CHAPTER 11

1201 Words
"WOW, you're good," komento ni Francheska. "Can you do mine, too? Kaya lang iba yung sa kanya doon sa akin. Pwede? Pretty please?" Nagpacute pa siya sa harap ko habang hinahawak ang palad ko. "Sige na nga!" Nakangiti ako habang sinasagutan ang papel niya. "Buti pa kayo okay na 'yung assignment ninyo," si Xianna na malakas kung magbuntong-hininga. "Ako nga essay, puro mali na lang daw ang ginagawa ko sabi ng instructor namin. Ayoko na gumawa, magpapabagsak na lang ako sa subject niya! Wala akong maisip na title at topic. Kainis talaga!" "May prepared ako na essay, Xianna," sabi ko at binigay ang plastic envelope na may lamang bondpaper na nakabind. "Sa 'yo na, huwag mo lang ibagsak ang sarili mo," dagdag ko pa. Napatakip naman siya ng bibig at tinanggap ang plastic envelope. "Thanks!" "Trip kong dumaan ngayon sa soccer field. Nandoon si Alex!" Excited na sabi ni Francheska at nauna na sa amin. Nagmadali akong nagligpit ng gamit at sinundan si Francheska na ngayon ay may kinukuha sa kanyang bag. "Ayesha..." Nagpacute siya sa kanyang boses at humarap sa akin. "Ano yun?" Tanong ko nang tumigil kami sa paglalakad. "Pakibigay naman 'to kay Alexander oh, please!" Nag-puppy eyes siya kaya natawa ako at kinuha sa kamay niya ang isang sobre at isang balot ng chocolate sa kamay niya. Pogi ni kuya ah, may manliligaw. "Sige, ibibigay ko 'to," pagpayag ko. "Now na!" Pagpupumilit niya. Bumaling ako sa bench, mukhang busy si kuya dahil nagbabasa siya ng libro. May mga barkada rin siya sa kanyang itaas na nag-uusap. I sighed. Medyo kinakabahan ako. Nahihiya yata ako... At saka badtrip si kuya sa akin, paano ko siya haharapin? Though malalapitan naman pero susungitan niya lang kasi ako. Lalo na't naniwala siya doon sa issue ko. Nilakasan ko ang loob ko na lumapit sa kanya. Umangat ang tingin niya nang may maramdaman siyang tao na nasa harap niya. "What do you need?" Sinarado niya ang libro na binabasa niya. "Kuya, may nagpapabigay sa 'yo," ngiting sagot ko at inilahad ang isang sobre at chocolate. Tumitig siya ng ilang segundo sa hawak ko, pagkatapos ay tinanggap niya rin. Napangiti ako at bumalik sa puwesto ni Francheska ng mabilis, at siya naman ay hindi mabibili ang tuwa dahil sa nakita niyang pagtanggap ng kuya ko sa regalo niya. "OMG! Thank you!" Niyakap ako ni Francheska ng mahigpit. "You always help me since yesterday! Minsan kapag chinachat ko si Xander nirereplyan niya agad ako. Because of you!" Masaya niyang sabi kaya't nakaramdam ako ng saya sa nararamdaman niya. "Bagay naman kayo ng kuya ko, ah?" Sabi ko at binalingan si kuya na ngayon ay bumalik na sa pagbabasa. "Talaga?" "Oo!" Sagot ko. Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Can you help me every day? Alam mo kapag naging kami ng kuya mo, ikaw na ang magiging favorite in-law ko!" Napakamot ako ng ulo, "How I wish..." FRANCHESKA'S POV We stopped in the middle of our laugh when a girl approaches us. Nakita ko siyang may dala-dalang libro. Sa palagay ko siya yung matalino sa Room R332, classmate namin siya sa ibang course subject. "What do you want?" Tanong ni Xianna, tinarayan pa. "Hindi ikaw ang pinunta ko rito," sagot niya at inirapan si Xianna. Tinaasan ko siya ng kilay nang balingan niya ako. "Siya ang kailangan ko," turo niya sa akin. "And what made you think that I want to hear that?" I wrapped my arms around my chest, still raising my eyebrows. "It is just easy to do that since you are famous in any social media. May ipapagawa lang naman ako, I heard you have a spare account," ngumisi siya sa akin. "Then?" At kanino naman niya narinig 'yon? Kinuha niya ang kanyang phone at ipinakita niya sa akin ang litrato. "May alam ka ba sa kumakalat ngayon sa section namin tungkol sa kanya?" Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi naman nakakapagtaka kung isa siya sa mga basher ni Ayesha, but she is determined to ruin Ayesha here in school, I guess. "About cheating thingy?" Does Ayesha is cheating? Well, I doubt that. I already competed her in the examination section. Mahigpit doon at nakaya niya ang napakahirap na sinasagutan. Out of 60, she got 59 while me is only...argh...23. It so hard! "Yes." "What about that? Wait..." I pointed my index finger to her, "You did it?" She nodded a bit. "Aha! I knew it. And what about that?" Turo ko sa litrato na nasa cellphone niya. "I want you to spread it in social media. I want her to be kicked out from her own school," she said, then she smirked as if she won. Nagdalawang isip ako kalauna pero sa huli... Napapayag niya ako. Sino nga naman ang may gustong manatili pa siya sa eskwelahan na 'to? AYESHA'S POV NAPAGISING ako nang may naramdaman akong sinag sa mukha ko. Nakalimutan ko pa lang isarado ang mga kurtina kagabi. Umaga na naman. Ayoko ng isipin kung ano ang mangyayari in a whole day. Pagod na pagod ako kagabi galing sa trabaho, at mabuti na lang nagigising ako on time. Napatingin ako sa phone ko na walang tigil sa pagnonotif mula kagabing ini-activate ko ang social media ko. Bumungad si James sa wallpaper ko. May naisip ako na ireregalo sa kanya pero mamaya ko na gagawin. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Napatingin ako sa harap ng salamin. May pimple na namang tumubo. Ano ba 'yan?! S*x nang s*x mga pimples ko, nanganganak tuloy ng marami! Napatampal ako sa noo ko, bastos! Pinagmasdan ko nang mabuti ang mukha ko. Hindi naman ako pangit, ah. Marami lang pimples pero mukhang maso-solusyonan naman ito kung magsisipag akong gumamit ng skin care. Nahahawa lang ako sa mga nanlalait sa akin kaya pati sarili ko nalalait ko na. Wala kasi akong pakialam sa mukha ko kaya ito ang naging resulta. Matapos kong ginawa ang morning routine ko, lumabas na ako para pumunta sa kusina pero bakit parang masaya yata ako? Wala kasing katao-tao sa sala. Si Jessa lang nakita ko, yung isa sa mga maid namin at taga-luto. "Ate, nasaan po sila?" Tanong ko sa kanya, hinarap niya ako at kahit siguro painter hindi maipinta ang mukha niya. "Umalis yata ho sila, ma'am, hindi ko ho sila napansin," sagot niya at saka pumunta sa pintuan ng kusina. "Kumain ka na riyan," huli niyang habilin at tuluyan nang lumabas sa kusina. Rude naman. Hindi rin kami magkasundo no'n, galit yata sa akin palagi. Sino bang hindi galit sa akin sa bahay na 'to? Halos lahat yata galit. Wala man akong ginagawang masama, eh. Bahala nga silang magalit, buhay nila yun. Kumuha ako ng pagkain at saka na naupo sa dining table. Akmang isusubo ko na ang kutsara na may kanin at ulam nang biglang pumasok si kuya. As usual malamig pa rin ang awra. Dumapo ang tingin niya sa akin kaya muntikan na akong masamid. "Where's your ate?" Tanong niya habang nagsa-sandok din ng pagkain niya. Tumikhim ako bago sumagot sa kanya. "H-Hindi ko pa siya nakikita, kuya," sagot ko habang nakatungo sa pagkain ko. Halata yung pag-nginig ng boses ko. Hindi ko kasi kayang titigan siya sa mata at baka may makita akong hindi ko magugustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD