Chapter 4

3894 Words
“Your right hand, LORD, was majestic in power. Your right hand, LORD, shattered the enemy.” – Exodus 15:6 -- Chapter 4 Angel Loise Hindi ko akalaing darating ang araw na makikita ko ang mga tauhan ni Dreau sa Calavera farm. Nag aalala siyang baka pasukin kami ng magnanakaw, lalo na’t tatlo lang kami at mga babae pa rito. Pagkagaling namin sa ospital, may tinawagan siya at inutusang pumunta ng villa. Sila ang inatasang niyang magbabantay sa amin tuwing gabi. “’Wag na, Dreau. Sanay na naman kami nina Manang Lucinda at Roselia. At saka wala namang pumapasok dito kahit noon.” base sa alam kong balita sa farm ni Don Francisco. “For the meantime, Angel. Hindi kayo nakakasiguro sa security niyo. Nasaktan ka na. Hindi na dapat maulit ‘yon.” “Pero… nakakahiya… at saka w-wala akong maibabayad sa kanila.” I wanted to be honest. Totoo iyon. Nakakahiya at walang wala akong pera. Hinahanapan ko pa ng paraan ang nasira kong camera dahil malaking parte iyon ng hanapbuhay ko. Iyon pa naman ang pinakamaganda kong camera. Dreau also paid for my hospital bills. Kasama pati ang gamot na kailangan sa sugat ko. Kinumpleto niya bago kami umuwi. Sinabi ko kay Heaven na babayaran ko ang nagastos nila pero pinagalitan niya ako. Natahimik ako hanggang sa makauwi sa bahay. Tapos ngayon, maglalagay pa siya ng mga taong bantay namin sa gabi. Hindi ako sanay at saka… sino ba ako para alagaan nila nang ganito? “Don’t think about it. Sagot ko sila. Hindi rin sasakit ang ulo mo.” Nandito kami sa veranda. Nakauwi na ang mga gumagawa ng bubong. Sina Roselia ay nagluluto ng hapunan namin. Niyaya ko ang dalawang kaibigan kong dito kumain. Pumayag sila. Pero ang mga tauhan ni Dreau ay kumain na raw sa farm nila. Nasa baba sila at nagbabantay. Nasa apat na lalaki na pinamumunuan ni Cardo. Nakilala ko na siya noon pang bago pa lang si Dreau sa Baltazar farm. At kaibigan din ni… Jandro. Nakasandal si Dreau barandilya. Nakahalukipkip at seryoso ang mukha. Binalingan ko si Heaven sa tabi kong upuan. Humuhugot ako ng simpatya sa kanya pero batid kong sumasang-ayon siya sa kanyang asawa. “Mukhang hindi ko kayo mapipigilan… Maraming salamat sa inyong dalawa. Kung wala kayo…” “We will always be here for you, Angel. At ‘wag mo nang i-stress ang sarili mo. Magpalakas ka. Iyong camera mo-“ “Ay no! ‘Wag, please, Heaven. Sobrang laki na ng tinulong mo sa akin. Pabayaan mo na sa akin ang camera ko. Bibili ako ng bago.” Ngumiti ako pero tinitigan lang ako ni Heaven. I sighed and looked at Dreau. Napagtanto kong pareho ang uri ng titig nila sa akin. Ganito ba talaga kapag palaging magkasama ang dalawang tao? Parang iisa na lang ang paraan ng pagkilos nila? Maybe. “I have DSLR camera, too. Iyon na lang ang gamitin mo sa studio. Habang hindi ka pa nakakabili. At ‘wag ka nang kumontra, okay? Business partner mo ‘ko.” “O-Okay. Ofcourse.” Mabilis kong sagot sa huli dahil ayokong maramdaman niyang kinalimutan ko iyon. Hindi ko na hindian doon ang kaibigan ko. We both loved photography. Pero dahil mas focus ito sa pamilya, at may pagkaseloso at possessive itong si Dreau, hindi siya madalas sa studio. But still, magkasosyo pa rin kaming dalawa roon. Kaya nang sinabi kong ililipat ko sa Padre Garcia ang studio, pumayag agad si Heaven. May palagay akong palagi niyang sinusunod ang suggestions ko kasi dahil sa pagka busy ko sa pag aalaga kay Don Francisco. Para na rin maging convenient sa akin. Palaging ako ang iniisip niya. Kaya si Heaven… kahit hindi natuloy sa pagiging madre, nagmahal ng lalaking sanggano, para sa akin ay mas naging mabuting tao pa. She always kind, thoughtful and loving. Kaya hindi na siya pinakawalan ni Dreau Frago. Kahit mukhang malayo ang agwat ng paniniwala nila sa buhay, nagtagpo at nagmahal pa rin. That was one of the kinds of love I admire. It was very rare and pure. Mahirap hagilapin. Bago sila umalis, nagbigay pa ng bilin si Dreau kay Cardo. Panay ang tango ni Cardo tapos ay masinsinan din nitong kinausap ang mga kasamahan. Pag akyat ko, dumungaw muna ako sa veranda para tingnan ang ginagawa nilang apat. May dalawang nag uusap at umiilaw sa dilim ang kani kanilang sigarilyo. Nasa harapan sila ng villa. Ang dalawa ay umiikot, nagmamasid at nagmamatyag sa kapaligiran. Na parang anumang oras ay may manloloob sa amin. Alerto sila. Gumawa ng kape si Roselia para sa apat bago ito matulog pero hinayaan ko silang magtimpla na sa kusina kung maghanap sa madaling araw. I stayed there for a few minutes. I looked up at the dark sky with stars blinking until I finally went inside my room. -- Mabilis magtrabaho ang grupo ni Richard. Dalawang buong araw lang ay nayari nila ang bubong. Hindi naman pinalitan lahat. Marami siyang kinuhang manggagawa kaya madali ang trabaho at puro mga bihasa ito. Diniliver na rin ang apat na split-typed air-conditioning na ilalagay sa mga kwarto. Kaya naging busy at maingay ang villa sa loob ng ilang araw. Bumisita si Atty. Divino para kumustahin ako, ang kalagayan ko at ang lagay naming lahat sa farm. Humihilom na ang mga galos ko sa binti, tuhod at sa kamay. Sabi ni Heaven ay pahiran ko ng ointment para hindi magkapeklat. Wala nang pamumula pero nababakas pa rin ang natuyong sugat. “Parang nabuhay itong villa, ah.” Masaya niyang komento dahil sa nakitang mga taong mangagawa sa loob at labas ng villa. Tumango ako. “At tumibay pa po ang bubong. Ang sabi ni Engr. Richard, baka papinturahan ang loob nito. Mukha pong pinaghahandaan ng bagong may ari ang matagalan niyang pagtira sa Pilipinas.” “Totoo ‘yan, hija. Tuwing nakakausap ko nga siya, sobrang interisado siya sa farm at kung ano ang naging estado nitong nakaraang taon. Tiyak akong balak niyang buhayin ito at palaguin katulad nang ginagawa niya sa kanyang rancho sa Mexico. Nasabi ko na ba sa ‘yong ranchero rin siya roon?” “Opo.” “Magaling sa negosyo ang lalaking ‘yon. Kaya natitiyak ko sa ‘yong marunong ang taong pinagbentahan ni Francisco ng kanyang ari-arian. Ang isang hindi ko lang gusto ay wala siyang naiwan para sa ‘yo. Pasensya ka na, hija. Lumubo nang lumubo ang utang niya.” Humigit ako ng buntong hininga. “Wala po ‘yon sa akin, attorney. Hindi rin ako marunog sa farming. Mabuti na ring binenta niya. Gusto ko rin po talagang magsimula ulit sa ibang lugar,” “Lilipat ka?” boses mula sa likuran namin ni Atty. Divino. Si Richard na naliligo sa sariling pawis. Tanghaliang tapat at nasa labas ito para i-supervise ang pangatlo at huling araw ng mga gumagawa sa bubong. Nagpipinturan na sila ngayon. “O, Richard. Maupo ka nga rito. Uminom ka nitong tubig at para kang nakakita ng aswang d’yan.” Binalingan ako ni Attorney na ngumiti pa nang kaunti. Kumuha ako ng bagong baso sa kusina. Paglabas ko ulit sa dining ay nasa tabi na ng mesa si Richard. Nagpupunas ng pawis gamit ang kanyang panyo. Sinalinan ko siya ng malamig na tubig at binaba sa mesa. “Sorry. Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina. Nagulat ako. Gusto mong lumipat?” I simply nodded. “Saan naman?” “Richard.” Tawag sa kanya ng tiyuhin niya. Silence reigned. Uminom muna ng tubig si Richard bago ako nagsalita ulit. “I’m sorry talaga. Ang ususero ko,” Tumikhim si Atty. Divino. “Bakit ka ba nagtatanong, hijo? Mag ingat ka sa pagsasalita at wala pang isang buwan mula nang mamatay si Francisco.” Nagtinginan ang magtiyuhin. Kumurap kurap ako. Gusto ko sanang bumalik sa kusina pero bigla akong nahiya na kumilos sa harapan nila. “Sorry, Mrs. Calavera.” Tiningnan ko si Richard. Mas kalmado at mahina na ang boses niya. Para siyang natauhan. “It’s okay.” Hindi ko na pinahaba ang discussion namin tungkol sa plano ko sa buhay. Si Richard ay talagang nagpaparamdam sa akin. Katunayan… pagdating niya rito sa villa kaninang umaga ay pinasalubungan niya ako ng maraming ensaymada at pulumpon ng bulaklak. Nilagay ko iyon sa vase sa sala. Habang nilalagay ang aircon sa kwarto ko, kinausap niya ako. Kinumusta ang sugat ko at tutulong daw siya sa pagtugis sa nag-snatch ng bag ko. He’s charming and friendly. Iyon pa lang ang masasabi ko tungkol sa kanya. Pero kapag nagtatagal ang mata niya sa akin, malakas akong tumitikhim at tapos ay nagso-sorry siya at magkakamot ng batok. Parang hindi niya alintana na byuda ako at kamamatay lang ni Don Francisco. Dahil nga roon kaya pasulyap sulyap sa akin ni Manang Lucinda sa tuwing nariyan si Richard. People will talk, ofcourse. But really, I don’t care. Dahil alam ko sa sarili kong wala akong pagtingin kay Richard. Mabait siya, gwapo at edukado. Pero hindi ako interisado kung iyan ang tamang salita. Gusto ko lang magsimula ulit at iyon lang ang natatanging plano ko sa buhay. “Pero rito ka pa rin ba sa Batangas? Or do you want to go in Manila? I can help you.” reto niya sa kanyang sa sarili. Sa bilis ng pagsasalita niya, hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Parang mas naging excited pa siya sa paglipat ko kaysa sa ako para sa sarili ko. “Uhh… Hindi ako pupunta ng manila. Siguro, hindi muna ngayon. Baka sa susunod na mga taon. Pansamantala ay dito muna ako sa Batangas.” “Ah. May photography studio ka nga raw. Pero kung kailangan mo ng tulong sa paglipat sa manila, just call me. Ibibigay ko sa ‘yo ang number ko. By the way, may phone ka na ba?” “Wala pa.” Nakaligtaan ko ang pagbili ulit ng bagong cellphone at sim card. Hindi muna ako pinapasok ni Heaven sa studio. Pero nandito na si Debra kaya siya muna ang tao ngayon doon. Doon na rin siya natutulog. At ang DSLR cam ni Heaven ang gamit. “Pwede kitang samahan sa pagbili. Kung hindi mo naitatanong, e, bihasa ako sa pagpili ng magandang brand ng cellphone. Pasok sa budget at mapapakinabangan mo talaga nang matagal.” Tumawa si Atty. Divino sa kanyang pamangkin. “Hijo, kailan ka pa naging bihasa sa pagpili ng cellphone, ha? At may ganyan bang propesyon?” “Aba, meron, Tito Samuel. May mga teki ngayon. Saka hindi dapat basta basta bumibili ng cellphone. Hindi lahat ng mahal, okay. May mga insights akong pwedeng ibigay kay Mrs. Calavera para naman hindi masayang ang pera niya.” Tipid akong ngumiti sa kanya. “Thank you, Engineer.” Ngumiti rin siya. Nilagay niya sa harapan ang kanyang kanang kamay at yumuko. “You’re always welcome, Mrs. Calavera.” Ngumiwi ako. “Angel na lang.” “Huh? Okay lang sa ‘yo?” “Oo naman. Wag ka nang masyadong pormal. Hindi naman nalalayo ang edad natin, ‘di ba?” Para siyang nahiya at nagkamot ng sintido. “Actually, matagal na nga kitang gustong tawagin sa first name mo, e. Bagay na bagay sa ‘yo. Sinong nagbigay ng pangalan mo? Mama o papa mo? Or both?” Natigilan ako panandalian. My lips slightly parted at the change of topic. Muntikang mauwi sa hilaw ang ngiti ko pero agad akong nakabawi ng ngiti. “Lolo ko.” “Ow. Ngayon lang ako nakarinig nang gan’yan. Kadalasan, parents ang nag iisip ng name sa anak nila. Only child ka, ‘di ba?” Kumunot ang noo ko. Bumaling ako kay Atty. Divino. Nag iwas ito ng tingin sa akin. “Yup.” He chuckled. “We’re the same. Only son ako ng parents ko…” Malakas na tumikhim si Atty. Divino para patigilin sa pagsasalita ang kanyang pamangkin. Bumaling dito si Richard at tila nakuha nya ang sinasabi ng mga mata ni attorney. “Well, willing talaga akong samahan ka sa pagbili mo ng phone.” “Hijo, itanong mo muna kung gusto niyang samahan mo siya. Dere deretso ka at walang preno sa pagsasalita.” Natawa akong bahagya sa biro ni attorney. Si Richard ay napakamot na naman ng kanyang sintido. At bago pa niya ako tanungin, sinagot ko na ‘yon. “Thanks, but no thanks. Magpapasama ako sa bestfriend ko.” Mabigat na bumuntong hininga si Attorney tapos at tiningnan ang pamangkin. “Kita mo na?” “Sinisira niyo naman-“ Nang marinig ko ang isang mahinang katok sa labas, nag excuse ako sa dalawa at lumabas ng dining. Hindi ko na sinarado ang pinto dahil may mga gumagawa sa villa. Nakatayo si Cardo sa labas. At natigilan ako nang makita ang hawak niya. Agad ko siyang nilapitan para makasiguro. Tama ako! “Saan mo nakuha ‘to?” binigay niya sa akin ang bag kong ninakaw. “Natunton ni bossing ang tirahan ng isa sa mga nang snatch ng bag mo, ma’am Angel. Mabuti na lang at hindi pa naitatapon. Nariyan pa raw ang cards mo at IDs. Pero wala na ang pera. ‘Yong cellphone mo na binenta ay nabawi rin. Tingnan niyo raw po ang loob sabi ni bossing.” Turo niya sa bag. “Pasok ka. Ikaw lang ba ang pumunta rito?” “Opo. Pinahatid lang po ni bossing ‘yan.” Pagkaupo ko sa sala, agad kong tiningnan ang loob ng bag ko. Hindi na talaga akong umaasa na maisosoli pa ito. Pigtas na ang strap at medyo marumi pa. Ang cards ko naman ay itinawag ko sa bangko at magpapagawa ako ng bago. Pero ang IDs ko, nang makita ko ulit ay para akong tinanggalan ng malalaking bato sa dibdib. Intact pa sa wallet. Pati ang suklay, salamin, face powder at lipstick. Kumpleto ang IDs ko. Kinuha ko ang cellphone. Ang memory card para sa trabaho. Na-reformat na ang phone. Ang panghihinayang ko roon ay wala na ang mga nakunan kong litrato. “Narito pa naman lahat, Cardo. Almost. Pero okay lang.” bumaling ako sa kanya. “Paano nahanap ni Dreau ‘to? Katulong ba niya ang mga pulis?” “Ay hindi po, ma’am Angel. May tinoka siyang tauhan para tugisan ang dalawang mokong na ‘yon. Pero dinala naman po sa pulisya ang magnanakaw. Nakakulong na po ngayon. Pinapakanta na lang para mahuli ang kasama niya.” Umawang ang labi ko. Years ago… I knew I had heard about Dreau’s intelligence when it comes to physical ability. Pagkatapos no’n ay naging payapa na ang Baltazar farm at yumabong ang kanilang negosyo. Kwento sa akin ni Heaven, security ang numero unong sinisigurado ng kanyang asawa. Alam ko ang dating buhay ni Dreau Frago at kung paano ito natagpuan ng kanyang tunay na pamilya. Pati ang pag-kidnap kay Aaron noong sanggol pa lang. Kaya ganoon kahigpit si Dreau sa security ng pamilya niya. At pakiramdam ko, gamit ang malakas nitong impluwensya kaya nagawa niyang mahuli ang magnanakaw at naibalik pa ang bag ko. “Pakisabi sa kanya, maraming salamat.” Tumango siya. “Sasabihin ko po kay bossing. Alis na po ako, ma’am.” “Thank you, Cardo.” Hinatid ko siya sa labas at nagpasalamat ulit. Pagpasok ko ay saktong paglabas ni Richard galing sa dining area. Nakita niya ang dala ko. “Nabalik na sa akin ang bag ko.” Nanlaki ang mata niya. Tiningnan niya ulit ang dala ko. “That’s good news! Pero… kumusta naman ang laman? Buo pa ba?” “’Yung cash ang wala na at ang cellphone ko…” dinisplay ko ang phone at pinakita sa kanya. “Na-reformat. Pero sim na lang ang kulang. Hind ko na kailangang bumili ng bago.” “Well, that’s good news again. All you have to do is update your contact info and… also me?” Natawa ako sa huli niyang hirit. Okay din pala itong si Richard. Kuwela. “Tingnan ko.” “’Wag mo ‘kong kalimutan, ah? Angel…” Dumeretso ako sa kusina. Ibinalita ko kina Manang Lucinda at Roselia ang pagbalik ng bag ko. Masaya sila at nagulat din. Sinabi kong tumulong si Dreau Frago sa paghanap at ngayon ay nakakulong na ang salarin. Hiniling nilang sana ay mabulok sa kulungan ang kumaladkad sa akin pero sinabi kong “Bahala na ang Diyos sa mga taong iyon.” Saying like that, parang naririnig ko ang boses ni Heaven. Inakyat ko sa kwarto ang bag. Bandang alas singko ng hapon ay umuwi na ang mga gumagawa. Nakaitim na maong shorts ako dahil nasa bahay lang at medyo mainit pa ang panahon. Pinareha ko ng v neck plain gray t shirt na maginhawa dahil manipis ang tela. Tinaas ko ang buhok at inipitan ng shok shok. My face was bare. Kung nasa bahay ay bihira akong maglikot sa makeup pouch ko. Feeling ko ay hindi kailangan. Pero kapag umaalis ako, nagpapahatid ako nang kaunti. Depende sa mood ko. Ngayon, wala akong nilagay. Pati buhok ko ay basta ko lang inipitan ng shok shok. Ang sabi ni Roselia, natural daw ang beauty ko. Hindi kailangang palaging lagyan ng makeup. At kung lalagyan ay mas lalong lalabas daw ang ganda ko. Malantik ang pilikmata ko. May double eyelid. Ang ilong ko raw parang hinulma kaya mukhang perpekto ang tangos. Ang labi ko naman ay manipis at mapula. Kapag ngumingiti raw ako ay nakakahawa iyon. Tumayo ako sa harap ng salamin ng lumang aparador. Tinitigan ko ang mata ko at ilang parte ng mukha ko. I didn’t smile. I couldn’t… do it. Paglipas ng ilang segundo ay umalis ako roon. May bumabangong ngitngit sa dibdib ko. Kaya bago pa magbago ang nararamdaman ko ay lumabas na ako ng kwarto. Nanibago ako ay dahil hindi kasama si Cardo sa apat na tauhan ni Dreau na pumunta sa villa. O baka may ibang ginagawa o inutos ang bossing niya kaya wala ngayon. Pagkatapos naming maghapunan, nagkape muna kami sa kusina nina Manang Lucinda at Roselia. May maliit na flatscreen TV doon at pinanood namin ang paborito niyang palabas sa gabi. Nakinood na rin ako dahil hindi pa ako inaantok. Lumabas si Roselia. Nagmamadali itong bumalik at tinawag ako. “Bakit, Roselia?” “May dumating na sasakyan sa labas. Parang sina Mr. Frago yata ‘yon,” “Ha? Gabi na. Baka may nakalimutang ibilin.” Tumayo ako para makita ang tinuturo niya. Paglabas ko pa lang sa sala, bumukas ang pinto, magkakasunod na pumasok ang tatlong lalaki. Bitbit ang malalaking maleta at binaba sa gitna ng sala. “Anong… mga ‘yan?” tanong ko sa isang malapit sa akin. “Mga gamit po ni boss.” “Sinong boss?” Iniisip kong si Dreau iyon dahil sila ay mga tauhan niya. Tinuro niya ng labas. “Pababa na po siya ng sasakyan, ma’am.” Pagbaling ko sa pinto, nakangiting pumasok si Atty. Divino. Nakapantalong itim pero tila pambahay ang pang itaas niya. “Attorney…” “Mabuti at gising ka pa. Eksakto ang pagkabit ng aircon sa master bedroom at pagbili ng kama. Hindi ko alam na ngayong gabi uuwi si Mr. De Narvaez!” “Po?” “Narito na siya! Nagdidiskarga lang ng kanyang mga bagahe.” Tinawag niya ang isang tauhan, “Iakyat niyo na ‘to sa master bedroom. Kaliwa at unang pinto. Magmadali ka!” Sumunod ang tauhan at binuhat ang dala niyang maleta. Sinundan ko iyon ng tingin at naguguluhan sa tagpo na naratnan ko rito. Nagsasalita pa si Atty. Divino. Kinukwento sa akin ang biglaang pagtawag sa kanya ni Mr. De Narvaez sa gitna ng pagtulog niya. Nagmadali raw siya at hindi napaghandaan ang napaagang uwi ng bagong may-ari. “Akala ko po ba’y sa katorse pa siya uuwi?” tanong ko habang pinapanood ang pag akyat ng maleta sa hagdanan. Now, the new owner has arrived. “Iyon din ang alam ko, hija. Pero wala na tayong magagawa. Nanggugulat pala itong si Mr. De Narvaez.” He chuckled a bit. “Oo nga po. Kung ganoon… ngayong gabi na rin po ako lilipat sa Inn.” Hindi ko narinig ang sagot ni Atty. Divino. Akala ko ay lumabas siya ulit para asikasuhin si Mr. Draco de Narvaez. Gusto ko rin siyang makilala. Isosoli ko ang perang pinadala niya sa akin. Pagbaling ko kay attorney, nakatayo na ito sa tabi ng nakabukas na pinto, at siyang pagpasok ng matangkad na lalaki. Her hair was thick and a bit curly. You can immediately notice the roughness of his built but also the intimidation of his aura. My lips parted. And I felt like… my heart sank in the deepest hole of my chest. He was wearing black outfit. Black pants, black longsleeves polo, shoes and wristwatch. He has beard and thin hair on his jaw. He looked massively strong as his body built grew bigger and he matured. “J-Jandro…” I merely whispered his name. Nakita niya akong nakatulala sa pagdating niya. Sinarado niya ang labi at hindi inalis ang mata sa akin. Nagsasalita sa harapan niya si atty. Divino pero hindi niya pinapansin. Lahat ng atensyon niya ay binuhos niya sa akin. Now, I could feel my heart, started to beat loudly… rapidly… I couldn’t hear anything other than my heart. He is here… Jandro… is back! Hindi ko maialis ang mata ko sa kanya. Nilagpasan niya si attorney at naglakad palapit sa akin. Ni hindi ko makuhang kumurap. Huminto siya sa harapan ko. Hindi nagsasalita. Hindi umiimik. Hindi ngumingiti. Walang emosyon ang kanyang mukha. Tinabingi niya ang ulo. Ang corner ng kanyang labi ay bahagyang tumaas. Huminto ako sa paghinga. He looked down. Suminghap ako nang mag-squat ito sa harapan ko. Napaatras ako nang kaunti pero hindi lumayo sa kanya. Tiningnan niya ang nakuha kong galos sa pagkaladlad sa akin ng snatcher sa motor. Pinagmasdan niya iyon. Tinuro at halos idikit sa binti ko ang dulo ng kanyang daliri. Humakbang palapit si Atty. Divino. Marahil ay nalilito rin sa kanyang ginagawa. “Ah, Mr. De Narvaez… siya si Mrs. Angel Calavera. Ang naiwang asawa ni Don Francisco Calavera.” Nanlamig ako. Siya si Draco de Narvaez? Si Jandro ay si Draco?! Pumasada ang katahimikan pagkatapos magsalita ni attorney. Pinagmamasdan pa rin ni Jandro ang galos ko sa binti. Lumiit ang mata niya na para bang ini-scan niya ang binti ko. At nagsisimula na akong makaramdam ng ilang. Then, he stood up. He sighed heavily while staring at me. I looked up at him. I saw it again. The pair of eyes that used to be… mine. Pero nang magtagal ang titig ko sa kanya, tila dumilim ang kanyang mata. Tumalim at nagalit sa kung sino. “Why did you let her work, Atty. Divino?” may lamig ang kanyang tono. “I told you to give all her needs, am I right?” Namutla si attorney. “Y-Yes, ofcourse, Mr. De Narvaez! Binigay ko kay Angel Calavera ang perang pinadala mo.” Patuloy akong tiningnan ni Jandro. “Then, why did she need to work in that cheap studio?” Anong tinawag niya roon? “Ahh… wala naman kayong sinabing bawal siyang magtrabaho, hindi ba? At alam niyong may negosyo ang asawa ni Francisco,” “Hindi mo ako naintindihan, Atty. Divino. Hindi dapat umaalis ng farm ang nabili ko na. Iyon ang binilin ko sa ‘yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD