Chapter 2 - Whirlwind Romance (2)

800 Words
Amanda   MASASABI kong napakatigas ng aking ulo. Pinayuhan na ako ng aking mga kaibigan na dapat dahan-dahan lang sa desisyon sa pagpapakasal. "s*x is not the same as marriage," namumulang sambat ni Martha sa'kin nang malaman niya ang desisyon ko. "Matagal ka lang tigang, Mandie." "It is in my book," tudyo ko. "Wala na tayo sa medieval times, Mandie! Bakit? Virgin ka bang nakuha niya at parang shot-gun marriage 'to?" galit pa ring litany ni Martha. Sa lahat ng mga kaibigan ko mula sa Ortesh, si Martha talaga ang mainitin ang ulo. Madalas naming biruin at pagalitin ito kapag tinotopak kaming magkakaibigan. "Naglakbay ka talaga ng sampung oras para sabihan ako ng ganito?" Touched talaga ako sa ginawa ni Martha kahit na inulan ako ng sermon. "Alam mong mahal ka namin, Mandie," maktol pa rin niya. "Ilang beses na ba kitang pinagalitan ukol sa mga lalaki mo?" "O siya huwag ka nang magtampo." Niyakap ko siya. "Alam kong dadalo ka rin sa kasal next week." "Alam mo ba talaga kung ano ang susuungin mo, aber?" Umiling ako. "Pero hindi ba, wala naman talagang kasiguraduhan sa pagpapakasal? Ano ang pinagkaiba ko sa mga taong nag-aasawa?" "But he is Daren Gavalas, Mandie." "And so?" Napasapo siya sa kaniyang ulo. "Don't tell me na hindi mo alam kung sino si Daren Gavalas." "He's going to be my husband." She groaned in frustration with my answer. "He's one of the most eligible bachelors in Namerna." Kumunot ang noo ko. "And so?" "And he happens to own one of the largest shipping companies here in Namerna," she stated flatly. "Don't tell me na hindi ka nag research sa mapapangasawa mo." "Oh." s**t! Hindi ko talaga alam. Absorbed ako masyado sa painting at sa anonymity ng pagsasama namin kaya tinatamad akong alamin kung sino ba talaga si Daren Gavalas. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat. "Do you think that this is just a prank or something?" I sighed. "Martha over ang imaginations mo." Bumitaw siya. "Well, wala na akong magagawa pa if pursigido ka talaga. Just remember that no matter what happens ay andito lang kami." Medyo may konting kirot akong naramdaman kasi feeling ko hindi nagtitiwala ang mga kaibigan ko sa aking mga desisyon ukol sa s*x, lust, love at marriage. Hindi ko rin naman sila masisisi kasi andiyan sila sa paglalakbay ko mula sa rebellious stage ko sa aking tiyahin. At nakita rin nila kung paano ako na in loved, na heart-broken at gumawa ng mga maling desisyon. Pero napawi pa rin ang kirot nang makita ko sila sa araw ng aking kasal. It was just a private affair at andon lang ang best buddies ni Daren at mga kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung ibinalita ba ni Daren sa press ang ukol sa aming pag-iisang dibdib. I invited Auntie Nita pero hindi siya dumalo. Tumawag siya on the night of my wedding at pinagsabihan na naman ako. "Dapat maging mabuti kang asawa – proper and moral. Ayokong pumunta sa Sunrise City, ang lugar ng puro gahaman sa pera. Masisira ang buhay mo diyan lalo na ang napangasawa mo ay isang lalaking mahilig magka pera. Money is the root of evil at kampon na rin siya ng demonyo dahil business man siya." Inirapan ko ang phone nang marinig na naman ang mga pinagsasabi ng aking tiyahin. Puro wickedness at evilness nalang ang lumalabas sa bibig niya. Nagtataka tuloy ko kung masusunog ba siya kung sasabuyan ko ng holy water. Bakit ba tila ayaw ng mundo na maging asawa ko si Daren? "Bee, ready ka na?" dumungaw si Daren sa kuwarto. Tumango ako. He came and picked my things. "Excited ka na?" "Excited akong matikman ka sa Thailand at sa Vietnam," kinikilig na sabi ko. He caressed my head. "Ako rin." "Dar, kailan mo ako dadalhin sa Italy o Greece?" Lambing ko sa kaniya nang makalabas na kami ng hotel at nasa loob ng van papuntang airport. Nagkibit-balikat siya habang kinagat-kagat ang aking tainga. Masyado akong nakilitian kaya itinulak ko siya pero niyakap niya ako ng mahigpit. "Ayokong dalhin ka sa Europe kasi alam kong mas gusto mong makasama sa honeymoon si Leonardo da Vinci o si Michaelangelo or whoever the f**k they are kaysa sa akin," bulong niya. Napatawa ako sa rationale niya. Indeed we spent our honeymoon touring around Southeast Asia and every moment was magical. There was really something about Daren Gavalas that made me crave for more. Kahit na nakabalik kami sa Namerna ay parang lutang pa rin ang feeling ko. I was not sure if what I had for him was still lust. I felt there was something more with every caress and kiss he gave me. I gazed at his sleeping form after we made love on the night when we came back from our honeymoon. I lightly touched his face and gently traced the contours of his features. I leaned and whispered, "Thank you Daren for making me feel like this. I promise that no matter what happens in the future, I will still be your talkative Bee."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD