CHAPTER 12

1194 Words
GALIT pa rin siya sa akin, nahahalata ko naman sa mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Pero kahit na kinakabahan ako sa kanya, comfortable ako sa kanya kapag kami lang dalawa ang mag-kasama, kumpara kay ate Xandra, natatakot ako sa kanya. She might hurt me. "Okay, continue your food. Don't be afraid like I am going to kill you, tss," pagsusungit niya at saka umalis sa kusina dala ang pagkain niya. Ang kuya ko mabait naman siya, tulad ng nabanggit, nagalit lang siya sa akin dahil doon sa nangayri. Hindi rin siya friendly at hindi ka kakausapin kung hindi mo siya kakausapin. Mas kilala ko ang kuya ko kaysa sa ate ko. Para siyang boy version ko. Guwapo siya pero mas kamukhang-kamukha ko siya kumpara kay ate Xandra. At ewan ko ba kung bakit hindi nila makita ang ganda ko. Nakakapagtaka talaga, guwapo si Kuya sa paningin ng mga tao samantalang magkahawig kami. Nevertheless, he never bully me kahit sa school, hindi tulad ni ate. Hindi rin ako tinatanggi ni kuya, hindi tulad ni Ate. Sesermunin niya ako, oo, susungitan at i-isnobin. Pero hindi siya tulad ni ate na kaya akong ipahiya sa harap ng maraming tao. Inayos ko na ang pinagkainan ko at dumaan sa ilalim ng hagdan. "Hey," boses ni ate. "Dad and mom calling you. They are in their room, may pag-uusapan daw kayo," dagdag niya at umalis na. Napakagat muna ako ng labi para maibsan ang kaba ko bago ako dumiretso sa kwarto ng parents ko. Nakita ko si daddy na inaayos ang tie niya. "Ayesha, can we talk seriously now?" Panimula ni daddy na may iritable sa boses niya. "D-Dad, gusto ko po na pakinggan niyo muna ako. Alam ko pong may nabalitaan kayo sa school na current issue ko, pero daddy..." Napahikbi na ako, "wala po akong ginagawang masama, siniset-up po nila ako," garalgal na boses na dagdag ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yong bata ka." "Then what is this?" Tanong ni mommy habang ipinapakita ang picture ko. "Aktong-akto ka." "M-Mommy, hindi naman po 'yan answer key. Mayroon lang po akong ibang papers na ipinasok sa locker ko at nagkataon pong kinuhanan po akong litrato," paliwanag ko na may pakikiusap sa tono. Sana maniwala sila. Nagbuntong hininga silang dalawa. "How can I trust this child to the Raizue family, Kathrina?" "That's why we call her here to lead her to a good behavior when the time she will face her soon to be parents-in-law," diniinan ni mommy ang sinabi niya na siyang nagpagulat sa akin. In-law? Anong ibig niyang sabihin? "We arranged your marriage with Katriel," sabi ni dad kaya napaatras ako. "Daddy, no..." Mangiyak-ngiyak kong pakiusap, "N-No, please... Not me, please!" Umiling ako ng maraming beses. "You can't say no, I already said yes to Mr. Raizue, wala ka nang magagawa," how bad? H-How selfish! Paano naman yung permission ko? "D-Dad..." "We just wanna inform you. Kahit ito lang ang maisukli mo sa kahihiyan na nagawa mo. If you don't want me to hate you for a lifetime, Ayesha, don't make me mad about this thing. Accept this and I will accept you who you are," sabi ni daddy. Napahikbi na lang ako ng mahina. I feel hopeless. Paano naman yung freedom ko? Bakit ako pa? Bakit hindi na lang si ate? At bakit kailangan niyang sabihin sa akin na kailangan kong gawin yun para hindi niya ako kamuihan? Anak niya ako! Dugo't laman niya ako, bakit nakakaya niya akong itapon ng basta-basta lang? "It's okay," si mommy na nilapitan ako. Inakbayan niya ako, "be a good wife, don't make me disappoint again, Ayesha," dagdag niya habang hinahaplos ang mukha ko. "You will meet your fiancè other week, ayusin mo ang sarili mo." "Bakit po ako pa... Paano naman po ako?" Pag-iyak ko at dahan-dahan na itinanggal ang kamay ni mommy na nakaakbay sa akin. Tinulak naman niya ako at inis niya akong binalingan. "Sino pa ba?! Ayaw ka namin na kasama rito sa bahay! At pwede ba? Ayaw na ayaw namin ng daddy mo na reklamador!" Init na ulo na niya na namang sabi, may talim ang kanyang boses. "Mommy, paano naman po ako? Bakit ako mag-aasawa ng maaga?" Hindi ba dapat hayaan muna nila akong makatapos? Bakit ganito? "Gaga ka talaga! Ang kasal na 'yan ay pwedeng tanggalin after years! Indahin mo for our wealth! Kahit iyon na lang sana yung kabayaran mo at may pakinabang ka rito!" Malakas na boses na sabi niya at iniwan na ako. Naramdaman kong hinalikan ako ni daddy sa ulo ko. Ito yung unang beses na naramdaman ko ang isang halik ng magulang. Dahil may kailangan sila sa akin. "Just do what we have said, Ayesha. Don't be stubborn. I am trying to be nice with you even if you embarrassed our whole family. Remember what we said," he tapped my head and left me to their room. Sumisikip ang dibdib ko sa kadahilang pinipigilan ko ang pag-iyak ko. ALEXANDRA'S POV "Thank you, mommy!" I hugged my mom. Hinalikan naman niya ako sa sintido ko. "Ikaw ang gusto nila for their son, but I don't want to let go of you. We love you, my princess, ayaw rin kitang matali. Gusto ko munang tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Ayaw ko rin sirain ang kalayaan mo as a single woman," malambing niyang sabi. I tighten my hugged. "You're the best, mommy," I said, closing my eyes to feel her. Balak sana nila akong ipakasal sa partner nila, ngunit pinaglaban 'yon ni mommy kay daddy. Ako ang gusto nila dahil nga nakikita nilang magkakasundo raw kami ng anak nila. I don't know who is the guy is, but I bet he is handsome and cool. "Kahit pa anong mangyayari, hindi kita hahayaang mawala sa piling namin ng kuya mo at ng dad mo, okay?" "Opo, mommy." "Mabuti na lang at tinanggap na si Ayesha sa kanila." Mabuti na lang. "At magwawala po ako 'no, ang sarap kaya ng buhay single," I said, fixing my school bag. "May allowance ka pa?" I scratched my head. Gumala kami kasi maghapon ng mga kasama ko kaya yung 10k na ibinigay ni mommy, 2 days lang. "Naubos mommy. Sorry po," I pouted and kissed her cheek. "Ikaw talaga. Ito, yung allowance ni Ayesha sa 'yo na," she gave the money, "15k 'yan. Hindi naman niya kinukuha kaya sa 'yo na. Manghingi na lang siya kung gusto niya." I full-heartedly accept the money. A thought came to my mind, "Mommy, naniniwala kang nang-cheat si Aye?" "Ewan ko. Ang dami ko ng problema ayoko na dumagdag pa 'yan sa iniisip ko," sabi ni mommy habang inaayos ang mga nakatumba kong mga perfume. She's in my room. "But I guess she did not," what happened ba? "Kasi 'di ba mommy bata pa lang 'yan matalino na?" "Ewan ko nga. Kayo ang nakakilala riyan kasi kasama niyo 'yan lumaki at schoolmate niyo. Do I need to watch her to grow and focus to her?" May point naman ni mommy. But my friends talk about the girl who possibly did it. Sumbong ko kaya yun kay kuya? Feeling number one kasi ang babaeng 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD