bc

Kismet One: Loving You in Silence (COMPLETED!)

book_age16+
3.4K
FOLLOW
29.1K
READ
love after marriage
fated
opposites attract
second chance
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

"Wala na akong asawa simula ngayong gabi." Umalis siya papunta sa mga yakap ni Sheila.

Papaano ko ipaglalaban ang isang relasyon kung ayaw na niya? Hanggang saan ang kaya kong gawin upang huwag akong iwan ng asawa ko?

Hanggang may mangyari isang gabi na nakapagpabago sa lahat...

WARNING!!!!!

Kaya mo bang tapusin ang kuwentong 'to nang hindi ka naiinis o nagagalit? O kaya mo bang lunukin at ipagpatuloy ang kuwentong 'to?

IMPORTANT NOTICE:

All characters, names and events in this book are fictional. There are some scenes that might be too sensitive for the readers. If you are not comfortable with abuse or bullying, please feel free to skip this book.

chap-preview
Free preview
Chapter 0.5
Amanda "BAKIT naging ganito ang lahat?" nanginginig na tanong ko sa hangin habang naglalakad sa madilim na kakahuyan. "Ginawa ko naman ang lahat para sa'yo Daren." Inisip ko ang nangyari kanina at nahihirapan akong huminga nang maalala ang mga salitang binitawan niya. "Wala na akong asawa simula ngayong gabi." Umalis siya papunta sa mga yakap ni Sheila.  Hindi ko lang narinig ang t***k ng aking puso kundi pati na rin ang pagkabasag nito. Wala na akong makitang opsyon para ipaglaban ang aking asawa. Papaano ako lalaban sa isang relasyon kung ayaw na niyang ipagpatuloy ang aming pagsasama? Biglang umihip ang hangin at napasapo ako sa aking tiyan. "Daren, dapat hindi tayo magkahiwalay. Hindi na 'to tungkol sa ating dalawa." Napakagat-labi ako habang iniisip kung saan ako napadpad at kung paano makakaalis sa lugar na 'to. Itinapon ni Daren kanina ang aking cellphone kaya wala akong source of contact o kahit flashlight man lang. Mabuti na lang at may tanglaw mula sa buwan na nagbibigay liwanag kahit konti. Lumingon-lingon ako ngunit puro kakahuyan lang ang nakikita ko. Wala akong alam tungkol sa mga trekking o anumang outdoor activities pero mukhang malapit lang ako sa ilog base sa naririnig kong lagaslas ng tubig. "Amanda, magpakatatag ka." Pinilit kong pwersahin ang aking sarili na lumakad papunta sa tunog ng tubig kahit nangangatog ang aking tuhod sa takot. Namilog ang aking mga mata nang makarating ako sa bukana ng kakahuyan. Tila nag-isang dibdib ang ilog at ang kalangitan sa 'di kalayuan. Nangangati ang kamay kong nais ipinta ang nasa aking harapan. Pumikit ako at pinakinggan ang musika ng gabi. "Lord, hindi ko akalaing may maganda pang eksenang bubungad sa gabing winasak niya ang puso ko." Lumipas ang ilang minuto at naramdaman kong biglang nagsitayuan ang balahibo sa aking batok nang makarinig ako ng lagutok ng isang sanga. Ayokong lingunin ang direksyon ng tunog ngunit hindi ko maiwasang magtaka. Kaya buong tapang na hinarap ko ang bukana ng kakahuyan at namilog ang aking mga mata sa nakita. "Si-sino k-ka?" Pinilit kong tatagan ang akingi boses kahit na tila umalis ang aking kaluluwa mula sa'king katawan. Pero tahimik siyang humakbang sa akin. Dahil ang buwan lang ang nagbibigay ilaw kaya napadapo ang aking mata sa kaniyang hawak. Isang kumikintab na kutsilyo. Nanigas ang aking katawan na tila ba nakatanim ako sa lupa. Pero hindi! Hindi ako papaya na – Nakarinig ulit ako ng lagutok na sanga sa bandang likuran niya. 'Amanda, takbo na!' sigaw ng isip ko ngunit ayaw pa ring gumalaw ng aking mga paa. 'Isipin mo ang kapakanan ng anak mo!' Parang kinuyog ako ng aking utak at napapitlag ako nang mapagtanto na dala ko sa aking sinapupunan ang hiyas. Ang isang hiyas na makakadugtong sa aming dalawa ng asawa ko. Pinilit kong ikubli ang aking takot at tumakbo ng matulin. Shit! Bakit marami silang humahabol sa akin? Palingon-lingon ako at binalot na ako ng kaba nang mapagtantong tumatakbo ako sa walang direksyon. "Tulong!" hindi ko mapigilang sigaw. Bakit nakabalik ako sa loob ng kagubatan? Bakit malayo pa ako sa subdivision kung saan ako galing kanina? Bakit tila humahaba ang daan sa kagubatan? Hindi ko alam kung bakit tila nakita ko ang buhay ko simula pagkabata. Signus na ba ito na mamatay ako ngayong gabi? "Ayokoooo!" tili ko nang maramdamang naabutan nila ako. Tila sasabog na ang aking mga baga sa kakatakbo. Ang puso ko ay tila – "Tulong!" napasigaw ulit ako nang mahagip ng isang ugat ang aking kanang paa. Natagpuan ko ang aking sariling nakasubsob sa putik. Pinilit kong gumalaw pero masyadong masakit ang aking paa. Nagsimula na akong mag panic nang makita silang paparating sa 'kin. "Trabaho lang..." narinig kong bigkas niya. "Maawa kayo. Buntis ako!" Naghalo na ang luha't sipon at putik sa aking mukha ngunit pinilit ko pa ring gumapang papalayo sa kanila. Nanginginig ang aking kalamnan nang marinig ang tawanan nila. Kailangan kong makalayo sa impyernong ito. 'Sana hindi kita nakilala Daren.' Tanging naisip ko bago ako binalot ng kadiliman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.5K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

A night with Mr. CEO

read
176.8K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.5K
bc

Fight for my son's right

read
149.3K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook