CHAPTER 6

1502 Words
"Tapos na ang palabas! Magsikain na lang kayo!" Malakas na sigaw niya kaya lahat ng mga estudyante na nasa Cafeteria ay bumalik na sa kanya-kanya nilang pagkain. "Are you okay? Halika na, kain na tayo," aya niya, tumango ako at napatungo. Laking tuwa ko na hindi ako umalis dito na pinagtatawanan at habang umiiyak, mabuti na lang at nandito sina Francheska. Ang saya ko dahil hindi ko inaasahang tutulungan niya ako, masasabi kong maswerte ako ngayong araw dahil sa pagkakaalam ko sa kanya ay wala isyang tinutulangan sa mga binubully. Laking gulat ko na bigla na lang siyang dumating para tulungan ako. Napakasarap sa pakiramdam na may tumutulong sa akin sa ganitong sitwasyon. This is the first time, as in. Katulad din siya ni Chelsea dati. Pero salamat naman kung nagbago na siya. 'Don't trust them, Ayesha, don't you dare. They are not true friends. They are fake. A FAKE!' "Sinong hindi mo paniniwalaan? Kami?! Kami fake friends!?" Bumalik naman ako sa huwisyo at kita ko ang gulat na reaksyon ni Francheska. Napamura na lang ako sa isip ko. Bakit ko ba nasabi 'yon?! I swear, it's not me! It's my stupid mind again at hindi ko alam kung bakit na-oral ko. "Hindi, yung si Chelsea," nakahanap ako ng rason para sabihin sa kanya at mukhang naniwala naman siya. "Yeah, you're right. She is plastik," she responded. Naupo na kami sa table matapos ayusin ang lahat at kumain na rin sa wakas. Ilang minutes na lang at papasok na ulit. Sila lang tatlo ang nag-uusap tungkol sa iba't ibang bagay. Napatingin ulit ako sa pwesto ni James, naglalandian lang sila ni Chelsea Parehas pa sila ng baso na may dalawang straw Seryoso ba 'tong nakikita ko at namamalikmata lang ako? Hindi naman niya ako naisipang tulungan. Alam kong nanood siya sa nangyari, pero wala siyang pakialam. Biglang sumisikip ang dibdib ko at feeling ko iiyak na ako anytime. Mahalaga pa ba ako sa 'yo? Bakit nakukuha mo pang lumandi kaysa sa tulungan ako, James? Bakit? Hindi mo na ba ako mahal? Ikinahihiya mo ba ako? Dati naman hindi ka ganyan ah, dati nga ako ang kasama mo sa cafeteria. Inaakbayan mo pa ako sa maraming tao at hinahalikan pa ako. Bakit ngayon parang bigla siyang nagbago? Bakit parang naging hangin lang ako sa mata niya ngayon? At...bakit nakukuha niyang maglandi sa harapan ko? "Ikaw, Ches, sino nga ulit yung crush mo sa YODCA?" Natigil ang pag-iisip ko nang maranig ko ang usap-usapan nilang tatlo. "Crush ko? Syempre 'yung kapatid ni Ayesha! Si Alexander!" malakas na loob na pag-amin ni Francheska sa amin. Ngumiti ako sa kanya. "C-Crush mo pala kuya ko?" Hindi naman kasi nakapagtataka, ang cool ni kuya, mas maraming nagkakagusto sa kanya kumpara kay James. Pero nung nangyari ang bagay na 'yon, hindi na siya nakipag-relasyon. Natatakot siya sa akin, sa posibleng mangyari ulit. Ngumiti siya hanggang sa mata niya. "Yup! Since high school pa!" "A-Ah... eh, guwapo naman kasi ang kuya ko kaya hindi na ako nagtataka na ang mga magagandang katulad mo ay magkaka-gusto sa kanya," usal ko at sumubo ng spaghetti. Hindi na pala ako nakakain sa kakaisip. Natahimik bigla sa table namin kaya nagtanong ulit ako. "T-Totoo ba na kaibigan ko na kayo?" nakangiti ngunit nahihiyang tanong ko. Nagkatinginan muna silang tatlo. "Oo naman!" "Ayesha naman, tinatanong pa ba 'yan?" "So friends?" Bilahad nila ang kamay nila kaya mas lalong lumawak ang pagngiti ko. Hindi ko alam kung sino ang una kong kakamayin sa kanila. "F-Friends." Napakagat ako ng labi dahil sa hiya nang dumampi ang kamay ko sa malalambot nilang kamay. "Ang saya ko dahil m-may kaibigan na ako," nakangiti kong sabi. "That's not a problem! Kapag may kailangan ka, you can call us." Tumango ako at sumali sa kuwentuhan nila. "Ayesha...help me kay Alexander, ha? I really like your brother, he's so gorgeous. Ako na siguro ang babae'ng araw-araw kiligin kapag naging boyfriend ko siya," kinikilig na sabi ni Francheska. Bumaling ako kay kuya na seryoso lang kumakain. Bigla siyang bumaling sa akin, tumalim bigla ang titig niya kaya napilitan akong umiwas ng tingin. "Ang the way he talks coldly, lalo akong naiinlove sa kanya," dugtong pa ni Francheska. "Halatang gustong-gusto mo si kuya. S-Sige, I'll try my best to talk to him pero hindi ko maipapangako, hindi naman kasi kami close ni kuya. Alam kong aware kayo," kamot batok kong paliwanag sa kanya. "Yeah, I know that pero i-try mo pa rin ha. Makakatulong ka ng malaki sa akin at hinding-hindi ko kakalimutan 'yon!" Hinawakan niya ako sa braso habang sinasabi niya 'yon. I giggled. Ang cute niya. "S-Sige, sige." "Oh, by the way, kumusta kayo ng boyfriend mo, Ayesha?" pagdidiin ni Xianna sa tanong niya at bakas kong may halong pagka-sarkastiko 'yon. Si Xianna, kalat din na dati siyang may gusto kay James. Kalat din na naka-fling ni James 'to kaya hindi ako gaanong nakikipag-usap sa kanya. Siguro may inggit akong nararamdaman kapag nakikita ko siya. Bago kasi naging kami, nagkiss sila sa stage. Naiintindihan ko siya, siguro masakit pa rin sa kanya na malaman niyang may girlfriend na si James. "A-Ayos naman, nag-wo-work pa rin," alinlangan kong sagot. Hindi ko siya iniinggit. Wala akong ibang intensyon. Mas maganda kung magsisinungaling ako, ayokong kaawaan nila ako sa relationship ko sa kanya. Alam kong hindi kami okay ngayon ni James at kailangan naming mag-usap mamaya. "Anong ayos?! Look that b*tch, hindi siya tumitigil sa pag fi-flirt sa boyfriend mo tapos wala ka namang ginagawa riyan?!" Bulyaw sa akin ni Xianna na agad namang pinigilan ni Casha. Napatitig ako sa kanya. Ang sama ko! Concern lang pala siya sa akin tapos kung ano-ano pa ang naiisip ko. Napatingin ulit ako sa table nina James at totoo nga, nakayapos pa si Chelsea hanggang ngayon sa kanya at patuloy pa rin sila sa paglalandian. May time na sinusubuan pa ni James si Chelsea. Parang naninikap na naman bigla ang dibdib ko at hindi ko kayang makita sila na ganoon. "Tss, tapos you're crying, huh?" sabi ni Xianna na mukhang nagpipigil na sugurin ako. "STOP THAT! tinatakot mo siya, Anna!" Bulyaw ni Francheska sa kanya. "You're stupid! You're a weak! You let yourself crying over those people!" "Anna, I said stop!" Pigil ulit ni Francheska kay Xianna. "A-Ayos lang, totoo naman, eh," nahihiya kong saad at pinunasan ang luha ko. "Tss, concern lang ako sa kanya," pagtampo ni Xianna. Napanguso ako at kinuha ang panyo ko para punasan ang nagkalat kong luha sa pisngi ko. "Hush! Halina't pasok na tayo, girls, it's already time," biglang yaya ni Casha pero umiling ako, nagtaka naman sila. "K-Kailangan ko kasing pumunta sa locker ko para makapagpalit," paliwanag ko, tiningnan muna nila ako mula ulo hanggang paa at nagsitanguan na lang sila. Nauna na silang umalis sa akin at doon ko na lang naibuga ang hangin na iniipon ko sa loob ko. Tumayo ako para sana umalis pero tumingin muna ako kina James. Nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya, pero ang ngiting 'yon ay may may halong lungkot at selos. 'How did you manage to smile to that person, Ayesha? He doesn't love you and he doesn't care you at all! When your stupidity will stop?' "Ouch." Napahawak ako sa ulo nang bigla itong sumakit. Mula bata ako, lagi ko na lang pinag-tatakahan ang mga naririnig ko at mga salita na lumalabas sa bibig ko kahit hindi ko naman intensyon na sabihin, pero lumala ngayon. Am I going insane because of the bullies? Hindi ko na alam! To correct the statement of my mind, mahal ako ni James. Siguro may dahilan lang siya kanina, isang explanation niya lang at maintindihan ko siya. Bawat nadadaanan ko, dinuduro ako at pinagtatawanan. May mga cellphone silang hawak kaya't kinabahan ako. Agad kong kinalkal ang cellphone ko at pumunta agad sa social media. Iyon na lang ang gulat ko dahil nakita ko ang sarili ko kung paano ako kinawawa ni Polly sa Cafeteria. Napahikbi ako at kaagad na dineactivate ang f*******: ko. Dumiretso ako sa locker room ko at mabuti naman ay walang tao r'on. Hindi nakalagpas sa mga mata ko ang mga comments, ako yung pinupuna nila. "Ano ba namang klaseng buhay 'to?" Tumingin ako sa salamin at tinanggal ang eyeglasses ko. Nakita ko sa mata ko ang sarili kong hinahabol ako ng mga tao hanggang sa nahulog ako sa bangin na ang ilalim ay tubig. Iyon palagi ang nakikita ko sa tuwing humaharap ako sa salamin. That's my death, I know. Hinihintay ko na lang mangyari ang bagay na 'yon para matapos na. Sa buong klase, naging tahimik naman kahit papaano ang buhay ko. Himala yata at hindi ako pinag-tripan ng mga kaklase ko. Dahil siguro sa binanta ni Francheska sa kanila. Nangingilabot ako, parang may nangyayari. Napatingin ako sa itaas at napapikit. Isang crisis ang nasa isip ko ngayon. Guguho ba rito at mawawasak ang City namin? Ang sama ko namang mag-isip. Pero parang makatotohanan at parang mangyayari. Sunog, lindol at pagbaha. Sana huwag naman. 'Malapit mo na akong makita.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD