CHAPTER 1

1876 Words
Sam   "When you love someone, they never get lost; wherever they go, they are still somewhere in your heart, and as long as they know that they will always know that when they find you, they find themselves once again."     Nakangiti ako habang hinahaplos ang tuyong bulaklak na matagal kong pinakaingatan. I-priniserved ko pa ito ng iipit ko ito sa pinaka paborito kong libro at sa pinaka mahalagang page ng book na iyon. Somehow, kapag nalulungkot ako bubuklatin ko lang iyon kasabay ng makikita ko yung bulaklak tapos babasahin ko yung favorite kong qoute tapos, tapos na! Maayos na ulit yung pakiramdam ko.     I've been doing this since I was fifteen, and that was the first rose that has given to me, ever. He was special to me and I know that I was special to him too.   -----------------------Ψ-----------------------   "B-bakit ka aalis?" namumuo na ang luha ko ng puntahan ako ni Jako sa bahay, kasama din niya si Tito Jake so that means it was serious. "Kung dahil ito dun sa nangyari last week, kakausapin ko si Dean. I will tell him to say sorry to you." mukha na ba akong desperada? But its true. I hate the fact that Jako was torn between me and his cousin Dean. Palagi na lang silang nag aaway dahil sa akin. Importante silang pareho sa akin.     He gently cupped my face at kitang-kita ko ang lungkot sa mga asul na mata niya. Natatakot ako. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko makita ko lang ang mga mata niya. It was new to me. I can't see Jace Kristofer dela Vega as the boy who I used to grow up with. May nag iba.     "It was hard for me, princess. Believed me, but… I need to do this. For you and for myself. I—I want to be enough for you." nalilito ako sa mga sinasabi ni Jako sa akin.     "You are enough Jako. A-ano bang sinsabi mo?!" gusto ng malaglag ng mga luha ko pero nagagawa ko pa ring pigilan ito. Then I asked him the stupid question I have in mind for years. "A-ayaw mo na ba sa akin?" kagat labi akong napapikit ng lumabas sa bibig ko iyon. It sounded like we have something which is wala naman.   "Don't say that Sam." kita ko ang paglapat ng mga labi ni Jako, "And don't bit your lip in front of me." napamaang ako ng pagalitan niya ako ng ganon, old habits die hard.     "K-kung ganon, bakit? Bakit ka aalis?" tumaas na ang boses ko. Nauubos na ang pasensya ko. Why this is happening? Maayos naman ang lahat dati. Okay kaming tatlo nila Dean. Bakit nagising na lang ako isang araw ganito na ang nangyayari?     "Dahil habang andito ako hindi ko alam kung magagawa ko pang kontrolin ang sarili ko, Sam." seryoso siyang nakatitig sa akin.     "K-kontrolin? A-ang alin?" bakit parang yung puso ko excited sa sasabihin ni Jako?     "I love you, Sam, I have always been in love with you." Pag amin nito sa akin.     Natulala ako sa ipinagtapat niya sa akin. Nakakita ako ng maraming stars at fireworks at hindi ko maintindihan kung bakit. Naramdaman din kaya ni Jako iyon?     "J-Jace… P-pero..."     "I know that Dean was in love with you too." mas lalo akong walang nasabi ng sinabi ni Jako iyon. Oo, nararamdaman ko ang special treatment ni Dean pero mas na-a appreciate ko ang pag aalaga ni Jako sa akin.     "Ayokong maguluhan ka sa nararamdaman mo Sam, hindi ko ito sinasabi para siraan si Dean pero alam ko kahit noong bata pa lang tayo ikaw na ang gusto ko. I even asked Tito Jairus to marry you when I was six. I love you so much pero nakikita ko na ang pagmamahal ko ang sisira sa iyo na kailangan kong layuan ka."     Hindi ko na napigilan ang mga luhang naglandas sa mga mata ko na agad naman niyang pinunasan. Bakit ganito? Kanina lang noong sinabi niyang mahal niya ako ang saya-saya ng puso ko. Tapos ng sinabi niyang kailangan niyang lumayo parang pinunit ang puso ko.     "Damn baby, don't cry, please? I hate to see you crying…" ikinulong niya ako sa yakap niya. From that moment, alam kong may nagbago na talaga. Hindi lang dahil sa sinabi niya sa aking mahal niya ako. Dahil kahit na fifteen years old pa lang ako, hindi ko na kayang i-explain kung bakit palagi na lang nag iiba ang pintig ng puso ko every time that Jace was near. Every time when that blue eyes pierce into mine.     "Please. Don't leave me?" hindi ko inaasahan na magmamakaawa ako sa kanya ng ganito. Ayokong iwan niya ako ng ganito. Nalilito ako ngayon na kailangan ko siya para tulungan akong tuklasin kung anu ba itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya.     "Apat na taon lang Sam." napatingala ako sa kanya and that is because matangkad siya sa akin.     Ano? Four years?     "Why is it that long?" I heard him chuckled. Napanguso ako at inirapan siya pero marahan lang niyang tinampal ang bibig ko.     "Sabi ko sayo huwag kang gaganyan sa harapan ko eh. Sige ka, hahalikan kita." totally nag blush ako ng sinabi niya iyon sa akin.     "Bata pa ako, magagalit si daddy sa iyo." nakayuko ako dahil pilit kong itinatago ang pamumula ng mukha ko.     "Now that I said what I feel for you wala na akong kinatatakutan ngayon princess." he used his right thumb and index finger to cupped my chin and raise my face so that I will meet his gaze.     "Hintayin mo ako."     "Nakikiusap ka ba o inuutusan mo ako?" napataas ang isa kong kilay habang nakatitig lang sa kanya. Malutong ang naging pag tawa niya at pakiramdam ko na naman naging iba ang galaw ng puso ko sa loob ng dibdib ko.     "Actually yes. Inuutusan kita. Dahil kapag bumalik ako, hindi na kita pakakawalan kahit sino pa ang humarang sa akin. Remember that baby." hindi ko napigilang mapangiti at kiligin.     Baby. Baby ang tawag niya sa akin!     Maya-maya may kinuha siya sa likuran niya. Kita ko ang isang tangkay ng rose. Nanlaki ang mga mata ko, first time kong nakakuha ng rose mula sa kanya. Right, matagal ko na siyang kakilala pero never naman siyang nag bigay sa akin ng bulaklak. Si Dean naman chocolates ang ibinibigay sa akin.     Na-amaze ako sa kulay ng rose. It was white and red. Nag aagaw ang kulay nito and it was somehow rare to see.     "Nag research ako sa internet. Bawat kulay daw ng roses my meaning. Red signifies love, passion, and respect while the white once symbolizes innocence and purity."     Nakatitig lang ako sa rose na iyon na hawak ko. Parang hinahatak nito ang kaluluwa ko na hindi ko mawari. Nabigyan na ako ng bulaklak ng mga kaklase kong mga lalaki pero alam ko sa sarili kong ito ang pinaka-espesyal.     "Ingatan mo ang bulaklak na iyan dahil pagbalik ko kukunin ko iyan sa iyo. Habang wala ako, lagi mo lang titignan ang rose na iyan. Iyan ako, iyan ang love ko sa iyo.." hindi ko napigilang hindi mapakagat sa labi ko. Bahala na kung pagalitan niya ako ulit. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong makita niya ang side ko na ito.     "Dammit!" mabigat ang paghinga ni Jako na basta na lamang ako idinikit sa katawan niya. Bigla ang pag iinit ng katawan ko saka ko siya tinitigan. "Hindi ka talaga nakikinig, baby. I told you not to bit your lip diba?" ang lalim ng boses ni Jako na parang hirap na hirap itong magsalita, "Pinahihirapan mo akong mag isip ng tama, Summer. I want to taste that Goddamn lips and God knows if I can stop." super husky ng boses niya. Nanunuot sa balat ko iyon and it made my body shiver.     "J-Jace…" napamaang ako sa kanya ng hindi ko alam ang isasagot.     "Hell, Summer! You asked for it." at bago pa ako makapag tanong sa kanya, nangyari na ang nangyari.     He pulled me closer and claimed my lips into a kiss that brought me to the world of the unknown. Dampi lang iyon noong una but it lingered into the deepest part of my soul.     "Open your mouth baby." masunurin naman akong bata at ginawa ko ang inutos niya then he made the kiss deeper na parang mauubusan na kami ng hininga.     It was my first kiss! Jace Kristofer dela Vega is my first kiss!     Titig na titig siya sa akin ng putulin namin ang paghalik sa isa't-isa. Gosh! I kissed him back! At hindi ko alam kung paano nangyari iyon! Patay ako kay mommy at daddy…     "That was wonderful babe, those lips were mine now." ngingiti-ngiti niyang sabi samantalang ako naman hindi makatingin sa kanya ng maayos.     "Basta, hintayin mo ako. Okay? Don't do something that will make me mad Sam. Tutuparin ko ang pangako ko sa iyo. Apat na taon." muli na namang naging seryoso ang mga mata ni Jace at nararamdaman ko na kahit hindi niya sabihin, kahit gaano katagal...hihintayin siya ng puso ko.     Nabigla siya ng inabot ko ang mukha niya at hinaplos ko ang pisngi niya at masuyo siyang nginitian.     I love him. I know that in my heart.     "Huwag kang mag-promise. Just...just come back after four years..."   Malinaw pa rin sa isip ko ang tagpong iyon. Ang mga sandaling iyon. After that night hindi na siya nagpakita. Nalaman ko na lang na lumipad na siya papuntang Canada para ituloy doon ang pag aaral niya.     Dinampot ko yung rose na bigay ni Jace. Tuyo na ito at piping-pipi na, marahil siguro sa tagal na din na nakaipit siya sa libro ko.     "Sabi mo apat na taon lang? Seven years na po kaya." para akong baliw na kinakausap yung bulaklak. "Kapag hindi ka pa bumalik Jace Kristofer dela Vega hindi na kita hihintayin..." nakanguso ko pa ring sabi dun sa bulaklak pagka-kuwan ay ibinalik sa libro at iniipit muli doon.     Malalim ang naging buntong-hininga ko saka malungkot na tumanaw sa bintana ng kuwarto ko. Seven years na ang nakakalipas. Lagpas-lagpas na sa apat na taong hiniling niya sa akin noon. Twenty-three years old na rin ako. Tapos na ako ng fashion designing pero may nagsisimula naman na akong negosyo.     Flower farm. Matapos na bigyan ako ni Jace ng rose, na-fascinate na ako sa mga bulaklak. Naging passion ko na ang pag aalala ng mga ito at nasisiyahan ako kapag nakakapag patubo ako.     Isa na lang naman ang kulang eh… Si Jace na lang.     Si Jace at ang puso ko na kinuha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD