Daren
UMUWI muna ako para magbihis bago pumunta sa isang business gathering nang mahalata ko na may tatlong sasakyan ang naka park sa amin. Pumasok ako sa bahay at mabilis na sinalubong ako ni Mrs. Ramones para tumulong sa dala ko pero tumanggi ako.
"Si Amanda?" tanong ko sa kaniya. Ever since na inilipat si Amanda rito sa bahay from the hospital months ago ay automatic ko nang itinatanong sa katulong ang kalagayan niya pagka galing ko sa trabaho.
"Andon sa music room sir, kasama ang mga kaibigian niya. Mababait na mga bata," nakangiting sagot nito bago pumasok sa kusina.
Right. Sinabihan ako ni Amanda na darating ang mga barkada niya galing Ortesh. Sinundan ko ang mga mga tinig at musika na nanggaling sa isang kwarto. Napansin kong hindi masyadong nakasara ang pinto pero kumatok pa rin ako kahit na alam kong hindi nila ako narinig. Itinulak ko konti ang pinto at nagulat sa nakita ko.
Si Amanda, nag eenjoy habang kumakanta ng "I Don't Wanna Miss a Thing" by Aerosmith!
Para akong halaman na itinusok sa lupa sa kinatatayuan ko at nanginig ang mga kamay ko nang tingnan kong tinawanan si Amanda ng mga kaibigan niya. Sa aking pananaw, pinaglalaruan at pinagtatawanan ang disability niya.
And that made me angry.
Pero may ginawa ba ako? Wala kasi first time kong nakita si Amanda na masaya.
Siguro napalakas ang pagtikhim ko kasi nakita kong namilog ang mga mata ng aking asawa at huminto siya sa pagkanta. She shoved the microphone to the person next to her, got her writing board from a table and came to me. Inimbitahan nila ako sa small party nila pero ngumiti lang ako at tumanggi.
Lumabas si Amanda sa kwarto at medyo stiff ito sa paglalakad. Sinundan ko siya habang pumasok kami sa study room ko. Siguro na sense niya na hindi maganda ang mood ko kaya hinayaan niyang ako ang unang magsalita.
"What the hell was that Amanda?" I seethed.
Tiningnan niya lang ako with innocence mixed with wariness but without guilt.
"What the hell were you thinking doing some antics like singing?"
Kinuha niya ang writing board at sinulat ang "I always like singing."
"Hindi mo ba nakikita? Pinagtatawanan ka ng mga kaibigan mo. Kinukutya ka nila," galit na sabi ko. "Sasapakin ko ang taong pagtatawanan ka kung mangyayari ito sa susunod, kaibigan mo man o hindi."
Huminga siya ng malalim bago galit na sumulat. "Sorry if ikinahihiya mo ang kalagayan ko. Kaibigan ko sila at naiintindihan nila ako. Daren, they understand my words!!!!!"
Hinampas niya ang dibdib ko ng writing board bago sumagot. "Do not be a jerk! Simula sa araw na ito, you won't hear me say a word nor sing. Aalis na muna siguro ako ng ilang araw. Huwag mo akong hanapin. Sasama muna ako sa kanila pabalik sa Ortesh."
Itinapon niya ang writing board sa direksyon ko bago umalis.
Fuck!
I did not want to be a jerk but I always managed to be a d**k when it came to my wife.
Pinulot ko ang writing board at tiningnan ang penmanship niya. Sana simple ang lahat. Sana kagaya ng writings sa white board ay madali lang burahin kung may mali. Sana kaya kong burahin ang mga bangungot na nakabalot sa aking asawa.
Mga bangungot na sa ako ang dahilan.
Umupo sa sofa ako at pumikit. Kailan ko maitatama ang pagkakamali ko? Saan ako magsisimula?
Ganon lang ang ayos ko hanggang narinig ko ang mga sasakyan na umalis mula sa amin pagkalipas ng isang oras. At naiwan akong mag-isa sa isang nakakabinging katahimikan.
***************************
A/N:
Sorry sa very late reply. Medyo busy sa real life, lels.
Anway, nakakagigil din 'tong giatch nga Daren ha. Hahahaha.
Pero san hahantong ang kanilang istoree?
Abangan.