kaya naman siyang labanan ng patago. Sinimulan ko nang sagutin ang papel ko. Mabuti naman lahat nang nabasa ko kanina ay ito yung mga sagot kaya naging madali sa akin. Tumayo ako at kita ko naman sa peripheral vision ko na sabay kami ni Shin na natapos. Parang sinadya na makipag-sabayan sa akin. Hindi naman ako nakikipag-unahan sa kanya, bahala siya kung anong isipin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD