Chapter 3 - Sino Siya? (1)

1160 Words
Amanda   PAGOD akong umuwi ng bahay galing City Park. Medyo nagkaaberya sa trabaho kaya matagal akong nakarating sa bahay. "Good evening Cara," bati ni Mrs. Ramones o mas kilala bilang Mrs. R. "Iinitin ko lang ang hapunan mo." Cara na ang tawag ng katulong ni Daren simula nang tumira ako sa bahay. Sabi niya 'beloved' daw sa Latin ang Cara kaya hinayaan ko na lang siya sa endearment na ibinigay niya sa'kin. Umupo ako sa sala at napapikit. Very stressful ang araw na 'to. Muntik nang magpatayan ang mga katrabaho ko dahil lang sa materyales na dapat gagamitin sa isang statue para sa City Park. Naalala ko tuloy ang biro ni Cecile, isa sa mga barkada ko. "Ayokong mag-asawa ng artist. Ayokong mag adjust sa mga eccentricities at mood swings. Tama na ang magkaroon ako ng kaibigang nalulunod sa arts." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaibigan kong sira-ulo rin. Pero sa nakita ko kanina na parang bumaha ng dugo, muntik na akong masaniban ng esprito ni Auntie Nita sa pagiging istrikta. Ako pa ang tumawag ng guard para awatin ang dalawa. Mabuti na lang talaga at nag-away sila sa working room na malayo sa public area. "Cara, kain na," nakangiting pahayag ni Mrs. R. Sumunod ako sa kaniya at nagdesisyon na sa kusina na lang ako kakain. Minsan sumasabay ako ng pagkain kina Mrs. R at sa hardinero at minsa'y driver na si Joe. Nakakalungkot kasing kumaing mag-isa sa mahabang dining table. Hindi ko rin naitanong kay Daren kung bakit dalawa lang ang kinuha niyang stay-in sa laki ng bahay. May nakikita akong naglilinis every three days pero si Mrs. R at si Joe lang talaga ang nakatira dito since bata pa si Daren. Hindi ko rin naitanong kung saan na ba ang pamilya ng dalawang 'to. To be perfectly honest, I was too absorbed with my own world than to care for anybody's information. "Masarap ang paella." Namilog ang mga mata ko dahil naalala ko tuloy ang luto ni Auntie Nita. Kahit pa puritan ang dating ng aking tiyahin ay hindi mawawaglit ang napakasarap niyang luto. "Nagpaluto kasi si Sir Daren." Tumaas ang dalawang kilay ko. "Dito siya naghapunan?" Tumango si Mrs. R. "Buong hapong andito si Sir." "Himala," tanging sambit ko. Hindi ko nakitang nag-absent si Daren sa trabaho kahit nagkakasakit ito sa dalawang taong pagsasama namin. Noong unang pagkikita namin at sa honeymoon lang ang alam kong hindi siya nakapasok sa kumpanya. But he was almost always on the phone or looking at his laptop even during those times. Kaya napakalaking himala! "Ano daw meron?" tanong ko. "Football?" Inilapag ni Mrs. R ang dalawng bote ng vitamins sa mesa. Makakalimutin kasi ako pagdating sa pag-inom ng vitamins kaya siya na lang ang nagsisilbing tagapaalala ko. "Gugunaw na ba ang mundo?" tanong ko bigla. Tumawa ang katulong. "Puntahan mo na ang asawa mo." Nakangiting nagpasalamat ako sa hapunan bago patakbong umakyat sa hagdanan papuntang Master's bedroom. Nakita kong nakaupo sa sofa si Daren habang nanonood ng football game. "Hi Dar!" masiglang bati ko. Nasa TV pa rin ang atensyon niya kaya pumasok na lang ako sa banyo upang maghanda sa pagtulog. Lumabas ako ng CR pero nakatuon pa rin ang mga mata ng aking asawa sa TV screen. "Dar..." Lumapit ako sa kaniya at inangkla ang aking isang braso sa leeg niya. I gently traced the stubbles on his cheeks and felt comforted by the roughness on my fingertips. 'Ang guwapo mo talaga Daren' naisip ko nang napatingin ako nang malapitan sa mukha niya. "Alam mo bang napapagod na ako sa project sa park?" bulong ko. Hindi pa rin siya natinag. "What if I'll quit na lang kaya, Dar?" Hinaplos ko ang dibdib niya. Walang reaksyon. "Bakit ambango mo?" Pinisil ko ang braso niya. Wala pa ring reaksyon. "I want to f**k you," pilyo kong pahayag. "Hmmm..." ang tangi niyang sabi pero ang buong atensyon ay nasa football game pa rin. Okay, sabi nga nila na huwag pakialaman ang panonood ng football match. Kaya ipinatong ko ang ulo ko sa kaniyang balikat at sinabayan siya sa panonood ng laro. Eksaktong pagkapanalo ng Namerna ay napabulong si Daren, "I do not want to do this anymore, Bee." Napaupo ako ng matuwid at tiningnan siya. "Magpahinga ka muna, Dar, if you're not feeling well." "Pinag-isipan ko na rin ito ng mga ilang buwan and I made a decision weeks ago about us," sabi nito. "Ano?" tanong ko. Nababahala rin ako para sa kaniya at baka malaki ang problema nito sa kumpanya. Baka hindi ko siya napagtuunan ng pansin nitong mga nakaraang araw. Baka – Napasuklay siya sa kaniyang buhok. "I can't pretend anymore. I want out from this marriage." Napaawang ang bibig ko. Gusto kong paulanan siya ng mga tanong at mga mura kasi wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Wala nga ba akong naintindihan o baka naman nagmamaang-maangang lang? Napayuko at mahinang naitanong ang, "Sino siya?" Napahilamos siya sa kaniyang mukha. "Let her out of this." So there was a she! Pakiramdam kong sinuntok ang tiyan ko sa kumpirmasyon niya. "Bee?" Napalunok siya nang makita ang putla kong hitsura. Ramdam ko ang luha na namumuo sa aking mga mata ngunit pinilit ko ang sarili na huwag umiyak sa harapan ni Daren. Tiningnan ko siya nang maigi. "For the sake of our union, tell me who she is so I will understand." My heart was torn when I saw his features gentled. "Her name is Sheila. I met her at a café months before. She's tall, silent and cute." Muntik kong masapo ang aking dibdib dahil tila ba may sumaksak sa akin sa bawat katangiang binigkas niya. Napalunok ako ng mapait. "Pero?" Napatingin siya sa wedding portrait naming na nakakabit sa bubong sa itaas ng aming kama. "Bee, I really think this is destiny." "Destiny?" paos na boses na tanong ko. Tumayo siya at palakad-lakad na tila ba nahihirapan i-explain sa 'kin ang detalye. "Alam nating dalawa na hindi pag-ibig ang pundasyon sa relasyon natin. I realized that I love her and I want to marry her." Parang tumunog ang lahat ng kamapana at ang sirena sa buong mundo at nabibiyak ang ulo ko sa impormasyong nasagap. Napayuko ako at pinilit patahimikin ang ingay sa 'king isipan. "How about us?" I managed to croak. "You will be taken care of financially speaking," he replied. "No – no – Daren, what about us?" I put an emphasis on the last word, thinking that he would get what I meant. Bumuntong hininga ang aking asawa. "There'll be no us Bee. I do not have romantic feelings for you and you know that since the beginning." Tumayo ako at tumingala sa kaniya. "Sa tingin mo ba para akong puta na goodbye na pagkatapos gamitin? I am your wife Daren Gavalas!" He looked down at me and seethed, "You can't hold me on my neck on this one Bee." Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at marahas na sinabing, "That's what you think. Gaano mo siya kamahal, Daren?" "I want to spend the rest of my days with her." Bakit ganoon? Inabot kami ng dalawang taon pero hindi niya ako makuhang mahalin? At iniibig niya ang kabit niya sa loob lang ng ilang buwan? This was fuckingly unfair to the fuckingly highest level! Humugot ako ng lakas. "Let's make a deal Daren." "Ano?" "Ninety days," I gently said. "Ninety days?" He lifted his eyebrows. "You are mine for ninety days."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD