Amanda
“DO you think tama ‘tong ginawa mong umalis ng biglaan?” tanong ni Jane sa sa ‘kin habang nakatutok sa daan at bumusina ng biglang may asong dumaan sa kalsada.
“Hmmm…” Tango ko.
“Nag-away ba kayo ni Daren?” Lumingon si Martha mula sa frontseat. “I felt the tension in the air.”
“Minsan nakakainis ang pag-iisip niya,” pahayag ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Ganiyan talaga ang buhay mag-asawa, Mandie, may ups and downs ,” buntong hininga ni Jane. “But I still can’t belive that I can understand what you’re saying.”
Napasandal ako sa glass window at wala sa loob na napahawak sa mga labi. Masaya kami kaninang nagkukuwentuhang magbarkada nang wala sa loob na napakomento ako sa isang topic. Halos lumabas ang aking kaluluwa nang biglang sumigaw si Cecile ng, “Oh my golly! Hindi ko alam kung pano pero naiintindihan kita, Mandie!”
I tried talking some words and somehow Cecile, Jane and Martha understood. Elliot, Greg and Fernie unfortunately did not. Pero hindi ito rason kung bakit hindi ako ini-encourage ng mga kaibigan upang hindi ma-enjoy ang karaoke session namin. At ‘yon ang naabutan ni Daren.
I sighed heavily and closed my eyes. ‘Daren, why would we always hurt each other like this?’
“Mandie, sigurado ka ba sa desisyon mong makipagkita sa tiyahin mo?” Medyo nag-aalala ang boses ni Martha ng pumasok kami sa boundary ng Ortesh.
“I need to settle this as soon as possible,” sabi ko habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. It’s been years since I’ve been here and somehow seeing the familiar surroundings pulled my heartstrings.
“Ayaw mo bang samahan ka namin?” tanong ni Jane.
Umiling ako. “I need to do this alone.”
“Okay,” Martha breathed as we entered the subdivision where I grew up in, “pero dumiretso ka sa bahay ha kapag wala kang matulugan ngayon.” She took her phone and called Greg and informed them of my decision. “Didiretso na sila sa downtown,” balita ni Martha pagkatapos makipag-usap sa iba. “Kita na lang daw ulit tayo bukas.”
“Thank you.” Bumaba ako ng sasakyan at tiningnan ang puting bahay sa aking harapan.
“Call us, Mandie,” sigaw ni Jane bago bumusina at umalis.
Napatingala ako sa kalangitan at napabuntong-hininga nang biglang yakapin ako ng malamig na hangin. Malalim na ang gabi at baka tulog na si Auntie pero ayoko ring patagalin ang pagpunta ko rito. “Kaya ko ‘to,” bulong ko.
Kakatok na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Binasa ko ang text ni Daren, ‘Kamusta ka na? Saan ka nag-stay ngayon? Kailan ang balik mo? Gusto mong sunduin kita?’
Napakunot-noo ako dahil nanibago sa ginawa ni Daren. Ito na yata ang pinakamahabang text na natanggap ko mula sa kaniya simula nung hindi na okay ang relasyon namin.
'Okay lang ako. Kay Jane ako nakatira ngayon. Wala pang tentative date kung kailan ang balik ko. And don't bother to get me,' reply ko sa kaniya.
‘Just text me if you need anything,' sagot niya.
Bumuntong hininga ako at ipinasok sa bulsa ko at nilakasan ang loob nang katukin ko ang pinto.
"Sino ‘yan?" Isang malakas na sigaw ang bumungad sa tahimik na paligid.
Hindi ako makasagot kaya dali-daling kong kinuha ang mini writing board mula sa aking sling bag.
Binuksan ni Auntie ang pinto at namilog ang mga mata nito ng makita ako. “What brings you here?”
Baka naumid na sa tension kung buo pa ang dila ko. Kahit nahihirapan ng konti, pinilit kong lunukin ang laway na kanina pa namumuo sa aking bibig. Ngiting-aso ang naibigay ko sa kaniya at medyo nanginginig na nilapitan ko siya at binigyan ng halik sa pisngi.
Napaatras si Auntie sa ginawa ko. Binuksan niya ang pintuan at sumenyas na pumasok ako sa loob. Umupo siya sa isang rattan na silya at sumenyas sa akin na umupo sa harapan niya.
Napatingin ako sa paligid at napagtantong walang naiba sa loob ng bahay kahit ilang taon na akong ‘di nakabalik dito.
Si Aunti naman ang nagulat sa ginawa ko. Siguro nahiya siya kaya tumalikod ito at umupo sa isang rattan na upuan sa balkonahe. Sumenyas siya at lumapit ako at umupo sa harap niya.
Nagsulat ako sa white board. "Kamusta na po kayo, Auntie?"
Tila tumutusok sa aking kaibuturan ang kaniyang mga kulay pilak na mga mata.
She crossed her arms over her chest. “Ba’t ka napadalaw, Amanda? Hindi mo ako binisita simula nang mag-aral ka ng kolehiyo. Tumawag ka lang minsan sa ‘kin upang ipaalam na magpapakasal ka na.”
Namumula ang mukha ko nang mapagtantong totoo ang mga sinabi ni Auntie. I fought back the tears as I scrawled. "Auntie, tama ho kayo. Palpak lahat ng choices ko sa buhay. Masama siguro akong tao kasi pinarusahan ako ng Diyos ng ganito. I was supposed to get divorce, I had a miscarriage and I got abused by unknown men. Pinutol nila ang dila ko, Auntie... .I have nothing except I'm at the mercy of my husband right now..."
" Amanda..." she whimpered, surprised by my outburst.
Hindi ko napaghandaan ang araw na ‘to nang makita kong umiyak si Auntie Nita. Nagiba ang pader sa pagitan naming dalawa at niyakap niya ako ng napakahigpit.
"Hindi ko naman talaga sinasadya ang mga katagang binitiwan sa ‘yo noon. I was just using psy-war to waken and shaken you up. Oh God, anong ginawa ko?" impit nito.
Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Ang klaseng yakap na ibibigay ko ang lahat ng pagmamahal ko sa natitirang kamag-anak dito sa mundo. Sa mga sandaling ‘yon bumalik ang mga memorya simula nung bata pa ako. Mga memoryang tiningnan ko sa ibang mga mata.
Strikto si Auntie Nita dahil iba ang disiplinang kinalakihan niya. Mas naging mahigpit siya sa ‘kin nung tumuntong ako ng puberty dahil naging rebelled ako sa ibang pamamaraan. Siguro takot din siyang matulad ng aking ina na napariwara at namatay sa drug overdose.
I was a teen who felt suffocated with her strictness and I rebelled. But looking back, hindi niya ako pinabayaan. She still provided for me financially even if I was in college kahit na hindi ko siya tinawagan o binisita man lang.
Ako ang lumayas. Ako ang hindi lumingon sa aking pinanggalingan.
Akala ko nalulunod ako sa pagiging istrikta ni Auntie noon at akala ko hindi niya naiintindihan ang passion ko for the arts. Pero babalik pa rin pala ako sa kaisa-isa kong pamilya.
Humiwalay ako ng yakap at may sinulat sa board. "Aunt Nita, patawarin niyo po ako please. I will start with your mercy and maybe God will turn my life's wheel around." Napangiti ako sa last part baka kasi blasphemy ang tingin ni Auntie sa mga salita.
She patted my head. "Amanda, ako dapat ang humingi ng kapatawaran. Nang pumunta ka rito, masyado akong malungkot sa pagkamatay ng aking kapatid. Your mother put so much love in her 'arts' that she forgot that she had a family."
"Auntie, hindi arts ang mahal niya kundi ang drugs," sagot ko.
Ngumiti siya. "Alam ko, Amanda. Akala ko magiging katulad ka ni Nora kung hindi kita pipigilan.”
"Masyado akong bata at malungkot ako, Auntie. Kailangan ko ng outlet para sa emosyon ko at hindi ko alam kung paano. Sorry at hindi ko kayo nasabihan na sumali ako ng patago sa Ortesh Artist Organization."
Ngumiti siya. "Ang akala mo hindi ko alam na member ka, Amanda? Ang president ng organisasyon niyo ay myembro sa Bible Study namin. Sabi niya na magaling ka at may potensyal. Pinagalitan niya rin ako kasi irrational na ako masyado. Pero ma pride ako."
Tahimik kaming dalawa habang inalala ang mga nangyari noon.
"I did not want you to leave Ortesh. Takot ako na kapag umalis ka rito baka matulad ka sa ina mo," mahinang sagot niya.
Malungkot na sagot sulat ko, "I had worse..."
Tiningnan niya ako at may halong pagka strikto na sabi, "Hindi, Amanda! Ano ngayon kung may kulang na parte ang katawan mo? Gamitin mo ang emosyon mo para maka gawa ka ng magandang obra..."
"I never painted again, Auntie. Blangko ang isipan, puso at kaluluwa ko. Wala na akong inspirasyon at motibasyon upang magpinta ulit.”
Niyakap niya ako ulit at mahinang sabi, "Kung ayaw na ng asawa mo sa ‘yo, pwede kang umuwi dito. By the way, may mga kakilala ako sa Sunrise City kung saan ka pwedeng mag-aral ng sign language just in case na mapagod kang magsulat."
‘Talaga?’ Tanong ng mga mata ko.
"Kung interesado ka, ang simbahan natin may program para sa mga deaf and mute. Baka gusto mong sumali at mag volunteer dito o sa abroad"
Namilog ang mga mata ko sa suhestyon ng aking tiyahin. Excited akong nag reply, "Talaga? Interesado po ako."
Baby steps lang muna sa mga desisyon. Darating ang panahon na makakatayo ako sa sarili kong mga paa. Kahit na ayaw ni Daren at napipilitan siya sa akin ngayon, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi naging mabuti ang relasyon namin ni Auntie Nita.