Amanda
“PLEASE huwag niyong saktan ang baby ko. Maawa kayo!” hiyaw niya pero tumawa lang sila.
“Please huwag niyong saktan ang baby ko…” kantiyaw ng isang lalaki na kinopya pa ang boses niya.
“Noooooooooooooo!!!!” sigaw niya nang maramdaman niya ang isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.
Napabalikwas ako bigla at napagtantong itinapon ko ang unan sa hindi ko nakikitang kalaban. Parang piniga ang mga baga ko at ‘di ko makuhang makahinga ng normal. Napasulyap ako sa relo sa bedside table at napaungol nang makitang alas dos pa pala ng madaling araw.
Pinahid ko ang mga tumutulong pawis mula sa aking noo hanggang sa ‘king dibdib. Bumangon ako at nanginginig na palakad-lakad sa loob ng kwarto.
Sinabihan ako ni Auntie Nita na ‘di dapat ako patatalo sa mga masamang nangyari sa’kin. ‘Di ko dapat hayaang malubog ako sa takot. Gusto kong subukan kung kaya ko na bang tumayo sa sariling mga paa na walang bahid na pangamba. Kinuha ko ang aking cellphone at lumabas.
Dahan-dahan akong gumalaw at pilit kong hilahin ang mabigat kong mga paa papuntang hardin sa labas ng bahay. Pinatay ng hardinero ang lahat ng ilaw kaya ang liwanag sa porch ng bahay ang nagsisilbing tanglaw ko. Inayos ko ang aking sarili hanggang sa naka-adjust ang aking mata sa dilim at nakita ang isang bench kung saan ako umupo.
Mga insekto at ang mabigat kong hininga ang tanging naririnig sa paligid. Bakit nahihirapang tumanggap ng hangin ang aking mga baga? Bakit tila nalulunod sa kadiliman ang aking kaibuturan? Bakit ang hirap makita ang liwanag?
Darkness.
Silence.
Creepiness.
“Hindi ako takot sa dilim, hindi ako takot sa kakahuyan, hindi ako takot sa pangyayari…” Kinapa ko ang aking dibdib na tila ito lang ang paraan para kalmahin ang malakas na tambol ng pintig.
Parang ikinulong ako sa isang malaking walk-in freezer sa ginaw ng aking nadarama. Mabilis na hinaplos ko ang aking mga braso at mga palad. Ngunit hindi ko pa rin maintindihan bakit pinagpapawisan ako kahit na nanginginig ako sa ginaw. Pinunasan ko ang tumutulong pawis mula sa’king mukha at napahinto ako saglit.
Napakagat-labi ako nang mapagtantong nag-aapoy ang mga ilog na dumaloy mula sa’king mga mata. Tila walang hangganang paglalakbay ng tubig hanggang sa makarating sa’king pusong wasak na wasak. Bakit mas lalong humahapdi ang aking espirito nang mabinyagan ng mga luha ang aking sugatang puso?
At bakit tila nakikita ko ang aking sarili sa harapan ko? Nanonood lang ba ako ng suspense thriller na palabas? Hindi ba totoong nangyari ang lahat ng ‘yon? Was that woman even me?
Mas masakit pa pala talaga ang reyalidad na para akong isang napakalaking jigsaw puzzle na nawawala ang mga piraso. Pero kaya ko ‘to ‘diba? Kaya ko ba talaga? Kailangang magpapakatatag ako para sa sarili ko. For my own sanity.
Huminto ang mundo ng ilang mga minute at pinilit kong maging isa sa kapaligiran. Tanging mabagal na hininga na lang ang nararamdaman ko at ‘di ko naririnig ang malakas na tambol ng aking pulso.
Napayuko ako ng mas mababa at sumuka ng sumuka. Pinilit kong hilahin ang aking sarili na bumalik sa aking kuwarto at dumiretso sa banyo. Hinubad ko ang aking mga damit at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin.
This was definitely not the Amanda whom I knew before. This woman in front of me was someone else.
I traced my fingers towards my abdomen and pelvis. I could not even control the hot tears flowing. These scars were indeed the evidences that those nightmares existed. Ugly proofs that made me remember every f*****g day what happened.
It was not suspense thriller movie. And that woman was me.
Lutang ang pakiramdam kong napaluhod sa inidoro. Hinawaka ko ang toilet seat ng mariin habang ipinalabas ko mula sa sikmura ang lahat ng nadarama ko.
Akala ko noon na matapang ako at kaya kong suungin ang lahat ng pagsubok.
Pero ngayon?
Mahina pala ako.