CHAPTER 10

1486 Words
AYESHA'S POV FRESH na fresh pa rin ang issue tungkol sa schoolmate naming na-aksidente at nawalan ng buhay. I remained quiet, wala akong kasalanan at hindi ko puwedeng sisihin ang sarili ko. Kung mayroon man akong sisisihin dito, iyon ang sumanib na sa akin. Siya mismo ang may gawa n'on, pero hindi ko pwedeng sabihin sa mga tao ang tungkol sa kanya. Maaaring pagkakamalan ako na baliw. Sa una hindi ko alam kung bakit nalaman ko na lang bigla kung ano dahilan ng pagkamatay niya, pero nang makausap ko siya kagabi, nalaman ko na ang totoo. Should I tell my kuya Alexander about this? Paniniwalaan niya ba ako? It wasn't my fault! Kaya as much as possible, ayokong tumitingin sa mga mata ng mga tao na matagal. I don't want to see their future demise. Pinapatay ako ng konsensya ko, but at the same time... I feel enjoyed. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ni James. Napakunot ang noo ko nang bigla niyang i-cancel ang call ko. Hindi ako tanga para hindi ko malaman na sinadya niya talagang hindi sagutin. Nagbuntong hininga ako at nagmessage sa kanya. My Baby ❤️ • 09876899332 Baby bakit hindi mo sinasagot? I missed you already. I hope you're doing well. I love you Gusto ko sanang mag-usap muna tayo, baby. Please... Nakanguso ako habang pinagmamasdan ang conversation naming dalawa. Pero nang tumaas ito, napangiti ako dahil ang sweet-sweet namin dito. Narinig kong tumunog ang phone ko, nagmadali akong binuksan ang message pero nanlumo ako sa tinext niya. My Baby ❤️ • 09876899332 I'm with my friends please stop calling me for a while, can you? Later, we can see each other. I am busy right now so stop bothering me. Napanguso ako at hinagis ang phone ko sa table. Miss na miss ko na siya, sobra. Mag-a-apat na araw na mula nung nag-kausap kami. Nagiging cold na rin ang replies niya sa akin at hindi niya ako masyadong pinapansin sa school. Hindi na rin niya ako tinutulungan tulad nung ipinangako niya sa akin noon na poprotektahan niya ako. Naisip ko na kaya siya ganoon para surpresahin niya ako sa papalapit naming anniversary. Bigla tuloy akong ginanahan. Think positive lang kasi dapat! Kinuha ko ang lapis at ang oslo paper ko. 45 minutes pa bago magsimula ang klase kaya maglilibang muna ako. I am soon to be teacher, pero may kakayahan ako sa pagdudrawing. 2 choices ako noon sa course, architecture and education, but I chose this course of mine right now. Minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, nakikita ko na lang bigla sa sketch pad ko na mystery ang dino-drawing ko. Nakakapangilabot pa, 'cause it's all about death. "What is that? You're weird," bumaling ako sa likuran ko nang marinig ko si ate na nakatingin sa dinudrawing ko. Iyon na lang ang gulat ko nang makita ko ang limang katao, wala silang mukha, pero nakadagan sila ng malaking puno. Sa gilid nai-ukit ko rin ang dalawang tao, isang babae at lalaki na walang mukha, basag ang windshield ng kotse. I-In just 6 minutes? Did I make this? "Mangkukulam ka ba?" Hinablot niya ang oslo paper at pinunit iyon. "Stop this thing, Ayesha. And also yayariin ka na naman ng mga tao sa YADCA. You cheated yesterday, kalat na kalat na sa buong campus! Pinahiya mo na naman si daddy, ako, si kuya at si mommy! Alam mo dapat ka ng patalsikin ni daddy sa school, puro problem yung binibigay mo sa kanila!" Hinampas niya sa mukha ko ang punit-punit na oslo paper at saka na siya umalis. Napakagat ako ng labi para mapigilan ang pag-iyak ko. "Look." Hinagis ni kuya ang tablet sa harapan ko. "Tell me that's not you," pagkasabi niya ay iniwan na niya ako sa dining table. Tiningnan ko ang nasa tablet niya at nakita ko ang sarili ko na nasa locker room ako, may hawak ako na isang papel. Nakapost ito sa social media. Huling-huli sa pangongopya ng answer key?!! Ito ang naka-caption. At hindi ko alam kung sino "Kuya!" Hinabol ko siya at ipinakita ang picture, "hindi ito answer key, papel ko 'yan na naka-stock na sa bag ko kaya ipinasok ko na!" "Can you please stop lying now? Sirang-sira ka na sa buong Yolo. I don't want to get closer to you now, ano bang nangyayari sa 'yo? I just don't understand you," masungit niyang sabi at tinalikuran ako. Dahil sa inis, hindi ko na namalayan na nalamukot ko na ng todo ang oslo paper sa kamay ko. Nilakasan ko ang loob ko na pumasok sa school kahit na mas lalong dumoble ang mga kutya nila sa akin dahil sa kumakalat na cheating issue. Hanggang sa kaya kong pigilan ang luha ko, pinigil ko. Huwag lang sana akong mapadaan sa grupo ni Ate at ni Chelsea. Napahawak ako sa noo ko nang may mabangga akong isang tao. Nang maiangat ko ang tingin ko, iyon na lang ang gulat ko. Si James. "Pre, shota mo oh," pang-aasar ng barkada niya habang umaakbay kay James na may kasamang tawa. Mas lalong dumiin ang paghawak ko sa strap ng bag ko. "Sermonan mo, nangopya pala eh!" "J-James, can we talk?" Gusto kong ipaliwanag sa kanya na hindi 'yon totoo. Parang biniyak ang puso ko nang walang lingon-lingong nilagpasan ako. Tawang-tawa pa ang mga barkada niyang nakasunod sa kanya. "James!" Pahabol na sigaw ko pero bigla silang naglaho sa paningin ko. Parang gusto ko na lang na magpalamon sa sahig dahil sa hiya ko sa boyfriend ko. Alam ko na nahihiya siya ngayon dahil sa akin. Damay pa rin siya. Inaasar siya ng mga barkada niya panigurado lang 'yon. Buong araw tinuon ko ang pansin ko sa pag-aaral. Nakakasama ko sina Francheska, sa break time, lunch at sa pang-hapon na break time. Naging masaya naman ang samahan namin ngayong araw at wala kahit isang nambully sa akin dahil isang tingin pa lang nina Francheska sa mga schoolmates namin ay umaatras na sila. Kahit na may issue ako na kinakaharap ngayon, pinagtatanggol pa rin ako ni Francheska at ng mga kasama niya. May mga bumubulong tungkol sa akin, pero kapag narinig ni Francheska, babawalan niya ang mga ito kaagad kaya walang nagagawa ang ibang mga schoolmates namin. Iba pa rin talaga kapag may title ka lalo na sa school. Ako na lang yata ang hindi ginagalang, anak ako ng may-ari ng school pero pinipili nilang i-bully ako at wala silang takot na puwede ko silang ipa-kick out. Kaso ayoko ng gulo, issue at maraming pinag-uusapan. Pero ito ako ngayon, sinisisi sa hindi ko naman ginawa. "Ayesha, I doubt you cheated," sabi ni Casha habang tumatango-tango. "Kasi mukha ka naman talagang matalino. Alam mo? May sumisira lang sa 'yo. I think they envy you because you are smart!" Dagdag pa niya habang kumakain ng paborito niyang chichirya. "She has a point, Ayesha," komento pa ni Xianna. I sighed, "Kailangan kong malaman kung sino ang may gawa n'on. Kailangan kong linisin ang pangalan ko, pero paano ko gagawin yun kung may kinakalat sila ngayon sa social media? Hindi ko alam, sasabog na ako!" Napahawak ako sa buong mukha ko habang humihinga ng napakalalim. "Kung sa bagay, saan ko nga ba banda ipapalinis ang pangalan ko? Kahit naman wala akong issue ganito naman ang pakikitungo ng mga tao sa akin," dagdag ko pa at nakaramdam ng p*******t sa ulo. "Look, we're just here for you," hinaplos ako ni Francheska sa likuran ko. "To those b*tch students who humiliated you, hayaan mo na lang sila. Alam mo? Hindi umiiyak ang mga matatapang at magaganda. Look at us!" She spreads her arms. "Hinahayaan lang namin ang mga bashers namin. Palibhasa, mga hampas-lupa at insecure sa kagandahan natin," she added and waved the strand of her hair. "Yes and sino bang mapapagod kakabash? Tayo ba? Duh, mindset," may taray na sagot ni Xianna. "Thank you talaga ha? Kayo lang ang kakampi ko rito," hindi ko na napigilan ang emosyon ko sa harap nila. "Wala 'yon! Hindi ka naman namin pababayaan, eh. Anyway, may activity pala kami, my goodness! Ang hirap ng Algebra," pagngawa ni Casha. "I can help you," I volunteered since they were kind to me. "You can?" Naging masaya na ang mukha niya. Pinag-intersect niya ang kanyang mga daliri sa tuwa. "So, can you answer this one? Ang hirap talaga," ngumuso siya. Kinuha ko ang papel niya na may mga problem to solve at mga equation. "M-Madali lang 'to eh," sabi ko habang ipinapakita ko sa kanya ang papel. "Madali lang pala sa 'yo, eh. Then answer it! I don't know and I hate mathematics," reklamo niya pa. "Tapos sungit pa nung prof., akala mo talaga ang ganda eh," umirap siya. Dahil nakiusap siya, pinagbigyan ko na lang siya at pinagsagot. Hindi naman sa pagmamayabang, marunong ako kahit papaano sa math. I have ability to remember all the lessons, kaya maganda ang resulta ng grades ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD