CHAPTER 8

1617 Words
Hinagis ko sa ilalim ang maliit na tubo na nakita ko sa rail dahil sa inis. Dahil sa ginawa ni Shin, lalo tuloy nagalit sa akin ang parents ko. Hindi ko siya pwedeng harapin at sisihin na lang kung wala akong proweba. Pumasok na ako sa loob ng kwarto at laking gulat ko nang nandoon si Kuya, nakaupo at blangkong nakatingin sa akin. "I saw you in the incident in front of YADCA. Shocked but at the same time happy while seeing the girl who died," panimula niya nang hindi ako tinitingnan. Lumunok ako ng napakariin. "Wala akong kinalaman, kuya," sabi ko at nagsimula na akong mangalkal sa closet ko. "Really?" "Kuya, wala akong kinalaman. Please, huwag mo akong pagdudahan," pagsisinungaling ko. Ayaw ko ulit na masermon sa kanya, mas masakit siyang manermon kaysa kay ate. Pwersahan niya akong hinarap sa kanya. "Tell me if I am mistaken and I saw it awry, tell me! I saw everything that happened between you and her, and what you spoke out to her this morning. And I noticed your expression, how you talked, and how you stared at her! You predicted her death, and it went on! It turns real! I heard! Konsensyang-konsensya ako nang hindi ko sabihan yung babae kaninang nakausap mo!" Malakas na boses niyang sabi at mahahalatang nagagalit siya. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkapit niya sa kwelyo ko. Nararamdaman ko ang pamamasa sa mukha ko. "Yeah, you're right, kuya. I saw the accident or her death in my vision just like what occurred 2 years ago, and I also glimpsed her position when she was hit by the car. Exactly 7:45 p.m.," pag-amin ko na lang. Huminga siya ng malalim at nanghilamos ng mukha. "Can you please shut the f*ck up if you saw something? Whenever you are blunting that out, it is happening! Just like what happened to my girlfriend. You. You kill her! You are a nightmare! You almost killed me too! I am your brother, she will become your in-law! And you just did it now? Again? Wala ka bang awa?!" "Kuya..." Pilit ko siyang inaabot pero umiling siya. "That's why I turned on to hate you as my younger sister. I detested you for a long time. Gusto ko ako ang kakampi mo, pero sinira mo yun, Aye. You are unbelievable, Ayesha! What kind of a human are you? Why can you foresee the death of other people, huh? And you, look at me!" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya habang umiiyak. "Ayoko..." Pag-iling ko. "Look at me and tell me when I am going to die! And when it occurred," pilit niya pa rin akong maiharap sa kanya. "Kuya, no! Please..." "This is incredible. You are unpredictable, Ayesha," pag-uulit niya, ang kanyang boses ay punong-puno ng dissatisfactions. "I don't understand you. We are not that kind of human, we are not heroes nor have supernatural powers. But you are diverse!" "Hindi ko rin ginusto 'to, kuya. Hindi ko alam kung bakit nakakarinig na lang ako bigla ng mga boses at hindi ko makontrol ang sarili ko. Hindi ko rin alam kung bakit nakikita ko ang kamatayan ng mga tao by seeing their eyes. Even mine, kuya, I saw it! Gusto mo bang malaman? Bilang na lang din ang araw ko!" Sambit ko kaya nanahimik lang siya. "I am going to chuck myself on a cliff because I am tired of making it through all the pain and oppression. Pagod na pagod na ako, kuya, pagod na pagod na ako." "Just don't die. If you die, I'm gonna loathe you forever," sabi niya at lumabas na ng kwarto ko. Itinuloy ko ang paghagulgol ko habang hinahampas ang dibdib ko at ang ulo ko. Flashback "Is that how you behave toward your soon-to-be sister-in-law?" Inaasar niya ako sa tono ng boses niya. Mula kanina ay sarkastiko na siyang magsalita sa akin at pinaparamdam niya na ayaw niya ako. Unang beses na dinala ni kuya si ate Via, girlfriend niya, dito sa bahay. I just want to be close with her but she seems disgusted with me. Wala siyang pinagkalayo sa mga kumukutya sa akin, nakikita ko sa kanya ang ugali ni ate Alexandra sa kanya. Magkasundo sila, at pareho ang kanilang ugali. Pinilit ko pa rin siyang kausapin ng maayos at gusto kong mapalapit sa kanya dahil nga girlfriend siya ni kuya. "Tayo lang dalawa?" Biglang tanong niya. Tumango ako at lumapit pa ako ng bahagya sa kanya. "Can you please stay away from me?" Pagsusungit siya at umusog palayo. "I just want to be friends with you," ngumiti pa rin ako sa harap niya. "Well, I don't want to be friends with you. I love the other girl named Xandra. I like her, and I don't like you, stop bothering me," hinawi niya ang buhok niya at tinuon niya ang pansin niya sa Nature's view. "Why?" She sighed, "Because you are unnerved, I've become silent because of you. Natatakot ako sa 'yo, you just glared at me when you first saw me, duh," sabi niya. "And leave me alone, maganda nang huwag kang dumikit sa akin. Mas lalo kang papangit sa paningin ng mga tao. And to tell you, mukhang nakakahawa yung acne mo sa mukha kaya shoo shoo, tabi," parang ginawa niya akong aso sa pagbugaw niya. Napakunot ang noo ko ng bahagya. Huminga ako ng malalim at hinayaan na lang ang ginawa niya. 'Get closer.' Umusog pa ako ng kaunti sa kanya nang may marinig na naman akong bumulong. 'Closer, Ayesha.' "I said stay away from me! Mahirap bang intindihin 'yon?!" Hinawakan niya ako sa kwelyo at siya na mismo lumapit sa akin. Pinanlakihan niya ako ng mata kaya't bigla akong nangilabot. Bakit ganun ang nakikita ko sa mata niya? Maaaksidente sila ni kuya. Mababangga sila sa isang construction site sa dadaanan nila. Madadaganan ng mga bakal si ate Via. Afternoon, 4:15 P.M. "A-Ate Via, can you please stay here?" A tear fell from my eyes. Tinulak ako ni ate Via at pinagpag ang kamay niya nang makalayo ako. "No way. Totoo nga yung sabi ng ate mo, you have a problem in thinking. I can't afford to understand that. All you need to do is distance yourself from because I don't want to get infected in your craziness," sabi niya na may arte sa kanyang boses. Napakagat ako ng labi at humakbang ng ilan para lumapit sa akin. "Please, listen to me. I don't want you to be hurt and my kuya! Just think of yourself, maniwala ka sa akin. I am telling the truth! Kung hindi yun mangyayari, why I see it? Why it is realistic?" "What are you talking about? What did you see? I don't even understand you. Mababaliw ako sa pinagsasabi mo. We are on Earth, in reality, not in the world of fantasy! Wake up yourself." Bigla akong kinabahan ng sobra at hindi na ako mapakali. Damay yung kuya ko. Ayokong mapahamak siya. "I'm so sorry, ate Via," napaiyak na ako habang hawak ang dalawang braso niya. "Please, bukas ka na umalis. Maaaksidente kayo ni kuya..." "What? Pinapanalangin mo bang maaksidente kami ni Alex?" "Hindi, ate Via," mahinang sagot ko at pinunasan ang pisngi ko. "Hey, what is happening?" Si kuya na may dala-dalang pagkain, "Ayesha, are you fighting with your ate Via?" "No, kuya," sagot ko. "Yam, she said we will get an accident so I should stay here. Akala niya ba joke ang sinasabi niya? What if magkatotoo 'yon? Pinapanalangin niya lang tayong maaksidente," pagsumbong ni ate Via. "Ayesha," may pagbabanta na sabi ni kuya. "Pero kuya—" "Pumasok ka na sa kwarto mo, mahiya ka sa ate mo. You are talking nonsense. Bring this and just eat there," binigay niya sa akin hawak niyang paperbag. "Kuya..." "Please, Aye, pasok na ro'n," inakbayan niya ako at hinatid sa hagdan. "Don't do it again, natakot siya sa 'yo." "Pasabi sa kanya kuya sorry," sabi ko at pumasok na sa kwarto ko. Kinakagat ko pa rin ang labi ko habang iniisip ang nakita ko sa vision ko. Tumingin ako sa salamin, hindi ko na natanggal ang tingin ko. Lumapit pa ako at nang makalapit ako, napansin ko na lang ang sarili kong nakangiti. 'Accident is going to happen later, Ayesha. Since you already forewarned them, it is not your fault if they pass away.' Pumikit ako para tanggalin sa isip ko ang mga nakita ko, pero pilit kong naiisip na kailangan ko silang pigilan. 'You've warned them already, especially that Via, but all she did was insult and disgust you. She's supposed to die right away.' Nadedemonyo ako sa naririnig ko, ngunit hinayaan ko na lang at kinain na lang ang binigay ni kuya na parang walang nangyari. Tama yung mga narinig ko, sinabihan ko na si ate Via pero hindi niya ako pinakinggan. "Ayesha, can we talk?" Tumigil ako sa pag-nguya ko. "Oo, kuya." Tinigil ko saglit ang pagkain ko. "What did you say to Via?" Itinabi ko muna ang kinakain ko. "Kuya, honestly... I saw something in her eyes and that something is all about you and ate Via. Ayaw ko lang kayong mapahamak, kuya. I saw that you're gonna bang against the undone building at madadaganan si ate Via. Kuya, natatakot ako na baka mangyari 'yon," hinawak ko sa braso si kuya. Nagbuntong-hininga siya. "Please, rest. Hindi na mabuti ang sinasabi mo, Ayesha. Gusto mo hang madala sa Psychiatrist kung ganyan ka magsasalita?" sabi niya kaya nakaramdam ako ng pagkadismaya. "Walang mangyayari sa aming dalawa, magpahinga ka at tigilan mo yung kakaisip ng kung ano-ano," bilin niya pa at lumabas na. Napatingin ako sa wall clock, dalawang oras na lang. End of Flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD