Chapter 3

3204 Words
“The LORD is a warrior; the LORD is his name.” – Exodus 15:3 -- Chapter 3 Angel Loise “Hi, Angel—este, Mrs. Calavera. Remember me? Richard,” Hindi ko inaasahan ang makita rito sa farm ang pamangkin ni Atty. Divino. Na may gwapong ngiti. Iyong masasabi kong pang boy next door ang dating sa mga babae. O talagang natural sa kanya ang ngumiti nang ganito. Napatulala ako. “O-oo. Anong… kailangan mo—ikaw ba ‘yung engineer na pinapunta ni Atty. Divino?” Mas lalo siyang ngumiti. He offered his hand for a shake hand to me. “The one and only. My name is Engr. Richard Divino. Nice to meet you again, Angel Calavera.” I held his hand. His grip was a bit tight. Kinulang ako sa energy at hindi ko nasabayan ang kanya. “Err, pasok ka muna.” “Thank you. Ang laki pala nitong villa mo, ah.” Pagpasok niya ay tumingala ito at ininspeksyon ang loob na kayang makita ng kanyang mata. “Wala na ito sa akin. Alam mo naman sigurong may nakabili nang iba.” He chuckled and turned to me. “I know. Pinapunta ako rito para inspeksyonin ang bahay. Titingnan ko na rin ang current structure nito. Kung may kailangan nang ipaayos, palitan at kung need i-recommend ng renovation. Dahil nasa ilang dekada na itong Calevera villa, kahit matibay pa ang materyales ay kailangan ding ikumpuni at palitan. Ayos lang ba sa ‘yo, Mrs. Calavera?” “No problem. Um, do you want something to drink while inspecting?” “Oh, sure! Hindi kita tatanggihan. By the way, Salamat sa ensaymada kahapon. Ang sarap! Hinanap ko nga kung saang bakery mo binili. Bumili pa ako ulit.” “Walang anuman.” “Your name suits you perfectly.” He stared at me. “Thanks.” Hinayon ko sa kanya ang sofa at tumalikod ako para ikuha siya ng maiinom sa kusina. Pagdating ko sa kusina, naroon sina Manang Lucinda at Roselia. Inabutan kong nagsasalin ng cube ice si Roselia sa baso at may timplado na ring orange juice sa pitsel. Sinabi ko sa kanila kung sino ang dumating. At nagkatinginan ang dalawa. Pare pareho kaming hindi nakapagsalita. Nang balikan ko si Richard sa sala, hawak na nito ang kanyang cellphone at kinukunan ang area’ng iyon. “Thanks. Maganda ang interior design dito. Very classic and vintage.” Ngumiti lang ako. Pagkatapos niyang mangalahati ang baso ay nagpasya itong ikutin ang taas. Una niyang pinasok ang master bedroom. Ang dating kwarto ni Don Francisco. Wala nang lamang kutson ang four-poster bed. Pero ang ilang furniture ay ni hindi ko ginalaw. Hinayaan ko siyang mag inspekyon at tinuturo ko lang ang bawat silid na makikita. Sa paglalakad namin sa hallway, narinig ko siyang sumisipol at kumakanta. Hindi lang ako umiimik dahil nag aalangan ako sa kanya. But the lyrics really caught my attention. And he sang like this… “Girl you’re my angel. You’re my darling angel…” Tapos ay binuksan niya ang kasunod na pinto ng kwarto. Ang kwarto ko. He looked at the window. Nagligpit na ako ng gamit ko kaya mukhang hindi makalat. Mabilis kong nilapitan ang four-poster bed kong may tuwalya pa sa ibabaw. Habang kinakatok niya ang dingding kung may anay ay pasimple kong hinablot ang tuwalya at shinoot sa laundry basket. Binalingan niya ako at ngumiti. “Nice room, Mrs. Calavera. Ang bango rin. Pero… magkahiwalay kayo ng kwarto ni Mr. Calavera? Or lumipat ka lang after niyang mawala?” Binuka ko ang labi pero hindi ako nakasagot. At the back of my mind, I should at least give him a slight answer. But words were stuck inside. Kinagat ko lang ang labi ko at yumuko. He chuckled. “I’m sorry. Curious lang ako. Never mind me.” Hindi kami nagtagal doon at lumipat kami sa ibang parte ng bahay. He checked every part of the second floor. Pati common bathroom at storage room doon. Ang malawak na veranda ang huli niyang tiningnan bago kami bumaba. He also inspected the stairs. Wala siyang pinalampas na bahagi ng villa. At nang matapos, pinakilala ko sa kanya sina Manang Lucinda at Roselia na naghihintay sa kusina. “May engineer pa lang pamangkin si Atty. Divino. Sa tinagal ko rito sa Padre Garcia, ngayon lang kita nakita.” Natutuwang sabi ni Manang Lucinda. Pinaupo niya si Richard sa dining table. Binaba naman niya roon ang kanyang cellphone, ballpen at nakatiklop na papel. Hinayaan ko silang mag usap. Halos isang oras ko ring sinamahan ito sa pag ikot sa villa. Nagsalin ako ng juice sa baso at tumayo muna sa tabi ng fridge. Itong si Richard ay mukhang sanay na sanay makipagkwentuhan sa tao. Palaging nakangiti at ang daming salitang alam. Ganitong uri ng tao na ang tingin ko ay palaging nakikihalubilo sa karamihan. “Taga-Quezon city po kasi ang parents ko. Pero lumipat ako sa Makati nang magkatrabaho na. Sa totoo po niyan e, tuwing pasko at family gatherings ko lang nakikita si Tito Samuel. Sobrang busy po kasi no’n sa work.” Sinulyapan niya ako nang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. I tilted my head. “Ahh. Kaya pala. Ikaw na ang kinuha ng bagong may ari ng villa para tingnan ang itsura nito? Ipapadala mo sa kanya? Taga saan nga ba ‘yon, hijo?” “Sa Mexico po. Yes, ire-report ko po sa kanya ang nakita ko. Gusto kasi niyang makasigurong matibay pa itong villa.” “Hay, sa tagal ng villa’ng ito, miminsan lang pinaayos ni Don Francisco ang sira. Sabagay, hindi niya rin ito masyadong nabigyan ng panahon. Lalo na ng dumating ang kanyang asawang si Angel.” Sa pagkabanggit pa lang ng pangalan ko, bumaling sila sa akin. Si Roselia na tahimik sa lababo ay sumulyap lang at ngumiti. Uminit ang mukha ko hindi dahil sa sinabi ni Manang. Kundi dahil… hindi nila alam ang tunay na nangyari. It made me uncomfortable. But when Richard said his condolences, the frustration lessens a bit. They didn’t know everything and I guess I would always be frustrated about it. Pagkaubos ng meryenda ay nagpaalam na rin si Richard. Hinatid ko siya sa labas. Nakita kong may nakaparadang itim na sasakyan sa tapat. He suddenly cleared his throat. “Uhm, okay lang bang… makuha ang number mo, Mrs. Calavera?” “Sa anong dahilan?” deretso kong tanong sa kanya. Hindi ako kinakabahan. Basta parang normal lang ang sagot ko. Napakamot siya ng ulo. “Uh, ano… just in case na may tanong ako o kung kailangan kong bumalik dito. I’m sure babalik ako. Pero maganda sana kung may abiso mo. Kung okay lang naman sa ‘yo, Mrs. Calavera.” Kumurap ako at pinagmasdan ako siya. Pwede naman siyang pumunta kung kinakailangan at hindi naman ako ang may ari nito. At hindi rin ako pinanganak kahapon para hindi ko mahalata ang kilos niya. Mukha siyang mabait at masayahing tao pero… kung magtatangka siyang makipaglapit sa akin, mabibigo lang siya. But then… kung villa ang iisipin ko, mahalaga rin sigurong mag abiso bago pumunta. Kahit papaano ay makapaghanda rin kami. Tulad kanina, tiningnan niya ang kwarto ko pero may tuwalyang nakatambay sa kama. Ang kaunting paghahanda ay okay din naman. Kaya… “Sure. Save my number,” Mabilis niyang binuksan ang kanyang cellphone at pina-type sa akin ang numero ko. “Salamat. Uh, alis na ako. Kailangan ko pang mag report kay Mr. De Narvaez. Nice to meet you again, Mrs. Calavera.” “Ingat ka, Richard.” I smiled and waited until he drove his car away. He waved and left with a written smile on his face. -- Sa paglipas ng mga araw, hindi ko na namamalayan ang papalapit sa petsa ng pagdating ni Mr. De Narvaez sa farm. Bumalik ulit si Richard. May kasama na siyang isa pang Engineer at pinakilala niya sa aking si Engr. Nelson Mercado. Sinabi nilang kailangang akyatin ang bubong. Papalitan at pipinturahan. At ang ilang kwarto ay lalagyan ng air-con. Kasama pati ang gamit ko ngayon. Hindi ko sila inabala sa pag uusap. Katunayan, mukha akong tagapagsilbi ng kanilang meryenda at tagasagot kung may katanungan. Hindi ako nagreklamo at baka ito ang dahilan kung bakit kailangan kong magpaiwan muna. Pero pinaalam ko na kina Manang Lucinda at Roselia ang sinabi ni Atty. Dvino tungkol sa kanila. At nakita ko ang pagkawala ng kanilang hininga na tila matagal nilang pinipigilan. Ako lang ang kailangang umalis sa farm. Siguro, sa araw na dumating ang may ari ay ang araw ding lilipat ako sa Baltazar’s Inn. Iyon ang tinawag ko kay Heaven. Kaya habang naghihintay, binuksan ko na rin ang photography studio ko. Wala pa si Debra pero okay lang. Mag isa kong mina-manage ang trabaho. Unang araw ng pagbabalik ko, sobrang tumal ng kita. Mag isa akong nakatulala sa monitor. Tumitingin sa ginawa kong page. Nagpo-post ng promo at kung anu ano pang marketing para makahatak ng kliyente. Sa tagal kong nagsara, baka lumipat na ang ibang kliyente namin o kaya ay nakalimutan na kami. Ginawa ko tuloy sunud sunod ang post ko sa page namin para magparamdam. I also re-edited our poster online. May isang nag-inquire pero mukhang hindi pa sigurado kung kami ang kukuning photographer sa binyag. Our prices were low compared to another studios. Well, sa ngayon ganito muna. Pasasaan pa’y makakabawi rin ako sa lugi. Hapon na nang may pumasok na dalawang babae. Pinapili ko sila ng corporate coat na susuotin para sa kanilang 1x1 at 2x2 picture. Iyong package na iyon ay mura lang at madaling gawin. Pwede ko ring i-edit na lagyan ng coat pero binigyan ko rin sila ng choice na magsuot. I have several props for photography. At nasa kliyente na ang desisyon. This time, gusto nilang isuot ang coat namin. Meron akong ideya na mag stay sa luma kung pwede naman at mag implement ng makabangong paraan ng pagkuha ng litrato. Modern na nga kami ngayon kasi mabilis ang pag-develop. Mas maraming magagawa. Pero hindi ko pa maiwan ang dating sistema ng pagd-edevelop nito. I still have some chemicals for developing and an old camera. Ibinigay sa akin ni nanay bago siya nawala. I would never ever dispose it whatever happens. At ang litrato niya ay nakatago pa rin sa maliit kong photo album. This was what I like about photography. Naka-capture niya hindi lang ang imahe kundi pati alaala. And this job became my life. Pagkatapos kong i-edit at i-print, kinut ko ang pictures, nilagay sa brown envelop at saka binigay sa kliyente. Inabot nila ang bayad at umalis nang tinitingnan ang kanilang itsura sa litrato. “Salamat po!” I said as they left my studio. Tiningnan ko ang kinita ko ngayon. Almost two-hundred pesos. Pero ang ilaw at air-con ko ay kanina pa nakabukas. Hindi pa kasama ang mga nasaksak na computer set at printer. Tumingin ako sa salaming pintuan. Papadilim na. Wala na akong gagawin dito. Pwede kong ituloy sa bahay ang pagpo-post sa page pero baka mairita naman ang followers doon. Naglipit na ako para magsarado. Bukas ulit. At sa susunod na bukas pa. Nakasukbit sa leeg ko ang DSLR cam ko. Nag decide kong hindi muna umuwi. Padaan daan ang jeep, tricycle, private vehicle at nagbibisikleta. Tumayo ako sa harap ng studio ko at kinunan ng litrato ang tindero ng samalamig. Nakasuot ito ng lumang itim na sombrero, may puting bimpong nakasabit sa balikat at nagsasalok ng buko juice sa plastic cup. Makulay ang malaki nitong payong at ang kanyang gamit na kariton ang pinaglalagyan niya ng mga bukong hindi pa nabubuksan. May elementary students ang kasalukuyang bumibili. Sa ulunan nila ay ang nagkukulay orange na kalangitan. May nakaparadang tricycle sa tabi ng kariton at may nag uusap na dalawang lalaki. Marahil ay naghihintay ng pasahero at sinabayan ng pagkain ng late na meryenda. Tapos ay sinuklian ng tindero ng samalamig ang mga estudyante bago pinagsilbihan ang kasunod na customer. Hindi niya alintana ang pagod sa maghapong pagtitinda. Magalang at maasikaso pa siya sa mga bumibili. For some, that subject has nothing compared to some aesthetic images. But I liked the reality. It says something we usually ignored. There was nothing romantic on it. It was the opposite. Realism was the rejection of romanticism. And the majority of my personal photos were called realism. Though I never made it in any photo exhibit, I could still say I am proud of what I captured. My life in reality was horrible. I lost the sense of romance. It was buried somewhere and I never touch it again. But when it comes to my art, temporarily I forgot my messed-up reality. Minsan ay okay iyon. Pero may pagkakataon ding hindi. Sadya ngang napakalawak ng mundo. Ang kailangan lang ay mag-explore. Iyong pagtatrabaho, ang art ko at pagiging busy sa buhay ang mga bala ko para makalimot sa nangyari sa buhay ko. Kumakain ako mag isa sa labas. Pinapanood ang mga tao sa kanya kanya nilang pinagkakaabalahan. Pinapanood ko ang mga nagtatrabaho sa kalsada. Doing it all alone was sometimes therapeutic. Sometimes lonely. But it was an escape. So, it’s okay. Naghanap ako nang mapaparang tricycle. Patawid ako nang may humatak sa backpack ko at pilit inaagaw sa akin! “Aray!” “Bitaw!” galit na sigaw ng lalaki sa akin. Nakasakay sa motor ang lalaking humila ng bag ko. At dahil nakasuot sa balikat ko, kasama akong nakaladlad sa likuran nila. Bakit nila inaagaw ang bag na mahirap kunin? Natakot ako pero naroon pa rin ang tapang na talunin ang magnanakaw na ito. Nilaban ko rin ang bag ko sa kanya pero binilisan ng driver ng motor ang pag andar. Bumagsak ako sa lupa at gumasgas ang tuhod at binti ko sa sementadong sahig. Hindi ako makasigaw. Wala akong ibang naririnig kundi ang kanilang motor at pagsalpok ng camera ko sa sahig. Mababasag ang lens nito pero… hindi ko na kayang bumitaw. Hinila nang hinila ng lalaki ang strap ng bag ko. Humigpit iyon sa balikat ko kaya pilit kong hinubad para makawala. Napadikit ang kamay ko sa lupa at ramdam ko ang paggasgas nito. “Bitaw sabe! Ang tigas ng mukha mong babae ka! Bitaw!” Parehong naka-helmet ang magnanakaw. Hindi ko nakita ang mga mukha nila. Sa paghila niya ulit, sa malakas at walang modong hila sa bag ko ay nilusot ko ang braso sa strap para mahubad iyon sa akin. Naiwan ako sa kalsada, tungkod ang siko ko para hindi mapahiga at hingal na hingal kong tinanaw ang papalayong motorsiklo. “Magnanakaw!” Nilapitan ako ng babaeng nagtitinda ng nilagang mani at inalalayan ako sa pagtayo. Malakas na malakas ang kalabog ng dibdib ko. Imbes na hiya sa itsura ko, takot at nakakabinging sipa ng puso ko ang magkahalo kong naramdaman. Inupo ako ng babae sa gutter. Hinawi niya ang sumabog kong buhok at tinanong kung okay lang ako. I couldn’t answer that. I couldn’t move. Lumapit ang iba pang nakasaksi at tiningnan ako. “Snatcher?” “Oo. Kinaladkad nga siya hanggang sa makuha ang bag niya.” “Dapat hindi ka na nanlaban.” “Tumawag kayo ng pulis!” Hindi ko alam kung sinu sino na ang dumalo sa akin. Inabutan ako ng babaeng tindera ng mineral water. Sinabihan niya akong uminom. Nanginginig ang kamay ko. Marumi ang palad ko at nakita kong may gasgas nga. Sumisilip na rin ang dugo mula rito. “Nasira ang camera mo, miss…” Tila huminto ang ikot ng mundo ko nang marinig iyon. Tiningnan ko ang DSLR cam ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Ano ba ‘yan! Kabubukas ko lang ng studio ko! Kababalik ko pa lang sa trabaho, wala na akong camera! No’ng oras na iyon, habang pinapalibutan ako ng mga tao, tinatanong at hinahanap ang nagnakaw ng bag ko, wala akong ibang tinitingnan kundi ang camera ko. Para bang balewala sa akin ang mga natamong galos. Ni-report ko sa pulis ang nangyari. Pero walang nakakuha ng plate number ng motorsiklo. Hindi rin nakilala dahil parehong naka-helmet ang mga ito. Kinuha nila ang pangalan ko at address kung sakaling mahanap ang magnanakaw pero sa ngayon, pagkatapos kong mag-report ay wala akong magagawa kundi ang isiping hindi babalik ang gamit ko. Naroon ang perang kinita ko ngayong araw, wallet ko na may kaunting cash, cards at IDs. Pati ang cellphone at memory card ko. “Gusto mo bang tumawag sa inyo o ihatid ka namin sa farm, Mrs. Calavera?” tanong sa akin ng pulis na nag interview. Mayroon pang isa na nakatayo sa likod niya at tinitingnan ang logbook pero pasilip silip sa akin. Umiling ako. Wala kaming telepono sa villa. Ang alam ko ay walang cellphone sina Manang Lucinda. Kung mayroon man, hindi ko alam ang numero. “Gusto mong magpunta sa ospital? Para magamot ang sugat mo.” Nakaupo ako sa silyang plastic. Ang nasira kong camera ay nasa kandungan ko. Binigyan nila ako ng tubig at pinayagang maglinis ng kamay sa banyo pero hindi ako gumalaw. Tiningnan ko ang pulis sa mesa. “P-Pakitawagan niyo na lang po si Heaven Frago. Sa B-Baltazar farm po...” “Okay, sige. Baltazar farm,” Hindi sila nahirapang kontakin o alamin ang numero sa bahay nina Heaven. Sa Inn sila tumawag at pinasabi sa kanya ang nandito ako sa pulis station. At sinabi sa pulis na agad silang pupunta rito. Hindi nga nagtagal ay dumating sina Dreau at Heaven. “Angel!” Tumayo ako sa kinauupuan ko pagkarinig ko sa boses ng kaibigan. Takot at pag aalala ang nakita ko sa kanyang mukha. Agad na bumalong ang luha sa mata ko nang lapitan niya ako. Para akong bata na late sinundo ng kanyang mga magulang. Hinawakan ako ni Heaven sa braso. Kinausap naman ni Dreau ang dalawang pulis. Tinanong niya kung anong nangyari sa akin. At doon na narinig ni Heaven ang lahat. “Did you check all CCTV camera?” walang takot na tanong ni Dreau sa mga pulis. “Pinapaimbestigahan na namin ‘yan, Sir. Sa ngayon po ay naghihintay kami ng report. May pinadala na ho akong tao ko sa lugar na posibleng daanan ng riding in tandem na ‘yon.” Pinasadahan ako ni Heaven. Nakita niyang lahat sugat at galos ko. Pati ang kalagayan ng camera ko. Mabigat siyang bumuntong hininga. “Dreau,” “Yes, baby?” “Dalhin natin sa ospital si Angel.” May diing sabi ni Heaven sa kanya. Lumapit si Dreau sa amin. Tiningnan niya rin ang mga galos ko. Malutong pa sa chicharon itong nagmura bago ulit kinausap ang mga pulis. “I want an update from your men. Kung hindi niyo mahahanap ang gumawa nito sa kanya, ako ang maghahanap!” “Let’s go, Angel.” Hinila na ako ni Heaven, inalalayan palabas ng pulisya. Dinig na dinig ko ang mabibigat na yabag ng kanyang asawa na kasunod namin. Parang magkakabit ang yabag niya at bigat ng buntong hininga. Sumasabog ang kaba sa dibdib ko at hapdi ng sugat ko. Pero kahit ganoon ay narinig ko pa rin ang binulong ni Dreau Frago. “They will f*****g pay for this.” Heaven did look at her husband. I pretended I didn’t hear him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD