CHAPTER 3

1503 Words
Pumunta na ako sa harap at ganun din siya. Pareho kaming nag-submit ng test papers, mukhang nagulat pa ang professor namin. Nagtinginan muna kaming dalawa, at bigla siyang ngumisi. Kahit naman hindi ko maperfect 'yan, okay lang sa akin. Ang tanong ko lang sa kanya. Siya ba kaya niyang tanggapin na 'hindi siya perfect'? Pinupunit niya kasi palagi mga test papers niya kapag alam niyang mas mataas ako. "Wow." Napatingin kaming lahat sa sinabi ng prof namin. Ngumiti lang siya at ipinatong na ang mga test papers namin sa ibabaw ng kanyang brown envelope. "Miss?" Itinaas ko ang kamay ko. All of my classmates cover their noses. "Ang baho ng kili-kili," they teased. My forehead suddenly creased and ignored them. Kahit halikan pa nila ang kili-kili ko wala itong amoy. "Yes?" "May I go out?" "Yeah, sure," pagpayag niya. Dinala ko ang bag ko para linisin na rin. Kung may lakas lang siguro ako ng loob para makaganti sa gumawa nito, gagawin ko. Dumiretso ako sa restroom at sinimulan ko nang piliin ang mga gamit kong hindi nahawa sa amoy ng panis na pagkain. "Congrats," rinig kong boses na nasa likuran ko. Hindi na ako humarap dahil nakita ko naman siya sa salamin. "You made it, you beat me," dagdag pa ni Shin na punong-puno ng pagkainis ang pagkakasalita niya. "Ayaw ko nang away," sabi ko at itinapon na lahat ang mga notes kong nasira. "I thought it would affect you, hindi pala," banggit niya sa tinatapon ko. Napatigil naman ako at dahan-dahan siyang hinarap. "Did you do this?" Nang maitanong ko iyon, ngumiti siya ng malawak kaya napahigpit ang paghawak ko sa bag ko. "Hmm, yes?" "Ano bang problema mo?" "What? Lalaban ka?" Tinulak niya ako kaya napasandal ako sa lababo. "Did you cheat? Yeah, you cheated! How can you perfect that test?!" Itinulak ko siya pabalik para mabitawan niya ako, "Ewan ko! Kasi nag-aral ako! Never akong nang-cheat!" "Really? Who do you think will believe you? I saw you! You were looking at your back a while ago!" "Kasi pinalitan ko ang ballpen ko! Ano ba?" Bakit ako mag-chi-cheat kung alam ko naman ang sagot? "You cheater!" Huling sigaw niya at iniwan na niya ako sa banyo. I sighed in frustration. "Problema ng mga tao?" Napailing na lang ako at tinapos na ang ginagawa ko. Nang nasa pintuan na ako, halos gusto kong tumakbo palabas dahil papasok sina ate kasama ang barkada niya. "Uy, si sisteret mo," pansin sa akin ni Zia at tumawa nang mahina. Sinenyasan ako ni ate na umalis na kaya yumuko ako nang madaanan ko sila. "Iww! What's that awful smell? Amoy nilulutong basura! Is that the new perfume of your sister?" Binagalan ko ang paglalakad ko at napakamit sa dulo ng blouse ko. "She is not my sister," dinig kong sagot ni ate at pabagsak nilang isinarado ang pinto ng comfort room. "Walang iiyak," sabi ko sa sarili ko at itinapon ang bag ko sa basurahan. "It's okay, masanay ka na," dagdag ko pa para hindi ako tuluyang maiyak. Nagpahinga muna ako sa loob ng classroom. Hindi na ako magtataka kung pagkapasok ko pa lang, sa akin na lahat ang atensyon nila. Ang sasama ng tingin nila sa akin ngayon at pinagbubulungan pa ako. Natetense ako sa tingin ng mga kaklase ko, kahit si Miss Callie ay nakikisabay sa talim ng tingin ng kaklase ko. Nang mapadpad ang mata ko kay Shin, ngumiti lang siya sa akin at winagayway ang kamay niya. Nababasa ko sa ngiti niya na parang may ginawa siyang hindi maganda. Inayos ko muna ang mga bagong kalat sa pwesto ko at pinulot iyon, ngunit pagtayo ko at pagharap ko papunta board ay isang palad ang nasalubong ng mukha ko. Ramdam ko ang pagbilog ng bibig ko habang hinawakan ang mukha ko. Kahit sobrang hapdi ay pinilit kong tingnan ang sumampal sa akin at punong-puno nang pagtataka ang binigay kong tingin sa kanya. Si Chelsea? "Hmm, masarap bang masampal, Ms. Lonely girl?" Pang-aasar niya. Tinaasan niya ako ng kilay habang ngisi-ngisi siya. 'Siya nga landi ng landi sa boyfriend ko. May naisumbat ba ako?' Medyo may pagkamatapang ako kapag si Chelsea ang kaharap ko. Ewan ko, sa tuwing nakikita ko siya puno ng inis ang nararamdaman ko at anytime gusto ko siyang labanan pero masyado akong mahina at wala akong kakampi. Nilalandi niya kasi si James kaya ganito ako nagiging matapang sa harap ni Chelsea. Kahit na laitin ako ng lahat, ayoko rin naman na may lumalandi sa boyfriend ko. Gusto ko siyang protektahan sa mga, uhmm, malalandi, tulad ni Chelsea. Pinilit kong maging seryoso sa paningin niya habang siya ay nakangisi pa rin. "S-Subukan ko kayang sampalin ang mukha mo tapos t-tanungin kita kung masarap?" kahit na kinakabahan ako ay pinilit ko pa rin maging pilosopo, kahit na may kasama siyang Alipores. "Woah!" Dinig kong paghiyaw ng mga kaklase kong nanonood sa amin. "Wala ka pala, Chelsea, eh." "Shut up, you mango face, or else I'll push you to the wall," banta niya sa nagsalita kanina kaya kaagad naman iyon na nanahimik. "Naks! Idol ko na si Ms. Ugly Duckling!" "And you!" Dinuro niya ako sa noo ko kaya napaatras ako, "What did you say?! How dare you answer me like that!? We all know that I'm the Campus Princess here and you are just trash!" sigaw niya sa akin habang sinasabunutan ako, napapahiyaw ako dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa buhok ko. "They all respect me! And you must kneel before me too! Hindi kita palalagpasin!" Pinagsasampal niya ako kaya napapikit ako ng mariin. Naramdaman kong nawala ang eyeglasses ko kaya biglang kong minulat ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko, hindi ko maintindihan at bigla kong nahila ang kamay niya para matanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Binigyan ko siya ng blangkong tingin at halata naman na nagulat siya. "You asked me, what do you want me to do? Ask you back? Are you crazy, 'Ms. Campus Princess'"? Isang malademonyong ngiti ang naipakita ko sa kanya. Sumalubong ang kilay niya at sinugod ako at pinagsasampal. Her eyes. I wanna see her eyes. I wanna see her...her death. Naramdaman kong nahampas ako sa ulo. Feeling ko nagising ako bigla at hinanap agad kung nasaan ang eyeglasses ko. Nahimasmasan ako nang bigla ko itong isinuot. Napatayo ako sa may gilid pero lumapit sa akin si Chelsea at idinuro ako sa ulo. Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil mas lalo akong nakaramdam ng hilo sa ginawa niya. "Ang kapal-kapal mong babae ka para pagsalitaan mo ako ng ganyan sa harapan ko?! I am pretty sure na makakarating 'to sa mga kapatid mo at gagawin ko ang lahat para hindi ka makalabas ng maayos dito sa Campus! You b*tch!" sigaw niya pa at itinulak ako ng malakas dahilan para mahalikan ko ang sahig, hirap na hirap akong tumayo. Kitang-kita at rinig na rinig ko ang tawanan ng mga nanonood dito sa Classroom. Tumingin lang ako kay Chelsea habang luhaan. Bigla naman niya akong tinawanan at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggng paa. Nasaan na yung tapang ko? Kanina lang ang tapang-tapang ko! Nasaan na? "Uh-oh, she's crying now? Saan na 'yung pinagmamalaking tapang mo kanina? Oh, C'mon, 'wag ka nang papansin diyan dahil hindi nakakaawang tingnan! Kundi nakakasuka at nakakatawa ka! Aren't you ashamed of yourself and your family, huh? Can't you notice? Your siblings are ashamed of you? They did not even greet you nor pay attention to you. You!" Dinuro niya ako, "Tandaan mo lahat ng sinabi ko and We're not still done f*cking yet! Let's go girls baka langawin tayo sa baho ng basura dito!" Nagsitawanan muna sila sa sinabi ni Chelsea at saka ako iniwan dito ng humihikbi. Nag-usap-usap pa sila sa tapat ng pinto. Ano yun? Pumunta lang ba siya rito para insultuhin ako? 'It's fine. It's not yet your turn. It's okay. Cry for now.' Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Parang may sariling utak ang isip ko para mag-isip ng kung ano-anong mga salita. Matapang, malamig at matigas kung pakikinggan ang boses na nanggagaling sa isip ko. Anong nangyayari sa akin? Napailing ako at niyakap ang sarili kong mga tuhod. Natatakot ako...natatakot ako kasi baka anong gawin nila sa akin mamaya, bukas, at sa mga araw pa na darating. Natatakot ako kasi ang dami nila at iisa lang ako. Alam ko naman na hindi ako kakampihan nila ate. 'You don't need their help. You can do it. You can control and fight them or much more... You are the one who can predict their death.' Their death? The way na tinitingnan ko sila sa mata, may trahedyang nangyayari. Ito ba ang sinasabi ng isip ko? Ilang taon ko nang nararamdaman 'to pero ngayon ko lang ito narealize. Ito rin yung sinasabi ni kuya noon sa akin pero hindi ko pinapansin, isang kabaliwan ang sinasabi niya kaya hindi ko siya pwedeng paniwalaan. That woman na nakabanggaan ko kanina sa likod ng C.R. Mamamatay siya mamayang gabi dahil masasagasaan siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD