CHAPTER 3

1676 Words
Sam   Isang-daan mahigit ata na aspile ang isa-isang tumutusok sa puso ko. Ang pait ng panlasa ko pati na rin ng hitsura ko. Sinasabi ko sa sarili kong huwag silang tignan pero ayaw sumunod ng mga mata ko.     Jace…     Andito pala siya. Dumating na pala siya. Matapos ang pitong taon na paghihintay ko sa kanya, sa wakas bumalik na rin siya.     Pero hindi para sa akin.     Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil alam kong buhay siya, humihinga at hindi nalunod sa sabaw ng bangus dahil mula ng umalis siya ni isang tawag, isang sulat or sige, high-tech na tayo ngayon, isang messege lang sa internet wala akong natanggap o maaawa ako sa sarili ko dahil sa naniwala akong dapat akong maghintay sa kanya kahit na walang kasiguraduhan. Heto nga, kitang-kita ko siya, masayang nakikipag tawanan sa kasama niyang babae ngayon. At ang masaklap pa, si Jazsmine iyon. Kaibigan ko iyon.     Ganon pala iyon no? Kapag sobra kang nagtiwala sobra din ang sakit kapag sinaktan ka nila.     Minabuti kong kumubli para hindi nila mapansin na nasa paligid lang ako. Doon, malaya kong napagmasdan si Jace. Light brown ang buhok niya, ang tangos ng ilong niya at nagkukulay berde ang panga niya sa naguumpisang stubbles pero mas nakadag-dag pa iyon sa lakas ng dating niya. Wala na ang batang katawan niya at napalitan na ng matipunong pigura. Pero sa lahat ng nagbago sa kanya, mayroon paring constant sa kanya.     Ang asul pa rin na mga mata na kayang tumagos sa puso ninuman. Kung iyon na lang ang natira sa kanyang hindi nagbago, wala na siguro yung batang Jako na mahal ako, yung nangako na babalikan ako, yung nagbigay ng unang rosas na hanggang ngayon pinakaiingatan ko.     Dahil walang permanente sa buhay, alam ko iyon. Marami ang nagbabago at iyon ang katotohanan.     Nakita ko kung paanong magkagulo ang mga press people ng makita silang dalawa, kitang-kita ko rin kung paano nito alalayan si Jazs. Siguro importante siya talaga sa kanya. Nakita ko din sa mga social networking sites ang balitang engaged na sila. Madali lang naman malaman iyon dahil sikat sila.     Kababata ko sila. Lumaki kaming magkakasama, kaya siguro hindi magiging mahirap sa kanilang magka-developan dahil pareho silang nasa iisang lugar.     Ako lang naman ang hindi nagbabago. Nasa poder pa rin ako nila mommy at daddy kahit ang tanda ko na. Nagsarili na lahat-lahat ang mga kapatid kong lalaki at may kanya-kanya ng napatunayan pero ako wala pa. Isa akong Saavedra, nasa dugo ko na ang pagiging achiever. I graduated in fashion designing pero hindi ko kinarir ng husto but instead, I put up a small flower farm and a flower shop.     Samantalang si Jace, tinagurian ng Hotel Magnate sa pagiging magaling nito sa pagha-handle ng negosyo nila. Jazsmine was pursuing Marketing, para naman sa naguumpisang negosyo ng daddy niya.     "Hay! Sam, ano ka ba? Si Jace lang iyan. Bakit ba natutuliro ang isip mo dahil lang nakita mo siya. E ano naman kung andito siya?" kausap ko sa sarili ko. Sige Sam, push pa natin ng todo at malamang pagkamalan ka ng baliw.     Maya-maya pa parang may nakapansin na sa akin sa puwesto ko. Pinagtitinginan na nila ako.     "You're Summer Saavedra, right? You're Aldous and Aidan's sister and the princess of Dr. Jairus Saavedra!" manghang-mangha na sabi nung isang babae sa tabi ko. Tipid ko lang siyang nginitian.     Anu bang kakaiba sa akin? Yeah. Kilala ako bilang si Sam na kapatid ng kambal, si Sam na anak ng Ace Neurosurgeon ng Pilipinas. Summer Saavedra, ako iyon. Pero hindi bilang isang indibidwal na tao. Ayoko ng ganon.     Bago pa ako interview-hin ng babaeng iyon, nagmadali na akong lumakad ng mag vibrate ang phone ko. Then I smile.     Angel RJ: Pretty Baby, andiyan ka na ba?     Nagtype ako kaagad ng reply sa kanya.     Pretty Baby: Yup. Inugat na ako dito ang tagal mo. :(   Mabilis na nag-vibrate ang phone ko.     Angel RJ: Pababa na ako, binili ko pa yung pasalubong ko sa iyo.     Mag re-reply pa sana ako ng makita ko na siya sa escalator wearing his raybans. Napa TSK. na lang ako sa kanya. Kahit kailan, Narcissistic talaga itong lalaking ito. Lumuwang ang ngiti ko ng makita ko na siyang papalapit sa akin. Tinakbo ko na ang distansya namin saka siya niyakap ng mahigpit. Napatili pa ako ng mahina ng bigla niya akong inangat sa lupa saka inikot-ikot. Para kaming gumawa ng sarili naming version ng I-Dawn Zulueta mo ako. Joke lang.     "I missed you pretty baby." bulong niya sa ibabaw ng buhok ko.     "Na-miss din kita Railey James Cervantes." masaya kong sagot sa kanya. Sino bang mag-aakala na sa saglit na pagkakakilala namin sa Baguio noong fifteen pa lang ako, makikilala ko sila ni Angel. Sila ang naging mga kaibigan ko ng iniwan ako ni Jace at Dean. Sa oras ng kalungkutan ko na iyon, andun sila ni Angel para pasayahin ako. Nawala man si Angel, pero nanatili ang pagkakaibigan namin ni Railey. Hanggang ngayon.     "Kamusta ang convention?" humaba naman agad ang nguso nito.     "Ayun, boring. Asusual." bagot na sabi nito. "Next time isasama kita para may kasama naman ako kapag nababagot ako."     "Hay nako, alam mo namang ayokong sumama sa ganyan Rai. Hindi ako sanay magbihis ng naka-palda." biro ko sa kanya. He just sticks out his tongue na parang nandidiri. Ganyan talaga kami ka-close. Some people might find us like lovers pero hindi. Were just really good friends.     Hindi pa nagiinit ang mga paa ni Railey sa Pilipinas pero heto at mukhang dadagsain na siya ng press. Kilala kasi siya na isa sa mga matagumpay na businessman sa bansa. Nagkatinginan kaming dalawa saka na lamang siya humugot ng malaking hininga at nag plaster ng isang magandang ngiti sa press.     "Mr. Cervantes, totoo ba ang mga balitang exclusively dating na kayo ni Summer Saavedra?" nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong ng isang reporter.     "I don't confirm nor deny. What you see is what you get." tahimik lang ako na nasa tabi niya. Anu bang pinagsasabi nito? Lagot siya sa akin mamaya.     "Sa tingin niyo ba may pag asa kayo sa Prinsesa ni Jairus Saavedra?" yung isang reporter naman ang nagtanong.     "Well, mas maganda kung siya ang tanungin natin." mayabang na sagot ni Railey saka mas kinabig pa ako papalapit sa kanya.     Binigyan ko siya ng isang makahulugang tingin. Kung plastic si Railey, mas plastic ako. Nakangiti ako sa kanilang lahat pero sa isip ko gusto ko ng sakalin itong lalaking ito sa pagdadala niya sa akin sa hot seat.     "Miss Sam?"     "H-huh?" Nahimasmasan ako ng narinig ko si reporter number 1 na nag hihintay sa atensyon ko. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi naman kasi ako sanay na ma-interview.     "Sa tingin niyo po ba may pag-asa si Mr. Cervantes sa inyo?" Tatawa-tawa lang si Railey sa tabi ko habang ako, napipipi na dito sa puwesto ko. "I...I don't want to comment." magalang kong sagot sa kanila. Mas maganda na lang yung hindi na lang ako sumagot. Wala naman akong ie-explain kasi. Magkaibigan lang naman talaga ni Railey pero siyempre, hindi iyon papaniwalaan ng lahat.     May mga ilan pang mga katanungan na sinagot naman ni Railey, mataman lang akong nakikinig pero ng magawi ang tingin ko sa kaninang puwesto nila Jace at Jazs bigla ang pamimilog ng mga mata ko kasabay ng pagiiba ng t***k ng puso ko. Because Jace was now walking towards us. Feeling ko pinagpapawisan na ako ng malapot habang nakikita ko ang matatalim na mga mata niya sa akin at lapat na mga labi.     "R-Railey," bulong ko sa kanya. Mukha namang nakuha niya ang ibig kong sabihin ng makita kung saan ako nakatingin. Alam ni Railey ang lahat tungkol kay Jace.     Humigpit ang kapit ko kay Railey. Tuluyan ng nakalapit si Jace sa amin. Nagplaster siya ng isang ngiti pero alam mong kabaligtaran iyon ng nararamdaman niya, halata iyon sa kuyom niyang kamao. Nakita ko din ang worried face ni Jaz sa amin.     "How are you, Sam? It's been so long since the last time. Diba, Jace?" Jazs was trying to break the ice pero mukhang hindi naging mabenta kay Jace iyon. Nakipag sukatan din si Railey ng tingin kay Jace pagkatapos naman ay kay Jazs.     "H-how are you Jace?" binati ko siya kahit awkward. Para namang mas lalong naging madilim ang mukha ni Jace kaya hindi na ako nagsalitang muli.   "Nice to see you, baby." bigla ang pagsasalita nito saka ako nilapitan na nagpatindig ng balahibo ko. Lalo na ng ibinulong niya sa puno ng tenga ko, "I'm finally back and I'm gonna get what's mine. Be ready baby." hinatak naman ako agad ni Railey papalapit sa bisig niya habang lumukot na ang kaninang maayos na porma ng mukha niya.     "Hindi siya pag-aari ninuman dude." napapikit ako ng mariin ng marinig kong sumingit si Railey sa usapan. Bakit ba hindi na lang siya nanahimik at ilayo na lang niya ako dito. "Hindi mamumunga ang isang bulaklak ng basta-basta. Kailangan mong alagaan, ingatan at bigyan ng magandang kalinga, kung sa tingin mo nagawa mo iyon then you will have the best beautiful flower. Pero kung pinaasa mo lang na aalagaan mo, hindi mo iningatan at hinayaan mong palaguin ng iba siguro kahit ikaw ang nagtanim masasabi kong mas deserving yung nag aalaga diba, pare?" umasim ang mukha ni Jaz pero tumaas lang ang sulok ng labi ni Jace saka mapang hamong tumingin pero tinapatan din ni Railey ang titig niya.     For years hindi ko aakalaing magiging ganito na si Jace. Kilala ko na siya sa pagiging seryoso niya sa mga bagay-bagay pero ang pagkakaroon niya ng determinasyon at tiwala sa sarili sa isang pagtingin lang niya sa iyo ay isa sa mga bagong katangian na hahangaan mo.      "Gusto mo ba akong subukan?" nalaglag halos ang panga ko sa sinabi niyang iyon sa harap ko.. sa harap naming lahat. Pakiramdam ko ang init-init ng mukha ko at hindi na iyon kayang itago ng isang plastic na ngiti lang.     "Sa akin na ang bulaklak na iyan mula noon at sa akin parin mapupunta hanggang ngayon. Mark my word Cervantes. Mark that word."            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD