CHAPTER 7

1486 Words
Napasinghap ako sa gulat at agad na bumaling sa likuran ko. Parang mayroong lumapit sa akin at kumausap sa kabilang tainga ko. Tinago ko ang braso ko dahil nakatayo lahat ng balahibo ko. 'Let's enjoy later the flow of the blood through the body of the corpse, Ayesha. It is fun, it will be fun.' "Tama na," I mumbled to myself. "Class, dismissed." Pagkasabi ng instructor namin, kaagad na nag-ayos ng mga gamit ang mga kaklase ko at dali-dali silang tumakbo palabas ng classroom. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Anong mayroon? Sumunod na lang din ako habang nakahawak sa rail ng hallway at pinapakinggan ang mga sigaw nila. "Schoolmate raw natin siya, kinilabutan ako." "Sabi ng kaibigan ko baka nga raw wala na siyang buhay kasi yung ulo niya parang may c***k, ang dami raw dugo." "Natatakot akong umuwi. Gabi pa naman ngayon." May naaksidente? Schoolmate namin? Sino naman kaya siya? Na-curious ako kaya sinundan ko ang mga estudyante na nagsisitakbuhan palabas ng gate. Pagkalabas ko sa gate, sa hindi kalayuan, mayroong isang ambulansya, police car, at isang kotse. May naririnig akong mga umiiyak. Dinumog na rin ng mga estudyante sa YADCA at pangyayari kaya natabunan na ako. Tumakbo ako sa gilid at umakyat sa wall bed ng mga halaman para masilip ang naaksident. Kinilabutan ako bigla nang makita ko kung sino iyon. BUMABA ako sa wall bed plant at naglakad ng dahan-dahan papalapit sa puwesto malapit sa naaksidente. Nakadapa ang isang babae at walang tigil ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo niya at ang kamay at paa niya ay naka-bali na. Napalunok ako ng mariin. Yung kamay ko hindi talaga tumitigil sa pagnginig. She's familiar. Bigla akong napaatras nang may maalala ako. Yung babae kaninang umaga. Sh*t... Hindi kaya? A car. She will die in a car. She will be hit by a car tonight. At exactly 7:45 p.m. Bumalik sa ala-ala ko ang mga banta ko kaya napatakip ako ng bibig at hindi na namalayang umiiyak na pala ako. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang oras. 7:50 p.m. Ngayon lang nangyari ang insidente. Hindi...hindi... Did I just...n-no! This is my fault! Nagkatotoo ang sinabi ko! Nangyari na naman ito! "Can you please move, students? We are currently digging the incident around," sambit ng isang lalaki na mukhang pulis din, pero hindi siya nakauniporme. Sa itsura pa lang niya, masasabi kong isa o dalawang taon lang ang tanda niya sa akin. Pero hindi ko sinasadya 'to! Hindi ko nagustuhan ang nangyari. No! Hindi ako naniniwala. This is just a dream! Parang bumalik lahat ng alaala ko sa nangyari noon na pinagsisihan ko. 'This is not a dream, Ayesha. You told her when she would die. It's okay, she deserved it from bullying you.' When I heard the whispers from my mind, tinanggal ko ang salamin ko at lumapit ulit sa naaksidente. An evil smile showed on my lips. Yes, she deserved it from bullying me. Napagtanto ko na lang na lalong lumaki ang ngisi ko habang papalayo sa naaksidente. I enjoyed looking at her blood, dripping from her head and flowing to the road. Binalak kong maglakad na lang pauwi dahil wala akong masasakyan. Kailangan ko ring makauwi kaagad dahil may trabaho pa ako. Napatalon ako nang may bumusina sa likuran ko. "Hey, pimple girl, wanna ride with me?" Nanliit ang mata ko para kilalanin ang lalaking nasa loob ng kotse. Napagtanto ko na siya pala yung nandoon sa insidente, ang isa sa mga kasama ng mga police. Umiling ako at nagpasalamat na lang. "Come on, I know where you live," sabi niya. "How?" Hindi naman din siya relative, pero kung sabagay hindi ko naman din nakakasalamuha ang mga pinsan ko. Hindi nga ako isinasama ng mga parents ko sa mga okasyon. "You will know. Come on, I will not harass you, hindi kita papatulan." "Huwag na lang 'no," pagtanggi ko. At saka kung may makakita pa sa amin, baka sabihan nila akong malandi. "Teka!" Nakita ko na lang ang sarili kong nakasakay sa passenger seat. "They will admonish me if they know about this." "Ang alin naman?" Hindi naman kami magkakilala in the first place. "For letting you tread alone. Tatter your seatbelt." "Sino ka ba?" Tanong ko habang inilalagay ang seatbelt. "You will know next next week." Busangot ang mukha ko habang nakatingin sa bintana. "Can I raise a question you a personal question, Miss Dela Cruz?" "Paano mo nalaman ang surname ko?" Gusto ko ng kilabutan sa taong 'to. "In your identification card, jeez you," isinarado ko ang bibig ko nang mapagtanto kong may ID pala ako. "Oo nga pala," tumawa ako ng naiilang, "Anong itatanong mo pala?" "About what happened to your schoolmate, you came off happy that she died," sabi niya dahilan para manahimik ako. Tiningnan ko ang reflection ko sa windshield. "Sorry for asking that, I guess she was your enemy, hmm?" "Mali naman yung daan," pag-iiba ko sa usapan. "I know, this is the shortcut. I can catch sight of your mansion," sagot niya. "Sino ka ba? Curious ako sa 'yo. Pinsan ba kita?" "You're here. Good night," hindi niya pinansin ang tanong ko at iniunlock ang pinto ng kotse. "Good night, thank you sa paghatid. Mauuna na ako, ingat ka," huling sabi ko at bumaba na. "See you next next week, pimple girl," pahabol niya pa at umalis na. Corny ng pimple girl. Kumatok ako sa pinto dahil nakalimutan ko ang duplicate key ko sa kwarto ko. Pagkabukas ng pinto, isang alingawngaw na sampal ang bumati sa akin at ang daddy ko na galit na galit. Napahawak ako sa mukha ko nang maramdaman ko ang hapdi. "Dad, calm down," pagpapatahan ni Kuya, hinawakan niya pa si daddy sa magkabilang balikat para hindi na siya gaanong makalapit sa akin. "Why did you cheat?!" Pasigaw na tanong ni dad na ikinataka ko. "C-Cheat po?" Anong ibig niyang sabihin? "You cheated, that's why you got a perfect score. Your instructor conveyed it is 100 items, and you perfected it but you just ripped off on that test! All this time your achievements were fake?! How can you tell a piece of false news about your achievements?! Aren't you ashamed? Pinapaaral ka namin, tapos ganyan lang pala ang gagawin mo? Gumaganti ka ba? Gusto mo bang itakwil kita, Ayesha?!" Ang mata niya ay parang nagliliyab na sa galit. Umiling ako ng ilang beses. My sobs were suffocating me reason to not catch right away my breath. "H-Hindi po, hindi ko yun magagawa, daddy, n-nagreview ako," paliwanag ko na sana paniwalaan niya ako. "Liar! They gave me proof. The answer key was in your locker! And they told you just memorized all the answers. They also saw a piece of paper that tucked and it is in between your chair and it is all the answers in your test! How could you do that? Wala ka ng ibang ginawa kundi ipahiya ako! Ano na lang sinabi ng mga admins ko? Na ginagawa mo lang yung kalokohan na yun para maging Valedictorian ka? Na tinuturuan ka naming mandaya?!" Pagalit niyang sabi at dinuro ako. Hinahaplos siya ni mommy sa dibdib niya kaya nakaramdam ako ng awa kay dad Hinawakan ko ang kamay niya habang humihikbi. "Promise po, hindi ko kayang gawin yon. Ayaw ko pong gumawa ng ikagagalit ninyo..." "Pero ginawa mo, Ayesha. I really hate you!" Sabat ni mommy, "Alam mo bang hiyang-hiya kami sa faculty while your instructor was explaining what you did? Bilib pa naman siya sa 'yo! But you are just a cheater! Disappointed na nga kami sa 'yo bilang ikaw, disappointed pa kami sa ginagawa mo! Akala namin na yung isusukli mo sa amin ay medal at c*m laude, pero bumulgar agad ang baho ng trabaho mo sa school!" Umiling ako. "Mommy, hindi po totoo 'yan. Alam niyo po na palagi akong pinagtitripan ng mga ka-schoolmate ko, baka po ginawa lang po nila yun. I never cheated po, I promise. Never akong nandaya pagdating sa school," paliwanag ko pa, gusto ko siyang makumbinsi na hindi totoo ang nabalitaan nila. Kaya naman pala ang sasama ng tingin nila sa akin kanina pagkatapos ng test, yun pala may nangyari na. Wala akong alam. Kaya pala bigla na lang nagbago ang tingin ng instructor namin. "Ayusin mo 'yang anak mo, baka hindi ako makapagpigil," sabi ni daddy at iniwanan na niya kami. "Puro problema!" Dinuro ako sa ulo ni mommy kaya napahawak ako sa doorway. Iniwan na nila ako at tanging si kuya lang ang naiwan habang naka-krus ang mga braso niya. Wala siyang ibang sinabi at umiiling lang siya. Tinalikuran na niya ako para dumiretso sa kusina. Nagkaroon ako ng pagkakataon para tumakbo papuntang kwarto ko. Inubos ko muna ang luha ko bago ako lumabas sa balcony para makalanghap ng hangin. 'One of your classmates tricked you. Go and find out who is that.' Isa lang naman ang taong sinasabihan akong nandaya, si Shin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD