Chapter 5 - Silence and Nightmares (1)

1357 Words
Daren 5 Months Later "f**k!" Napaungol ako sa sakit nang matagpuan ko ang aking sariling nahulog sa sahig mula sa kama. Isang sigaw nakakatakot na sigaw ang gumising sa'kin. Dali-dali akong bumangon at tumakbo palabas ng kuwarto habang bumulong ng, "Amanda..." Nakita ko si Mrs. Ramones na may dalang tray ng pagkain at nakaharap sa pintuan ng kwarto ni Amanda. Nagulat siya ng konti ng makita ako. "G-good morning, Sir." "Si Amanda ang sumigaw?" nababahalang tanong ko. Tumango siya. "Binabangungot na naman si Cara." Hindi kasi ako masyadong natutulog sa bahay at palagi akong out of town dahil sa negosyo kaya ngayon ko lang nalaman ang ganitong estado ni Amanda. I wanted to punch myself harder kasi gusto kong magbago at pagtoonan ng pansin ang kalagayan iya pero takot akong makita niya. I was a certified coward! Nakita kong nahihirapan si Mrs. R na ibalanse ang tray sa kamay at ang pagbukas ng pinto kaya kinuha ko ang pagkain mula sa kaniya. Nanginginig ang mga kamay niyang buksan ang pinto. Binuksan niya ng konti ang pinto at kinuha mula sa akin ang tray. Pero curious talaga ako kung anong mangyayari kaya hinigpitan ko ang paghawak sa tray upang hindi niya makuha. Hindi rin nama siya nagpumilit kasi naalala niya ako pa rin ang amo. Kaya hinayaan niya akong makapasok sa kwarto. I tried to adjust my vision when darkness from the room welcomed us. It was too gloomy for the little spitfire who used to be my wife. Well, technically, asawa ko pa rin si Amanda Mamiska. Mrs. R flicked the switch on and my eyes scanned the entire room. Napalunok ako sa pagkabahala nang makitang walang laman ang kama. "Nasan si Amanda?" tanong ko. Kinuha ni Mrs. R ang tray mula sa kamay ko at inilapag ito sa bedside table. "Hahanapin ko muna siya, Sir." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Where the hell was my wife? "Mrs. R..." tatanungin ko sana siya nang bigla siyang lumuhod at bumaluktot at sinilip ang ilalim ng kama. Tumayo siya pagkatapos ng ilang sandali at pumunta ng banyo. Lumabas din siya ng balkonahe. "Anong nangyayari, Mrs. R?" Medyo strained na ang boses ko. Tila lalabas na ng katawan ang kabog ng puso ko. Naalala ko kasi ang mga sandaling nakatanggap ako ng balitang nasa hospital si Amanda. "Where is my wife?" "Teka lang ho, Sir," tanging sagot ng matanda bago niya binuksan ang closet. At para akong sinuntok sa tiyan nang makita ang anyo ng aking asawa nakabaluktot at tila ang manipis na kumot ang nagsisilbing proteksyon. 'Amanda...' My chest tightened and I choked on whatever air I could manage to breathe at that moment. I tried to compose myself as I watched Mrs. Ramones cooed my wife to get out from the closet. At parang batang lumundag si Amanda at niyakap ng mahigpit ang aming katulong at umiyak ito. "Bangungot na naman, Cara?" narinig kong bulong ni Mrs. Ramones kay Amanda. In answer, I saw my wife shook with force that both of them staggered. What was left of my confidence shattered when I saw her poor form. Napaatras ako sa isang madilim na parte kasi nahihirapan na rin akong huminga. Because of shame and hatred. And guilt. Tons and tons of guilt. I wanted to get out from the room but I needed to watch what's happening with my wife. If this was a form of torture dahil nagkasala ako, then so be it. Inakay siya ni Mrs. Ramones pabalik sa kama. Sa mahinang boses ng matanda, inalok siya ng pagkain. Nanginginig habang kumakain si Amanda. Binubulungan naman ng encouragement ng matanda ang aking asawa upang matapos nito ang almusal. I wanted to wipe those big fat tears which silently fell on her cheeks but I refrained myself from announcing my presence. Because it hurt me to see her being hurt. And because I was a bastard, a d**k and a coward. Lumabas kami kuwarto ni Mrs. Ramones nang siguradong nakatulog ulit si Amanda. Andaming pumapasok sa aking isipan at tinanong ko siya nang 'di ko makayanan, "Mrs. R, pano mo nalaman ang tungkol sa mga nightmares ni Amanda?" Napa 'tsk' siya bago sumagot, "Three months ago, nadatnan ko siyang nasa ilalim ng kama at umiiyak." Napahinto ako sa paglalakad. "Pero last month pa siya nakakalakad. At wala ring report ang health workers tungkol dito." My wife only stayed at the hospital for a month at dito na siya sa bahay nagpatuloy ng pamamahinga with occasional health workers to check on her. I also received some news last week na okay na talaga si Amanda in terms of physical aspects. But Amanda refused to see her counselors for her mental health. I got some reports na nagwawala siya talaga kaya I told them that I'd try my best to tell her about it. "Sir, I hope you won't take this as offense," panimula niya. "I'm not sure if may alam ang mga health workers pero I told you about her nightmares on the first day she had it. Siguro nakalimutan niyo lang po dahil busy din kayo masyado." Bumalik ako sa kuwarto at galit sa sariling kinuha ang mga gamit sa pag-eehersisyo. Dali-dali akong lumabas at tumakbo ng ilang kilometro. Pilit na iwaglit ang isang klaseng sakit na nagmumula sa aking kaibuturan. "I totally f****d up." Hinahabol ko ang aking hininga nang mapahinto ako. Kumirot ang puso ko dahil sa exercise pero mas masakit pa ang nararamdaman ko nang maalala ulit ang mga nagawa kong pagkakamali. At ang mga konsekwensya nito. I really wanted to divorce her but I did not have the heart to see her like this. Amanda did not deserve such fate. The bastards cut off her tongue. Napaupo ako sa gilid ng kalsada at napasapo sa aking ulo. "Are you okay?" Tanong ng isang babaeng huminto ng pag-jogging para lapitan ako. I held my hand. "Headache lang 'to. Thank you anyway." She looked at me worriedly but she left after a few moments of assuring her. Papaano ko sasabihin sa kaniya o kahit ninuman na sumasakit ang ulo ko kapag naalala ang mga sandaling 'yon? Milagro raw sabi ng doktor ang pagkabuhay niya. She was bleeding too much and ilang bags din ng dugo ang isinalin sa kaniya. Amanda was a fighter. Gusto kong pumatay ng tao pero alam kong hindi pa rin ito sapat na kabayaran sa mga sakit na nadama niya. Kaya pini-pressure ko ang kaibigan kong si Drake sa imbestigasyon. Tumayo ako at napatingala sa langit nang maramdaman kong namumuo ang mga luha sa aking mga mata. My child lost that night. I could have protected him or her had I believed Amanda when she told me she was pregnant. But I fuckingly did not. She literally begged me on her f*****g knees. And what did a f*****g bastard like me do? I threw her to the wolves! Tumakbo ulit ako at pinipilit na tangayin ng hangin ang kung anumang luhang tumulo. Sana mapawi ng kapaguran ang guilt feelings ko. Pero hindi eh. This was the harsh reality that I was in. Kinarma na talaga ako. I wanted to leave Amanda for Sheila but at the end? I left Sheila for Amanda. I lost my child and the biggest factory in my company got burned down to the ground. All in one month. Karma na talaga 'to sa mga ginawa kong pagkakasala. I might be too hedonistic compared to my other friends but I always value fidelity. Sa lahat ng relationships ko noon, ito lang talaga ang first time na I cheated on my partner. And when I did? Catastrophic ang mga sumunod na mga pangyayari. Mabuti nalang at nakabawi ng konti ang company. Ginugol ko ang oras at panahon ko nitong mga nakaraang buwan upang masolusyonan ang problema sa kumpanya. I thought Amanda was doing alright until I saw her this morning. Nang makabalik ako sa bahay, nakita ko si Mrs. Ramones sa kusina at inihanda ang pagkain ni Amanda. There must be something in those foods that made me snapped from any thoughts that I was harboring. "Mrs. R, simula bukas kasama ko na si Amanda na kakain sa dining area," bigkas ko. Namilog ang mga mata ng matanda at muntik na niyang mahulog ang binalatang gulay. "Pero..." "She has to get out from her shell," dahilan ko. "And we'll start from there muna, Mrs. R." Walang nagawa ang matanda kung hindi ang tumango. Bumalik ako ng aking kuwarto at napakuyom kasi hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD