CHAPTER 5

1980 Words
Sam   Sabi nga nila – the heart feels what the eyes cannot see and knows what the mind cannot understand. Patunay iyan ng kung anong epekto sa akin ni Jako. Iniisip ko pa lang na magkakabangga ang mga mata namin nagiiba na ang pagpag ng puso ko paano pa kaya kung ganito na siya kalapit sa akin?     "I'm fascinated. Kailan ka pa nawili sa pagtitinda ng bulaklak? You graduated fashion designing, am I right?" Naipilig ko ang ulo ko. Paano niyang nalaman ang tungkol doon? Where freaking worlds apart, ganon ba ako kasikat?     "Yes. Hindi na maiaalis sa akin ang pag guhit at mananatili na iyon sa dugo ko. Once in a while nag di-design pa rin naman ako pero mas gusto ko ang pagtitinda ng bulaklak gaya ng sabi mo." napapantastikuhan lang ako sa uri ng usapan naming ito. Ang tagal niyang nawala and yet darating siya at magpapakita para lang maliitin ang pagtitinda ko ng bulaklak?     "You love flowers, eh? Oh, dahil hindi mo pa rin makalimutan na ako ang unang nagbigay sa iyo ng bulaklak, remember? I was also your first kiss." naglalaro ang pilyong ngiti sa labi ni Jako ng hindi ko naitago ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya. I really thought he forgets all of that.     "Matagal na iyon Jako, to tell you honestly, I bearly even remember it was happen." Yeah right. Take that dela Vega! Pagbubunyi ko sa loob ko ng may makita akong kirot sa mga mata niya pero tila segundo lamang iyon dahil the next thing I know nag iba ang kulay ng mga asul niyang mga mata. It was darker at nakakatakot iyon dahilan para kabahan ako.     "Do you think I will buy that baby?" Napapikit ako at kahit hindi ko aminin sa sarili ko, kinilig ako ng tawagin niya akong baby. Kung puwede lang i-rewind at i-record para sa pagtulog ko yun ang huli kong maririnig at sa pag gising ko naman sa umaga iyon din ang una kong ipi-play. Obvious bang baliw ako?     Hindi pa rin nawawala ang self-confidence ni Jace sa katawan. Tunay ngang magkaiba na talaga kami ng antas. He was a goddamn successful in his business samantalang ako, na-stuck na sa simpleng buhay that I have.     "T-that was seven years ago Jako." Pagak akong tumawa, "Things changed. Many things has changed already." hindi ko alam kung bakit ba ako nabubulol sa pag sasalita. Si Jace dela Vega lang naman siya diba! Sino ba siya sa akala niya?   Napaatras ako ng magumpisa siyang lumapit sa akin. Sa bawat pag hakbang niya pa-abante isang hakbang naman ang ginagawa ko pa-atras. At gaya ng sa mga old movies na napanuod ko, na ang bidang babae ay wala ng maatrasan tapos kakabigin siya ng bidang lalaki para yamukusin ng halik. Napapikit na lang ako at nag hihintay na mangyari iyon sa akin, halos hindi na ako humihinga sa paghihintay ng biglang matabig ko ang swivel chair ko.     "Aaaahhh!!" tili kong sigaw ng mapaupo ako bigla.     Naman! Moment na sana eh!     I just heard Jace's laugh na ikinaangat ko ng ulo. He was leaning on me with both of his hands were on both my chair's armrest. "At least now, you remember."     "Ano?!" singhal ko sa kanya.     "Ang sabi ko, kunwari ka pang hindi maalala pero kung makapikit ka kanina wagas. Ayan tuloy muntik ka ng mahulog, buti nasalo ka ng upuan mo." Tukso pa nito sa akin.     Nag-init ang pisngi ko sa inis sa mga sinabi niya. How cocky he was para sabihin iyon sa akin?! Yes, masasabi ko ngang tanga ako at istupida dahil sa naniwala ako sa kanya noon but I am still Summer Vienne Saavedra.     No one dares to laugh at me like that.     Inayos ko ang sarili kong paghinga at ibinalik ang nagtago kong composure saka siya malakas na itinulak.     "At least that chair used its purpose. It didn't let me fall, just like others did." huli na ng maisip kong ang bitter ng sagot ko. Pero nakita ko naman ang pag guhit ng lungkot sa mukha ni Jako kasabay ng pag seryoso ng mukha nito.     His face exudes greatness. Magmula sa pangahang hugis ng mukha with matching cleaned-shave skin na mangasul-ngasul pa hangang sa maganda at katamtamang tangos ng ilong nito papunta sa manipis at mamula-mula niyang lips plus the oh-so-gorgeous blue eyes nito na siyang tunay niyang asset. Isama mo pang ang hot niyang tignan sa three-piece armani suit na suot niya ngayon.     Oh, God. Kill me now! Kaaway siya Sam! Hindi ka dapat mahalina sa ka-guwapuhan niya.   "I have my reasons, Sam." nagpabalik ko sa aking katinuan ng marinig ko ang boses niya. "Reason that made me delayed the promised I'd made, doon sa balkonahe ng kuwarto mo, sa liwanag ng buwan."     Umiling ako. Bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko? Para siyang pinipit-pit na pinipiga ng sabay? Ang sakit kasi, sa sobrang sakit hindi ko na alam kung ano ang una kong iindain.     "N-nag hintay ako sa iyo. Pitong taon Jako. Better that reasons be valid dahil...dahil hindi ko na alam kung magagawa ko pang makinig o magtiwala kung magsisinungaling ka lang sa akin." hindi ko napigilang huwag manginig ang boses. At some point, hindi na importante pa ang kung anong paliwanag niya pero ng maalala ko si Jaz. Biglang naglaho lahat ng pag asa ko. "Or much easier for us not to talk about the past. You had your life without me. Iisipin ko na lang na hindi ito lahat nangyari."     Gusto kong palakpakan ang sarili ko sa katatagan ko at nasabi ko iyon ng harapan kay Jako. After so many years of waiting and hoping and asking questions 'Why' to myself, finally! Naginhawaan na ako at parang nabunot na ang tinik sa dibdib ko.     "C-cherry!" tawag ko sa assistant ko at ng makalapit siya nagsalita agad ako. "Please assist Mr. dela Vega, make sure he gets what he's looking for at pagkatapos magsara ka na." matapos kong bilinan ang assistant ko nagpasya na akong maunang lumabas sa flower shoppe.     Pagkalabas na pagkalabas ko huminga ako agad ng malalim saka tumingala sa langit. Natutunan ko iyon kay Railey. Minsan nakita ko siyang nakatingala ng sobrang tagal sa langit. Akala ko naghihintay siya ng eroplano pero ng tanungin ko kung bakit niya ginawa iyon isa lang ang isinagot niya sa akin.     When you were on the verge of crying. Tumingin ka lang sa itaas, in that way lahat ng luhang gustong lumabas sa mga mata mo babalik sa loob.     It was the dumbest explanation he can get to that pero iyon ngayon ang ginagawa ko.   ----------------------------Ψ------------------------------ Nagpasya akong pumunta ng mall mag isa. I was texting Railey many times now pero hindi siya nag re-reply. Hindi naman niya siguro ako i-indiyanin mamaya sa anniversary ng mga magulang ko diba?     Every year, my parents never missed celebrating their love for each other. Sila ang idolo ko sa pagiging hopelessly romantic. Kahit nga ang kambal hindi nakaligtas pagdating sa mga ganitong okasyon. Obligado kaming saksihan ang malalagkit na pagtitinginan ng mga magulang namin at ang mga iba't-ibang pakulo ni daddy para mapakilig lang si mommy.     This year mas engrande ang celebration kasi 25 years na sila. Imagine, silver anniversary na ang idinadaos nila? Who would have thought that their love will stand like this kahit na ang dami ng problema at pagtatampuhan ang naganap sa kanila. Iniisip ko kung ano ba ang puwede kong mai-regalo sa kanila? Yung gamit na alam kong magagamit nila palagi. Tingin ko naman kasi mayroon na lahat si daddy at si mommy naman hindi mahilig sa mga materyal na bagay.     Napadaan ako sa isang jewelry store at napatitig ako sa isang brooch. It was a silver flower-shaped brooch tapos may terno pang silver flower barret. It was so beautiful na gusto kong bilhin para sa akin pero pinigil ko ang sarili ko.     If ever happens na makita na naman ako ni Jako na namamangha sa iba't-ibang klase ng bulaklak sasabihin na naman niyang dahil iyon sa kanya.     Napanguso akong lumayo sa jewelry store na iyn at pikit matang tinanggihan ang temptasyong bilhin ang alahas na iyon. Isang oras na akong palakad-lakad sa mall pero wala pa rin akong maisip kung ano ang i-reregalo ko sa mga magulang ko. Umupo ako sa tagong benches sa mall para pagpahingahin ang masakit kong binti ng may biglang tumabi sa akin.     "Ikaw na naman?!" naiinis kong asik. Noon nami-miss ko ang mukha niya pero ilang beses ko pa lang siyang nakikita nauumay na ako sa pag mumukha niya.     "Hindi mo sinabing mag-ma-mall ka pala edi sana sinamahan kita." ngiti nitong sambit. Wow lang ha. Ang cool niya pa rin!     "Wala akong natatandaang nagpasama ako sa iyo?" uyam kong turan sa kanya.     "It's your parents’ anniversary diba?"     "T-teka, pano mo nalaman?"     "C'mon babe! Magkaibigan ang mga pamilya natin—"     "News flash Jako, ang parents ni Dean ang kaibigan ng pamilya ko." nakita ko naman ang agad na pagdilim ng mukha ni Jace ng banggitin ko ang pangalan ni Dean.   "Halika na." nagtaka ako ng bigla na lamang siyang tumayo at inilahad ang palad sa harap ko.     "Ano yan?" kunot noo kong sabi. Humigit lamang ito ng malalim na hinga saka ako hinatak patayo.     "It's getting dark outside, Sam. Kailangan na nating makabili ng i-reregalo mo sa parents mo, ayaw mo naman sigurong ma-miss natin ang party diba?" Patuloy parin akong nakatunghay sa nakalahad nitong palad. Ang sarap sanang paunlakan ang gusto niyang mangyari pero alam ko naman kung saan ako lulugar.     "Y-you mean invited ka?" diba obvious na nagulat ako?     I saw him smirked.     "Okay, sasabihin ko sa iyong hindi. Ayos na ba?" pilyo nitong sabi. Hindi ko napigilang hampasin siya sa braso. This man clearly knows how to piss me.     Just like the old times.     "Oy! Chansing ka na ha!" pinipikon talaga ako ng lalaking ito eh. Sinabi ko bang sundan niya ako dito at samahang mamili? Di ba hindi naman?     "For the record Jako, I've touched and seen more kaya huwag kang mayabang." Irap kong sabi sa kanya saka ako nauna ng maglakad ng bigla na lang niya akong haklitin sa baywang and now I am breathlessly pinned to his body. Halos malaglag ang eyeballs ko ng ma-process ng utak ko king gaano ako kalapit sa kanya.     "J-jace! W-what are...what are you d-doing!?" halos maduling na ako at baka ilang segundo lang magkapalit na ang mga mukha namin sa sobrang lapit.     "I have enough, Summer Vienne." bulong nito at dama ko ang init ng hininga niya sa mukha ko.     Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ganito kainit?     "You have seen more? You have touched more?" kita ko ang galit mula sa mga asul niyang mga mata. Anu ba ang nasabi ko? Inaasar ko lang naman siya eh.     "J-jace, let me g-go." akma ko siyang itutulak ng mahawakan niya ang mga kamay ko gamit lamang ang isa niyang braso with his other arm still wrapped on my waist.     "Never again baby. Definitely not again." his face lower an inch on mine at parang may nabuhay sa tiyan ko na naguumpisang mangiliti sa loob ko. Eto ba yung sinasabi nilang butterflies in the stomach?     "Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi kong akin ka lang?" nagiinit ang mukha ko at pati na rin ang katawan ko lalo na ng may maramdaman ako sa puson ko na parang matigas. Nangangapal ang pakiramdam ng mukha sa sobrang agresibo ng galaw ni Jace.     Nasa public place kami for crying out loud!     "J-jace—a-ano ba!" pinipilit kong makawala mula sa kanya pero the more na nagpupumiglas ako the more na humihigpit ang hawak niya sa akin.     "You're gonna stay away from any man, baby. Dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. And I will mark that today." lumipad na lahat ng isip kong manlaban ng maramdaman ko ang mainit na labi niya sa labi ko.     He kissed me!            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD