CHAPTER 1

1500 Words
AYESHA'S POV ALAM niyo ba yung feeling na parati ka na lang mag-isa sa buong buhay mo? Wala kang karamay, wala kang kakampi, wala kang mapag-sasabihan at wala kang kasama sa lahat. Life could be struggle and punishment sometimes but me? No, it's all time. Ako kasi sawang-sawa na ako sa ganyan, sinalo ko lahat. Hindi ko nga naramdaman kung tao ba ako o isang bagay lang na naka-display sa mundo para laitin, pagtawanan at gawing laruan. Minsan o MADALAS naiisip ko... Deserve ko ba talagang mabuhay sa mundo na kinatatayuan ko ngayon? O sinadya talaga na binuhay lang ako para saluhin lahat ng SAKIT. Emotionally Physically Mentally Lahat. Nakaupo ako sa kama ko habang yakap ang mga tuhod ko. Araw-araw akong nagigising ng maaga para mag-overthink. Kapag nagigising ako, naiisip ko na 'eto na naman yung araw na makakasama ko na naman ang mga kampon ni Satanas na papahirapan ako. Napatalon ako sa gulat nang may biglang kumatok na parang wawasakin na ang pinto. "Hoy! bumangon ka na riyan! Hindi ka reyna!" rinig kong sigaw ni Mommy sa labas. Agad akong tumayo galing sa kama ko, baka kasi saktan niya ako, eh. Baka kasi bigla siyang pumasok at sabunutan ako. Masakit pa yung ulo ko dahil sa puyat. I just can't believe it, my own mother doesn't love me—doesn't want me as her daughter. Hindi ko maramdaman na may magulang ako. Ikinahihiya nila ako sa madaling salita. Kahit gan'on ang pakikitungo nila sa akin mas pinipili kong umiyak na lang at tanggapin na ayaw nila sa isang tulad ko. Alam kong sobrang sakit, kapag pinili kong magalit sa kanila, paano ako? Masisisi ko ba sila? Magulang ko pa rin sila. May utang na loob pa rin ako sa kanila at natatakot ako na baka pati ang bagay na 'yon ay maisumbat pa sa akin. In my whole life, I never felt that I had my people around me, even my own family. Every time they go to any event or occasion, hindi sila mag-sasayang ng oras para hintayin at isama ako. But that's my life, full of sadness and a useless one, but even if I'm weak, I'm trying my best to make myself strong in front of them. 'Kahit na sobrang ubos na ubos na ako' Actually, hinihintay ko lang na tawagin niya ako, ine-expect ko na 'anak ko, bumangon ka na riyan, may pasok ka pa, kakain na tayo' na alam kong sobrang labong mangyari. They never called me 'anak' Sa kabila ng ginagawa nila sa akin, nakukuha ko pang mag-isip ng bagay na kahit kailan hindi mangyayari dahil umaasa ako na balang araw magbabago sila at mabigyan nila ako ng atensyon na pinapangarap ko. Mayaman ang pamilyang 'to. Masasabi kong lahat na gamit ng pera ay makakaya nilang ibigay. Pero hindi ko hiniling ang pera. Everyone needs this, everyone deserves to feel it. Love, love that I've been wanting ever since, came primary to my family and my friends. Minsan nga iniisip ko kung ampon ba ako? Kung ipinanganak lang nila ako para saktan? I can't think of an answer! Magulo! Sobrang gulo ng life ko, and I can't say that I am enough to enjoy the money that we have. Love and Respect is all I need. Nagbuntong hininga ako at napakagat ng labi. Nagmamadali akong naligo. Sa pag-iyak ko, hindi ko na napansin ang oras. Bawat patak ng shower sa katawan ko, dumadausdos pati ang mainit na luha ko sa pisngi. Tumingin ako sa salamin. As usual, hindi nagbabago ang itsura. Pangit pa rin. Kinuha ko ang eyeglasses na bigay ng boyfriend ko, wala itong grado pero gusto ko 'tong isuot araw-araw. Pagbaba ko papuntang kusina, naririnig ko na ang kanilang tawanan. Ang saya nila, naiinggit ako. Ayaw nila akong isali sa hapag-kainan hangga't hindi sila tapos. Madalas ay mga maids ang kasama ko. "Dad, we have a trip on Saturday and I need cash," dinig kong boses ni Ate. "No problem, honey, enjoy your trip. And oh, Xander, have you bought already all the books that I requested for you last Monday?" "Already bought in store, Dad. Did you call Ayesha already, Mom? We're about to end our breakfast," si kuya. I licked my lips. "Hon, have you told her about what we are planning?" Naglakad ako hanggang mapunta ako sa sala. "Let's talk about it privately, hon, later." "What are you waiting for, Ayesha? A Christmas? Grab your food," pansin ni Kuya sa akin. Mukhang naagaw ko naman ang atensyon nilang lahat. Kaagad akong napailing at ngumiti ng naiilang. "A-Ah hindi na po, kuya, mauuna na po ako," paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at saka na naglakad paalis sa bahay. Ngumiti ako ng mapakla. Si kuya, hindi niya ako pinagsasalitaan ng ganyan pero cold siya pagdating sa akin, sweet siya pagdating kay ate. Wala rin siyang pinagkaiba sa kanila. Simula no'ng nangyari ang bagay na 'yon noon, bigla siyang nagbago at hindi na niya ako nabibigyan ng atensyon, puro kay ate. Nagbuntong-hininga ako at ngumiti sa kanila kahit na hindi sila nakatingin. Ang tagal na nilang ganyan sa akin pero hindi pa ako sanay, mula pagkabata hanggang ngayon, ganyan nila ako tratuhin. Parang isang bagay na napakawalang kwenta. Naghintay ako ng taxi. May pera akong iniipon at hindi nila alam na nagtatrabaho ako. Nag-apply ako ng trabaho as call center agent at palaging gabi ang schedule ko. Na-realize ko na kailangan pagsikapin ko na lang na magka-pera para sa sarili ko, ayoko na ulit manghingi at umasa sa kanila. Natatakot ako na darating ang araw na baka isumbat nila sa akin ang mga binibigay nila. YADCA o Yolo Alejandro Dela Cruz Academy. Ang school na 'to ay pagmamay-ari ng parents ko. Pangalan ng daddy ko ang pangalan ng school namin. I am currently taking an Education course. Secondary and major in English. I didn't mention to you that I have been the Valedictorian of this school ever since. Hindi ako naaalis sa list ng mga high or highest honor. But my parents are not proud of my achievements. They are always bullying me. Every time na nasa kalagitnaan ako ng school, may naririnig akong negative comments from students, tulad ngayon. "Tsk! tingin niya siguro tatanggapin natin siya porket anak siya ng may-ari nitong school!" "Iw, never! 'yang pangit 'yan!? She's cheap and nerd. Hay nako magpapakamatay na lang ako kaysa purihin yan!" "B*tch! You are trash!" "Papansin!" "Attention seeker!" "A slut woman." Napatungo ako at nilalaro ko ang daliri ko habang naglalakad. Kahit na sanay ako ay nasasaktan pa rin ako ng todo. Naiiyak pa rin ako pero hindi ko na pinapahalata pa sa mga nanlalait sa akin. I want to be strong in front of them. Kahit gustong-gusto na nang tumulo ang luha ko. Gusto kong lumaban, gusto ko silang gantihan, but how? Alam ko na mahina ako, alam ko na tanga ako. Paano ako lalaban? They're all mad at me! No one wants me here even my siblings. Parang hangin lang ako sa kanila, they didn't bother to help me. They didn't give me attention when I was around. 'Baby kahit na ganyan ang itsura mo, mahal na mahal kita. 'Wag mo na lang intindihan ang mga sinasabi nila sa 'yo' Nawala bigla ang masakit sa dibdib ko nang maalala ko ang sinabi ni James, my boyfriend. I smiled, nagkakamali pala ako, may nagmamahal pala sa akin dito at walang iba kundi si James. Namimiss ko na siya, 3 days ago huli naming pag-uusap. Napangiti ako at naisipan kong puntahan na lang siya sa isang classroom kung saan ang tamabayan nila. Ang classroom na walang laman at ginawa na nilang tambayan ng mga magbabarkada sa school namin. Tumakbo ako para makapunta agad doon, pero may humablot sa braso ko at nagulat ako nang makita ko kung sino. "Where are you going?" malamig na tanong ni kuya habang nakakunot ang noo. I looked away. Ayaw ko sa tingin niya, parang nakikita ko na gusto niya akong saktan. "P-Pupuntahan k-ko l-lang si J-James, kuya," nauutal na sabi ko na nakatungo lang sa paanan ko. "Tsk!" singhal ni ate, I didn't notice that she was behind my brother, "Huwag na! baka umiyak ka na naman!" dagdag pa ni ate. Bakit naman ako iiyak? May nangyayari ba? Gusto kong mag-tanong kay ate, nahihiya lang ako. "Oh! Nakakairita lang kasi 'yang mukha mo kapag umiiyak ka, parang gusto kitang lunurin!" Tanging yuko ang naisagot ko kay ate na siya namang ikinatuwa niya. "Kaya ikinahihiya kita, eh! You're so weak! Ako palagi yung nasasabihan nila, not you! My friends are laughing at you! Why don't you change your personality and physique instead of crying and crying—" "Enough, Alexandra," pagputol ni kuya sa sinasabi ni ate, bumaling bigla si kuya sa akin. "James is busy, pumasok ka na sa classroom mo. I don't want you to come here again, do you understand?" tumitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya 'yon. Bakit pati kaligayahan ko pagbabawalan nila? Sobrang unfair!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD