CHAPTER 9

1701 Words
SUMAKIT din ang loob ko noon na ayaw nila akong paniwalaan, na nagiging baliw lang lang ako. Iyon ang simula ng lamat sa aming magkapatid. He blamed me for what happened, though I can't blame him either, sinabi ko kasi sa kanya 'yon. Akala niya sumpa ang boses ko, akala niya lahat ng naiisip ko at sinasabi ko, nangyayari kaya ang tingin niya sa akin ay mangkukulam o ano pang tinawag niya n'ong araw na ang sama-sama ng loob niya sa akin. Ito naman yung nangyari nung dumating ang oras na 'yon na hindi ko inaasahan na totoo nga, yun na yun ang nangyari kung ano ang nakita ko. Mapa-pwesto ni kuya, ni ate Via at yung itsura ng lugar. Flashback "Mommy!" Tumigil ako sa pagwawalis dahil tumatakbo si Ate Xandra para tawagin si mom. Mabibigat ang paghinga niya at mahahalatang kabado siya. "Mom!" Sigaw niya pang muli. "Ayos ka lang ba?" Lumabas si mommy na may pag-alala sa mukha nang makita ang hitsura ni ate Xandra. "Mommy, si kuya Xander! May nangyari sa kanya!" Sa sinabi niya, nabitawan ko ang walis na hawak ko at bumaling sa wall clock. Ito yung oras na nasabi ko sa isip ko. Napatakip ako ng bibig at dali-daling lumapit kina ate. "A-Anong nangyari, ate?" Naiiyak kong tanong pero hindi niya ako pinansin. "Ate! Anong nangyari?!" Tumaas na ang boses ko at hinawakan siya sa balikat pero agad din niya 'yong tinanggal. "Anong nangyari sa kuya mo? Did something bad happen? Huh? Calm down," hinaplos ni mommy si ate sa ulo para pakalmahin. "Y-Yes, mommy. Puntahan natin siya! Kailangan niya ng tulong natin. Kailangan nating makaabot, mommy. Ibinalita lang sa akin nung friend namin na napadaan sa harap ng Wexi Mall. Nakita raw nilang bumangga na lang yung kotse niya," humagulgol si ate kaya't hindi na rin napigilan ng emosyon ko na sabayan siya. "What?! Let's go!" Pagsulpot ni daddy na mukhang kinabahan din sa kanyang narinig. Pareho silang patakbo na umalis nang hindi man lang ako inaaya. Tinakbo ko ang daan kung saan sila dumaan kahit na napakabilis mag-drive ni daddy. Sarili ko mismong mga paa ang nagdala sa akin sa tamang daan at lugar. Habang papalapit ako sa lugar kung saan naganap ang insidente, bumibilis ang t***k ng puso ko. "Please..." Pakikiusap ko sa sarili ko habang tumatakbo. Hindi ko mawari kung makita ko ang kapatid ko sa kapahamakan. Hindi pa ako nakakarating, kita ko ang mga tao na nakapulong sa isang construction site. May mga estudyante at mga empleyado pa na nakikinood sa nangyari. Nang makalapit ako, iyon na lang ang pag-iwas ko agad ng tingin. I knew it! It would happen! Nakatakip ang bibig ko habang humihikbi. Hindi ko makayanang tingnan si ate Via kung paano siya nawalan ng buhay kasama ang mga nakadagan sa kanya na mga bato. Nakita ko si kuya na may dugo sa kanyang ulo habang patakbong lumapit kay ate Via. 'I told you, this is fun.' "Via, no!" "Alex, come on! Dadalhin ka na namin sa hospital. Look at yourself, mawawalan ka na ng dugo," pagpipigil ni mommy at pilit siyang itinatayo. Binubugaw na rin ng mga bagong dating na pulis ang mga taong nanonood. "Move, move!" Sigaw ng isang lalaki na kasa-kasama ng mga pulis kanina. "Detective Raizue, take a look in this spot!" Tawag ng isang pulis sa lalaki. Hindi na ako nakinig pa at bumaling na ulit kay kuya na may pag-alala sa aking mga mata. Mariin akong tiningnan ni kuya at tinaliman ito. Nakaramdam ako ng kaba at takot na baka saktan niya sa tingin pa lang niya. Agad akong tumalikod at aalis na sana nang habulin niya ako sa pamamagitan ng paghablot niya sa akin. "This is your fault! You did this! You wanted to hurt me and you just killed Via!" Sigaw niya na halos gusto na niya akong sampalin. "Kuya..." "Tingnan mo ang sinabi mo, nagkatotoo! It is your fault! You almost killed me, you killed Via!" "Alexander, tumigil ka na." Hinila siya ni daddy, gusto niya pa akong hablutin pero hindi na niya nagawa. Patakbo kong nilisan ang lugar na 'yon at pumunta sa bangin para makapag-isip, makasigaw, at humagulgol. End of Flashback And that, he started to hate me. Kaya nga hinahayaan niya lang ako ngayon kahit patayin na ako sa bugbog. Pinapanood niya lang ako, kasama ang ate ko na nilason niya rin sa isip. Pinaniwala niya rin na kasalanan ko kung bakit nawala si ate Via. Tumunog ang alarm ko hudyat na kailangan ko ng mag-ayos para sa trabaho ko. Mabuti na lang at nang makalabas ako, walang tao sa bahay kaya malaya akong bumyahe papuntang kumpanya. Kahit sa trabaho ko, wala akong kaibigan. My boss likes me so much since I am good at speaking and writing. Maganda rin ang impluwensya ko as CCA. Hindi ko lang alam kung napupuno ba sila ng inggit o ano para iparamdam nilang hindi ako belong sa trabaho ko. In the end, ano pa bang gagawin ko? Hahayaan at pagtiisan na lang ang lahat. Hindi ko alam matapos nang trabaho ko, sa dilim ng daan, sa dis-oras ng gabi, naisipan ko pang maglakad sa layo ng bahay namin. Ganitong oras ay tulog na lahat sa amin. Never nila akong napansin na umaalis o dumarating. Tanging ilaw ng daan ang sisilbing liwanag ko ngayon. Sa nilalakaran kong gater, may mga matataas na puno. Basa rin ang daan, siguro ay umulan. Madalang na lang din ang dumadaan na sasakyan. Napatigil ako nang may makita akong isang kwintas na nakahulog sa sahig. Pinulot ko ito at pilit na tiningnan kung ano ang hitsura nito. Isa itong pendant na may pangalan. "Riel." Iyon ang nakalagay at mukhang totoo ang pagkaginto nitong kwintas. Ibinulsa ko ito at dahan-dahan na inihakbang ang mga paa ko, posible na madulas ako sa daan. Dumaan ako sa loob ng maraming puno at likuran n'on, isang malawak na lugar na napakalinis at maraming mga kahoy na putol-putol sa gilid ng lugar ngunit may pagkamahaba na ang mga d**o rito at may mga iilang mga puno pa na nakatubo rito. Pumikit ako ng matagal at dinamdam ang mga insekto na nag-iingay sa buong paligid. Ilang minuto ang nakalipas nang maramdaman ko ang katahimikan. Ang ingay ng hampas ng mga dahon galing sa mga puno ay nagsitigil, hindi ko na rin naramdaman pa ang lamig ng hangin. Nang imulat ko ang mata ko, nakita ko na nasa harapan ko na lahat ang mga kahoy na putol-putol malapit sa akin at sa mukha ko. Nasa ere sila, hindi gumagalaw. Umikot ako na may pagtataka at nag-isip ng malalim. "Ano 'to?" Hinawakan ko ang isang kakarampot na kahoy. Akala ko hindi ko ito makukuha, nang mahawakan ko ito biglang nanlamig ang kamay ko. Naramdaman ko ang patak ng tubig galing sa langit. Lahat ng drop of rain ay naiipon sa ere, dahilan upang magform ng isang malaking drop na pwede mo nang makita ang reflection mo Nang tingnan ko ang likuran ko, nakita kong sarili ko behind the little woods in the air. Smirking while her hair was blowing in the wind. "At last you can control your power now. Not only you can predict death, but you can also control things, like this," she said, pointing the drop of water and the pieces of woods. "C-Control things? Power?" "You must close your eyes and focus on the positive things you want to carry out in your mind when you have been hurt in order to control it. Then, you will be able to control anything, including a human," dagdag na paliwanag niya pa. "I-I don't understand..." "Since I am your soul, I must quit ruling you. I'll make the decision for you if you don't make your own. You always believe that you lack the self-control to avoid doing anything dreadful, but I'm the one doing it, so you can too." "W-What kind of a human am I?" Tiningnan ko pa ang sarili ko. "I am from the system who lives in another world. Since you are a kid, you've been bullied, you've been maltreated, you've been facing hardship and I know the plan of your family for you. It is talk about your freedom here, Ayesha," sagot niya at humakbang papalapit sa akin. "I-I don't get it," naguguluhan pa rin ako. "W-Why me all of a sudden?" "I choose you to be strong, but it is not effective," her voice full of dismay. "I'm not that strong..." "I know and you know that I can see everything, I can predict the future, I can control things, but I can't let out all of this because I am just a soul that needed a body," sabi niya. Hindi ko alam ang maisagot ko, gulong-gulo ako. "What I am is you. What I can do, you can do, too. What I can see, you can see, too. That,'s how we work together," dagdag niya. "You're gonna die soon, Ayesha. Your soul will collab me to your body." "No," umiling ako ng napakaraming beses. "It is incredibly indeed. I am doing this for you. It is your time to be strong. If you don't want to use your power, then I will. I am a bad soul who wants to achieve revenge on those people who are hurting you. Don't let me make a decision, I said once again. Wala akong pipiliin. You already saw what happened to the girl who just died 3 hours ago and what happened to your brother and to his girl 2 years ago. Consider everything, Ayesha. I already told you this." Nang marinig ko ang sinabi niya, tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Tumitig ako sa mga drop of water galing sa ulan. Iilang insidente ay naroroon sa loob ng tubig at nagrereflect. Pagsabog, aksidente at crisis na nangyayari. "What you can do is prepare for what is about to occur. Don't worry, you are secure. Even though I'll be with you forever, I begged you not to make me do anything you find objectionable." "Pag-aari mo ba yung boses na bumubulong sa akin?" Tanong ko nang mapansin ko ang tono ng boses niya. Tumango siya ngumiti na may halong nakakaloko. Nagsisimula na akong mangilabot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD