CHAPTER 4

1507 Words
I should warn her! 'No.' Hindi ko makontrol ang sarili ko! Gusto ko siyang sabihan pero ayaw ng isip ko at gumalaw ng katawan ko. But suddenly my mind changed. I grinned as if I won the lottery. I want to see her die, anyway. Just die! NAKAUWI ako sa bahay dahil sa ginawa kong pagtakas sa school. Binabalak nila akong pagtripan na naman kaya iniiwasan ko na lang. Pagod na yung katawan ko ngayon, bukas naman sana. Pero hindi 'yon mangyayari dahil mayroon pa akong afternoon class. Mabuti na lang at 5 minutes lang yung advance ng pag-alis ko kaya hindi ako mapapagalitan. Pumunta ako sa may balcony sa labas ng kwarto ko at tiningnan ang labas kung saan makikita mo yung kadiliman sa tabi ng gater. Napakunot na lang ako ng noo dahil sa may bandang kanan namin ay may nakita akong tao na naka-cap na itim at Jacket na animo'y ako ang pinagmamasdan niya. Tiningnan ko siyang mabuti at gan'on na lang ang pagkagulat ko nang bigla siyang mawala sa paningin ko. Sino 'yon? Bakit niya ako tinitingnan? Imposibleng stalker ko siya? Ang kapal naman ng mukha kong maging assumera. Bigla akong nakaramdam nang kaba sa naisip ko na baka may binabalak siyang masama. Napalunok ako. Huwag naman sana, ayokong may mangyaring masama sa akin. Bigla kong naaalala nung bata pa ako. Flashback "Ayesha pumunta ka nga sa labas at kunin mo 'yung bola ko ro'n! Bilis!" pasigaw na utos ni ate kaya napatalon pa ako sa gulat wy nagmadaling tumakbo palabas. Napakamot ako ng batok ko at ngumuso. 'Saan naman kasi 'yung bola ni ate?' Napagod na ako kakalakad hanggang sa mapadpad ako sa may mga puno rito, medyo malayo sa house namin. Natatakot ako kasi medyo dumidilim na rin at hindi ko pa nahahanap 'yung bola ni ate at paniguradong sisigawan niya ako. Ayokong mangyari 'yon dahil mag-aaway na naman kami. Tumakbo ako papuntang loob nang maraming puno at biglang nagningning ang mga mata ko dahil nakita ko na ang bola ni ate. Bago pa ako makalapit do'n ay may nakita akong isang lalaki na nakatayo ro'n na naka-jacket at nakasumbrero rin. Nagulat na lang ako nang bigla siyang ngumiti at iniabot ang bola na kanina ko pa hinahanap, nanginginig ang kamay kong inabot ang bola dahil din sa kaba na nararamdaman ko. "Next time 'wag kang pumunta rito mag-isa baka ano pang mangyari sa'yo," bilin niya kaya napangiti ako sa kanya, mukhang hindi siya bad. "Thank you po, kuya stranger!" masaya kong sabi, tumango siya at bigla siyang umalis sa harap ko. Patalon-talon akong bumalik sa bahay at ibinigay ang bola kay ate. End of Flashback Napangiti pa ako nung maalala ko siya, hindi ko man nakita masyado mukha niya pero bigla na lang siyang sumagi sa isip ko. Baka siya rin yung lalaki noon? Napailing ako. Imposible! Kasi maiisip ko na baka binabantayan niya ako. Nagbuntong hininga na lang ako at naligo para magpalit ng panibagong uniform. 4 hours pa ang klase at sayang kung hindi ako a-attend. L425 ang room ko ngayon, ibig-sabihin makakasalamuha ko si Chelsea. "Ooh, kaklase na naman natin siya," saad ng isa sa mga kaibigan ni Chelsea. Naka-krus ang mga braso niya nang lapitan niya ako. "I just want to inform you that James gives me flowers," sabi niya at itinuro ang bulaklak na nasa desk niya. "How sad for you, you are the girlfriend but I am the one who receives some flowers," she teased and turned away. Nakaramdam ako bigla ng selos sa kanya. Imposibleng bibigyan siya ng bulaklak ni James. Alam ko na inaasar niya lang ako kaya hindi na siguro ako maniniwala sa kanya. "Anyway," bumalik siya ulit, "Sabay kaming nag lunch ng boyfriend mo today. Sinubuan pa nga niya ako. Wala ka raw so ako na lang ang pumalit," nakangisi niyang sabi. Naririnig ko ang mga ngipin kong naggagas-gasan sa loob ng bunganga ko dahil sa panggigigil. "Ikaw..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Namamasa na naman kasi ang mata ko. Biglang dumapo sa isip ko ang sinabi ni James sa akin tungkol kay Chelsea. Sabi niya huwag ko raw awayin si Chelsea at hayaan ko na lang siya sa tuwing inaasar niya ako at nandoon naman daw siya para pagtanggol ako. Pero nasaan siya ngayon? Kaya niya bang sabihin sa akin na nagsisinungaling lang si Chelsea? Kahit na nagseselos ako sa mga sinasabi niya, inintindi ko si James kasi mahal ko siya at tama rin naman ang sinabi niyang dahilan. Princess si Chelsea dito sa Campus kaya mas makapangyarihan siya. Kagalang-galang pero hindi karespe-respeto ang ugali niya. Kayang-kaya niya akong ipakuyog kahit anak ako ng may-ari ng school, since wala rin namang pakialam ang parents ko sa akin. Imposibleng hindi nila nababalitaan na nabubully ako. Sadyang wala lang talaga silang paki sa akin kahit na siguro mamatay pa ako kakainda ng kasakitan dito sa school. Naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa sahig dahil sa pagkakatulak ni Chelsea sa akin. "Can you please leave him alone?" Naiinis niyang sabi. Pinagpag ko ang sarili ko nang makatayo ako. I scoffed, "Bakit ko naman siya lalayuan? Sino ka ba? Baliw ka ba?" "What?" "Hindi ka ba nahihiya sa mga pinagsasabi mo?" Live na live talaga siyang nang-aagaw. Ayoko namang isipin na naiinggit siya sa akin kasi ako yung girlfriend ni James hindi siya. "Ikaw, hindi ka ba nahihiya sa sarili? Do you think all of the people around you want you in their sight? Even your so-called boyfriend? Definitely not!" Kumunot ang noo ko, "Ano bang problema mo sa akin, ha?" "My problem is your existence! You should die! And go, jump off the rooftop!" Umalingawngaw ang pagsampal niya sa akin. "Punong-puno na ako sa 'yo!" Sigaw ko pero tinulak niya lang ako kaya wala na naman akong magawa. Sinuntok ko ang sarili kong mga paa dahil sa disappointments sa sarili ko. Hindi ko man lang magawang manlaban. "STOP IT!" Isang sigaw ang umalingawngaw sa buong classroom namin. I started to roam my eyes around and found out the girl who was standing in the doorway. Lahat ng atensyon namin ay bumaling kung saan nanggaling ang sigaw. Nakaramdam ako ng gulat at pagtataka dahil nakilala ko kung sino siya. Francheska? Francheska Montecarlos, isa siyang anak ng isa sa mga admins dito sa University. Sikat din siya dahil na rin sa kagandahan niya at impluwensya niya sa mga estudyante. Hindi na rin iyon, dahil nga mataas ang posisyon ng parents niya sa partnership ng University kaya hindi rin siya pwedeng baliwalain ng kung sino. She is a vlogger also, sikat sa mga social media. Kasama niya ang dalawang kaibigan niyang nasa likuran niya. Napapalunok ako dahil natatakot ako na baka...saktan din nila ako. Ang alam ko kaibigan siya ni Chelsea dahil palagi silang magkakasama sa tuwing may gatherings na mangyayari o sa Cafeteria. But why is she doing here to interrupt the situation? "Cheska, you're here. What's brought you here?" si Chelsea. "To punish this brat? No, thanks, I can handle her myself." "Manahimik ka babaeng kinapalan ng makeup!" Sigaw nang nasa likurin ni Francheska kaya napasinghap ang ibang nanonood, ang iba naman ay natawa. I saw Chelsea and how she felt embarrassed while looking around. "Anong pinunta ko rito?! You! Pabida ka na naman at nang-aaway ka na naman ng mga schoolmates nating walang kalaban-laban! How dare you to hurt Ayesha!?" Nagulat ako sa sinabi niya. Pinagtatanggol niya ba ako? Himala yata? Paano niya nasasabi 'yon kung siya mismo ganun din siya? Isa rin siya sa mga nambubully sa akin n'on, bakit ngayon pinagtatanggol niya ako? O dahil ayaw niya lang ang ginagawa ng kaibigan niya? May point naman si Francheska na dapat huwag pumatol si Chelsea sa mga walang kalaban-laban katulad ko. But Chelsea has no mercy on anyone, she can do anything here anyway. "What?! Don't tell me kinakampihan mo ang babaeng 'to?! Nauntog ba ulo mo, Cheska?!" gigil na katyaw ni Chelsea at saka tumingin sa akin. Yung tingin na para bang sasaksakin na ako sa talim.Kung nakakamatay lang ang tingin, pinaglalamayan na ako rito. "Yes. At pwede ba'ng tigilan mo si Ayesha, please? Masahol ka pa sa hayop kung mag-parusa sa kanya. Isa kang demonyo!" Pambabara ni Francheska. Umusog ako upang mapalayo sa kanilang dalawa at para hindi na rin madamay kung sakali mang mag-sasabunutan sila. "And oh, plastik nga pala siya, 'di ba, girls? She talks about us. She is a backstabber," dagdag niya pa nang may halong pairap. Knowing these two women, hindi sila marunong magpatalo. Ano kayang mangyayari? And they are friends, why are they fighting? "Ako plastik?! Wow! Ano tawag sa 'yo? Mabuting kaibigan? And who the hell told you that I was talking about you? Artista ka ba? And woah! Himala at nakikipag kaibigan ka sa babaeng 'to?! Do you need something? You need her money, huh? You need her because she is one of the owners of this campus, huh? I bet she can't help you," pikon na sagot ni Chelsea at dinuro ako na parang isang bagay lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD