CHAPTER 18

1421 Words
"PLEASE, stop!" This time, humina ang pagsigaw ko. My palms were facing the ground. Nagsisimula na namang manakit ang ulo ko at lumiyab ang nararamdaman ko. Ang mga tawa nila ay tila ba iisang mahabang tunog sa tainga ko. Nang balingan ko ang nasa gilid ko, hindi ko mapigilan ang lumapit sa kanya at hinablot siya gamit ng kanyang buhok. Pumikit ako nang mariin at naramdaman ko ang katahimikan ng buong paligid ko. Siya at tanging ako lang ang gumagalaw. "Let me go!" She tried to remove my hand but I was stronger than her. I grabbed her collar and stared at her eyes. As soon as the incident appeared, I just saw myself throwing her to the pointed metal reason to her death. "You want to be innocent for this?" My apparition asked, she was behind this student that I was holding. "Ano yun?" Kinakabahan ngunit sinusubukan niya itong maging matapang. "What should I call you?" "Ayesha, what else?" "Are you crazy?! You are talking to yourself! Argh! Let me go!" Mas diniinan ko ang pagsabunot sa kanya. Hindi na ako sumagot at nakita ko na lang si Ayesha na pinagalaw ang isang lalaki na mukhang magtatapon ng itlog sa akin. Gulat siya nang makita ako. Hinagis niya ang tatlong itlog sa akin ngunit ginamitan siya ng kapangyarihan ni Ayesha. "Throw Miar to that pointed metal," utos nito sa lalaki. Biglang nag-iba ang kanyang mga mata at kusa na lang siyang gumalaw. "No!" Nabitawan ko na si Miar at hinayaan na siyang itaguyod hanggang sa makarating sa tapat ng bakal. Napapikit ako ng mariin nang umalingawngaw ang sigaw ni Miar. Napaluhod ako at doon na lang din ang simula ng kaingayan ng mga estudyante. Ipinagpatuloy nila ang pagbabato nila sa akin. Doon ko na lang napagtantong dumating si kuya kasabay ang pagkawala ng aking malay. Umuwi ako nang basa habang inaalala ang nakita ko bigla kanina. Totoo kaya na ginawa ko 'yon? Totoo kaya na may inutusan ako para patayin si Miar? Hindi ko pwedeng sisihin ang nakasanib sa akin kundi ang sarili ko lang. Ako ang gumagalaw, ako ang may-ari ng katawan. But she is controlling the power. I am puzzled again! Hindi niya ako pinapahamak but she is doing bad things and I hate it! I don't like it! Hindi ko rin napansin kanina na nalunod na pala ako sa dagat, mabuti na lang at napagising ako kaagad. Someone helped me too, bumalik yung lalaking nakausap ko kanina. He said I was unconscious. Wala na siyang ibang sinabi at umalis na lang siya, basta't nalaman niya na maayos na ako. Isa ring bagay nagpapaconfused sa akin, ang taong 'yon. When I got home, nanonood ng TV ang mga maids sa sala. "Bitawan niyo ako! Hindi ako ang may sala!" "Sa ngayon iniimbistigahan ang krimen na nangyari sa Yolo Alejandro Dela Cruz Academy. Kitang-kita ang ginawa ng isang binatilyo kung paano niya brutal na pinaslang ang inosenteng dalaga na ngayon lamang naganap. Ang sabi ng iilan, nasa tabi lamang nila ang binatilyo at hindi nila napansing umalis ito sa kanilang tabi. Sa ngayon, ipinosas nila ang binatilyo na walang tigil sa pagwawala. Naririto rin ang may-ari ng eskwelahan at iilang mga pulis upang imbestigahan at linisin ang pangyayari. Mayroong isang kamag-anak na naririto ang binatilyo na nais magsalita." Ibinigay ng reporter ang mike kay Chantal, isa sa naging kaklase ko nung high school. "Based po sa sinabi ng parents niya, mayroon daw po siyang sakit na iniinda pero hindi ko po inaakalang magagawa niya ang bagay na 'yan," pag-iyak nung nagpapalinawag. Nagmadali akong tumakbo sa kwarto at nagbihis para bumalik sa school. Mabilis ang t***k ng puso ko. Totoo ang nangyari! Maraming mga kotse ng pulis ang nakaparada at maraming mga estudyante na paalis na. Hindi na nila ako napansin nang pumasok ako sa loob ng YADCA. Si kuya kasama ni daddy na mukhang namroblema sa nangyari. Sagot nila ang nangyari kay Miar dahil nagawa mismo ang krimen sa loob ng school. Napahawak si Kuya sa sintido niya. Nakaramdam bigla ako ng matinding konsensya. Napatakip ako nang bibig sa 'itsura ni Miar. Her eyes were shocked. Mukhang naalis na nila yung lalaki rito sa school. Biglang bumaling ang lalaki na kasama ng mga pulis sa akin. Pinanliitan niya ako ng mata at ang tingin niya ay para bang puno ng pagdududa. Ilang minuto niya yata akong pinagmasdan kaya nakaramdam ako ng pag-ilang. ALEXANDER'S POV "What the heck has happened?" Napahawak si dad sa ulo niya. Nagmadali pa siyang pumunta rito kahit napakabusy niya sa office. I just shrugged while putting my both hands on my waist. "Kahit ako dad, nabigla. I didn't even notice that. They said that man, he was just bullying Ayesha earlier then they didn't notice also that he grabbed Miar and killed her in that way." Napakabilis ng pangyayari. Wala ring sigaw na narinig o kahit ano pang kaluskos na nangyari, basta't natagpuan na lang na ganun ang nangyari at nakita nilang duguan ang lalaking estudyante. "This is a problem! Sagot ko pa ang burol ng bata. I am sure that her parents will blame this school. How stressful, fck." Napasinghal siya. Me too, I feel his annoyance and stress. Kasama pa rin ako ni dad na mamomroblema sa lahat ng bagay. Wala naman siyang ibang maaasahan pa na tutulong sa kanya sa mga ganito. I was just watching the police digging around the incident. Ang iba ay nalilito at hindi alam ang gagawin. Ngayong alam na nila kung sino ang suspect, madalian na lang nila itong itinanggal, they are just waiting for the ambulance. Pinauwi na rin namin ang mga estudyanteng nakikinood pa sa krimen na nangyari. "All over the world know about this," hindi pagtigil ni dad sa pagsasalita. My dad sometimes is confusing. May nangyari nang hindi maganda, ang image pa rin niya ang iniisip niya. "May reporter dad, of course, they will know. Don't be too stressed, Dad. Nandiyan naman yung may sala. Hindi naman siguro tayo ang magte-take ng full responsibility kay Miar," pagpapagaan ko ng loob sa kanya. "We can share and donate, yun talaga ang gagawin natin." "Fine, fine. Then where is Ayesha? Is she okay now?" I don't know either. Nang balikan ko siya sa clinic, wala na siya. "I left her in the clinic but she is gone. Baka umuwi na siya. She was hurt." Nagsisi tuloy akong iniwan ko siya. If she heard what Xandra and I talked about, alam kong mas lalo siyang magagalit. Huwag naman sana. Babawi pa ako sa baby ko. "Good thing hindi si Ayesha ang sinaktan nun, I swear I'm gonna kill him too. Argh! Malalaman pa ng mommy mo 'to mai-stress pa siya. And about Ayesha's issue, I already cleaned her name in social media, sana ikaw rin dito sa school. She is bullied because of that, right?" "Yeah and about Mother, just comfort her after you update her on the news, Dad." Tumango siya sa suhestiyon ko. "Where is Alexandra?" Hindi ako nakasagot kaagad nang maisip kong hindi ako hinayaan ni Xandra na makalapit sa kanya. "I am sure she is with her friends." Nakita ko na nagpasundo siya kay Jane kanina, ang kaisa-isang kakampi niya sa tuwing nag-aaway kaming dalawa. "Pauwiin mo na siya." "I will, Dad." Bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo dahil sa nangyari ngayong araw. Lumapit si Katriel sa pwesto namin. He is so stressed too. Katriel is a fourth-year student and he was a good friend of mine. Nakilala ko lang siya sa airport when I am going to fetch my parents, kasama ang parents niya. I know he is soon to be a detective. He is one year older than me. "Good to see you, Tito. This is unbelievable. That man must be incarcerated for the dirty act he did, dito pa talaga sa YADCA," he said to my dad. Pinansin niya ako sa pamamagitan ng pagtaas at pagbaba ng kilay niya. "Yow there, Alexander." "Where is Louise?" I am referring to his friend. "Ayun," turo niya sa lalaking may hawak na warning sign. Mukhang naghahanda na sila para umalis. Binigyan nila ng caution sign ang buong paligid kung saan nangyari ang krimen. "You look exhausted, Riel," my dad said as he tapped Katriel's shoulder. "Kaya nga, tito. Anyway, kailangan ko munang pumunta roon. See you na lang, Tito, Alexander. Bye," paalam niya. I just nodded and stared at his back while he was walking towards the police. Tss, he is better than James and I much like him for her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD