CHAPTER 4

2241 Words
Sam     "Things change, people change, and it doesn't mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on and treasure the memories. Letting go doesn't mean giving up... it means accepting that some things weren't meant to be."     Padabog kong isinara ang pahinang iyon ng librong binabasa ko saka nagpakawala ng isang malalim na hininga.     Tatlong araw ng mabigat ang pakiramdam ko. Tatlong araw na ang nakalipas mula nung airport incident. Hindi ko alam kung papaano pa ako nakalabas ng maayos sa airport dahil na rin sa dami ng reporters na nakarinig at nakakita ng pagsasagutan nina Railey at Jako. Bakit ba siya ganon? Bakit kung makaasta siya parang pag aari niya ang buong pagkatao ko? Kung papano niya nagagawang pabaliktarin ang kaluluwa ko sa simpleng pagtitig ng mga asul niyang mga mata sa akin ng makita niyang hawak ni Rai ang mga kamay ko. At wala man lang ginawa o sinabi si Jazs para pigilan ang fiance niya.     Bumaliktad ako paharap sa bintana ng kuwarto ko. Kitang-kita ko ang masayang bati sa akin ng araw na parang sinasabing bumangon na ako at gawing makabuluhan ang araw ko pero hindi ko magawa. Laging sumasagi sa isip ko si Jako, si Jaz at ang nararamdaman ko para sa kanya.     Agad akong bumangon saka malakas na inalog ang ulo ko hanggang sa makaramdam ako ng hilo.     Mali ito. Dapat ko na siyang kalimutan.     Mahinhing kirot ang biglang naramdaman ng puso ko sa naisip ko. Dinaklot ko ang bahaging iyon saka tinapik ng mahina.     "Hindi mo na siya pag-aari ngayon Sam, tapos na ang pitong taong pangarap mo para sa prince charming na darating para saluhin ka. Walang ganon, ang meron lang ay ikaw, ikaw na dapat magpatuloy sa buhay mo, sa pag abot ng mga pangarap mo at hanapin ang nakatakda para talaga sa iyo." Kausap ko sa sarili ko ng biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya napilitan akong abutin ito.     Angle RJ: Are you okay, Pretty Baby?   Huminga ako ng malalim saka nag type.     Pretty Baby: Oo naman :)     Agad ang pag vibrate ulit ng cellphone ko.     Angel RJ: Sorry :(     Napapikit ako ng mariin. Sa lahat ng nangyari sa buhay namin ni Railey natuto kaming sumandal sa isa't-isa. Mula ng mawala si Angel sa kanya ako na ang naging kaibigan niya, sa akin siya pumupunta sa tuwing malungkot siya, sa tuwing masaya siya, tuwing galit siya, sa tuwing may nakukuha siyang achievements sa school hanggang sa tuwing nakakapag-close siya ng malaking deal. Mahaba na ang tinahak ng pagkakaibigan namin ni Railey at never siyang nag-miss para pasayahin ako, never siyang gumawa ng bagay para saktan ako. Iyan si Railey.     Pretty Baby: I'm okay Rai, really. Just don't do that again. 'kay?     Hindi ko naman magawang magtampo sa mamang iyon. Takot ko lang na multuhin ako ni Angel dahil pinalungkot ko ang mahal niya.     Agad na nag vibrate ang cellphone ko, tumatawag si Railey, agad ko namang sinagot ang tawag.     "I know nagtatampo ka pa rin sa akin. Hindi mo ako mapagtataguan, Sam."     Seryoso ang dating ng boses ni Railey, matapos na iyon agad ang bungad niya sa akin. Wala man lang akong hello na nasabi.     "Rai, sabi ng okay lang ako." paninigurado ko sa kanya. Hindi ko naman masabi sa kanyang nawasak ang puso ko diba? Baka lalo lang mag asik iyon.     "You're not good in lying princess, but I'm not sorry for talking to him that way. That asshole deserved that, but what I'm sorry for was when I saw you cry. It broke me pretty."     Napakagat ako sa ibabang labi ko para magpigil ng mag-uumpisang pag hikbi. Kilalang-kilala ako ni Railey, at hindi ko maitatago sa kanyang hindi ako naapektuhan sa pagdating dito ni Jace.     "Damn it, princess, I know you're crying. AGAIN!"     Mabibigat ang mga napakawalang paghinga ni Railey sa kabilang linya. Alam kong nakukunsyensya siya ngayon kaya napilitan akong lunukin lahat ng iyak ko saka nagsalita.     "I-ice cream..."     "W-what?!" Sigaw pa nito sa akin sa kabilang linya.     "I want ice cream Rai, yung pistachio. Ibili mo ako non then b-bati na tayo." narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya. Suminghot ako saka agad na pinunasan ang paglandas ng luha ko. Kailangan kong maging matatag, kailangan kong ipakita sa kanila na maayos lang ako. Kahit ang totoo, hindi.     "Ice cream? Really pretty? Ang aga-aga pa! At alam kong dina-divert mo lang ang usapan natin. I know that you are hurting inside, ayoko ng i-elaborate pa. Pero andito lang ako palagi pretty."     Nanginginig na naman ang mga labi ko sa pagpipigil na huwag humikbi at baka marinig niya pa kaya kinagat ko na naman ulit iyon. Dire-diretso ang naging daloy ng mga luha ko pababa.     Yes Railey, I'm dying inside. Pero ano bang magagawa ko kung kinalimutan na niyang lahat ng mga pinangako niya sa akin? Anong magagawa ko kung napalitan na ako sa puso niya? Wala!     "I'll send to you the ice cream i-papabili ko muna and you, tumayo ka na diyan at lumabas, tita Freya said that you're in your room since he came. Nalalanta na ang mga tanim mo pretty, iiyak sila kapag hindi nila nakikita ang nanay nila."     Natahimik ako ng maputol na ang tawag niya. Tinitigan ko lang ang celphone na hawak ko as if lalabas doon lahat ng sagot sa mga tanong ko hanggang sa makarinig ako ng katok mula sa labas ng kuwarto ko.     "P-pasok!" agad kong inayos ang sarili ko, nagpahid din ako ng mukha baka mahalata nila ang ginawa kong pag iyak.     "Princess…" napadungaw si mommy sa pinto at alanganin pang pumasok. "Okay ka na ba?" may pag aalala sa tanong niya. Alam kong si mommy ang dahilan ng pagtawag ni Railey sa akin. Kasi kapag hindi nila ako makausap si Railey agad ang tinatawagan nila para interview-hin kung anong nangyari sa akin.   Ngumiti ako ng tipid sa kanya bago siya tuluyang pumasok at umupo sa tabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit na sinuklian naman ni mommy. Buti na lang andito siya, dahil sa tuwing andyan siya pakiramdam ko protected ako. Bakit ba kasi kailangang tumanda at maramdaman lahat ng sakit na dulot ng buhay? Di ba puwedeng manatiling bata na lang? Na ang tanging problema ay ang mga assignments sa school? Ang allowance at ang mga araw na walang pasok?     "Nag wo-worry na kami ng daddy mo. Narinig na namin ang balita, gustuhin ka man naming kausapin ng daddy mo alam kong hindi ka pa handa." tahimik lang akong nakikinig habang nakasandal sa balikat niya. Tinutukoy niya ay ang pagbabalik ni Jace.     One thing that's perfect about my parents is that they are not pushy. They want us to grow individually, hindi nila kami itinulak na maging katulad nila nor sundan ang mga yapak nila. Daddy is a Goddamn Neurosurgeon samantalang si mommy ay isang dakilang nurse noon. Ang katuwiran nila, hindi nila kami pipigilan kung saang propesyon namin gustong mag excel, kaya kahit na graduate ako ng fashion designing, hindi nila ako pinigilan ng mag desisyon akong mag tayo ng flower farm sa Baguio.     "Dapat ko na rin sigurong pakawalan ang lahat ng mga alaala niya mom, para makapag simula na ako sa sarili kong buhay." anas ko.     Tama. Buong buhay ko, kay Jace lang umikot ang mundo ko, halos hatakin ko na nga ang mga taon para lang matapos na yung apat na taon kaso laking disappointment ko ng walang Jace na dumating. At pagkatapos ngayon, dumating nga siya pero alam kong hindi na siya akin.     "Anak, hindi mo kayang turuan ang puso mo na gawin ang sinasabi ng utak mo. Hindi mo dapat madaliin ang puso mong lumimot dahil lalo ka lang masasaktan." Payo pa ni mommy sa akin pero buo na ang pasya kong kalimutan na at wakasan na ang pitong taon kong pangangarap sa wala.     "Ganun din naman iyon mommy, parehas lang din ang kalalabasan." I sounded defeated, nakakainis. Nakakahiya, si Summer Saavedra ako. Prinsesa ako, lahat ng bagay nakahapag lang sa harapan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Pero pagdating sa tanging lalaki na nag mamay-ari sa puso ko, bigo ako.     "Bakit hindi mo siya kausapin? Bakit hindi mo siya tanungin?" Si mommy talaga, pa-hopia eh.     "Madali lang na sabihin mommy, pero mahirap gawin. Lalo na kapag naiisip ko si Jazsmine. Hindi ako galit sa kanya, pero hindi ko rin maialis na magtampo sa kanya. But that's the beauty of life." mapait kong turan na ikinalaglag ng balikat ni mommy.   "Sayang naman, akala ko pa naman tototohanin na ni Jace yung sinabi niya nun sa daddy mo." napa-ismid na lang ako sa kanya, "Well, di bale, hihintayin ko na lang si Dean na dumating." kunwaring napasimangot pa ito.     "Mommy!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.     "O bakit? Sa akin nangako si Dean na pakakasalan ka niya, kung hindi nagawang tuparin ni Jace ang pinangako niya, andyan naman si Dean. So why bother nga ba?" nagkibit-balikat ito na inilingan ko ng ulo. Pakiramdam siguro ni mommy bata pa rin ako na papayag sa mga panga-pangako na iyan. Diyan nga nasira ang ulo ko diba? Sa pangangako ng lalaking hindi tumupad.     "Dean is another case mom, he's a friend who was VERY dear to me." pinandilatan ko ng mata si mommy para itigil na niya ang pangangarap ng gising.     "Dean is a good catch anak, at originally speaking. Siya talaga ang kababata mo dahil ang ama niya ang matalik na kaibigan ng daddy mo." paglilinaw ni mommy sa akin pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Kumalas ako sa pagkakayakap niya saka tinungo ang banyo para mag ayos ng sarili. "Or better, si Railey na lang kaya?" muntik pa akong mapalundag ng sinundan pala niya ako sa loob ng banyo.     "Mom! That's never gonna happen." irap ko sa kanya saka ipinagpatuloy ang pag to-toothbrush.     "At bakit hindi? Railey is a good man, matagal na kayong magkaibigan, why not climb your friendship to the next level. Ano sa palagay mo anak?" may pilyang ngiti si mommy na pinakawalan sa labi nito. Gusto ko ng matawa kay mommy na nag uumpisa na namang mag ala–cupid sa pag pi-pair–pair nito.     Iba naman si Railey. Alam kong mahal niya ako pero hindi tulad ng gusto nilang mangyari sa amin. Parang isang tunay na kapatid ang trato niya sa akin. I can see it in his eyes. Pansin ko noon ang tingin niya kay Angel at ikinumpara ko na sa kung papaano siya tumingin sa akin.     Naghugas muna ako ng bibig at nagpunas saka ako humarap kay mommy.     "Mommy, Railey is like a brother to me so stop, okay? I'm better now. Thanks to you." natatawa akong tinignan ang luging mukha ni mommy.     Yes, I'm hopelessly romantic pero hindi ako desperate para humanap ng panakip-butas. Tama si mommy, hindi ko dapat madaliin ang sarili kong limutin si Jace. Matapos kong ayusin ang sarili ko bumaba na ako sa kuwarto ko.     "Oh, saan ka pupunta?" takang tanong ni mommy sa akin.     "Tatlong araw ko ng hindi nabibisita ang mga babies ko mom." lumapit ako saka humalik sa pisngi niya.     "Pupunta ka ng Baguio? Kailan ang balik mo?" sunod-sunod ang mga tanong ni mommy sa akin.     "Nah! Sa Tagaytay lang ako, Monique naman is there kaya hindi ako nag-aalala pagdating sa Baguio." Kinuha ko na yung bag ko saka iyon isinukbit sa balikat ko at dinampot ang susi ko ng sasakyan sa bedside table ko.     "Anong oras ka uuwi? Baka nakakalimutan mo ang araw ngayon?" kunot ang noo ni mommy ng makitang wala akong idea sa araw. Sa dami kasi ng gumugulo sa utak ko, nakalimutan ko na ang paglipas ng mga araw.     "Oh, My God Mom! I almost forgot!" napatutop ako sa bibig ko. Yeah. It's mom and dad's anniversary! Bakit ko ba muntik na makalimutan iyon!     "You better-come home early, darating ang kambal okay?" mahigpit na bilin sa akin ni mommy kaya napatango na lang ako. I better get going para matapos ko agad ang trabaho at makabili pa ako ng gift sa kanila ni daddy.   NAGING abala ako pagdating ko sa flower shoppe, hindi sa pagmamayabang pero kahit crisis na sa Pilipinas marami pa rin akong mga customers na talagang tumatangkilik sa mga bulaklak ko.     Sinilip ko ang relo ko, maaga pa naman ako sa five o'clock pero minamadali ko ng matapos ang lahat dahil nga may party sa bahay. Tinext ko na din si Railey to informed him na may celebration sa bahay. Maayos na ang lahat sa shoppe, okay na din ang mga orders para tomorrow sa isang in-auguration kaya minabuti kong ipasara na ng maaga ang shoppe para din makauwi ng maaga ang mga tauhan ko ng may biglang pumasok sa shoppe.     "I'm sorry sir, sarado na po kami." rinig ko ang mahinang paumanhin ni Cherry sa customer.     "It's okay Cherry, hayaan mo ng pumili ng bulaklak si sir—" naputol ang sasabihin ko pati na rin nabitin sa hangin ang ngiting pinakawalan ko ng makita kung sino ang dumating.     "Hi baby," isang tipid na ngisi ang pinakawalan niya saka parang naglalakad sa red carpet na lumapit sa akin. "I want to buy flowers, yung one of a kind maibibigyan mo ba ako?" isang playful na ngiti ang pinakawalan niya sa akin saka niya inabot ang baba ko para isara ang nakabuka kong bibig.     "A-anong ginagawa mo dito, Jace?" napalunok ako ng matindi dahil matapos ang ilang araw ay hindi ko inaasahang magkikita pa kami muli.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD