Chapter 19

3841 Words
“The LORD replied, “My Presence will go with you, and I will give you rest.” – Exodus 33:14 -- Chapter 19 Angel Loise “You shut the f**k up!” Napatayo ako at tumili. Kinuwelyuhan at sinuntok ni Dreau si Jandro. Bumalandra ang likod niya sa pader at napaigik ito sa sakit na naramdaman. Nabunggo at nabasag sa sahig ang isang vase na walang laman na bulaklak. “Dreau!” hinila ni Heaven ang asawa sa damit para pigilang dumugin si Jandro. “Don’t talk to my wife like that!” Pulang pula ang leeg at mukha niya sa tindi ng galit. Niyakap ni Heaven ang asawa sa baywang. Kumikirot ang dibdib ko nang makita ko ang dalawa na dahil sa sitwasyon ko… ay nadamay din. Ito ang iniiwasan kong mangyari pero… sa ganito pa rin nauwi. Nangilid ang luha sa humahapdi kong mata. Tiningnan ko si Jandro. Nakayuko nitong pinunasan ang pumutok na labi. Sinilip niya ang dugo sa hinlalaki at bumuntong hininga. He looked lazy, tired, exhausted and insane. “I’m sorry, Heaven. I didn’t mean to…” “Dreau, tama na!” Kumuyom ang kamao ko. Hindi nagpapigil si Dreau at kinuwelyuhan ulit si Jandro at sinalya sa pader. Jandro didn’t budge nor not even try to protect himself from his friend. Tumabingi lang ang ulo niya sa kalasingan. “Hahayaan ko ang pagbarumbado mo sa akin pero hindi sa asawa ko. Hindi ko palalagpasin iyon at kilala mo ako, Jandro.” Hinila ulit ni Heaven sa damit si Dreau. Lumapit sa kanila at pilit binibitaw ang kamay nito sa kuwelyo ni Jandro. “Please, Dreau. No… please…” her voice shook and worried and hurt too. Kinagat ko ang labi ko. Pinunasan ko ang pumatak na luha sa pisngi ko. “Hindi ito tungkol sa akin. Binili niya si Angel. Binili na parang gamit!” I gasped. Tila sinaksak ako sa salita at boses ni Heaven. Pabalyang pinakawalan ni Dreau si Jandro. Tumama ang ulo niya sa pader. Bahagyang yumuko at pumikit. I gasped. My feet moved a bit. Just one little movement but I restrained myself. Humakbang patalikod si Dreau at niyakap ang asawa. Nakikita ni Heaven si Jandro at tiningnan nang masama. “Bakit pumayag ka sa ganoon, Jandro? Hindi mo ba naisip… kung anong mararamdaman ni Angel? Sinabi ba iyon sa ‘yo ni Don Francisco, Angel?” baling niya sa akin. Pinunasan ko ulit ang bagong bulwak ng luha sa pisngi ko. Marahan akong umiling pero hindi ko magawang tugunan ang mata ng kaibigan ko. “Kailan mo nalamang binenta ka niya sa kanya?” Bumaling din si Dreau. Lumunok ako at yumuko. “P-pagdating niya rito sa villa…” my voice croaked and I have to cleared my throat after I answered her. “Kaya hindi ka makaalis?” “Oo…” Heaven loudly gasped and turned all her attention to me. “Bakit hindi mo sinabi sa amin?” Tila balong malalim na pumalaot ang luha sa mga mata ko. Lumabo ang paningin ko. Uminit ang mukha ko na parang pinagbabaga at sumikip ang dibdib ko. Pinagsamang sama ng loob at galit ang namumutawi sa pagsasalita ni Heaven. She sighed disappointedly. “Angel… magkaibigan tayo. Hindi kita tatalikuran kung lumapit ka sa akin at sinabi ang problema mo!” Hindi ako makasagot. Tumulo nang tumulo ang luha ko at humigop ng hangin. It is both pain, humiliation and regret that floated in my mind. Ito iyong mga pakiramdam na… nagtatago sa ilalim ng puso ko dahil walang may lakas ng loob para gisingin iyon. Mga damdaming iniiwasan ko marahil dahil pagod o takot akong harapin. “Binenta ka ng asawa mo at hindi ka tumakbo sa akin para humingi ng tulong!” “Problema k-ko na iyon, Heaven.” “Ang problema hindi sino-solo, Angel! Kung kaya mo, sige, hahayaan kita. Pero bakit nagtitiis kang mag isa kung nandito naman kami para sa ‘yo?” Nanginig ang labi ko. Umaapaw na ang luha sa mga mata ko. Nasasaktan akong… marinig na nasasaktan din ang kaibigan ko dahil sa akin. She frustratedly stomp her foot on the floor. Binitawan niya si Dreau. Namaywang siya at bagsak balikat akong tiningnan. “Pareho ko kayong kaibigan pero bakit kailangang umabot kayo sa ganito.” Binalingan niya si Jandro. Yumuko ako at pinunasan ang pisngi. “Kahit kasalanan ito ni Don Francisco, hindi pa rin makatao ang ginawa mo kay Angel, Jandro. Tinawagan mo dapat si Dreau nang malaman mong binibenta niya si Angel. Paano kung sa ibang tao inalok? Edi mas lalong napahamak ang kaibigan ko!” Hindi kumibo si Jandro. May ilang segundong walang nagsalita. “Heaven…” It was Dreau’s small voice. Naghintay ako sa kanyang sasabihin pero inabot ng ilang sandali ay hindi nito dinugtungan ang pagtawag. Nag angat ako ng tingin. Titig na titig si Heaven sa asawa niya. Her lips trembled but I know that she is still mad. At nang tila nag apoy sa galit ang mata niya ay napaawang ang labi ko. “Alam mo?” her head tilted. Tiningnan ko si Dreau. He is tall and big. Pero habang nakatingin ito sa asawa ay tila ito malaking taong tumitiklop at natatakot sa kanya. “Sinabi na sa ‘yo ni Jandro. Alam mo ang lahat ng ito, Dreau?” He didn’t answer her. Nang subukan niyang abutin ang kamay ni Heaven ay agad iyong iniwas ng kaibigan ko. “Ang gagaling niyong dalawa. Pinaglaruan niyo ang kaibigan ko! I am disappointed to both of you! Ikaw pa, Dreau. Hindi ka na nagtanda!” Mangha kong pinagmasdan si Dreau. Tiningnan niya ako sandali. Pero nakita ko kung gaano nadagdagan ang edad niya nang magalit si Heaven. “Nagkakampihan kayo kapag may kalokohan kayong pinaplano. Pero hindi simpleng kagaguhan itong ginawa ninyong dalawa. Nakapanakit kayo ng inosente.” “I’m sorry…” “Kay Angel ka mag sorry at ‘wag sa akin, Dreau. Huwag sanang mamana ng mga anak mo ang pinaggagawa mo.” “Baby…” hirap at tila natalong habol ni Dreau kay Heaven nang talikuran siya. Nagulat ako nang sa akin lumapit si Heaven at hinila ang kamay ko. Pagharap niya sa dalawa, napatuwid ng tayo si Jandro. Tiningnan niya ako pero kabado niyang binalingan si Heaven. Kahit ako, parang ibang Heaven ang narito ngayon. Hindi na siya iyong kaibigan kong handang mag intindi at magparaya. Pero siguro, iba ang sitwasyon na ito. She is entitled to maturity, to progress and to say whatever she wanted to say. Kaya para akong kapatid niyang natuliro at takot siyang sagutin sa bawat bato niya ng nakakangatog ng tuhod na katanungan. “Babayaran ko ang perang nilabas mo. Pero ngayon pa lang ay iaalis ko na si Angel dito.” Namilog ang mga mata ko pero panandalian lang iyon dahil hinila na ako ni Heaven palabas ng dining. Humarang si Jandro at mataktikang inabot ako. Sa lakas, nakuha niya ako. Nilagay niya ang kamay sa likod ng ulo ko at nilubog ang mukha ko sa kanyang dibdib. Tinulak ko siya pero hindi ito nagpatinag. Para niya akong gustong itago sa kanila. “No. Dito lang siya.” sabi niya kay Heaven. “Sa amin na muna siya, Jandro.” May diing sagot ng kaibigan ko. At hinila ako ulit. Mahigpit akong niyapos ng mga braso at katawan ni Jandro palayo kay Heaven. Umabot ako sa puntong nahirapan akong huminga kaya tinutulak ko siya sa tiyan at dibdib. “J-Jandro ano ba…” I muttered on his chest. He buried his lips on my hair. “No… Dito ka lang… Sa akin ka lang…” “Bitawan mo siya, Jandro.” Inagaw ako ni Heaven. Hinila niya ang braso ko at kinakalas ang braso ni Jandro sa katawan ko. He still protested back. At panay ang sabing “dito ka lang” nang paulit ulit. Pero nagbago ang lahat nang tumulong si Dreau na pakawalan ako. "Jandro masasaktan si Angel," Jandro groaned but Dreau’s strong hands freed me from being caged in his friend’s arms. He pulled me away from him. Nang makawala, hinarang ni Dreau ang sarili para makalabas kami ni Heaven. Tiningnan niya ang kanyang asawa pero hindi siya nito binalingan. “Bilisan mo, Angel.” Halos takbuhin namin ni Heaven ang palabas ng villa. Wala akong ibang maisip kundi ang sumama sa kaibigan ko. Hindi ang gamit na dala ko o ang mga gamit na maiiwan ko rito. “Angel!!” We can hear Jandro’s furious shout. Pagbaling ko sa likuran, narinig ko ang mabibilis na hakbang ng paa niya at tawag ni Dreau sa kanya. Pagkalabas namin ng villa, naghihintay sa labas ng sasakyan sina Euric at Billy. They both have serious faces like as if they know what is happening. “Bring us home, Euric.” Utos ni Heaven. “Anong nangyayari, ate?” Huminto kami sa pintuan ng sasakyan ni Dreau. Hindi pa rin binibitawan ni Heaven ang kamay ko. “Sa bahay na natin pag usapan, Billy. Isakay niyo na si Angel at baka habulin pa siya ni Jandro.” “Hala? Bakit?” There is no time for long explanation. I can see Billy’s hesitation when he looked at me. Naroon ang pagtataka, pagkalito at alam kong mas pipiliin niyang kampihan si Jandro kaysa sa amin. Pero si Euric ay binuksan ang pinto at sumakay na sa driver seat. “Sumakay ka na rin.” Tulak sa akin ng Heaven. Binuksan ni Billy ang pinto sa likod. Sumakay ako at umusod para sa uupuan ng kaibigan ko. Heaven looked at the villa’s front door. Pagbaling ko roon ay nakita ko ang nagmamadaling si Jandro at papunta sa amin. Kasunod nito si Dreau na hinahabol siya. “Huwag ninyong isama si Angel, Billy, Euric!” galit na galit niyang utos. Kunot noo kaming binalingan ni Billy. “Bakit nagagalit na naman si Kuya Jandro?” Hinila ni Heaven si Billy at saka sinarado ang pinto ng sasakyan. Isang beses niyang pinalo ang salamin. “Drive the car, Euric.” “What the f**k?” naguguluhan ito pero binuhay niya ang sasakyan. Humawak ako sa headrest ng upuan niya. Bumilis ang takbo ni Jandro. Dinuro ang sasakyan. “Stop the f*****g car!” “Nababaliw na…” simpleng komento niya. Sa pag atras niya, agad siyang nagpreno. Nilingon niya ako. “Sigurado ka bang gusto mong umalis? Iiwan mo talaga si Jandro?” Pagsabi niya no’n, bumaling ako sa kung nasaan ito. Inutusan ni Dreau sina Cardo na hawakan at palibutan si Jandro. Napatakip ng bibig si Heaven habang pinapanood sila. Si Billy ay lumapit kay Dreau at kinausap ito. Pigil sa balikat at magkabilang braso, tumitilapon ang lupa sa pilit na pagkawala ni Jandro sa mga ito. Namumula ang mukha at mata niya. Pawisan na at alam kong akong pagod mula kanina. Sumisigaw siya habang nakatingin sa sasakyan namin. Binaba ni Euric ang bintana. Sinampay ang braso sa pinto. Tinago ko ang sarili sa likod ng kanyang upuan. Hindi ko kayang tingnan ang ginagawa nila sa kanya. “Angel! Angel!” his voice filled the place. Si Dreau ay nakatayo sa likod niya. Nagbabantay at nakamasid na parang kayang kaya ni Jandro na takasan ang mga tauhang nakapalibot dito. “Huwag kang umalis! Ano bang gusto mong gawin ko? Ano?” Nanginig ang labi ko. Pinikit ko ang mata at dinukdok ang noo sa likod ng upuan ni Euric. “Gusto mo bang lumuhod ako? Luluhod ako!” Nagmura si Euric kaya napadilat ako ng mata. Tila may sumuntok sa dibdib ko nang makitang tinototoo ni Jandro ang sinabi. He knelt on the muddy land and begged. Ang dalawang kamay ay hawak sa likod ni Cardo. Parang mapupunit sa gulo ang damit nito at nadudumihan ang pantalon. I bit my lip to suppress my sob. “Nakaluhod na ako, Angel. Ano pa ang gusto mo? Gusto mong marinig kung gaano kita kamahal?” He stared at the windshield. Pakiramdam ko ay tumatagos sa salamin ang mata at nakikita ako. “Mahal na mahal… Mahal na mahal na mahal pa rin kita!” napakalakas niyang sigaw. “Noong iniwan mo ako, mahal pa rin kita. Noong nagpakasal ka sa iba, mahal pa rin kita. Pagbalik ko… mas mahal pa rin kita!” Suminghap ako at tinakpan ang bibig. Tinitigan ko siya. Pinagmasdan at sinaliksik sa puso ko ang lalaking dumating sa villa para maghiganti. Para tuparin ang galit na naipon at ibuhos sa akin. “What about Marina?” tanong ni Euric na nakalusot ang ulo sa bintana. Umiling ako. “Euric…” “Ang sabi niya mahal ka niya. E, sino si Marina sa buhay?” nilingon niya ako. “Hindi na iyon mahalaga.” “Kalokohan.” Nilusot niya ulit ang ulo sa bintana. “Ayaw ni Angel na may iba ka, gago!” Nagulat ako at binatukan si Euric. Nauntog siya nang ipasok ang ulo sa bintana. “Siraulo ka.” nanggagalaiti kong sabi. Akmang tatayo si Jandro pero binagsak ni Dreau ang balikat niya kaya napaluhod ito ulit. “Wala kaming relasyon ni Marina!” Euric tsked. “So, it’s just a play, then. Kaya pala hindi sweet.” Tumingin ako sa villa. Iniisip kong alam ni Marina ang nangyayari rito at baka mula sa loob ay tahimik itong nanonood at nakasilip. “Angel! Angel!” Paulit ulit niyang tinawag ang pangalan ko at nagmamakaawa. Nang tumayo, binagsak siya ulit ni Dreau. Pumikit si Jandro na parang may sugat na nadiinan. “Bumaba ka na d’yan, please…” Muli siyang dumaing. His teeth gritted. Hindi ko nakikita kung may ginagawa sila o sinasaktan si Jandro pero lumalabas sa mukha niya ang ngiwi at sakit. “f**k. Angel!!” Agad lumapit doon si Heaven. Tumayo siya sa harap ni Jandro. Kung may sinabi ito ay hindi ko na naririnig. Pero nasilip ko ang pag iling ni Jandro at hiniling sa kaibigan kong pababain ako ng sasakyan. Hinawakan ko ang handle ng pinto. I gripped on it. Nate-tempt akong bumaba at lumapit sa kanila. Iisang tao lang ang pinipigilan pero higit sa lima ang mga taong pumipigil sa kanya. Dreau is there. Heaven, too. Pero kapag bumaba ako… baka hindi na rin ako makaalis. Euric waited too. Hindi niya pinaandar ang sasakyan hangga’t walang go signal sa Kuya niya. “Iba talaga nagagawa kapag nagmahal ka. Lalamunin ang pagkatao mo hanggang sa maubos ang lahat sa ‘yo. Kaya dapat… hindi ka nagmamahal nang buo. Mawawasak ka lang sa huli kapag nagkataon.” I heard Euric murmured. Binitawan ko ang handle. Sumandal ako sa upuan. Ilang sandali pa, patakbong lumapit sa amin si Billy. “Sa villa ka muna nina ate Heaven, ate Angel. Lasing na lasing si kuya Jandro kaya… hindi makausap nang matino. Umiiyak na kay bossing. Pabababain muna ang amats bago namin siya pakawalan.” Umawang ang labi ko. “Ikukulong niyo ba siya?” Nagkibit ng balikat si Billy. “Baka dalhin sa doctor kapag bukas ay gan’yan pa rin.” “Bakit? May sugat ba?” nilingon ko sila sa labas. Kaya ba siya ngumingiwi o dumadaing dahil may sugat? Saan naman niya iyon nakuha? “Wala naman, ate. Basta si bossing na ang bahala sa kanya. Alam naman niya ang gagawin do’n. Umalis na kayo.” Marahan akong tumango. Hindi nagpaalam si Euric para hindi raw bumaling sa amin si Jandro. Hinarangan sila ng mga tauhan para hindi kami mapansin. Kahit si Heaven ay hindi na rin lumingon. Pagdating ko sa Aurora Villa, sinalubong kami ni Nana Yolly at dinala ako sa guest room sa baba. Nagpatawag din ng kasambahay para ipaghain ako ng pagkain pero nang dalhin iyon sa guest room ay hindi ko ginalaw. Nakaupo ako sa gilid ng kama at tumitig sa sahig. Sa tagal kong ganoon na pwesto, hindi namalayan ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Heaven. Napansin ko lang siya nang tabihan niya ako. Gulat ko siyang tiningnan. Nagpalit na siya ng damit at mukhang bagong ligo base sa basa niyang buhok. Nginitian niya ako pero… naroon pa rin ang lungkot sa mata niya. “K-kumusta na siya?” nag aalangan kong tanong sa kanya. She sighed. “Ayun. Nagwala at umiyak nang makitang wala ka na. Kinailangan pa siyang pwersahin para ipasok sa kwarto.” “Pwersa? Sinaktan ba siya nina Cardo?” Nag aalala ako na baka sumobra ang pananakit at lasing pa si Jandro. Pwede naman siyang hayaang matulog sa labas kung talagang ayaw. He is drunk. Hindi niya alam ang ginagawa niya. “My husband had to do something. Nanlaban siya at pinilit sumakay sa Raptor niya. Hinila siya ni Dreau at… sinikmuraan. Sorry, Angel. Halos kaladkarin na siya maipasok lang sa villa.” Lumunok ako. Nakikinita ko ang kanyang itsura na nakahandusay sa sahig. Basang pawis at hindi mo aakalaing si Jandro. Pumikit ako at winaksi sa isipan ang mga imaheng iyon. “He is very wasted.” She sighed. “And crazily in love with you. Ilang ulit niyang sinabi sa amin na mahal ka niya. Na hindi siya titigil hanggang sa magkabalikan kayong dalawa.” “Marami siyang nainom.” “Paano kung totoo? Hindi siya iiyak nang ganoon kung hindi nakainom. Ngayon ko lang nakita sa ganoong itsura si Jandro. Nagpipigil lang si Dreau pero… parang gusto na rin niyang matunaw at umiyak kasama niya. Hindi niya gustong saktan si Jandro kaso… kapag hindi siya pinatino baka siya ang mapahamak. His love for you is dangerous. Walang sinasanto.” “Nasaan na sina Dreau at Billy?” may kalabog sa dibdib ko. “Sasamahan nila si Jandro sa villa. Hinatid lang ako rito.” “Kailangan ko bang… bumalik doon para pakalmahin siya?” “Si Jandro?” umiling siya. “Mas mabuti dumito ka muna. Kami na ni Dreau ang bahala. At babayaran ko talaga ang limang milyong sinasabi niya.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Heaven, hindi mo naman- “Totoong nagalit ako sa ‘yo. Kaibigan mo ako pero sinolo mo ang problema mo. Hindi ito pambawi noong tinulungan mo ako nang mawala si Aaron pagkapanganak ko. Hindi ito pambawi o anupaman, Angel. Mahal kita at mahalaga ka rin sa akin. Kapatid na ang turing ko sa iyo. Kaya nasasaktan akong makitang… pinapasan mong mag isa ang problema mo.” “Sorry…” bulong ko. “Ngayon ay talagang masasabi kong masama ang ugali ng Don Francisco na iyan. Hanggang sa huling sandali ng buhay niya, ginawa ka pa ng kasamaan. Ayokong pangunahan ang Maykapal pero sigurado akong hindi sa taas ang punta ng kaluluwa niya.” Yumuko ako. Mabigat siyang bumuntong hininga at pinisil ang kamay ko. “Hindi ko rin ito-tolerate ang ginawa nina Dreau at Jandro. May sinabi ang asawa ko kanina. Pero hahayaan kong siya ang magtapat sa ‘yo. Kung anumang plano ang binuo ni Jandro pagbili sa ‘yo at pag uwi rito, alam na nating lahat na pumalpak na iyon. Tingnan mo ngayon, umiiyak dahil umalis ka. Nandito ka lang naman sa villa namin. You are still in Padre Garcia but he cried a river.” “Ayokong magkatampuhan kayo ni Dreau nang dahil sa amin,” Humalukipkip siya. Parang nakaisip nang makakinis na bagay tapos bigla ring natunaw at lumambot ang puso. “Mahal ko si Dreau. Tanggap ko ang buong pagkatao niya at nakaraan. Kahit ilang beses niyang ibaba ang sarili, mahal ko pa rin siya. Kahit hindi maintindihan ng lahat kung bakit. Pero minsan kailangang patinuin din siya at pagsabihan kapag may kasalanan. Hindi nagtatagal ang galit ko, Angel. Pero may rason naman kung bakit.” I turned to her and I felt the sincerity in her words. Nginitian niya ako. Pinagsabihang magpahinga na at baka maging mahaba ang araw namin bukas. “Mayroon ka pa bang nililihim sa akin, Angel?” Natigilan ako at nilingon siya sa pinto. Inayos ko na ang kama at akala ko ay nakalabas na siya. “H-ha?” “I’m always willing to listen. Don’t forget about that. Good night.” Then she closed the door. Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising kaya masakit ang ulo ko. Napuyat ako. Dala ba ng nangyari kagabi o namamahay ako o pareho. Kinatok ako ni Heaven at dinalhan ng bagong damit. Pinasasabay na rin niya ako sa almusal at kung hindi ay ipapahatid na lang dito sa kwarto. Ang sabi ko ay lalabas na lang ako. I am wearing his maong shorts and longsleeves blouse. Nahiya ako nang makita ang parents ni Heaven pero asikasong asikaso ako ng mommy niya. Pagkatapos naming kumain ay sinamahan ko si Heaven sa kwarto ng dalawang anak niya. Nandoon ako nang matanggap ang text ni Debra. Debra: Safe nakauwi si Engineer. Papasok ka ba today? Ako: Oo. Male-late lang ako ng kaunti. Salamat! “Papasok ka?” tanong agad ni Heaven nang masabi kong nagtext si Debra. “Oo. May kailangan akong tapusin,” Bumuntong hininga siya at namaywang. “Dalhin mo na lang dito. Sa study ka magwork. Papuntahin mo na rin si Debra.” Napatuwid ako ng tayo. “Paano kung kidnapin ka ni Jandro?” Namilog ang mata ko. “Hindi naman…” “Mas maigi ang makasiguro tayo. Huwag muna kayong magbukas. Baka mamaya niyan may tauhan na roon sa studio. Malaman na lang naming kinasal na kayo.” “That’s too much, Heaven. Hindi mangyayari ‘yan.” “Everything is possible.” Nagkibit siya ng balikat. “Kung hindi importante ang lakad mo, mas mabuting dumito ka lang. Maigi nang safe ka.” Napahilot ako ng batok at naupo ulit sa couch. Pinag isipan ko muna ang sinabi niya. At saka ko tinext si Debra. Pagkaraan ng ilang minuto, may kumatok sa pinto at sumilip si Euric. “Puntahan ko sila roon, ate. May ipapasabi ka ba?” Binaba ni Heaven ang bunso sa crib. Si Aaron ay tumawa at lumapit sa akin. Nilagay niya ang laruan sa kandungan ko. Napangiti ako at kurot sa mamula mula niyang pisngi. Ang cute cute ng inaanak ko. “Wala naman, Euric. Okay lang. Katext ko naman ang kuya mo.” “Okay. E, ikaw, Angel?” “Hmm?” nakangiti akong nag angat ng mata kay Euric. He grinned. “May gusto ka bang ipasabi kay Jandro mo? Kawawa iyon kagabi.” “Huwag kang mang asar, Euric.” Uminit ang mukha ko. Umiling ako sa kanya at binalik ang atensyon sa inaanak ko. “Alright. Sasabihin ko na lang na busy ka sa mga bata at hindi mo siya namimiss. Bye!” Hindi na siya nalingunan ni Heaven para sitahin dahil agad nitong sinarado ang pinto. “Ignore him, Angel. Malakas mang asar pero talagang mabigat din ang problema ng isang iyon. Kapag nakita niya ulit si Donna, hindi na ‘yan makakapang asar.” Pahapyaw na sinabi sa akin ni Heaven ang nangyari sa asawa ni Euric. May kakayahan silang hanapin si Donna pero pinaubaya ni Dreau sa kapatid ang suliranin sa asawa. Hinawakan niya ako sa balikat at bumuntonghininga. "Gusto mo bang pumasyal sa Boac?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD