Amanda
NAGING matiwasay din naman ang relasyon namin ni Daren sa unang mga taong pagsasama namin. Very supportive si Daren sa mga endeavors ko sa art at napatawa kaming dalawa kasi nanalo ang Wicked Passion sa isang local art contest.
Ngunit ako pa rin ang nasusunod sa larangang pinansyal lalo na't tungkol sa gastos ko sa mga art supplies ang pag-uusapan. Ilang beses din kaming nag-away tungkol dito hanggang sa siya na mismo ang sumurender.
Alam kong responsableng tao si Daren pero napansin kong bigla siyang tatahimik kung magtatanong ako regarding sa personal life niya. Hindi ko pa nakikita ang pamilya niya o hindi niya ako dinadala sa family gatherings. Binaliwala ko lang ang mumunting impormasyon ukol sa kaniya kasi absorbed din ako sa sarili kong mundo. Ang sa akin lang ay suportado niya ako at tinatanggap ko ang tulong niya mula sa marketing at legal concerns sa aking mga artworks at exhibits.
Pero napapansin ko lately ang unti-unting pagbabago ng pakikitungo niya sa'kin. Ito na siguro ang panahon na huminto na ang honeymoon stage naming dalawa.
Well, masasabi ko rin namang busy talaga kami – siya sa negosyo at ako naman sa isang project sa City Park. Nag meeting ang city council last month at nagdesisyon na pumili ng mga magagaling na mga artists sa siyudad upang i-redesign ang parke. Gusto kasi nila na ma appreciate ng kahit anong edad ang outdoor activities lalo na ngayon na mahilig sa virtual world ang mga tao.
Excited ako rito kasi first time kong makasalamuha ang maraming artists. Introvert naman talaga ako at ayokong lumabas mula sa aking comfort zone lalo na't nakatira pa ako kay Auntie Nita. Pero nahihiya akong sabihin kay Daren na ganito ako kaya itinatago ko ang aking shyness at insecurities sa pagiging matabil.
I was making a design on my sketchbook when our housekeeper, Mrs. R announced that Daren was already home. Excited na tumayo ako at tumakbo palabas ng aking studio.
"Daren!" I squealed like a pig when I saw him. I rushed towards him and clung to him until he staggered back a little.
"How's your day?" masayang tanong ko. "Alam mo bang tumawag si Tamara kanina at sinabing bukas ay ibabalita na sa'kin kung anong design sa walls ang napili nila."
"Hmmm..." tanging sagot niya habang inilalayo ako mula sa kaniya.
Hinubad ko ang kaniyang suit at kinuha ko ang kaniyang attache case habang nagsasalita. Medyo dumilim ang mukha niya pero binaliwala ko ito.
"Okay ka lang ba Dar?" tanong ko habang sinalat ko ang noo niya. "Okay naman ang temperature mo. Gusto mo bang magpahinga? Sasabihan ko si Mrs. R na gawan ka ng kape o baka gusto mong lagyan ko ng gatas..."
Napatigil ako kasi bumuntong hininga lang ang lalaki.
"May problema ka ba sa trabaho Dar?" mahinahon kong tanong. "Gusto mong mapag-isa?" tanong ko ulit pero dumiretso siya sa kwarto namin na walang sabi-sabi.
Sinundan ko siya sa kuwarto at inilapag ang kaniyang mga gamit sa sahig. Umupo ako sa kama habang pinanood siyang nagbihis. "Parang isang taon ka nang wala sa mood. Magpa check-up ka kaya sa doctor..." suhestyon ko.
"Wala akong problema, ano ba?" galit na tanong nito.
"Baka nasa andropose stage ka na Dar. Early andropose," biro ko pero inirapan lang niya ako.
Leche naman oh! Asawa ako tapos parang wala lang ang turing?
"Well, magpahinga ka muna diyan Dar," mahinang sabi ko. "Sasabihan ko si Mrs. R na dalhan ka ng kape."
Lumabas ako ng kwarto at napabuntong hininga. Isang taon na kaming ganito. Gusto kong mag pretend na okay ang lahat pero alam kong may iba eh.
Biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa batok dahil may kung anong hangin ang bumulong sa'kin.
Don't tell me ibang babae ang dahilan?