Chapter 8 – Talking in Silence (1)

2051 Words
 Amanda   Laking gulat ko nang makita ang mukha ng taong hindi ko inakalang masisilayan ko ng dis oras ng gabi. Nagtataka akong tiningnan ang aking asawa habang nakatayo ito sa salas.   “Natanggap ko text mo kanina,” seryosong balita nito, “kaya sinusundo na kita.”   Binalitaan ko ang asawa na uuwi na ako ng Sunrise City bukas. Pero hindi ako inasahang magbabiyahe siya ng ilang oras para sunduin ako. Ngunit hindi ko alam kung papaano pakikitunguhan ang asawa lalo na’t tila naririnig ko ang tambol ng kaniyang dibdib sa sorpresa.   “Kamusta ka na?” tanong niya habang sinusuklay ang mga daliri sa sarili niyang buhok.   Gumalaw ang aking mga labi pero bumabara ang boses ko sa aking lalamunan. Tila huminto rin ang aking pag-iisip. Kaya binigyan ko lang ng tango ang lalaki bago pumanhik sa sariling silid at hinayaang si Auntie ang tatanggap sa lalaki.   “Why is he here?” tanong ko sa sarili habang nakadapa sa kama. Maraming tanong ang bumabalot sa aking isipan hanggang sa makatulog ako.   Nagpaalam ako kay Auntie at nangakong kokontakin ko siya palagi. To be honest, I had great time knowing my only relative for the past three weeks but I always felt that her house was not my home. It kinda boggled me to acknowledge that certain thought but everything seemed to be confusing to me lately.   Home.   Isang salitng kay hirap abutin. Apat na letrang ang tila ipinagdamot sa akin ng kapalaran.   Home.   My soul was that of a nomad’s, always seeking for greener pastures. I lusted for freedom, discoveries and arts. I found myself in hedonistic life. I lost myself in love. I found something that I thought it was going to be my finality. I lost – well - everything.   I am not even at home with my own self.   Ano ba talaga ang rason ba’t nabuhay pa ako? What’s my life’s anchor made of that it kept on preventing me from drifting with the wind or current?   Nilingon ko si Daren habang seryoso siyang nagmamaneho. Definitely, it’s not him.   We drove in silence until we arrived in Sunrise City. It was one of the most hellish silences that I’ve ever encountered. Luckily, I managed to get some sleep on the journey that the motion of the vehicle did not bother me at all.   Pumasok ako agad sa kwarto at ni-review ang nagawa ko sa tatlong linggong kasama ko si Auntie Nita. Napatingin ako sa silid at napailing. “I should not live like this anymore.”   Darating ang araw at maghihiwalay kami ni Darren. At ayokong nasa putikan pa rin ako ng panahong ‘yon. Gumapang ako non para mabuhay at kaya ko ring gawin ulit hanggang sa makatayo ako sa sariling paa.     Ngayong nakabalik ako sa Sunrise City ay nagdesisyon akong baguhin ang takbo ng aking buhay. Hindi puwedeng magmukmok ako sa bahay hanggang kamatayan. Kahit na nanibago ako sa lahat lahat ay kakayanin ko lahat ng mga pagsubok. Sana may lakas pa ako upang kayanin.   Kumuha ako ng notebook at isinulat ang lahat ng aking mga plano. Pumasok si Mrs. R upang bigyan ako ng tanghalian at ibinalitang dumiretso ng kumpanya si Darren. Itinutok ko ang sarili sa bawat detayleng gagawin upang makamit ang gusto ko sa ikalawang buhay hanggang sa tinawag ako ng katulong para sa hapunan.   “Pinatawag ka ng asawa mo, Cara,” mahinang bati ni Mrs. R.   Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Tila hindi pa nag-sink in na nakabalik na pala ako sa bahay ni Darren.   Bahay ni Darren.   I smirked at the reality that I was not a part of this structure at all. Pero magpapakapal ako ng mukha upang makikituloy muna sa pamamahay ng lalaki.   Until the day he left. Or the day I left him.   Nanayo ang mga balahibo ko nang makita ang lalaking nakaupo sa dining-area. I nodded at him and he acknowledged my gesture with a thin smile.   Nakakapanibago ang sitwasyon. Nakakalungkot ang background music naming lalo na’t ito’y isang nakakabinging katahimikan.   I nibbled on the food as I thought of the past. Noon, sinusunggab ko ang oportunidad para balitaan si Daren sa mga nangyari sa buong araw ko.   Looking back made me wonder if I was too presumptuous. Was I too insensitive sa pangangailangan ng asawa ko?   Siguro masyado akong self-absorbed kasi hindi ko na realize na ganito pala si Daren kapag kumakain. All these years, I did not know that he sniffed his food unconsciously before taking a gentle bite and he would close his eyes briefly as he chew. Why didn’t I notice his mannerisms before?   Ngayon, alam ko na kung bakit pinapagalitan niya ako noon kapag daldal ako ng daldal habang kumakain. Ang sabi niya na dapat mag concentrate ako sa pagkain muna. Pero, nah… Ma pride ako eh, pinatunayan ko sa kaniya na kaya ko ang multi-tasking: eating and talking at the same time.   At heto ako ngayon, naghahapunan kasama ng aking asawa sa hapag-kainan na binalot ng katahimikan. Akala ko masasanay ako sa katahimikan naming dalawa lalo na’t wala kaming imikan kanina sa biyahe. Pero naagaw ang aking atensyon sa tanawin at halos tulog din ako sa buong biyahe.   Pero ngayon? Walang ibang bagay ang nakaagaw sa’king atensyon kung hindi ang malakas na presensya ni Daren. Walang ingay pati ang pag gamit niya ng kubyertos. At tila hinihigop ako ng tahimik na vacuum papasok sa isang kadiliman.   Sana man lang gumawa ng ingay si Daren kasi parang ‘di ko maikilos ang aking katawan. Anong nangyayari? Bakit ganito? Bakit parang may magnet na nakatutok sa’kin at tila mga metal na nagsitayuan ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan?   Bumuga ng malamig na hangin ang kahapon at tila natagpuan ko ang sarili sa gitna ng madilim na kakahuyan.   It’s not real, Amanda. Pilit kong kalmahin ang sarili at inisip na tapos na ang pagsubok na ‘yon. Kaya ko ‘to kahit na parang bulkan na sasabog ang aking mga emosyon.   ‘I must be mature. Too show some weakness is childish.’ Naisip ko habang ngumunguya. Anong sabi ni Daren noon? ‘Diba iginiit niya sa’kin na kailangan kong mag-grow up? Akala ko ‘di na babalik ng ganito ka tindi ang kaba kasi panatag naman ang aking emosyon at isipan nitong nakaraang tatlong linggo. Ayokong magalit at ayokong mag-away kami.   The last time we fought? I lost my baby, my tongue and myself.   Napahigpit siguro ang paghawak ko sa tinidor kasi nakita kong namumuti ang mga knuckles ko. Sinubukan kong huminga ng malalim at pinigilang umatake ang memorya ng kahapon.   Silence embraced the surrounding yet my mind flooded with words. Words! Sentences! Paragraphs of uncategorized letters and punctuation marks that I wanted to shout it so this unsettling emotions would vanish.   Narinig ko ang isang uri ng tono na nakapasok sa mga boses na naririnig ko sa aking ulo. Tumingala ako at nakita kong gumalaw ang mga labi ni Daren.   Pinilit kong sundan ang boses niya at napatitig ako sa kaniyang mukha. Hanggang sa marinig ko ang mga katagang, “Kamusta ang araw mo, Amanda?”   Tila kidlat ang sinabi niyang tumama sa aking kaibuturan. Nakipag-giyera pa ako sa samu’t-saring emosyon hanggang sa natagpuan ko ang aking sarili sa hapag-kainan at kaharap ang aking asawa.   Sa recent year na kasal kami, ako ang laging nagtatanog sa kaniya kung kamusta ang araw niya, ano ang ginawa niya, etc etc. At minimal lagi ang reply ni Daren kagaya ng “okay”, “busy”, “good” or “never been better”. Medyo nahindik ako sa mga sagot niya kasi hindi naman ganon si Daren sa courtship at early marriage state namin. Kapag monosyllabic ang mga sagot niya ay nagbibigay sakin ng daan para ma entertain ko ang mga insecurities ko.   Was I a good wife? Saan ba ako nagkamali? Was I too clingy? Wasn’t I able to respect his personal space?   Pero pilit ko paring itinulak palayo sa aking utak ang mga katagang iyon. Nag deny ako sa sarili ko at sinabi ko sa sarili ko na okay lang kami. Kaya parang artista na naglagay ako ng make up na ngiti at tawa. Ako ang kusang nagtatanong ng ‘bakit maganda ang araw mo?’, ‘may problema ka ba sa trabaho mo ngayon?’ to make him expound those one word replies.   Siguro masyado siyang gentleman kasi ang sagot lang niya ay, “Hindi mo maiintindihan kahit na anong sabihin ko.”   Unsatisfied ako pero nakita ko na cue yun para ako naman ang magbalita sa kaniya kung ano ang nangyari sa araw ko. He would nod and at some point he would get up and go to his office.   At ngayon siya mismo ang nagtatanong? Himala!   Gusto kong sabihin sa kaniya ang, “Okay na kami ni Auntie Nita. Pwede na kitang ipakilala sa kaniya. Sabihin mo naman sa akin na proud ka sa achievement ko.”   Marami akong nais na sabihin sa kaniya. Mga panahong minsan takot akong mapag-isa. ‘Yong gusto kong tulungan niya ako na makabalik sa pakikisalamuha sa iba. Gusto kong itanong kung ikinahihiya ba niya ang disability ko?   Nangungusap ang aking mga mata habang tiningnan siya. If he only knew that thousands of intricate words were trying to get through the windows of my soul at the moment!   With uncertain smile, tinaas ko ang kamay ko at nag “okay” sign. At nakita kong tumigil ang kutsarang hinawakan niya sa ere habang nakatuon ang mga mata sa’king daliri. Pagkuwa’y inilagay niya ang kutsara sa plato at napatikhim.   Oh God! Heto na iyon. eh. Ito ang moment na magpapahid siya ng napkin sa bibig at pasimpleng aalis sa study niya.   Ayokong tumigil ang sandali kaya mabilisan kong kinuha ang writing board sa tabi ko at sinulat. “Kamusta ang araw mo?”   Hinanda ko ang sarili ko usual answers niya. Pinunasan ni Daren ang bibig niya ng napkin at napaisip ako ng ‘Ito na talaga‘yon! He’s going to leave me again.’   Daren looked at me and smiled gently. “Nakuha namin ang Carlson account.”   Tila nahulog ang panga ko sa mesa.   Kengkoy siguro ang hitsura ko kasi napatawa siya saglit. s**t! Gusto kong umiyak kasi antagal ko nang hindi narinig ng melodiyang tawa. Itinikom ko ang aking bibig at dali-daling tumango sa direksyon niya upang hikayatin siyang magkuwento.   Staccato ang ritmo ng aking puso nang marinig sa unang pagkakataon ang kuwento niya tungkol sa struggles na ginawa ng kumpanya niya para makuha ang Carlson account at ano ang mga tactics na ginawa nila. To be honest, hindi ako masyadong nakinig sa detalye kasi kontento na akong marinig ang boses niya.   Idinuduyan ako ng tono ni Daren hanggang sa mapaisip ako na kailan ba ako nagkaroon ng panahon para maging interesado ang kabuoan ni Daren. May sarili akong mundo noon at wala akong masyadong alam sa buhay ni Daren sa pagiging business man niya. Hindi nga ako sumasama sa business gatherings or parties ng asawa ko. Sapat na sa’kin ang malamang may-ari si Daren ng isang shipping company at real estate company.   Looking at the marriage from a bird’s eye view made me realize that I held grudge because Daren never loved me. Pero sa tingin ko, hindi rin ako nag-effort na mahalin ni Daren. I never take time to get to know the deeper level of Daren’s personality. I also realized that Daren was supportive of me and my works in the early years. I was confident sa ‘kasal’ na pinanghahawakan ko. I was even more confident sa s****l chemistry namin. And I did not realize the we were actually drifting apart.   Oh God, was I living in a bubble the whole time?   Napatitig ako sa mga labi ni Daren at may humaplos sa puso ko habang pinakinggan siya. Ang ganda talaga ng boses ng aking asawa: buo at mapang-akit. May nakikita akong psychedelic colors habang nakikinig ako sa kaniya at gusto kong i-capture ito. Ang ganda, napaka majestic…   “Okay ka lang ba?” Tumikihim si Daren at napahinto ako mula sa daydreaming.     ‘Anong ginawa ko?’ tanong ko sa kaniya sa pamamagitan ng aking mga mata.   “Pagod ka na siguro. Sorry if nabagot ka sa company stories ko. Hindi na mauulit,” sagot niya at nagpahid ulit ng napkin sa bibig.   Ang huling mga salita ang tila humila sa’kin mula sa tila lumulutang kong utak. Ayokong mawala ang ganitong klaseng sandali kaya nagkukumahog na kinuha ko ang writing board. “No! No! Ang ganda ng kuwento mo. Kung okay lang sa ‘yo, Dar, pwedeng gawin natin ‘to? I mean ang kwentuhan?”   May hindi mawaring emosyon ang nakita ko sa kaniyang mga mata. At gusto kong umiyak sa kaniyang harapan na sana huwag niya munang ipagkait sa’kin ang munting hiling ko.   Nagtitigan kami ng ilang mga sandali bago siya tumango.   At simula sa gabing iyon may bago kaming ritwal: ang mag-usap kahit na nonsense ang topic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD