CHAPTER 2

1342 Words
Jace     We are now reaching Manila, kindly fasten your seatbelts as we are preparing for landing. Thank you.     Tahimik akong sumunod sa utos ng airlines. Inayos ko ang lagay ng seatbelt ko at saka dumungaw sa bintana. Tanaw ko na ang lupa ng Manila. Napabuntong-hininga ako ng malalim.     "Excited?" narinig ko ang tanong sa akin ni Jaz pero hindi ako tumugon.     Anu nga ba ang dapat kong maramdaman? Excitement? Takot? Tangina Jace, kailan ka pa natakot? Sa loob ng halos pitong taon, namuhay kang mag isa. Kinaya mo ang lungkot at pangungulila. Natuto kang harapin lahat ng kinatatakutan mo ng magisa. Hindi ka dapat matakot, ikaw dapat ang katakutan. Tandaan mo iyan.     Naayos ko ang problema kay Jessie, sa tulong na rin ni Jaz. Nagpanggap kaming engaged na at ikinagalit iyon ng husto ng nauna, sa sobrang pagka-obsessed niya sa akin pinalabas pa niyang ayaw kong panagutan ang batang dinadala niya, napaamin ko man siya sa kasinungalingan niya hindi naman ako nakaligtas sa mga magulang ko ng mabalitaan nila sa social media ang nangyari. Napaaga tuloy ang uwi namin ni Jazs. Ayoko siyang idamay sa gusot ko na ito. Though ang pag uwi kong ito ay parte din ng kasunduan namin ni Keira.     "Anung plano mo pagkatapos nito, Jako?" Bahagya ko lang na nilingon si Jazs ng tanungin niya ako.     "Wala." tipid kong sagot.     "Anong wala? Andito ka na sa Pilipinas, magagawa mo na ang dapat na ginawa mo seven years ago." Heto na naman siya sa paninermon sa akin. Alam ko ang ibig niyang sabihin.     It’s about Summer Vienne. Ang puno't-dulo ng kahibangan ko. Minahal ko siya sa mura kong isip, at dahil sa bata pa siya noon. Gumawa ang mga magulang namin ng paraan para paglayuin kami. Pumayag ako, dahil alam kong iyon ang makabubuti. Kahit masakit, kahit mahirap. Para sa kanya gagawin ko.     "Things had changed, Jazs." makahulugan kong sabi. Matagal ang pitong taon. Oo nangako ako sa kanyang babalik ako after four years pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan minabuti kong paabutin pa ng ganito katagal. Hindi ako gumawa ng kahit anong way of communication sa kanya though I know everything about her kahit nasa malayo ako, I have my own means. Perks of being a President of dela Vega Empire.     "Maloloko mo ang iba pero hindi ako Jace, kilala kita hanggang sa amoy ng utot mo. Kaya huwag mo akong subukan." nangiwi ako sa sinabi niya sa akin. Gusto kong subukin ang sarili kong limutin siya. Alam kong makasarili ako pero, ayokong maniwala na kaya akong hintayin ni Summer.     "Ano pa bang gusto mo Jazs? Sinunod ko ang kasunduan natin ng tulungan mo ako. Here I am, making me step in this land. Aayusin ko lang ang problema natin at uuwi na rin ako ng Canada. Andoon na ang buhay ko." padabog kong sabi sa kanya.     "So, kung ganon naman pala ang plano mo. Mabuti na ring kausapin mo si Sam, linawin na ninyo ang tungkol sa inyo. Have closure Jace, so that my friend can move on and have her life of her own." mataray nitong sabi sa akin.     Hindi na ako umimik hanggang sa makababa kami ng eroplano. Buong atensyon ko natuon lang sa pagiisip. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Sam kapag nalaman niyang andito ako sa Pilipinas. Natatakot ako. f**k. Oo, aaminin ko na. Natatakot ako kay Sam. Pagdating sa kanya pakiramdam ko hindi pa rin ako karapat-dapat para sa kanya.     "Andiyan na daw si Kai sa arrival area, siya daw ang sumundo sa iyo kasi daw si Tito Jake may meeting pa." nakasunod lang ako sa kanya habang hinihintay ang mga maleta namin.     "How about you? Sasabay ka ba sa akin?" binuhat ko ang mga maleta namin.     "Nope. Daddy is waiting for me, he's outside na rin." inabot niya yung luggage niya pero hindi ko siya hinayaan. Alam kong kahit malakas si Jaz hindi lingid sa amin kung ano ang pinagdaanan niya ng bata pa siya. "Kaya ko Jako, huwag ka nang praning diyan!" simangot niyang turan sa akin.     "Kahit na, ayokong napapagod ang fianceé ko." asar ko sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Natawa na lang ako sa hitsura niya.     "Gago." mura niya sa akin. Sanay na ako sa kanya, iyan ang terms of endearment niya pagdating sa akin. Minana niya kay Tita Cassiedy ang pagiging suplada. "Daddy wants to talk to you, siguro about what he has heard in the news." alam ko na iyon. Kailangan ko nga talagang magpaliwanag kay Tito Marco na hindi totoo ang lahat. Na ginawa lang namin ni Jaz ang pagpapanggap para tulungan akong makawala dun sa baliw na si Jessie.     "Don't worry brat, aayusin ko ang lahat." paninigurado ko sa kanya saka pilit na ngumiti.     Jazsmine had been there for me mula ng dalhin siya ng mga magulang niya sa Canada para doon magpagaling. She's been a sister, a friend, and a mother to me. Siguro, hindi ko matatagalan ang kalungkutan kung wala siya, kaya espesyal siya sa akin at wala akong hindi gagawin kay Keira para sumaya ito.     Halos malapit na kami sa arrival area ng makuha ang atensiyon namin ni Jaz. Sabay kaming napalingon sa dami ng reporters na papalapit ngayon sa amin.     "f**k! Jazs, bakit nila nalaman ang pagdating natin?!" naiinis kong tanong. Habang mas binilisan pa namin ang paglalakad papalabas.     "I don't know Jace, hindi ako bale para ipag sabi ang pagdating natin no dahil alam kong ganito ang mangyayari." singhal na balik niya sa akin.     The Hotel Magnate, Jace Kristofer dela Vega is here at the Ninoy Aquino International Airport, with him was the rumored girlfriend Jazsmine Keira Lopez.     Damn. Gusto kong pilipitin ang leeg ng reporter na live na nagbabalita ngayon, malayo pa sila pero dinig na dinig ko na kung paano niya ipamalita sa buong Pilipinas ang pagdating namin. Awtomatiko akong napa-akbay kay Keira para just in case na dumugin kami ng mga reporters mapo-protektahan ko siya. Pero bago pa sila tuluyang makalapit sa amin nagsimula na naman silang magkagulo na parang mga bubuyog. Hindi nila alam kung saan sila pupunta ng may masipat pa silang isang prominente sigurong tao na papalabas din sa arrival.     "Damn! Move brat or else dadagsain nila tayo at kakainin ng buhay." matigas kong utos kay Jaz habang busy ang mga reporters na kumuha ng mga litrato sa bagong dating.     Masiyado tayong mapalad ngayong araw na ito mga kapuso dahil sa naglalakihang mga tao na halos sabay na dumating sa Pilipinas. Kanina lang namataan nagina ng pagdating ng tagapag-mana ng dela Vega chain of Hotels ngayon naman, abot-tanaw na natin ang paparating na Bussines Tycoon na si Railey James Cervantes and there! Look! He was warmly welcomed by the ever-gorgeous, Ms. Summer Vienne Saavedra.     Kusa ang naging pag hinto ng mga paa ko sa paglalakad. Hindi ko magawang kumilos, kung hahakbang ako palayo o lilingon ako kung saan makikita ko ang babaeng matagal kong itinago sa puso ko.     "Jace..." narinig ko ang boses ni Jaz pero hindi magawang mag-process ng utak ko.     Summer Vienne Saavedra.     Summer.     Sam.     Sa huli, pinili kong sundin ang dibdib kong nagsasabing lumingon. Kitang-kita ko siya. I've seen pictures of her, and she was such a real beauty. But seeing her now, in the full glow of the sun, sing init ng pangalan niya ang init na nararamdaman ng dibdib ko. She has blonde hair with a smile that was so refreshing. She had grown into a lady with an angelic and innocent face.     Nakita ko kung paano siya ngumiti sa lalaking iyon. At hindi ko namalayang mahigpit na ang pagkakuyom ng mga palad ko kasabay ng paglapat ng mga ngipin ko. f**k. Isang tingin ko lang sa kanya nagbago na ang lahat ng mga plano ko sa buhay.     "T-teka, Jace! Saan ka pupunta?!" narinig ko ang tawag sa akin ni Jazs pero hindi ko na iyon pinansin.     Tiniis ko ang pitong taon. Pitong taon Summer, at hindi ako papayag na makawala ka sa pangakong binitiwan ko.     Sa akin ka.     Akin ka noon.     Akin ka pa rin hanggang ngayon.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD