Chapter 10 – Sam (1)

1672 Words
Amanda   PUMASOK ako sa loob ng silid at nakitang andon na rin ang iba kong mga kaklase. Nagkuwentuhan kami at napapangiti ako kasi sa apat na buwan kong lihim na pagpapa-enroll sa deaf and mute program ng isang sikat na unibersidad sa siyuduad. Hindi lahat may kapansanan at ang iba’y interesado talagang matuto lalo na ‘yong sumasali ng civic or religious mission sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.   Hindi ako nagpaalam kay Daren kasi...actually, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ‘di ko kayang isaliwalat sa kaniya ang mga bagay-bagay tungkol sa’kin ‘di tulad noon.   “Hey, Miss beautiful.”   Napaigtad ako sa upuan nang mapansin kung sino ang bumulong. May hitsura ang lalaking nasa middle twenties. Kulot ang kaniyang blonde na buhok na tila parang ginto kapag natatamaan ng araw. Pantay ang facial features niya ngunit malaki ang medyo hawkish niyang ilong at tila pana ni kupido ang kaniyang mga labi. Pero para sa’kin, ang mga mata niyang kulay lumot ang pinakamagandang feature sa kaniyang mukha na kumikislap sa kapilyuhan.   Napatingin lang ako sa kaniya pero ‘di ako sumagot.   Akala niya siguro na tone deaf ako kaya sumenyas siya gamit ang mga kamay ng, ‘Hey, Miss beautiful.’   Napangisi akong sumagot ng signage language kahit medyo conscious ako sa ginawa. ‘Pwede mo akong kausapin kasi hindi naman ako bingi.’   May kislap ang mga mata niya. “Ayos! Pwede bang umupo sa tabi mo?”   I mouthed, “Sure.” May mga paru-parong tila lumilipad mula sa tiyan ko hanggang sa aking puso nang makitang nakangiti uli siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng isang taong higit na may pumansin sa’kin dahil gusto nila. Hindi dahil obligado silang bigyan ako ng atensyon.   “Anong ginagawa mo rito?” bulong nito. “Kagagaling ko lang sa admin at sabi nila na may emergency si Mrs. Wren kaya walang klase ngayon.”   Nag sensyas ako. ‘Ibinalita na nila sa’min kanina. Hinihintay ko lang ang sundo ko.’   His eyes glazed as he watched me watching him. There were fiery emotions reflected in his moss-colored eyes. “I did not expect that you’d be this beautiful,” he muttered.   Napanganga ako.   Umiling siya ng konti at malapad na ngumiti. “Sorry for being rude. Sam Okiro pala at your service.”   ‘Hindi ko alam na tumatanggap pala sila ng late enrollees.’ Wala sa sariling senyas ko.   “Ahhh...eh, refresher lang ‘to sakin kasi aalis din naman ako in six months papuntang Southeast Asia para sa mission work ng simbahan namin,” sagot niya habang kinamot ang ulo. “Ikaw?”   Na curious ako sa sinabi niya pero tumunog ang phone ko. Binasa ko ang mensahe ni Joe na nakaparada na pala siya sa labas ng skwelahan. Kinuha ko ang bag at tumayo bigla.   “Hey.” Tinapik niya ang kamay ko. Napa urong ako bigla sa ginawa niya. “Sorry! Ahmm, andito na ba ang sundo mo? Pwede ba kita makita ulit?”   ‘Magkaklase tayo.’ Tipid na ngiti ang ibinigay ko.   Although masaya ako kasi may na meet akong potential na maging kaibigan at curious ako tungkol sa volunteerism niya pero expected na maghahapunan ako kasama si Daren.   “Hindi ko nga alam ang pangalan mo...” his voice trailed off.   Siguro naawa ako sa kaniya kasi alam ko rin naman ang feeling na walang pumapansin. May kinuha akong sticky notes at sinulatan ito bago ibinigay sa kaniya.   “My name is Amanda Mamiska”   Nagmamadali ako patungong parking lot at nakita ko si Joe na kumakaway sa akin. Dumiresto ako sa sasakyan at nang lingunin ko ang building kung saan ako galing, nakita kong si nakatuon ang atensyon ni Sam sa sa direksyon namin.   Napasandal ako sa upuan at napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit ‘di ko nalagyan ng Gavalas ang pangalang ibinigay ko kay Sam.   Maybe it was a sign that I was unconsciously comfortable without mentioning my husband’s name.     *_*_*_*_*_*_*_*_**_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*   DUMATING ang mga linggong walang kamuwang-muwang si Daren sa mga pinagagawa ko. I never told him about my school activities even during our conservation at the dining table. Kung sikretong may ipapasunod si Daren na security sa’kin ay ‘di ko alam.   I smirked at the memory na binigyan ako ni Daren non ng body guard. I was stubborn, eccentric and wild. I gave them hard time and little did I know that Daren was also giving them hard time because of me. Umabot sa puntong he pulled out the security from my presence. At bahala na raw ako sa buhay ko.   Kaya napapailing na lang ako sa pagbuntot ni Sam sa’kin sa loob ng campus. Naalala ko tuloy ang mga nakakaawang bodyguards noon. Sa simula tila naiinis ako sa ginagawa ni Sam hanggang sa napagtanto kong uhaw na uhaw din pala ako sa atensyon.   Sam would give me flowers every damn day. Tinutukso na rin kami ng ibang mga kaklase pero sweet talaga ang lalaki kasi binigyan niya rin ng bulaklak ang lahat ng babae sa klase pati ang maestra namin. His personality was so bubbly that he never stopped from making jokes. He was like a sunshine that brightened everyone’s day. And there were more moments na sa’kin niya itinuon ang kaniyang buong atensyon which made my insides flutter.   My God, para akong teenager na nagka crush sa unang pagkakataon!   In my excitement, sinabihan ko ang mga barkada ko sa infatuation k okay Sam. But as always, pinagalitan ako ng todo ng iba kasi baka kung saan na naman hahantong ang feelings ko.   “Anong gusto mong palabasin Amanda?” galit na tanong sa akin ni Fernie isang araw ng mag video call ito.   My body shivered as I slowly talked. “I want to prove that I am still capable of connecting with someone Ferns.” It was always refreshing to use my oral orifice when communicating with my closest friends.   “Para kang teenage umasta, ah,” inis na sagot nito, hinawi nito ang kulay blue na bangs sa mukha. “Focus on your arts. Kailangan ko ng samples sa next summer collection ko, Mandie. How about give something hip and wild?”   As usual practical talaga itong si Fernie and she would always offer options which were good for me. Pero ang tigas ng ulo ko eh. “He made me laugh, Ferns,” I replied.   “Hindi ko pa rin makakalimutang iniwan mo ako sa show dahil sa isang lalaki.” Tila nag-aapoy ang tsokolateng mata niyang nakatutok sa screen. “Umarkela ka ng payaso, Amanda Mamiska Gavalas, kung gusto mong tumawa. Tigilan mo na ‘yan!”   Nakinig ba ako? Siyempre hindi.   Isang hapon, hinatak ako ni Sam sa isang sulok sa hallway. “Hey, beauty. How about cutting classes tayo ngayon tapos punta tayo ng amusement park?”   Tumingin ako sa kaniya at sumeyas ng ‘Bakit?’   “Inindian ako ng date ko eh at sayang din naman ang tickets.” Pinagalaw pa niya ang kaniya mga kilay.”   ‘May klase tayo.’ Nakakunot ang noo ko.   “Pah! Wala naman tayong exams,” hirit iya. “Ngayon lang naman.”   Tinimbang ko kung sasama ba ako o hindi. Antagal ko na palang ‘di nakapasyal. Gusto kong pumunta ng amusement park noon pero walang oras si Daren.   My heart tingled a little bit when I thought about Daren. But he was not here. And he would not be by my side in the future.   Kaya tumango ako. ‘Tara na.’   Hindi pa ako nakapunta ng amusement parks satotoo lang. Busy ako masyado sa pagbalanse ng teenage life ko between my arts at ang relihiyosa kong tiyahin. Iniimbita rin naman ako ng mga barkada ko pero takot akong malaman ni Auntie Nita.     Hindi ko akalaing mag-eenjoy ako sa mga rides. Napatawa ako nang mag suggest si Sam na subukan namin ang reverse bungee jumping.   ‘Ano?’ senyas ko.   Kinuha niya ang kamay ko. “Beauty, ito yung hinahanap mo ‘diba? Thrill! You will appreciate life as you shout your lungs out through these rides.”   I smirked at him. ‘Alam ko kung paano i-appreciate ang buhay, Sam. Even death. Wala na talagang makakapagdulot sa ‘kin ng sorpresa.’   “Well, if that’s the case, I dare you to ride some of these life wrecking vehicles with me. Prove to me...”   Sinubukan ko ang makapigil hiningang rides at whoo! Feeling ko lumabas na talaga ang kaluluwa ko. It was the best time to shout profanities to all the events in my life which brought me here.   Nung ayaw ko nang sumakay ulit ay nag suggest si Sam na manood kami ng mga parades. And it was panoramic! The colors, lights, costumes, movements and the artistry of it all. Nangati ang mga kamay ko na kunin ang brushes and paints para i-capture ito. Pero pinigilan ko ang aking sarili.   Pagkatapos ng parades ay gusto naman ni Sam i-try ang mga games sa mga booths. At one point he won a huge teddy bear and decided to give it to me. Tinanggihan ko kasi ayoko rin naman masyado sa stuffed toy.   “Pero beauty, ikaw ang date ko ngayong gabi. This one’s for you. I don’t accept NO for an answer,” giit niya.   I smiled and walked away to the next booth. Sinubukan ko ang isang shooting game at napatalon ako sa tuwa ng manalo ako ng isang Dalmatian na stuffed toy. Ang cute talaga at very huggable. Hinalikan ko at napakislot ako ng ma realize ko na may kiss mark sa mukha nito.   “Ang galing mo pala sa ganito. Shooter ka ba?” manghang tanong niya.   Nagkibit-balikat ako. ‘Hindi pero siguro steady ‘yong mga kamay ko kasi I used to paint a lot.’ Ayokong sabihin sa kaniya na minsan noon pumupunta ako ng shooting range. Nag-insist kasi ako kay Daren na pag-aralan ang shooting lalo na’t binawi niya ang security personnel para sundan ako.   “Used to?” Nagtataka siya sa pahayag ko.   Ngumisi ako. ‘It’s for me to know and for you to find out.’   Muntikang mahulog ang panga ko nang tumawa siya. He was really handsome and his voice gave me different kind of thrill.   Tiningnan niya ako sa mga mata at bumulong, “Aalamin ko ang pagka mysteryoso mo, Amanda.”   Napasinghap ako ng hipuin ng kamay niya ang pisngi ko. Biglang uminit ang mukha ko at parang sumali ng marathon ang puso ko.   He chuckled. “Ang ganda mo kapag nag blush ka.”   I rolled down my eyes in embarrassment. Hindi ko na feel ito since Daren...   Shit. Oh s**t.   Tiningnan ko ang wrist watch ko at napamura na naman ako, 12:47am na pala. s**t, nakalimutan ko talaga ang hapunan. Nakalimutan ko si Daren. At for the first time in my marriage, I forgot about my husband.   At ang ganda pala sa feeling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD