CHAPTER 17

1407 Words
IYON ang araw na parang lumayo ang loob ko kay mommy ng sobra, never kong naramdaman ang pagmamahal niya bilang ina sa akin, yeah, never. Palagi na lang sina kuya at ate, palagi niyang dinadalhan ng pasalubong ang dalawa tapos ako wala. Kaya natatakot ako na baka magkamali ulit ako sa kuya ko at baka sampalin niya rin ako. Natatakot ako kapag malamig siyang kumausap sa akin, halos siya lang ang nakakapanginig ng tuhod ko, wala ng iba. I was in trauma, masakit ang mga naranasan ko sa buong buhay ko. Kung ako siguro pagpipiliin mas pipiliin kong mamatay na lang kaysa sa mabuhay ng ganito, hindi ko kailanman pinangarap ang ganito. Bakit hindi na lang kasi nila ako mahalin tulad ng pagmamahal nila sa mga kapatid ko? Sobrang unfair. Pagmamahal lang naman ang kailangan ko, masaya na ako. Tanggap ko sana kung bubugbugin ako pagtapos nun ay mamahalin na nila ako. Kinalkal ko ang bag ko at nagbabaka-sakaling may damit ako rito pero wala. May part din sa akin na naiiyak ako ngayon dahil hinayaan niya lang ako nakahilata rito at hindi siya gumawa ng maparaan para sa akin. Naiisip ko na mas importante pa si ate kaysa sa akin, favorite niya kasi ate eh, sa una pa lang napapansin ko na 'yon. Kung si ate nagseselos sa talino ko, ako nagseselos ako sa kanya dahil nasa sa kanya ang buong pagmamahal at atensyon ng pamilya namin. Paano kung nagkunwari lang si kuya at ayaw niya lang mapahiya ang pamilya namin kaya niya ako tinulungan ng ganito ngayon? Paano kung lahat ng ginagawa at sinasabi ni kuya ay pagkukunwari lang? Napahawak ako sa ulo ko at may kung anong kumirot doon. Siguro dahil sa iyak 'to kaya sumasakit ang ulo ko. Sobrang pagod ang pakiramdam ko ngayon. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo kahit masakit ang katawan ko. Sobrang lagkit ko dahil sa mga itlog na ibinato sa akin. Uuwi na lang ako muna ako at makikibalita na lang ako bukas. Sana kahit ipag paalam lang ako ni kuya sa mga teacher ko, pero imposibleng hindi alam ng mga instructor ko ang tungkol dito. They did it because of the cheating issue. Masama talaga ang loob ko kay Shin. Gusto kong gumanti sa kanya. Pagsakay ko sa taxi ay sumilip lang ako sa bintana. Lagi namang ganito ang eksena. "Ija, ayos ka lang ba?" Tanong ni manong driver at tiningnan ko siya. "Mukhang malungkot ka, anong nangyari sa 'yo?" Buti ka pa manong naisipan mo 'kong tanungin na mga ganyang bagay na matagal ko nang hinihiling na tanungin ako ng ganyan ng parents ko. "O-Opo, ayos lang ako. Nagbe-bake po kasi kami pero natapon sa akin kaya uuwi muna ako para makapag-palit," pagsisinungaling ko, ayaw ko magkwento at balikan ang mga ginawa nila sa akin, naiinis lang kasi ako sa sarili na hinayaan ko na namang gawin nila 'yon sa akin. Gusto ko nang maging matapang, gusto ko rin na katakutan ako, pero malabong mangyari yun. Hindi ako gagawa ng ikakapahamak ng ibang tao dahil sa abilidad ko. "Manong, sa tahimik po na lugar, please," wika ko kay manong nang mapansin kong papunta siya sa daan ng subdivision namin. "May alam ako na lugar, sana magustuhan mo, ija, mukhang mag-iisip ka. Halata naman sa 'itsura mo na may pinagdadaanan ka," sagot niya. Mabigat na paghinga ang nailabas ko. Gusto ko munang tahimik ang isip ko. Ang daming gumugulo sa utak ko. Nakarating kami sa isang isla, alam ko ang lugar na ito. Public and no entrance fee. Maraming nagsu-swimming kaya pinili ko yung pwesto na walang tao. Allowed din ang mga sasakyan dito pero bawal mag-park. Bumaba na ako at nagbigay ng 150 kay manong at saka ko siya pinasalamatan. Nagpunta ako sa malaking bato at naupo roon kasabay ang pagyakap ko sa aking mga paa. Pagtingin ko sa langit, may naririnig na naman akong bulong. She was motivating me but ended up encouraging me to do bad things. I didn't focus on her voice, I focused on the view. Nang may maramdaman akong may naupo sa tabi ko na ikinagulat ko kung sino... "Ay!" Agad akong lumayo ng kaunti sa kanya, "S-Sino ka?!" Gulat kong turo sa mukha niya. Tinanggal naman niya ang kanyang cap sabay ngumiti ng napakalapad at napakatamis. May dalawa siyang dimples at ang tangos pa ng ilong niya. Ang ngiti na familiar, ang ngiti na parang matagal ko ng nakita. "Upo ka," utos niya at hindi ko na namalayan na nakatayo na pala ako. He tapped his side. Mukha naman siyang mabait. Bakit ganun? Parang nakikita ko si Kuya sa kanya? "Sino ka?" Tanong ko ulit. Umiwas siya ng tingin sa akin, animo'y pinagmamasdan ang dagat. "Kailangan mo ba ng karamay?" Hindi na niya pinansin ang aking tanong. Napatingin ako sa langit. Ang kailangan ko ang katahimikan. "Hindi, sanay naman akong mag-isa," sagot ko at kumuha ng bato na maliliit na nasa ibabaw ng bato at itinapon ito sa dagat. "Teka? Paano ka nakarating dito? Sinusundan mo ba ako? Wait!" May naalala ako bigla, "Ikaw ba 'yung laging nagmamasid sa akin, ha? Sino ka?" Hindi ko na namalayang nakalapit ako sa kanya. "At bakit mabait ka sa akin? Parang handa kang dumamay sa lungkot ko ah? Kilala ba kita?" Dagdag ko pa na tanong. He raised both hands sign of surrender as he chuckled. "Isa isa, mahina kalaban," pagtawa niya pero sinamaan ko siya ng tingin kaya't nanahimik siya. Wala ako sa mood makipag biruan. "This is my favorite place kapag gusto kong mag-isa, nagtaka nga ako mayroong nakaagaw sa favorite spot ko," he looked at me and smirked, "At hindi kita sinusundan, feeling mo naman," dagdag pa niya kaya't nakaramdam ako ng kahihiyan. "Ganun ba?" I responded uncomfortably. "Bakit ang dumi mo?" Basag niya sa katahimik at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mayroon din siyang tinanggal na egg shells sa sleeve ng uniform ko. I laughed sarcastically as I played with my pen, nakuha ko lang sa bulsa ko kanina. "Suki ako ng mga bullies sa school namin. Araw-araw na lang kaya nasanay na ako. Actually wala naman sa akin ang ginawa nila, may ibang dahilan lang kaya gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip," sagot ko at bumaling sa kanya. Nakita ko naman ang pag-alala sa mukha niya. "Don't look at me like that, ayokong kaawaan ako ng mga tao kapag nagkukwento ako." "Wala bang tumutulong sa 'yo?" "Sino naman ang tutulong sa akin? Mga kapatid ko nga hinahayaan ako, worst, ikinakahiya," sagot ko na may diin. Naalala ko ang pagtulong sa akin kanina ni kuya. Dapat ba akong magpasalamat sa kanya kasi himala at tinulungan niya ako? But I heard his voice sound regretful for abandoning me. Kung gusto niyang bumawi sa akin, why not? Hahayaan ko siya if he wants. "Hays! Nakakainis!" Napatingin ako sa kanya nang suminghal siya. Kumunot naman ang noo ko, ba't ganun reaksyon niya? Akala mo naman siya 'yung nabully. "I'll go ahead," paalam niya at nagbuntong-hininga. Lumapit siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa noo na ikinagulat ko. "B-Bakit?" Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat habang hawak-hawak ang noo ko. He smiled bitterly and ran away. Sino ba talaga siya? Bakit kung umasta siya parang kilalang-kilala niya ako? Kita ko naman sa mukha niya na parang nakita ko na siya dati, hindi ko lang matandaan kung saan talaga. Matapos ng ilang oras na pagtulala ko sa dagat ay naisipan ko nang umuwi at magpahinga. Wala akong nadatnan sa bahay. Kumuha ako ng libro upang magbasa. 'You need him.' "Argh!" Nabitawan ko ang libro na hawak ko. 'Trust him. He will help, love, and care for you.' "Ooh, ano ba..." Hirap na hirap ako sakit ng ulo ko habang pinapakinggan ang mga boses. 'Ethan will put you in a good life. Follow him.' "No!" At sino si Ethan? 'He holds the power. He's an ally. I like him for you.' "Shut up!" Naramdaman ko na lang na nahulog ako sa batong kinauupuan ko. Hindi ko mapigilan ang dumaing nang malakas ng mauntog ang ulo sa bato. "Cheater!" "Loser!" I just felt a sticky liquid on my face and realised that it was an egg. Sunod-sunod ang ibinato nilang itlog sa akin. From the second floor, they pour flour into my whole body. I felt suffocated when the flour choked my nose. "Please, s-stop!" Napaluhod na ako, maging ang mata ko at nabigyan na ng harina. 'Can you fight?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD