CHAPTER 20

1472 Words
BIGLA akong namula. Nahihiya ako sa sinasabi nila ngayon. "I am curious behind her dirty uniform. I think she has a body shape and smooth skin. Pinagmamalaki niya eh, ang sarap sigurong... Squishy squishy," he acted like he was pressing a breast. What the hell? Manyakis! Kinakagat-kagat niya pa ang kanyang ibabang labi. Umalis na ako kung saan ako pinagtitripan ng grupo ng mga kalalakihan. Lahat ng nadadaanan ko, pinagtatawanan ako. Lahat sila nakatingin sa likod ko. Mayroon pang ibang mga m******s na inaasar ako. "Hindi ba't siya 'yung sahog kahapon sa binibake ng mga Culinary students?" "Oo, siya nga. Masarap ba siyang maging cookies?" Umalingawngaw ang tawanan nila. Nakaramdam ako ng inis. "Aish," may naramdaman akong parang may hinilang bagay sa likod ko, "tao nga naman." Napatigil ako at pinanood ang lalaki na pumunit ng papel. Piniraso niya ito. "They pasted paper in your back written 'I'm so sexy, you wanna see my body?'" Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Sino naman ang naglagay n'on? "Thank you tinanggal mo," naiilang kong sabi sa kanya. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa hiya. "Totoo nga talagang hindi maganda ang trato ng mga schoolmates mo," bumuntong hininga siya. "I heard some students, they are blabbering about you. You experienced bullying yesterday, you are fine?" I nodded. Hindi naman na nakakapagtaka ang pag-usapan ako. Ang ayaw ko lang yung ganito, yung binabastos na ako. Nakakahiya naman na pati sa kanya nakarating ang nangyari sa akin kahapon. "B-Bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ako?" And I am wondering why he helped me. O dahil isa siyang professional? Pero mukhang hindi naman kasi nalalayo ang edad naming dalawa, I think he is merely a student. Naalala ko bigla 'yung tingin niya kahapon, it's like he is up to something, like he wants to say something. "Yes, because I saw the paper and it's not good, since a lot of students laughing at you. Nakalimutan yata nilang may biktima roon, napili ka pang pagtawanan," mababakas sa boses niya ang pagkadismaya. "The students of this Academy are disappointing. That's why I hate entering this school and studying here kahit gusto akong ipasok rito ng parents ko." So kilala niya rin pala ang school na 'to? Kung sa bagay, 15 thousand students ang nandirito. This is a beautiful school, pero dahil maraming bullies, nadadamay ang image at yung name ni Daddy. "Hi, can I take a picture with you?" Lumapit ang tatlong mukhang freshmen na nakita kong isa rin sa mga tumatawa sa akin kanina. "Uh, sorry, I don't want to. Hindi ako humaharap sa camera," pagtanggi niya pero hindi mababakas sa kanya ang pagka-rude. "Sayang!" Bumaling siya sa akin nang umalis sila. "Ayokong lumapit sa mga taong mapanghusga. Anyway, do you want to go with me? Let's have a little conversation—" "Hey," naputol ang pagsasalita niya nang naramdaman kong may umakbay sa akin. "Hmm?" "Ah, boyfriend ko," pagkamot ko sa ulo ko, "Inigo James," pagpapakilala ko sa kanya. "Nice to meet you, anong pinag-uusapan niyo?" James stretched out his arms and shook with this man. "I just saw your girlfriend walking with an awful thing in her back. So, I gotta go," paalam niya. Nang tumango ako, nauna na siya. Agad naman akong nilayuan ni James. "Who is that?" Malamig na naman ang kanyang boses. Napatikhim ako. "Hindi ko alam ang name." Napansin kong nakuha na pala yung katawan ng biktima. "James, teka lang..." May pakiusap sa tono ko nang akmang aalis siya. "Let's talk, please?" "Sige," nauna na siya sa akin kaya't agad ko siyang sinundan. Nakarating kami sa side ng Gym kung saan walang tao. "M-Magtatanong lang ako." "Hmm?" Nilapitan niya ako kaya't napasandal ako sa pader. "A-Anong mayroon sa inyo ni Chelsea—" hindi pa ako natapos sa pagtatanong nang mabilis niya akong halikan sa labi. "Wala 'yon, hayaan mo siya. Anyway, let's date tonight?" "Talaga?" "Yeah. Sorry for being absent all the time, busy lang talaga ako. Alam mo na? Third-year things." "Naiintindihan kita," ilang akong ngumiti. Medyo napakilig niya kasi ako nang halikan niya ako. "Hey, tonight? See you later," paalam niya at hinaplos niya ang buhok ko pagkatapos ay iniwan na niya ako. Dumaan ako sa locker ko para kuhanin ang mga libro na hiniram ko sa library. Pagkabukas ko sa locker ko ay lumantad ang naparaming papel. Kinuha ko ang isa at binasa ang naka-sulat. Mag-drop out ka na! Pangit mo. Aso ka ba ng pamilyang Dela-Cruz? Mamamatay tao! Tinipon ko ang mga papel at pabagsak na itinapon ang mga iyon sa trash bin. Kailan ba nila ako titigilan?! Nakakasawa na! 3RD PERSON'S POV It's Friday, 3 PM. Magkasama ang mag-amang Raizue sa office. Ang ama ay pinapanood ang kanyang anak na kinakalikot ang kanyang laptop na animo'y may binabasang articles. "Son, can we fix your marriage this coming week?" Nagalinlangan pa ang ama na magtanong. Nahihiya siya kasi sa kanyang anak. His son is very good, hindi niya binigyan ng sakit ng ulo ang parents niya. "It's all up to you, Dad," sagot ng anak na hindi siya binabalingan. "I'm sorry. Alam kong napililitan ka. Your brother, already has a wife. Hindi ko matanggihan si Yolo. I know anak it is unfair to you, pero once na nakahanap ka ng gusto mo, makikipaghiwalay ka na." "Dad..." Isinarado niya kanyang laptop, "As long as you are not stopping me from what I wanna do, gagawin ko lahat ng gusto ninyo ni mom. Basta hayaan niyo akong maging masaya kung ano ngayon ang ginagawa ko. Sabi ko naman sa inyo, I want to be a detective, kahit na gusto niyo akong maging doctor like my brother." "We won't stop you. We are just here to support you. Piliin mo pa rin ang nasa puso mo." "So, can I finish this first, Dad?" Turo niya sa kanyang binabasa. "Sure." AYESHA'S POV Nag-sick leave ako sa trabaho ko para lang makasipot kay James. Sabi niya magkikita raw kami sa tapat ng school. 6 PM. "6:30 na, wala pa siya," naiinip kong sabi at nagtitingin-tingin sa gilid. Naupo muna ako sa may bato at nanood sa phone ko para maibsan ang inip. 7:15 na wala pa rin siya kaya naisipan kong tawagan na siya, pero out of reach siya ngayon. Nag-aalala ako na baka may nangyaring masama sa kanya, huwag naman sana. Tinext ko na rin siya kanina pero wala siyang reply. Hindi na siguro siya pupunta. Nabuhayan ako ng loob nang may kotseng tumigil sa harap ko pero kaagad ding napawi iyon nang makita ko kung sino ang driver. Napanguso ako dahil sa lungkot. "It's already late at night, anong ginagawa mo pa rito? Sakay na," sabi niya. Sumakay na lang ako dahil alam kong hindi na siya darating. Nang makasakay ako, doon ako umiyak na sakto lang ang lakas. Nakakahiya man sa kanya pero hindi ko napigilan. "May problema ka ba?" "P-Pwede bang dalhin mo muna ako malapit sa ilog?" Gusto kong magbato ng mga bato sa tubig para mawala ang sama ng loob ko. "May alam ako," sabi niya at sinimulan na niyang magmaneho. Idinala niya ako sa isang ilog na kung saan kakaunti lang ang liwanag kung masisilawan ka. Sakto na may malaking bato rito kaya doon ako pumwesto. Luckily it wasn't that far from our school so I could handle going home. "Do you mind if I ask you what happened?" Nagtaka ako nang tumabi siya sa akin. "Ayos lang ba sa 'yong samahan mo ako?" Baka naaawa lang siya sa akin kaya sinasamahan ako? "Yeah." "May usapan kami kasi ng boyfriend ko na magkikita tonight pero hindi niya ako sinipot," pag-singhot ko. Masama ang loob ko kay James ngayon. Hindi siya sumagot at tinapik lang niya ako sa braso. "Anong pangalan mo?" Dagdag na tanong ko. "Hindi pa ba ako pinapakilala ng parents mo sa 'yo?" Nagtataka ang tono niya. "Bakit? Relative ka ba? At saka bakit ang bait-bait mo sa akin? Palagi pa kitang nakikita," takang tanong ko. "Riel," pagpapakilala niya at nilahad ang kamay niya. "Ayesha," panandalian lang akong nakipag-shake hands at bumaling na ulit sa tubig. "Riel?" Parang familiar yung pangalan. Saan ko nga ba yun nabasa?i Something of this man intrigued me. Parang may nararamdaman akong kakaiba tungkol sa kanya. Something that thrust me to know this man well. "Absolutely, Riel." I turned around and kept my hands on the stone. I fixed my feet and placed them comfortably. "Are you a student? Or fresh graduate? You know, to tell you honestly, you look professional and that... like a successful person," I pointed to him with open hands. He looked at me well-pleased and just smiled. Hindi ko sinasadyang maguwapuhan bigla sa kanya. That smile like it is expensive and can just be seen seldomly. "Student," simpleng sagot niya. "Pero mag-aasawang maaga," he added and darted his eyes on me. Pareho tayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD