Chapter 9 – Darkness and You (3)

1324 Words
Amanda   DUMILAT ako ng dahan dahan, takot na baka kung saan na naman ako magising. I buried my face on the pillow when I realized I was in my bed this time.   I couldn’t help myself from smiling a little bit. Good start ito!   I puffed my cheeks loudly as I was thinking what to do today. Siguro pupuntahan ko ang paaralang iminungkahi ni Auntie Nita para sa deaf and mute. O kaya naman bibisitahin ko ang mga kaibigan ko sa artworld.   Or maybe not. I’m not that ready to paint again.   Biglang naputol ang aking pag-iisip nang naramdaman kong may gumalaw sa may tagiliran ko. Nanigas ang aking kalamnan nang may isang kamay na dumaplis sa balikat ko hanggang sa ipinatong ito sa aking tiyan.   Was I still dreaming?   Dali-dali kong hinarap ang aking katabi at nang makita ang tulog na asawa. Sinubukan kong hawiin ang kamay niya mula sa katawan ko pero pikit na ungol ang s**o niya bago ako yakapin ng mahigpit. Hinila  niya ako hanggang ka lebel ng mga mata ang adam’s apple niya.   Masasabi kong sa kauna-unahang pagkakataon ay ‘di ko alam kung bakit ‘di ko kayang dumistansya mula sa kaniyang ginawa. Nahihindik ako kapag naalala ko ang mga nangyari sa’kin at hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo kong nararamdaman para kay Daren. Tama ba ‘tong ginawa kong paglapit sa kaniya?   Para akong napaso sa vibration mula sa kaniyang dibdib nang umungol na naman siya. Siguro, marupok talaga ako o baka dala ng pagkalito o ‘di naman kaya’y dala ng pangungulila sa isang pisikal na pruweba na buhay pa ako kaya inilipat ko pa ang mukha ko sa bandang leeg niya at sinamyo ang amoy na tanging kay Daren lang.   Pero mali yatang ipinikit ko ang aking mga mata. ‘Di na ako makatulog kahit ilang tupa pa ang binilang ko. Iba talaga kapag ‘di mo nakikita ang bagay-bagay kasi bukas na bukas naman ang iyong ibang senses. Parang bumukas ang aking kaibuturan at tila mas tumaas pa ang naging kamalayan ko sa kaniya: amoy, init ng kaniyang katawan at lakas ng pintig ng kaniyang puso.   “Hmmm.” He suddenly murmured and planted soft kisses on my head. “Sorry, love.”   Shit. s**t. s**t!   Hindi ito nangyayari ngayo –   Dumilat ako at halatang tulog pa rin ang lalaki. Umatras ako ng konti pero hinatak niya ako at sorpresang naramdaman ang labi niyang dahan-dahang naglakbay mula sa aking ulo hanggang sa aking pisngi.   Tila tinapunan ako ng isang kidlat ni Zeus sa gulat ng ginawa niya. Pero bakit ‘di ako takot sa kaniyang mga haplos? Bakit tila nangungulila ako sa ganitong klaseng koneksyon?   ‘Tumigil ka, Amanda!’ Sigaw ng isipan ko habang tinulak ko siya papalayo pero hindi pa rin siya tuminag. Kaya kumuha ako ng lakas at sinipa siya hanggang sa mahulog siya sa kama.   “What the f**k?” Biglang napadilat ang lalaki at tila tuliro ng ilang segundo. Napaupo siya sa sahig at blangko ang mga matang hinagod ng mga daliri niya ang kaniyang buhok.   Napalunok ako sa ginawa niya. My God! Hindi ko akalaing darating ang araw at makikita ko pa ang morning mannerisms niya.   Napayuko ako at bumuntong hininga ng makita kong nakadamit ako. If I remembered correctly, we both slept nude during our early marriage. Kahit ‘yong time na nag-aaway kami dahil sa kabit niya, we still slept nude kapag nagsisiping kaming dalawa.   “Amanda, anong nangyari?” Paos ang boses ng lalaki.   Hinanap ko ang writing board ko sa bedside table pero wala doon. Tumayo ako at pumunta sa closet pero wala pa rin. Napaungol ako sa frustration samantalang nakatingin lang si Daren.   “Ano bang hinahanap mo?” tanong niya pagkakitang wired up na talaga ako.   Pinandilatan ko siya habang nag-gesture na hinahanap ko ang writing board ko.   “Oh, ‘yong white board mo?” Yumuko siya at may kinuha sa ilalim ng kama. “Here.”   I stomped my feet towards him and grabbed my board and furiously wrote. “Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko? Anong ginawa mo kagabi?”   Kunot-noo lang ang sagot ni Daren.   He sat and leaned back on the bed, propping the pillows beside him. “You got sick and I took care of you.”   Umubo ako at ipinagpatuloy ang pagsulat. “Salamat.”   Nakatingin siya sa’kin na tila ba ako ang huling tao sa planetang ‘to. “Amanda, what do you think if I say we should sleep together?”   ‘What?’ Napanganga ako.   Nanginig siya at biglang namula ang mukha ni Daren. Umiling siya at napaubo. “I should have not put it that way. What I mean is, we should sleep together in a room.”   ‘Why?’ I mouthed.   “Amanda, kailangang may katabi ka,” sabi ko. “You sleep walk. Noon gumigising ka sa ilalim ng kama, closet, banyo o sa terrace, ‘diba?”   Natameme ako bigla. How did he know about it?   “Nagising ako bandang alas tres kanina at wala ka sa kama.” Lukot ang mukha ni Daren. “Nakita kitang dumungaw sa railings ng terrace.”   Ow.   “I really think it’s time to see a therapist,” mahinahong sabi niya.   Tila uminit ang ulo ko sa suhestyon ni Daren at umiling ako.   “You need – we need some help about your situation.”   “NO.FUCKING NO!” Galit kong ipinakita sa kaniya ang writing board. Sa aspetong ‘to, alam kong ma-pride ako. Bakit ako magbabayad sa taong kakalkalin ang buong pagkatao ko? Ayokong buksan ang sarili ko sa isang stranghero. “Why? Don’t worry about the p*****t,” mahinang sagot niya.   Nandilim ang paningin ko at kinuha ang isang bote ng perfume at itinapon sa direksyon niya. Nakailag si Daren at tumama ito sa dingding. Biglang umalimyon ang bangong rosas sa buong kwarto.   Bumuntong-hininga si Daren at inilahad ang mga kamay. “Either we sleep together or see a therapist.”   “What if you’re not here?”   “Mrs. R will stay with you.”   “I don’t trust you.”   “You can try trusting me again,” sabi ni Daren.   “Daren, trust is earned and not forced!”   “Mag do-double time ako ng effort at panahon para pagkatiwalaan mo Amanda,” confident na bigkas ng lalaki.   “Not happening…”   Napatingin lang siya sa’kin na hindi nagsasalita.   “Takot ako, Dar. The last time I asked for your presence, I lost everything.”   Nasapol ko siguro ang puso niya kasi napalunok si Daren at nakita kong namula ang mukha niya at tila may mga tubig sa gilid ng kaniyang mga mata.   Tahimik siyang tumayo at nag-stretching at tahimik rin akong pinapanood siya. Alam kong masakit ang binitawan kong mga salita pero hindi basta bastang ipinamimigay ko ang tiwala kahit kanino simula noong isang taon.   “Anong plano mo ngayon?” malungkot na tanong ni Daren.   “No definite plans. Siguro pupunta ako ng art stores para bumili ng supplies.”   Tumaas ang kilay niya. “Art supplies? Gusto mo bang samahan kita? Mamayang hapon pa ako pupunta ng office.”   “Hindi na. Okay na si Manong Jorge ang maghahatid sa akin. Huwag kang mag abala pa.”   “Sige, basta mag text ka lang kung kailangan mo ako. Okay?”   Tumango ako at tiningnan siyang lumabas ng kwarto.   Umupo ako sa kama habang yakap-yakap ang aking writing board. s**t! Mababa ba akong klaseng babae kung gusto ko pa rin ang asawa ko kahit na nasaktan niya ako noon? Ka martyran ba ang tawag nito?   Diba mahal pa ni Daren si Sheila? Bakit inaasikaso niya parin ako ngayon? Bakit wala akong nakikitang hints man lang na ipagpapatuloy namin ang divorce?   Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko na tinawag ang aking pangalan. Lumingon ako at nakita kong si Daren ay bumalik sa kwarto. ‘Ano?’ tanong ng mga mata ko.   “Nakalimutan kong itanong kung dito ba ako matutulog mamayang gabi.” Malumanay ang boses niya at halatang ‘di na naiinis kapag ito ang topic. I would rather jump off a building than to see a therapist so I opted to choose my husband. For me, he was the lesser evil. Kaya mahinang tango ang ibinigay ko.   Namilog ang mga mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. I flinched a little bit when he slowly cupped my face with his warm hands.   Shit! Bakit may munting paru-parong pumatong sa puso ko?   He looked at me with so much emotion that my heart strings were plucked one by one. “Oo, inaamin kong wala akong kwentang lalaki dahil nasaktan kita. But this time, I will do everything so you can trust me again.”   Nganga lang ang  tanging reaksyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD