Chapter 10 – Sam (2)

1045 Words
Daren   NAPATINGIN ako sa relo, 10:15pm. Where the hell was she? Naghapunan akong mag-isa habang hinintay si Amanda. Sabi ni Mrs. R na lumabas ang aking asawa.   Nasa study room ako at hinintay ang oras na mag alas onse ng gabi. Wala pa ring Amanda ang dumating at nag-aalala na talaga ako.   “Sir, dinalhan kita ng gatas,” sabi ni Mrs. R nang pumasok siya sa silid.   “Mrs.R, wala akong na received na texts mula sa kaniya,” bulas ko. “Sana nag text siya.”   “Sir Dar, siguro ano, empty ang phone battery.” Pampalubag-loob ng katulong.   Umupo ako sa sofa at kumuha ng libro. Pero wala ako sa mood na magbasa. Narinig ko si Mrs. Ramones na tumawa ng mahina, nagtatakang nilingon ko siya.   “Sorry po pero naalala ko ang mga ganitong gabi nung si Cara ay naghihintay sa pagdating mo. Ang reaksyon mong iyan ang eksaktong ginawa ni Cara noon,” pahayag niya.   “Huh? Si Amanda, naghihintay sa ‘kin dito sa study room?” Naiinis na ako sa isipang hindi nagpaalam si Amanda kay Joe o sa ibang kasam-bahay kung asan siya ngayon.   “Oh pero totoo po ‘yon, sir Daren,” anito, “Andito na si Cara lalo na kapag hindi kapa nakauwi ng alas dies. Tapos sasabihin niya sa akin na nag-aalala siya baka kung napano ka lalo na nung hindi ka nagreply sa mga texts o hindi mo sinagot ang mga phone calls niya. Maraming beses na rin siyang gustong tumawag sa police at ipahanap ka.”   Hindi ako makasagot.   “At kapag alas onse y media ng gabi ay diyan na siya humihiga sa sofa. Alam niya kung paano magtago ng emosyon. Minsan nakita ko siyang sumilip sa bintana lalo na kung darating ka na at tumatakbo siya sa kwarto niya as if walang nangyari – as if hindi siya naghintay.”   “Really?” was all I could manage.   “Talaga, sir Daren,” Mrs. R quietly replied. “Kahit medyo weirdo at may katigasan ang ulo ni Cara, hindi mo alam kung gaano ka devoted ang asawa mo sa ‘yo kahit nasa ibang poder ka natutulog.”   Tumahimik ako at nag internalize sa mga sinabi ni Mrs. Ramones. Hindi ko alam kung paano i-process ang mga impormasyong ngayon ko lang nalaman.   Mabuti nalang at may dumating na sasakyan. Dali-dali kong nilapitan ang bintana at sumilip. Nag-expect ako ng isang taxi at hindi ko inaasahan na pulang Volvo. May isang lalaking lumabas mula sa sasakyan at madali itong pumunta sa passenger’s seat at binuksan ang pinto at lumabas ang isang babae.   Si Amanda.   Parang piniga ang puso ko sa nasaksihan. Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan akong makita ang aking asawa na may kasamang ibang lalaki.   At tila tiniris ng ilang libong beses ang puso ko nang makitang masaya si Amanda habang nakikipagkuwentuhan sa kausap. May ibinulong sa kaniya ang lalaki at natatawa si Amanda.   Ang tagal ko na palang hindi narinig ang tawa niya. It was sweet to the ears. But it was not meant for me.   Kasalanan ko ito eh. Ako ang dahilan.   Napakuyom ako dahil isa akong napakalaking ipokritong isipin na ang babae sa labas ng bahay at may kausap na ibang lalaki ay asawa ko pa rin. And I was still her husband whether she liked it or not.   Sinigurado kong umalis ang Volvo bago ako lumabas ng study room at dumiretso sa may hagdanan. Nahihirapan si Amanda na buksan ang pinto dahil may dala itong napakalaking teddy bear at may isang stuffed toy na aso pang bitbit.   Umubo ako.   “Ahhh…” napatili siya at nilingon ako. With a guilty expression.   “Amanda, mag aalas dos na ng umaga. Care to tell me where you’ve been?” Pinuntahan ko siya at kinuha ang teddy bear na halos nakatabon na sa mukha niya. Sa totoo lang gusto kong ihagis ang stuffed toy tapos punitin ito ng isang libong beses.   Nag balanse si Amanda habang bitbit ang Dalmatian stuffed toy at naghalughog sa bag niya para kunin ang writing board. Sa inis ko ay inilapag ko ang teddy bear at kinuha ang laruang dala niya.   Pinandilatan niya ako bago sumulat. “I’m sorry I’m late. Something came up.”   Shit. Yon lang?   Tila nagsimulang uminit ang ulo ko pero pinilit kong kumalma. “And that is...?”   She shrugged, not wanting to discuss the topic any further. God, gusto ko siyang sakalin pero pinigilan ko ang sarili ko.   Umubo ako. “Si-sino ang lalaking naghatid sayo?”   May kislap sa mga mata niya habang isinulat niya ang pangalan ng lalaki. “Sam!”   “Sam who?” taas kilay na tanong ko ulit.   “Just Sam.”   “Boyfriend mo?”   Pinandilatan na naman niya ako. Malapit akong napangiti sa ginawa niya. She huffed and puffed before she got the teddy bear on the floor. Kahit na nahihirapang umakyat ng hagdanan ay hindi talaga nagpatulong sa akin.   “Amanda...”   Binigyan niya ako ng isang nakakabagot na tingin at na sorpresa ako sa ‘I-don’t-care-what-you-say’ attitude niya. Kaya simple lang ang nasabi ko, “Please inform anyone from this house kung saan ka pupunta. Nag-alala kaming lahat sa’yo.”   She staggered a little bit at my words.   “Mag text ka sa susunod, ha? Just text me and I’ll be there,” I almost silently said.   Her facial expressions changed. She looked at me as if I was a fly that needs to be trampled on the floor. Nilagay niya ang teddy bear sa sahig at may isinulat. “Okay, Daren. Sorry if worried ka sa akin. By the way, that stuffed toy in your hand is my gift for you. I won that. Good night.”   Umalis siya patungong master’s bedroom.   Tiningnan ko ang Dalmatian toy. Sa totoo lang galit ako sa puntong hindi siya nagpaalam kahit kay Mrs. R man lang. Hindi estranghero sa’ming dalawa ang palaging nag-aaway sa kahit maliit na issues.   But this was the first time that I got angry with her reckless actions because I cared for her welfare this time.   Napansin ko na may mga kiss mark sa bibig ng aso. Nilakbay ko ang aking hintuturo sa outline ng kiss mark. Inamoy ko ang aso, wishing that Amanda’s scent was still there.   When I squeezed the toy I noticed that it made a sound. Napakunot-noo ako kasi hindi ko ma intindihan kung ano ang sinasabi. Pinindot ko ulit ang bandang tiyan nito.   “I love you,” kahol ng laruan.   Hindi ko alam kung bakit parang natunaw ang loob ko sa mga katagang binitawan ng laruang aso. Alam ba niya ni Amanda na nagsasalit ang aso?   Napaismid ako kinausap ang laruan. “Malamang hindi. Natabunan ng buweset na teddy bear ang sinasabi mo, boy.”   Umakyat ako sa hagdanan papuntag master’s bedroom na maraming katanungan    

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD