Chapter 8 – Talking in Silence (2)

1339 Words
 Daren   “Pare, hindi ko alam ang gagawin ko sa kaniya. Kaya ko ang bossy at maingay na Amanda pero hindi itong tahimik at walang imik na Amanda.” Pinindot ko ang aking ilong at bumuntong hininga ng malakas.   Isa sa mga kaibigan ko si Martin Tygo Nils mula university years kaya alam niya ang struggles ko sa aking asawa at sa aking mistress. Ilang beses niya akong pinagsabihan noon na huwag patulan si Sheila pero pinairal ko ang aking puso.   Martin did not like my decisions when it came to my romantic life yet he kept silent when I told him that I would leave Amanda for Sheila. At ngayon, lumapit na naman ako sa kaniya para humingi ng payo.   “Why are you keeping her, man? ‘Diba sabi mo sa’kin na hindi mo kayang tumira sa isang bahay kasama si Amanda?” walang tonong tanong nito.   Nayamot ako bigla. “Pare, she’s still my wife! Anong klaseng lalaki ako kapag iniwan ko siya ng ganito?”   Tiningnan niya ako ng walang emosyon at nagkibit-balikat siya. “Makes no difference at all. Sabi mo sakin last time na wala kang pakialam kung anong mangyari kay Amanda. Tapos ngayon parang nag-aalala ka? Bakit hindi nalang ilagay mo siya sa isang bahay malayo rito tapos mag proceed ka sa divorce at bumalik ka kay Sheila? Why add salt to injury?”   “Hindi ko kaya,” sambat ko, “at wala na kami ni Sheila since the day of the accident.”   “Wala pa ring difference Daren,” hirit nito.   Nangangati ang mga kamao kong gusto siyang suntukin. “Pare, Amanda wrote to me weeks ago kung pwede bang tumira muna siya sa akin. Sabi niya aalis siya after nine months. She even encouraged me to get back with Sheila and promised never to bother me.”   “And?” taas kilay na tanong nito.   “And what?” Ibinalik ko sa kaniya ang tanong.   “And that bothers you right?” He crossed his arms over his chest. “Hindi ka mapakali na isiping walang pakialam na si Amanda sa’yo.”   Natigilan ako bigla.   “Ha! Sinasabi ko na nga ba!” Nangunot ang kaniyang noo. Attention w***e ka talaga. Your unconscious wants the possessive and obsessive Amanda so you can strike back at her.” Kinuha nito ang isang tasang kape at hinigop ito. “My God, may saltik talaga kayong dalawa.”   At gusto kong ibuhos ang mainit na kape sa pagmumukha niya. Sapol na sapol talaga ang mga binitiwang salita. f**k!   Uminit ang mga tainga ni Daren. “Ka-kailangan niya ako ngayon.”   “Of course she needs you, man. Diba for better or for worse kayo?” Taas ang kilay nito. “Kung hindi mo siya mahal eh tratuhin mo siyang isang kaibigan pero huwag mo siyang saktan sa panahong ito. Frankly speaking, I like her.”   “Pare, seryoso ako…”   Martin looked at me knowingly and sighed. “I know you are struggling, Daren. Pero alalahanin mo kung anumang sakit at guilt ang nararamdaman mo ngayon? Amanda is feeling it thrice. Maraming nawala sa kaniya. She lost your heart, the baby and her ability to communicate verbally and she somehow lost herself.”   Parang minamartilyo ni Martin ang aking puso sa kaniyang mga sinabi. Naisuklay ko ang aking mga daliri sa aking buhok. “ You really like Amanda, don’t you?” Kumaway pa si Martin sa isang kakilala bago ibinaling ang atensyon sa’kin. Humigop muna siya ng kape bago sumagot, “Daphne loves Amanda’s works that’s why we met your wife a couple of times. Amanda’s a good person, man. Take good care of her and guide her back to normalcy if possible. If hindi niyo talaga masalbar ang marriage niyo then make it sure that she would look back at your relationship without heaviness in her heart.”   Martin’s words were like cat o’nine tails which whipped me to my innermost core. I had done few things that I regretted so much. One of them was marrying Amanda impulsively. If I did not propose, she would have not married me, I would have not cheated, she would not have lost the baby and her tongue.   I was a totally f****d up individual making f****d up choices. And to be honest, when I f****d up things, it was really catastrophic.   Mabuti na lang talaga at tinulungan ako ng mga kaibigan na hindi lumabas ang mga nangyari sa media. Baka pagpiyestahan ng media ang mga nangyari.   It would be hellish. My reputation and the status of the company perhaps could recover the blows but I doubted Amanda if she could.   Kaya inisip ko ang mga sinabi ni Martin habang umuwi ako sa bahay at naka-upo sa hapag-kainan.   Fuck! I hate this silence so much that it seemed to engulf the whole house. Napasulyap ako kay Amanda at minura ang aking sarili kasi hindi ko alam kung paano makipag communicate sa kaniya.   Naalala ko ang pag-uusap namin ni Martin kanina. Major adjustments ang ginagawa ni Amanda ngayon kaya dapat suportahan ko siya. Pero saan ako magsisimula? f**k! Magaling ako sa mga bagay-bagay maliban sa relasyon ko sa asawa ko. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader.   Tiningnan ko siya at nakita kong mahigpit ang pagkahawak niya sa tinidor at medyo nahihirapan siyang huminga. May nasabi ang mga doktor sa ‘kin na may mga pagkakataon na makaka experience si Amanda ng flashbacks kaya dapat maging sensitive ako sa mood ng aking asawa.   “Okay ka lang ba, Bee?” impulsive na tanong ko.   Napahigpit pa ang pagkakahawak niya sa tinidor at napasulyap sa akin na nalilito.   Shit! Natawa ko siyang ‘Bee’. It was a reflex. Siguro hindi niya nagustuhan na tawagin ko ulit siya ng ganon kaya nag decide ako na ibang tanong na naman, “Kamusta ang araw mo, Amanda?”   Namilog ang mga mata ni Amanda. It’s been a long time since I actually asked how she was. I texted her when she was in Ortesh pero more on being polite lang ang mga ‘yon plus she never really replied.   Naalala ko tuloy na during meal times dito sa bahay, si Amanda lang talaga nag-monopolize ng kuwentuhan. She would tell me all the minute details of her day. At siempre, mabait akong asawa kaya nag pretend lang ako na nakikinig. Sa simula ang utak ko ay nag-iisip regarding sa mga business deals pero sa kalaunan ay napunta na it okay Sheila. Iniisip ko si Sheila sa harapan ni Amanda.   Pilit kong limutin ang mga iniisip ko para makapag concentrate kay Amanda. My pulled out her right hand and flashed me the “okay” sign.   What the - ? How do I continue this awkward situation? Somebody help me, please!   Nakita ko siyang mabilis na kinuha ang writing board at ipinakita sakin. ““Kamusta ang araw mo?”   Noon, sasabihin ko sana na “okay”, “busy”, “good” or “never been better” o iba pang mga shitty things. Pero ngayon, nakikita ko sa mga mata niya na puno ng kuryosidad kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na sagutin, “Nakuha namin ang Carlson account.”   Imagine my surprise nang makita kong literal na nakanganga si Amanda sa sagot ko. Tumawa ako sa reaksyon niya kahit alam kong hindi naman niya sinasadya. Ang mga mata niya’y nagsusumamo na ipagpatuloy ko ang aking kuwento kaya pinagbigyan ko siya.   Hindi ko namalayan na antagal kong nagkuwento kaya ng napasulyap ako sa kaniya ay nakita ko ang pagkalito sa mukha niya. Nahihirapan ba siya sa mga sinabi ko?   But my wife was not deaf and definitely not dumb! At alam kong mali pero panahon na rin na ihinto ko ang pagtrato sa kaniya na parang imbalido sa pag-iisip simula ng aksidente.   Her expression of wonder was plastered on her face mesmerized me that I wanted to cup her face and gazed into her eyes. I mastered my emotions and coughed slightly. ““Pagod ka na siguro. Sorry if nabagot ka sa company stories ko. Hindi na mauulit.”   Mabilis siyang sumulat sa writing board. “No! No! Ang ganda ng kuwento mo. Kung okay lang sa ‘yo, Dar, pwedeng gawin natin ‘to? I mean ang kwentuhan?”   I knew then that I was a total dickhead! Hindi ko na realize na si Amanda ay nag-iisa sa mga nakaraang buwan. My wife was a person of words and she wanted to listen to people talking. At siguro sa conversation – kahit na walang kuwenta – baka makita niya ang sarili niya ulit.   Sana mapunan ko ang mga kakulangan sa estado namin ngayon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD