bc

One day soon

book_age18+
353
FOLLOW
1.3K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
CEO
princess
drama
bxg
city
first love
like
intro-logo
Blurb

Childhood love is perhaps the purest form of love to ever exist. There is a certain kind of innocence to it with no room for pride or ego whatsoever. And yes, it is also the first time your heart learned to beat for someone else. But waiting for someone you love to come back is the hardest part.

Will you wait? Or you just accept the fact that he is the one that got away?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Sam, sabay ka na!"     Iyon ang rinig kong sigaw ni Dean matapos niyang ibaba yung tinted na bintana ng kotse niya at saka dumungaw. Maaga akong lumabas sa school ngayon. Wala kasi kaming teacher, kaya andito ako ngayon sa ilalim ng isang malaking puno sa school namin. Hindi ko schoolmate si Dean, nasa college na siya at ako naman ay graduating pa lang ng highschool.     Simula pagkabata magkakaibigan na kami nila Dean at Jace. Magkakaibigan ang mga parents namin samantalang silang dalawa ay blood related dahil magpinsan ang mga ito. Jace was the oldest among us, he was nineteen samantalang eighteen naman si Dean at ako ang pinaka-bunso. I'm fifteen.      "S-sasabay ako kay daddy, Dean." Napangiti ako tapos umiling ng marahan. Iba si Dean sa mga lalaking kakilala ko, he was the epitome of a respectable young man, napaka-gentleman din nito, kita niyo naman ang ebidensya diba?   Nakita kong pinatay nito ang makina ng kotse saka umibis ng sasakyan. Narinig ko ang pagkakagulo ng mga kababaihan sa school ko.     Gosh! Ang hot niya, gurl!     Si Travis ba iyan? Yung super hunk ng IS? Bakit siya nandito?     Oh, mah God! Oh, mah God! Papalapit siya dito sa atin!     Napairap na lamang ako sa mga nakakarinding mga tilian ng mga babaeng iyon sa gilid ko. Kung bakit ba kasi andito pa itong lalaking ito eh.     Eh, sino bang hindi? Travis Dean dela Vega was a sight not to be missed! He was tall at 5'9 at may guwapong mukha. Kinuha niya ang features ng daddy niya, si Tito Blake na sikat na surgeon at ang gentleness naman niya ay tulad ng kay Tita Mira. His body was lean with perfect cuts of muscles kaya siguro marami ang nagkakagusto sa kanya.     "C'mon, mukhang matatagalan pa si Tito Jairus sa pag sundo sa’yo, he's with Papa and Tito Marco in the office." tuluyan na siyang nakalapit sa akin at binigyan pa niya ako ng isang wagas na ngiti showing his perfect set of white teeth.     "Bakit ka ba kasi andito? Tignan mo nga ang ginawa mo sa mga babae dito, oh!" pairap akong nagsalita sa kanya habang siya naman ay cool na cool na umupo sa tabi ko.     "Selos ka naman agad, Princess?"     "Hindi ah! Hoy! Dean, kapal mo ha!" napanguso ako sa kanya. Namilog naman ang mata ko ng yumukod siya at tumitig sa mukha ko. "Huy! A-anong—"     "I like it when you're jealous alam mo ba yon, princess? Kinikilig ako!" abot tenga ang ngiti na sabi niya sa akin. Binatukan ko siya para matauhan siya.     "Aray! Ang harsh mo naman princess." himas pa nito ang nasaktang ulo pero nakatawa naman ang mga mata. "Kundi lang kita mahal matagal na kitang pinatulan eh."     Hayan na naman yung mga banat niyang iyan sa akin. Mula kasi nung mga bata pa kami sinasabi na niya na pakakasalan niya ako when we grow up, kuwento nga sa akin ni mommy hiningi na niya ang kamay ko sa kanya kaso hindi naman papayag ang daddy ko no.     "Alam mo ikaw, puro ka talaga kalokohan." sinabi ko na lang para pagtakpan ang pagkaasiwa ko sa topic.     "Seryoso naman ako, princess. Pag dating sa iyo, never akong hindi nag seryoso." tinignan ko siya at bigla akong kinabahan sa way ng pag titig niya sa akin.     Parang may iba.     Bigla tuloy akong na-conscious at nagbaling ng tingin. Kapag ganitong nag se-seryoso na siya natatakot ako. Minsan, hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip niyaMasaya ako kapag kasama ko siya, walang dull moments at nagiging totoo ako sa sarili ko. Nagagawa kong subukan ang mga bagay na gusto ko na hindi natatakot dahil alam kong andiyan siya sa tabi ko. I love Dean.     Pero may hinahanap akong iba.     "D-dean..."   "Yeah, right. I know. Bawal pa." he winced after he said that. Gusto kong ma-guilty pero ayokong matuon lang ang atensyon niya sa akin.     "Halika na nga, ihatid mo na ako." Narinig ko naman ang mga namimilipit na mga kaklase ko at halos dakmain na nilang lahat si Dean. Kaya bago pa siya kuyugin dito, napilitan na akong tumayo at sumama sa kanya pauwi.     "Dean, bakit mo ako dinala dito?" nagulat na lamang ako ng makitang hindi namin tinahak yung daan papunta sa subdivision namin bagkus, nakarating kami sa isang amusement park.     "Maaga pa naman eh. Saka ako naman ang kasama mo, your perfectly safe with me." nakangiti niyang sabi sa akin. Ngumiti na rin ako sa kanya saka hinatak siya papasok.     Masaya naming sinubukan lahat ng mga rides, kumain kami ng ice cream, nakakuha din kami ng malaking stuff toy bilang prize sa pagbaril ni Dean sa lahat ng target at bullseye pa. Nag tatawanan kaming nag take ng picture ng bawat isa sa mga nakita naming mascots at siyempre, sinubukan din namin yung mga extreme na rides. Halos mapatidan ako ng litid kakasigaw ng mag sirko-sirko yung sinasakyan namin sa ere. Ibang klase talaga yung feeling! Dean never leave my hands sa buong duration ng ride na iyon kaya nakaya ko.     "Masaya ka ba?" iyon yung unang tanong sa akin ni Dean ng magpahinga kami at umupo matapos ang extreme na ride na yon.     "Oo naman! I never tried that before, ang sarap ng feeling, pakiramdam ko para akong magpipira-piraso sa hangin." magaan kong pahayag, "Jako will never allow me to do that kung siya ang kasama ko, natatakot kasi iyon kapag nakita na niya akong mamutla eh. Parang siya iyong nasasaktan para sa akin, kaya hindi ko na lang siya inaayang sumakay sa mga ganyan."     Jace Kristofer dela Vega was opposite of Dean. Seryoso siya sa buhay, gusto niya maayos ang lahat ng bagay, at kahit na nineteen pa lang siya nag sisimula na siyang i-train ni Tito Jake on how to handle their company. Mas matangkad din ito kay Dean, medyo malaki din ang built ng katawan nito at palaging nakakunot ang mga kilay kaya ang sarap tuwirin ng mga iyon eh. He has also this blue eyes na namana niya kay Tita Amanda and the rest, he inherited to his father Tito Jake. Ibang-iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Jako, he was gentle in his own ways. Grabe din kung makatitig ang mga mata niya na nakakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa tiyan ko. Para sa kanya isa akong mamahalin at babasaging crystal na ingat na ingat na hawakan. He was dangerous yet when I'm with him, I felt safe and secured.     Napahinto ako sa pag iisip ng marinig ko ang pagtikhim ni Dean sa tabi ko. Biglang nag dilim ang mukha niya na kanina lang ay sobrang saya.     "Dean? Bakit?" Taka kong tanong sa kanya.     "Damn it princess. Ako na nga ang kasama mo, siya pa rin ang naiisip mo?" he said with his thin lips.     "T-teka…hindi kita maintindihan?" naguguluhan kong tanong sa kanya pero bigla na lamang itong tumayo at saka ako nilingon.     "Hatid na kita sa inyo, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." ngumuso na lang ako saka tumayo na din at sumunod na lamang sa kanya.     Problema nun?   ------------------∼∳∳∼---------------------------   Natahimik lang si Dean sa bung biyahe namin. Minsan ko pa siyang ninakawan ng tingin pero pakiramdam ko ang layo-layo niya sa akin kahit katabi ko lang siya dito sa backseat. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang timpla niya ng umalis kami ng EK samantalang okay naman kami at ang saya-saya pa nga namin. Forty-five minutes lang at nakarating na kami ng bahay bago pa mag-stop yung sasakyan namin nakita ko na ang kotse ni Jako. Bigla ko na naman naramdaman yung kakaibang kiliti sa tiyan ko isipin pa lang na makikita ko siya.     Ito ba yung sinasabi nilang crush? May crush ako kay Jako? Hay ewan. Hindi naman ako papansinin non eh. Ang dami na kayang babaeng humahabol doon.     Kabababa ko pa lang ng makita ko si Jako na lumabas ng bahay namin, ang guwapo-guwapo niya sa three-fourths sleeve black polo nito na naka-tuck in sa black na slacks.     "J-Jako—" Hindi ko pa natatapos ang bati ko sa kanya ng hilahin niya ako papunta sa tabi niya at saka ko na lang nakita na ang nakakatakot na tingin niya kay Dean.     "Saan mo siya dinala?"     "Wala ka ng paki don, Jako." nakita ko ang seryoso at matatalim din na tingin ni Dean kay Jako.     "May pakialam ako, Dean. Kanina pa dapat nakauwi si Sam dahil tumawag ako sa school nila at sinabi ngang maagang natapos ang klase niya." malamig pa din ang boses ni Jako na sabi.     Teka. He called to my school? Talagang ginawa ni Jako iyon? Nag aalala siya sa akin? Feeling ko, lumilipad ang diwa ko at maagang nangangarap ng kung ano.     "Ano bang ipinuputok ng apog mo, Jace?! Sam got home safe, at hindi ko siya pababayaan. She's safe with me." Kitang–kita ko kung paano nila kuwelyuhan ang isa't-isa.     "Safe? You brought her somewhere not even calling her parents!? Yun ba ang safe? Paano kung may nangyaring masama sa inyo?! Maibabalik mo ba pa?" natatakot na ako sa way ng pag uusap nilang mag pinsan. Sumisigaw si Jako samantalang si Dean naman halos mabasag naman ang panga sa tinitimping galit towards Jako.     "J-jako, w-wala namang masamang nangyari…w-wag na kayong mag away." paliwanag ko naman ng ako naman ang hinarap niya, natakot ako sa tingin na ibinato niya sa akin. Halos mangitim ang mga asul niyang mata sa galit.     "Isa ka pa! Why are you so childish and stubborn? Hindi ka ba mag go-grow up? Palagi mo na lang pinag aalala ang mga tao sa paligid mo!" Natigagal ako sa pagsigaw niya sa akin. Ilang beses pa akong napakurap para namnamin ang mga salitang iyon.     Grow-up? Childish? Bakit ganito? Bakit makirot ang dibdib kong isiping si Jace iyon? Si Jace iyong nag pamukha sa akin kung paanong pabigat ako sa kanila?     "f**k. Don't talk to her that way, Jace!" nakita kong itinulak ni Dean si Jace. Pero hindi man lang ito natinag. Nakita ko ang pag abot ni Jace sa damit ni Dean.     Napasinghap ako ng malakas habang nanginginig ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung papaano sila aawatin dahil ngayon ko lang sila nakitang nag away ng ganito.     Dahil sa akin.     Hindi ko na marinig pa ang ingay sa paligid ko, basta alam ko nanlalabo na ang paningin ko at basang-basa na ang pisngi ko sa pag iyak. Naramdaman ko na lang ang yakap ni mommy sa akin at ang boses ni daddy. After non, nag shut-down na ang utak ko and the next thing I knew, I was on my bed, sobbing and crying out through my heart’s content.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

That Night

read
1.1M
bc

Broken Angel

read
4.2K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
343.1K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
477.1K
bc

YOU'RE MINE

read
895.9K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
384.8K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
293.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook