Chapter 5 - Silence and Nightmares (2)

1193 Words
Amanda TUMAKBO siya ng matulin at hindi na lumingon. Narinig lang niya ang mga ito na tumatawa at parang aso na nag-alulong. Masakit na ang dibdib niya kasi wala ng hangin ang pumapasok sa katawan niya at kumikirot na rin ang tagiliran niya. Pero hindi siya pwedeng sumuko! Kailangan niyang mabuhay... Shit! Nahagit ng sanga ang isang paa niya at nadapa siya. Gumapang siya patungo sa puno nang maramdaman niyang may pumilipit sa katawan niya at bigla siyang napatihaya. Parang demonyo na tumawa ang lalaking nakahawak sa katawan niya. Gusto niyang kumawala kahit na masakit ang buong katawan niya pero tinwanan lang siya ng mga ito. "Huwaaagg!" sigaw niya nang punitin nila ang damit niya. "Maawa kayo. Huwag niyong saktan ang baby ko..." Ang sigaw niya ng pagmamakaawa ay isa sa mga ginawa niya sa gabing iyon. Mga sigaw at hagulgol na walang nakarinig. Isang kamao ang dumapo sa mukha niya para mawalan siya ng malay. ** Hinabol ko ang aking hininga pagmulat ko. Nauntog ang ulo ko sa isang matigas na bagay at napamura nang mapagtanto kong nasa ilalim ako ng kama. Dahan-dahan akong gumapang palabas at bumalik sa aking higaan. Kahapon lang, natagpuan ako ni Mrs. R sa closet. Saan na naman ako pupulutin bukas o sa makawala? Nakakapagod na... Gusto kong kontrolin ang bangungot at takot pero hindi ko alam kung papaano. 'Diyos ko, please let this end! Bakit ayaw niyo akong kunin?Sana mawala natong sakit at kirot sa ulo, puso at kaluluwa ko'. "Cara, mabuti naman at gising ka na. Kamusta ang gabi mo?" masiglang bati niya sa akin. Kinuha ko ang aking writing board sa bedside table at sumulat. "Mabuti naman Mrs. R,". Hindi ko kayang sabihin sa kaniya na binabangungot na naman ako. Nahihiya na kasi ako. 'Kailangan kong gumawa ng productive activities. Siguro kung pagod ang isip at katawan ko ay baka hindi ako magkaroon ng nightmares,' naisip ko ng pumunta ako ng banyo at nag-ayos ng sarili. I spent so much time in this room since the day that I was brought here. Hindi ako lumabas kasi takot akong makita 'siya'. Kaya andito lang ako sa kwarto at nagbasa ng libro o magazines, nanood ng TV, at nag internet. Kaya laking pasalamat ko kay Mrs. R kasi siya 'yong mga nag-update sa'kin ng mga reading materials. Pero may isang bagay na hindi ko kayang gawin. Ang magpinta. Parang umaatras ang utak ko kapag iniisip ko kung ano ang ipipinta. Parang tumitigas ang mga daliri ko kapag iniisip ko ang salitang pagpinta. Lumabas ako ng kwarto at napansin ko si Mrs. R na parang hindi mapakali. Tiningnan ko siya ng mataimtim kaya huminga ang matanda ng malalim bago nagsalita, "Cara, gusto ni Sir Daren na simula ngayon ay doon ka na kakain sa labas. Kasama siya." Oh? Napataas ang kilay ko. Breaking news talaga ito. Daren! My husband, lover, and partner. My betrayer. "Sinubukan kong sabihin sa kaniya na hindi ka pa handa pero pursigido si Sir," ani nito. Kinuha ko ang writing board at sinulat."Okay lang, Mrs. R. Siguro panahon na rin para lumabas ako." Tinulungan ako ng matanda na magbihis at napakunoot ang noo ko kasi namalayan kong ang luwag ng summer dress. Ang laki ng timbang ang nabawas sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at may lungkot akong nadama nang makita ko ang aking repleksyon. I tried to smile and shake off the emotions. Kailangan kong magpakatatag para na rin sa sarili ko.  Inakay ako ni Mrs. R pag labas ng pinto at gusto kong bumalik ulit sa kwarto at magtago nang mag-sink in sa'kin na magkikita kami pagkatapos ng ilang buwan. Dapat hindi ko patatagalin okasyong 'to. The sooner we meet, the sooner our meeting would end. Pero kaya ko ba talagang harapin siya? Anong sasabihin ko? Anong magiging reaksyon niya? Punong puno ang isip ko ng mga katanungan kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa hapag-kainan. At nakita ko siya. After all these months, there he was sitting languidly, sipping his coffee while reading the local newspaper. Parang may humiwa sa puso ko at parang nabulunan ako ng iba't-ibang klaseng emosyon. Napahigpit ang paghawak ko sa aking writing board as if ang bagay na ito ang makakasalba sa akin. Siguro may ingay na lumabas sa akin kasi napatingin sa direksyon ko si Daren. Natigilan siya nang makita ako at tila namumutla siya. Gumalaw ang Adam's apple niya habang nakatitig sa'kin. Nanindig ang mga balahibo ko nang masilayan ang tipid niyang ngiti. My heart clenched so hard that I wanted to vomit. Pero hindi ako pwedeng umatras. 'Kaya mo 'to, Amanda!' sigaw ng isipan ko nang pumuwesto ako sa aking usual na upuan. Ahhhh, to sit on my little throne brought comfort to me. Tumingin ako sa lamesa at napansin ko na nagpahanda pala si Daren ng mga paborito kong pagkain. Mga pagkain na napakasarap lalo na kapag nilalaro ko sa aking mga dila. Pero putol na ang dila ko ngayon... Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang isang basong orange juice at dahan-dahang hinigop ito. He drank his coffee while throwing glances at my direction. His soothing voice almost made me jump. "Amanda, ayaw mo ba sa mga pagkain? I prepared this for you kasi alam kong paborito mo ang mga ito." Inubos ko ng inom ang juice bago ako sumulat sa writing board. "I am not yet comfortable on eating hard food." "Oh...I'm sorry. Uhmmm... anong gusto mo, lugaw? Arozcaldo?" Napatiim-bagang siya at narinig ko ang akala niya'y bumulong siya sa sarili, "Daren, you stupid fuck." My eyes widened a little bit as I scribbled again. "Okay lang ang lugaw." Tumayo si Daren at umalis ng kusina. Napatungo ako tiningnan ang pangit kong hand-writing. Bakit masakit pa rin ang puso ko? "Mabuti na lang at may inihanda silang lugaw." Bumalik si Daren na dala ang tray na may malaking mangkok ng lugaw. Siya mismo ang sumandok ng lugaw at inilagay sa harapan ko. Tumango lang ako at tiningnan ang basil na tila sumasayaw sa sabaw. Sumulyap ako kay Daren na bumalik sa upuan niya upang tapusin ang pagbabasa ng newspaper. Ito ba ang simula ng ganitong klaseng pamumuhay namin? Hanggang saan hahantong 'tong mga ginagawa naming dalawa? Kinuha ko ang aking pen at writing board. Binasa ko ulit ito at napakagat-labi kung tama ba 'tonng sinulat ko. Pero, dapat malaman niya ang saloobin ko ngayon. Umubo ako para kunin ang atensyon niya at pinakita ang sinulat ko. "Daren, salamat sa pag-alaga mo sa akin kahit na alam kong hindi mo kailangang alagaan ako. You are not bound to that responsibility since you wanted divorce. Pero pwede ba munang dito muna ako makikitira sa bahay mo? Kahit na mga five to nine months siguro. Kailangan ko ng matutuluyan bago ako makatayo sa sarili kong paa." Nagtagis ang kaniyang mga bagang habang nakatitig sa writing board ko. Tila namumutla ang kaniyang anyo nang ibaling niya sa akin ang kaniyang atensyon. "It's not a bother Amanda." Tumango ako at nagsulat pa rin. "Please do not see me as a hindrance sa relasyon mo kay Sheila. I won't be bothering you again. I will be busy picking up the pieces of my life." Nilagyan ko ng smiley para ma lighten man lang ang mood. Pero lalong kumunot ang kaniyang noo nang basahin niya ulit ang isinulat ko. He sighed. "Walang problema, Amanda. Huwag kang mahiyang lumapit sa akin kung may kailangan ka." He gathered his papers and took the morning off. And that was it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD