bc

Mark My Skin

book_age18+
13.5K
FOLLOW
385.2K
READ
fated
serious
campus
small town
like
intro-logo
Blurb

Bago pumanaw ang asawa ni Angel ay sinabi nito sa kanya na naibenta na ang Calavera Farm. Kasama pati ang kanilang tinitirhan. Sa isang lalaking manggagaling sa Mexico. Hindi na lingid kay Angel ang mga utang ng kanyang asawa. Gawa ng pagkalugi ay hindi rin nakabayad. Kaya naman ilang araw pagkalibing sa kanyang asawa ay inihanda niya ang natitirang gamit at ang sarili para salubungin ang nakabili nito bago lumisan.

His name is Draco de Narvaez. A Filipino-Mexican businessman. Sa halip na magtanong pa tungkol sa lalaki ay hinayaan na lamang niyang kunin nito ang Calavera Farm. She planned to start again, gamit ang maliit na savings na naipon niya.

But when Draco arrived along with his fiancée at her farm, she was mortified. That the man named Draco de Narvaez is the man she only loved and the man she tried to forget. Si Jandro. At siya na rin ang siyang nagmamay-ari sa ari-arian ng kinamumuhian nitong matandang lalaki.

If pain lives in her, she would be immune. But she was wrong. It outsmart her. The pain marked her skin after she chose to break his heart.

She was ready to live. But Jandro halted her.

Why?

Dahil kasama si Angel sa kanyang binayaran. He bought Mrs Angel Calavera from her late husband.

Ngayon, paano matatakasan ni Angel ang paghihirap sa piling ni Jandro?

chap-preview
Free preview
Prologue
“The LORD will fight for you; you need only to be still.” – Exodus 14:14 -- Prologue Angel Loise Nilabas ko ang tinabing loaf bread ni Manang Lucinda sa estante at ginayak para ihain sa labas. Sa totoo niyan ay hindi ko inaasahan ang pagpunta ng mga tao ngayon sa pangalawang araw ng burol ng asawa ko. Sila ang dating tauhan ng farm na bigla na lang niyang tinanggal sa trabaho. Kung may kakayahan siguro ay nagawa nilang magdemanda… pero hindi. Makalipas lang ng ilang linggo ay tuluyang bumagsak ang Calavera farm. Kung kaya nagulat ako dahil nakiramay sila. Pero nagpapasalamat din ako dahil hindi sila tuluyang nagalit sa kanya o maging sa akin. Kumuha ng maliliit na bote ng softdrinks si Manang Lucinda at nilagay sa tray. Pagkakita niya sa akin ay umawang ang kanyang labi. Tipid ko siyang nginitian. Hindi ko pinakita sa kanyang kinakabahan ako sa ginagawa. Kahit na ang ibig sabihin ng pagkatigil niya ay hindi ko na dapat ginagawa ang ginagawa ko ngayon. May sapat naman akong kakayahan at dahilan. Kung tutuusin ay dapat alam na niya iyon. “Kung ako sa ‘yo ay aasikasuhin ko ang mga bisita sa labas. Kami na rito, Angel.” Pagpahid ko ng mayonnaise, nilagyan ko ng ham at cheese, ay saka ko binalot sa tissue paper ang tinapay. Tapos ay pinatong ko sa nauna kong natapos palamanan. “Angel…” I sighed. Hininto ko ang paggalaw ng kamay. Binaba ko ang kutsara sa platito. Nilingon ko siya nang may buong tapang sa mukha. “Sige po.” sabay lunok ko para hindi niya mahalatang kumakalabog talaga ang dibdib ko. “Ilalabas din namin ito ni Roselia sa kanila. Unahin mo nang kausapin sina Nestor. Roselia!” inutos niya sa natitira pang kasambahay ang ginagawa ko at hindi na niya ako kinausap pa. Tumungo ako sa sala kung saan naroon ang kabaong ng asawa ko at ang mga inihandang upuan para sa gustong bumisita. Ang perang ginamit ko para sa kanya ay ang natira sa bank account na binigay niya sa akin. At ngayon ay nanganganib nang magsara kapag naubos pati ang maintaining balance. He didn’t give me a lot of his money. Wala akong interest dahil may sarili akong savings mula sa studio ko. Hindi iyon kalakihan pero hindi ko rin nagagalaw. I was always at home since he became bedridden. Sa pagkaratay niya ay pinagtapat niya sa akin ang totoong estado ng farm at nitong villa. Nagulat ako. Pero… wala akong magagawa. Hindi ako nakaramdam ng galit o kahit na anong poot sa kanya. I married him almost two years ago and I was never ever close to him. Huminto ako sa tabi ng antique na salamin at malaking banga kung saan hindi ako napapansin ng mga nakikiramay. Maliwanag sa sala dahil sa mga ilaw galing sa punerarya. Ang mga korona ng patay ay nakatayo sa magkabilang dulo ng puting kabaong ng asawa ko. He was sixty-eight years of age. A farm and villa owner. He came from a respected clan of Calavera and a son of a former Mayor here in Padre Garcia. Walang anak. Nirerespeto ng karamihan. He was my father’s childhood friend. Mayroong… bigat sa dibdib ko na hindi ko maalis-alis habang pinagmamasdan ko ang kanyang kabaong. Mag-aalas dos pa lang ng hapon. Nakabukas ang double door na gawa sa narra. Pumapasok ang natural na liwanag, alinsangan ng hangin, pati alikabok sa labas at mga taong dati niyang kasama sa kanyang negosyo. Ang sabi nila, ang bilis ng panahon. Hindi nila napansing may sakit ang asawa ko. Mabait ito at magiliw sa mga kapitbahay, at kulang na lang ay tumakbong mayor din gaya ng kanyang ama. Pero hindi iyon nangyari. Walang interest si Don Francisco sa pulitika. Kung sakaling naging asawa ako ng pulitiko, mag iiba kaya ang takbo ng buhay ko? Bumaling ako kay Mang Nestor. Tumayo ito at lumapit sa kabaong. Nilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang likuran habang pinagmamasdan ang dating amo sa loob ng makitid na himlayan nito. Hindi sila nabigyan ng tamang huling sweldo. Sinubukan ko silang kausapin noon pero pinagsarhan nila ako ng pinto ng kanyang bahay. Nangingibaw noon ang takot na baka masaktan ako pero gusto kong ibigay ang nararapat para sa kanila. Lumapit ako sa kanya. Tiningnan ko rin ang mukha ng asawa ko. Mas hapis ang mukha niya at wala nang bakas ng paghihirap niya noong nabubuhay pa. “Nakikiramay kami sa inyo, Madam.” Tipid akong gumiti at sinulyapan ang matanda. “Salamat, Mang Nestor. Wala sa hinagap kong… dadalaw po kayo. Katunayan ay talagang kinakabahan po ako ngayon. Hindi ko alam kung paano kayo pakikiharapin.” I told him nothing but the truth. “Sapat na pong pinatuloy niyo kami rito.” Again, nervous got me. Pilit humihiwalay ang boses ko sa tamang pakikisalamuha sa tao. Ako ang naiwan ni Don Francisco. Nasa akin ngayon ang trabaho para harapin ang pangyayari at mga taong dating siya ang gumagawa. Given that everything was abrupt and new, I was still not capable of this thing. But I needed to work. I needed to pass this up. I needed to be a Calavera’s wife. The widow. Sinulyapan ako ni Mang Nestor. Tumikhim kaya bumaling ako ulit sa kanya. My nervousness eased a little. “Kahit papaano ay masasabi kong malaki ang naitulong sa amin ni Don Francisco. Sa tagal kong naging tauhan ng farm, humusay din ang aming pamumuhay. Nagbago nga lang nang unti unti itong humina. Nawala ang mga parokyano na taun taon ay bumibisita. Nangamatay ang mga sunflower. Napabayaan ang mga tupa at baka. Ang mga dahilan para kumita ang farm ay bumagsak. Hindi ko masasabing hindi ito napansin ni Don Francisco. O talagang nawalan siya ng panahon dito…” Noong masugid na nanliligaw sa akin ni Don Francisco ay alam ko at sa buong bayan ng Padre Garcia kung gaano kalakas ang Calavera farm. Makikita sa kalagayan nito at hindi kailangang ipanganlandakan. Ang mga baka ay hindi nagtatagal sa livestock auction market tuwing biyernes. Nang magpakasal kami, naranasan ko ang maalwan na pamumuha sa kanya. Oo, mayroong nagbago. Pero hindi ko masabing dahil doon kaya unti unting bumagsak ang negosyo. Nang humina at nagkasakit na siya ay nilipat ko rito sa Padre Garcia ang photography studio ko. “Pero nagkasakit pala siya. Ito at… hindi na kinaya ng kanyang kalusugan. Sigurado akong nahirapan ka rin ang husto, Madam. Ikaw lang kasi ang alam naming mag aalaga sa kanya.” “O-Opo.” Tandang tanda ko ang mga araw naglabas masok ito sa ospital hanggang sa magdesisyon kaming alagaan siya sa villa. Hindi sa wala nang panggastos kundi wala nang magagawa pa ang doctor para sa kanya. “Nestor, magmeryenda na muna kayo.” “O, Lucinda? Narito ka pa pala? Akala ko…” Inilipag ni Manang Lucinda ang tray ng sandwiches. Sa kanyang likuran ay si Roselia na may dala naman ng softdrinks. Nagpasalamat ang mga kasamahan ni Mang Nestor bago isa isang kumuha ng pagkain. “Oo naman. Kamamatay lang ni Don Francisco.” Hindi lingid sa akin ang pagiging malapit ni Manang Lucinda sa mga dating tauhan ng farm. Kakaunti lang ang interaction ko sa kanila. Hindi pa ako nagtatagal sa villa ay pinaalis na sila at ang asawa ko naman ay nagkasakit na. “Kung naghahanap ka ng bagong mapapasukan, mayroon akong irerekomenda sa ‘yo. Dito rin sa Batangas.” “Ay ano ba ‘yang sinasabi mo, Nestor? Nasa harap natin si Angel, aba!” Ako ang natigilan at nagsibaling sila sa akin. Nagbago ang itsura ni Mang Nestor. Tinapik ito ng isa sa kasama niyang matanda. “O-Okay lang, Manang. Aalis din naman ako rito.” “Uh, ano…” nahirapan siyang dugtungan ang sinabi ko. Tapos ay nilingon niya ang kabaong. Ganoon din ang ginawa ni Mang Nestor. Tumahimik ang lahat na para bang babangon si Don Francisco at makikihalubilo sa amin. Bago sila umalis, ay nanlaki ang mga mata ko nang iabot sa akin ni Mang Nestor ang kanyang abuloy na nasa loob ng puting sobre. Nagulat ako at hindi ko talaga inaasahan. Patanggi na sana ako pero bahagya kong naramdaman ang pagsiko ni Manang sa tagiliran ko. Masama bang tanggihan ang abuloy? Wala akong ideya. Pero ang katotohang mag aabot si Mang Nestor pagkatapos ng lahat ng nangyari, ang nagpapatiklop sa akin sa kanilang harapan. Kinuha ni Mang Nestor ang kamay ko at nilagay ang sobre. Ngumiti siya. Tanda na nahihiya rin. “Pagpasensyahan mo na ang aming nakayanan, madam. Hindi kalakihan ‘to pero alam din namin ang estado ng farm. Tanggapin niyo na at hindi naman malaki ito.” “Pero Mang Nestor… kami nga po ang may utang sa inyo, ‘di ba? Bakit… po…” “’Wag mo nang intindihin ‘yon. Tapos na ‘yon. At saka, bumawas man ‘yan sa account namin dito sa lupa, e, madaragdagan naman ang account namin sa taas. Tuloy na kami. Lucinda.” Hindi ako nakakilos nang magpaalam sila kay Manang. Tiningnan ko ang sobre sa kamay ko. It was sealed. The amount wasn’t very important but the thought and the humility of these people. Parang may nagbukas ng pinto sa gilid ko at nang isarado nang malakas ay napaigtad ang isipan ko. Nanghina pero may bagong dumating sa utak ko. Ganito minsan ang buhay. Hindi mo alam kung saan ka dadalhin. -- Some of Don Francisco’s friends came that night. Mag asawang matanda na galing Cavite. Sinilip nila siya at kinausap ko. They gave me cold stare. Alam ko ang ganoong uri ng tingin. Pinasadahan nila ako ng mata. Hinaguran ng paningin na parang isa akong alien sa kanilang daigdig. Na malaki ang tainga o kaya ay mata. O humahaba ang ilong ko kaya’t manghang mangha pero hindi nila masabi nang deretso. Malaki ang agwat ng edad namin ng asawa ko at ako ay galing sa hindi kilalang pamilya. Minsan ay nasasaktan ako pero madalas ay hindi na. Iyon ang isang bagay na binalewala ng sarili kong ama. Na ayoko nang balik balikan pa dahil wala nang saysay. Para ano pa? Pinili ko rin naman ito. Hinawakan ni Heaven ang kamay ko pagkaupo namin. Kararating lang nila ni Dreau galing Boac at dito na sila dumeretso. Nasa harapang pwesto kami kung saan mas malapit sa kabaong. Nang dumating ang matalik kong kaibigan ay saka ko naramdaman na gusto kong magbuhos ng pagod, sama ng loob at kirot ng dibdib. Pagkarinig ko sa boses ni Heaven ay tila nakahanap ako ng tunay na makakapitan. Pero nang makita ko si Dreau, hindi pumapalya ang pagbalik ng alaala ng taong matagal ko nang hindi nakikita. Ilang taon na rin. Umalis siya ng Batangas at hindi sinabi kahit kanino kung saan pupunta. Kahit kay Dreau ay hindi niya sinabi. “Ang laki ng pinayat mo, ah.” Nag aalalang komento ni Heaven pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kay Don Francisco. Sinulyapan ko ang asawa niyang si Dreau Frago na nasa labas at naninigarilyo sa pintuan. “Sa puyat at pagod ito.” Binalik ko ang tingin sa kaibigan ko. “Magtatagal ba kayo rito sa Padre Garcia? Ang mga anak niyo? Hindi ba may kumpanya ring pinapatakbo si Mr. Frago sa maynila? Baka-“ “Bakit ‘yan pa ang iniisip mo? Makakapaghintay ang kumpanya. Ang mga anak ko ay binabantayan ng biyenan ko. Ang Villa namin dito ay bukas pa rin. Ikaw ang inaalala ko, Angel. Wala na si Don Francisco. Maiiwan sa ‘yo itong farm at Villa. Kahit papaano ay may background ako sa pagpapalakad nang tulad nito at hindi madali. Maraming dapat asikasuhin.” I sighed. “Don’t worry. Hindi naman ako ang papalit sa pagpapalakad.” “What do you mean?” Kinagat ko ang labi ko. Noong una ay nag-alinlangan akong sabihin kay Heaven ang totoo. Pero… aalis na rin naman ako rito kaya mas mabuti na ring may alam siya. “Bago nawala si Don Francisco, sinabi niya sa aking nabenta na niya ang farm at… itong villa. Marami siyang utang na naiwan. Ang sabi ng abogado niya, uuwi galing Mexico ang nakabili. Hinihintay ko lang na mailibing ang asawa ko.” “Ang ibig mong sabihin, hinayaan ni Don Francisco na mawala sa ‘yo ang bahay na ito?” “Hindi naman ito sa akin, Heaven.” “Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. May sakit siya at maiiwan ka niyang asawa niya. Wala siyang iniwan sa ‘yo para kahit papaano ay maging maayos ang kalagayan mo?” “I’m not after his money or anything. Baon siya sa utang.” “Ikaw ang iniisip ko, Angel. Asawa ka niya pero… saan ka titira? Babalik ka sa tatay mo?” “Ayoko. Hindi ro’n. Doon muna ako sa studio habang naghahanap ng mauupahan.” “Hindi. Doon ka sa villa namin. Maaalagaan ka pa nina daddy at mommy.” “Heaven…” “O kung gusto mo ay magpahanap tayo kay Dreau ng malilipatan mo?” “’Wag na. Alam mo namang… nahihiya ako sa asawa mo.” “Ikukuha kita ng kwarto sa Inn namin. That place is much better than the studio. Delikado. Nag iisa ka lang do’n at babae ka pa. Pwede rin namang magtalaga ng tauhan si Dreau roon para-“ “Okay, okay. That’s too much. Sa Inn na lang ako. Final na ‘yon.” “Mabuti naman at nakinig ka.” Pinasalamatan ko siya at sa huli ay napangiti. Nang may dumating na bisita ay tumulong si Heaven sa pag aasikaso. Tahimik na nakatayo si Dreau sa hamba ng pinto at sinusundan ng tingin ang kanyang asawa. Nang magtama ang mata namin, tipid ko siyang nginitian. May sama rin kaya siya ng loob sa akin? Tinanguan niya ako at nag iwas ng mata. He was very tall and masculine. Ang mga tao ay napapalingon sa gawi niya para haguran ng tingin. Pinapansin niya ako dahil kaibigan ako ng asawa niya. -- The Baltazars and Fragos were with me when we buried my husband. Hindi umaalis sa tabi ko si Heaven. At palagi namang nakamata sa kanya ang asawa. It was a peaceful and quiet day. Pagbalik namin sa villa, nagpahinga ako ng isang oras bago sinimulang balutin ang mga damit ko. Naka-ready na raw ang kwartong tutuluyan ko sa Baltazar farm’s Inn. “Pero, ma’am…” Tiniklop ko ang kamay ni Roselia kung saan nakaipit ang huling sweldo niya. “Humihingi rin ako sa ‘yo ng pasensya dahil sa ilang buwan na walang sahod. Salamat sa serbisyo mo, Roselia.” “Paano kayo, ma’am? Mayroon pa po bang matitira sa inyo?” I smiled. Kumuha ako ng pera sa sarili kong savings. Pinagkasya ko ang pera para sa pagpapagamot noon ni Don Francisco. Pwede ko pa naman kitain ulit ang inabot ko kay Roselia pero hindi magandang paalisin ito nang walang maiuuwi sa kanyang pamilya. Ganoon na rin para kay Manang Lucinda. “’Wag mo akong alalahanin. Magpahinga ka na.” Tiningnan niya ang pera sa kamay. Suminghot at pinunasan ang pisnging dinaanan ng kanyang luha. “S-Salamat din sa lahat, ma’am Angel. Napakabait niyo po sa akin.” Magiging mahirap din pala ang ganitong pamamaalam. Pagkaalis ni Roselia, tumayo ako sa gitna ng sala. Pinasadahan ko ng tingin ang marangya nitong itsura. I was heartbroken when I came here. Hindi ko nagawang ma-appreciate ang ganda nito noon. For me, it was just a beauty without significant meaning. Oo, maganda, malaki, mamahalin at marangya. Pero sa loob loob ko, ano ba ito sa akin? Hindi ito ang pinangarap ko. Hindi ito ang mahalaga. Walang kabuluhan ang mga bagay na nakuha ko noon at ngayon. Isa pa rin itong… masaklap na alaala. Kaya hindi ako nalungkot o nanghinayang nang sabihin niyang naibenta na ang lupain niya. Wala akong naramdamang na galit sa kanya. Dahan dahan akong umakyat sa malapad na hagdanan. He sold everything. Pati ang lahat ng gamit. Nilubos niyang lahat at hindi pa rin ako nakaramdam ng hinayang. Huminto ako sa landing at humarap sa baba. I scanned the whole place. Magpapasalamat ba ako sa panandalian kong tirahan? I didn’t give much of my attention then… adios. Pumasok ako sa kwarto ko para tapusin ang ginagawa. Sinugurado kong wala akong maiiwan na gamit. I sealed my bags. I cleaned the room and double checked the drawers and cabinet. Bigla kong naalala si tatay. Hindi siya nakapunta sa libing ng kaibigan niya pero sa huling lamay ay narito. Inaasahan kaya niyang babalik ako sa bahay niya? We didn’t talk. Kung mag usap man ay tipid at paiwas ang sagutan namin. Malabong mag alala siya sa akin. Inilabas ko ang dalawang maleta ko sa kwarto. Hinanda ko na sakaling magpaalam din si Manang Lucinda at Roselia. Naibigay ko na ang kani kanilang huling sweldo. Ang plano ko, pagkasarado ko sa villa ay idadaan ko sa abogado ang susi para siyang magbigay sa bagong may ari. Ayoko na silang makilala pa. Ang gusto ko ngayon ay bumuo ng bagong buhay. I made it for myself and I needed to do it again. “Angel,” “Po?” bahagya akong nagulat nang makita sa landing ng hagdan si Manang Lucinda. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay. “Dumating si Attorney Divino. May sasabihin yata sa ‘yong importante.” “Uhm, sige po. Susunod ako sa baba.” “Kailangan mo ba ng tulong para sa mga bagahe mo? Magtatawag ako ng magbubuhat niyan,” “’Wag na po. Nagsabi si Heaven na ipapasundo niya araw ako rito. Salamat na lang po.” “Si Mrs. Frago? Maigi. Hindi ka mag iisa.” Tumalikod na siya at bumaba ng hagdanan. Naabutan kong nagkakape sa sala si Atty. Divino. Suot ang kanyang pormal na black and white suit. Wala nang itim sa kanyang buhok. Pagkakita niya sa akin ay tumayo ito at nakipagkamay. “Attorney,” “Paalis ka na raw sabi ni Lucinda?” sinulyapan niya ang taas. “Opo. Idadaan ko sa inyo ang susi nitong villa pagkaalis naming lahat.” “Parang nagmamadali ka naman yata, hija? Nasa Mexico pa si Mr. De Narvaez at wala akong maaalalang sinabi kong umalis kayo agad. Kalilibing lang ni Francisco ngayong araw.” Bumuntong hininga ako. “May matutuluyan na naman po ako. Kaya… naisipan kong umalis na rin.” “Saang lugar ka nakakuha ng matitirhan?” “Dito rin po sa atin. Sa Inn ng mga Baltazar.” He nodded unconsciously. “Hindi mo naman kailangang umalis agad. Paunahin mo na lang sina Lucinda. Wala sila sa habilin ni Mr. De Narvaez.” Kumunot ang noo ko. “May kailangan pa po bang pag usapan sa dokumento?” “Naku, wala naman! Kumpleto ang lahat. Kaya lang… kailangan mo kasing maiwan muna rito, Mrs. Calavera. Hindi mo talaga kailangang umalis.” “Bakit po? Nagpapaantay ang bagong may ari?” at kung hindi ako nagkakamali ng dinig ay banyaga pa. Napaisip si Mr. Divino. “Hm, parang gano’n na rin.” “May… pagkakautang pa po bang naiwan si Don Francisco?” ginapangan ako ng kaba. Kung tama ang hinala ko, sisingilin nila ako roon at wala akong perang maiaabot. Napadasal akong wala naman na sana. “Sa pagkakaalam ko ay nabayaraan na lahat. Wala pa namang lumalapit sa akin para maningil.” Para akong nakahinga nang maluwang. “Bakit kailangan ko pong maiwan dito?” Hindi niya ako sinagot agad. Tinitigan ko si Mr. Divino. Nagkamot ito ng ulo at saka ako tiningnan ulit. “Pinakamabuti pang hintayin nating dumating dito si Mr. Draco de Narvaez. Siya na ang magsasabi sa ‘yo kung bakit kailangan mong maiwan. Pansamantala, ay sa ‘yo muna ulit ang pamamahala sa villa.” “Pero attorney…” “Mag usap na muna kayo bago ka umalis.” Umawang na lang ang labi ko. Hindi niya ipinaliwanag sa akin ang buong detalye maliban sa balitang pauwi na rito si Draco de Narvaez. Tinawagan ko si Heaven na hindi na muna ako lilipat sa Inn. Kakausapin at haharapin ko muna itong nakabili ng farm at villa. Pupuntahan na lang daw niya ako ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
90.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook