Chapter 18 Part 2
Angel Loise
Hindi ako sumisid kundi ginagalaw ko lang ang mga braso sa tubig. Ginagaya ko ang galaw ni Euric sa pag swimming nang hindi nilulubog ang ulo. Mas kuntento akong nasa gilid lang. Kumunot ang noo ko nang magsabi ng pangalan si Richard.
“Yup. Stockholder ako sa kumpanya nila. Do you know her?” kunot noong tanong ni Euric.
“Nope. Kilala sila sa business world. Magkalabang kumpanya pero naging mag asawa ang dalawang namumuno. Isa pa, may mga kaibigan akong may crush kay Quinn Santiaguel. Kahit noong screenname na Valdez pa ang gamit niya. Gustong gusto nilang makarinig ng kanta niya.”
Euric smirked. “Ang sabi ni Royal ay gumagawa pa rin daw ng kanta pero ayaw niyang i-release. Sa kanya lang daw ‘yung kanta.”
“It could have been another hit,”
“Yeah. But they are not after fame, Engineer. Masaya na sila sa buhay may pamilya. They are contented now.”
May dumaang sasakyan mula sa tulay at napatingala ako roon. Dumagundong agad ang dibdib ko. It is the Raptor.
“Jandro! ‘Nak ng putik ang tagal mo hoy!” sigaw ni Gerry kahit wala pa ito.
Pero hindi nagtagal ay nakita naming bumababa si Jandro. Kasama si Marina.
“Uyy!” bati ni Gerry sa kanya.
Lumunok ako at yumuko. May kung anong gumapang na kaba at pangamba sa dibdib ko pagkakita sa dalawa. Ano naman kung isama niya si Marina. Outing lang ito at mas madalas pang nasa villa lang si Marina kaya makakabuti rin ito sa kanya.
Pumunta ang dalawa sa cottage. Naririnig ko ang conversation nina Marina at Debra. Tapos ay nagsalita ito ng Spanish. Tumahimik kami. Nag uusap silang dalawa ni Jandro. Lumingon ako at nakuryoso.
Nakangiti si Marina sa kanya pero Jandro ay nahuli kong nakatitig sa akin. Namilog ang mata ko at agad ding inalis ang paningin. Bumilis ang paghampas ko ng braso sa ilalim ng tubig kasabay ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
“Kuya Jandro tara na rito!” kaway ni Billy.
Lumangoy si Richard. Tumawa at lumapit sa tabi ko.
“Marami pa lang chaperon ang kaibigan mo.” bulong niya.
Natawa ako. “Well, at least safe sila sa atin.” Nga naman. Ang original plan ay samahan ko si Debra at Gerry pero dumami na kami at parang barkada outing na.
Natawa pa ako sa mga birong hirit ni Richard. Ilang sandali pa, nagsitalunan na rin sina Gerry at Debra sa tubig at mas lalong naging maingay kami sa pool.
Hinila ako ni Debra sa gitna. Sinubukan kong ilubog ang ulo pero umahon ako agad. Naglaro kami na parang mga bata. Sina Euric at Billy ay naglakad lakad sa batuhan na parang mga mountaineer na may tinutuklas.
“Kumain na kayo.” Jandro suddenly declared. Hindi pa sila sumasali ni Marina. Mukhang mas pinili nilang tapusin ang iniihaw ni Gerry.
“Let’s eat, guys!” the cheerful Marina said.
Isa isa kaming umahon. Ako ang pinakahuli. Parang magnet na bumaling ako sa kung nasaan si Jandro. Nahuli ko na naman ang titig niya sa akin. Sinusundan niya ako ng tingin. Tumikhim ako. Inayos ko ang string ng bikini sa sobrang kaba ko. Umiwas ako sa kanya pero ang dala niyang kilabot ay hindi ko maiwasan.
No’ng kailangan kong magpunas, inabot niya ang tuwalyang siya yata ang nagmamay-ari.
Natigilan ako.
“What?” kunot noo niyang tanong.
Lumunok ako. Nilunod ko ang sarili sa hangin pero nandito pa rin ang kalabog.
“May dala akong tuwalya.” Tanggi ko sa tuwalya niya. Pumasok ako sa loob ng cottage at umupo sa harap ng bag. Kinuha ni Debra ang towel niya mula sa labas.
“Dapat nilabas mo na ‘yan kanina para-
Pumasok din sa loob ng cottage at umupo sa tabi ko si Jandro. “Baka sipunin ka.” halos bulong niyang sabi. Pinatong ang tuwalya niya sa balikat ko.
Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Nang lingunin ko siya, pinasadahan niya ako ng mata na parang nag-i-inventory. Sunod niyang hinawakan ang tali sa batok ko. Napaigtad ako at sabay tabig sa kamay niya.
“Anong ginagawa mo?” may diin kong tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay.
Nilingon ko si Marina na nag aasikaso sa pagkain sa labas.
“Hindi ko gusto ‘yang suot mo. Kung wala kang shorts… hindi ka maliligo.”
“Wala kang pakielam sa sinusuot ko. Umalis ka rito.”
Hinanaan ko ang boses ko nang pumasok na rin si Richard pero naupo sa tapat ko. Sinulyapan niya si Jandro bago niya ako nginitian.
Jandro also looked at him.
“Hindi ko alam na pupunta ka rin pala rito, Engineer Divino.” Malamig at mayabang niyang sabi.
Richard professionally smiled. “Nandito si Angel kaya…” tinapos niya sa pagkibit ng balikat.
Hinain nina Gerry ang pagkain at nilapag ang mga paper plate. Naupo na rin si Debra at Billy. Hinanap ko si Marina para palapitin pero may niluluto pa ito sa ihawan kaya umiling siya.
“D’yan na mga pwesto niyo, ah. Wala nang lipatan para hindi magulo.” Maangas na sabi ni Gerry.
“Angel kanin?”
Tumango ako kay Richard. Nilapit ko ang paper plate sa kanya dahil hawak na niya ang panandok sa kanin nang biglang agawin ni Jandro ang paper plate at sinandukan ng pansit bihon.
Nagulat ako. Pati si Richard. Pero hinayaan ko na lang. Nilagyan pa rin ni Richard ng kanin ang paper plate ko.
“Hindi ka naman malakas kumain. Kaya mo ba ‘yan?” sabay turo sa kanin ko.
Tumawa si Billy. “Naks! Kilalang kilala talaga ni kuya Jandro si ate Angel. Wala pa ring pagbabago.”
“Tumpak ka d’yan, Billy boy. Gan’yan din ang hula ko, e.” nakipag apir pa si Gerry sa kay Billy.
Tahimik kong sinimulan ang pagkain kahit naiirita ako sa katabi ko. Tinawag niya si Marina. Paglapit nito ay pinaupo niya sa tabi ni Billy. Pasimple ko siyang tiningnan nang masama.
“Tubig o softdrinks?” untag sa akin ni Richard.
“Ako na,” patayo na ako pero pinigilan ako sa kamay ni Richard.
“Ako na.”
Tumahimik ang lahat sa pagtayo ni Richard. Bumaba lang ito sa cottage at kumuha ng inumin sa cooler. Pagbalik ay ganoon pa rin ang katahimikan. Kaya tumikhim si Euric.
“May pag-asa ba sa ‘yo si Engineer, Angel?”
Halos masamid ako sa tubig nang tanungin iyon ni Euric. Ngumisi siya at tumingin din kay Jandro.
Richard smiled. “Sana.”
Tinuro siya ni Gerry. May laman pa ang bibig nang magsalita.
“Ah, kaya ka nangupahan dito sa Padre Garcia dahil kay Angel, ano? Umamin ka.”
Pakiramdam ko ay hindi na iyon iniwasan ni Richard at sa harap ng lahat ay nakangiti siyang tumango.
Uminit ang pisngi ko.
“Totoo, Engineer?” gulat pang ulit ni Gerry.
“Yup. I want to be with her.”
“Oh no!” Gerry’s reaction.
Ngising ngisi si Euric nang makita ko ang nakakainis niyang mukha.
“Lalapain ka ng buhay kapag nagwala ang Ex niya.”
Namilog ang mata ko. “Euric.”
“Sinong Ex?” Richard asked.
“Edi ‘yang katabi niya. Si Jandro. Hindi mo ba nahahalata, binabakuran na siya, ‘tol.”
Binalingan ni Richard ang katabi ko at tiningnang mabuti. Pagkalipas ng ilang sandali ay saka ito nagsalita.
“Ex na pala. Ibig sabihin, may chance pa rin ako.” Then he looked at me and smiled bravely.
Hilaw ko siyang nginitian. Ang tubig sa balat ko ay natuyot na.
“Anong sabi mo?” tanong ni Jandro.
“Liligawan ko si Angel, Mr. De Narvaez.”
I gasped.
“Hindi pwede.” Maimpluwensyang sagot ni Jandro.
“Bakit hindi?”
Jandro tilted his head as he darkly stared at Richard. Nawala ang ngisi sa mukha ni Euric kaya mas lalo akong kinabahan.
“Because she’s still mine, Engineer Divino.”
“Hep hep hep, boys! Easy, easy. Chill lang…”
Parang referee na pumapagitna si Gerry sa dalawa. Walang nagsasalita. Pero hindi mapatid ang naghahamunang titigan nina Jandro at Richard sa isa’t isa. Hindi ko na alam kung paano kami natapos sa pagkain o basta na lang nawalan ng gana. Lumabas ako ng cottage nang lumuwag na. Sina Euric ay bumalik sa pool. Habang kami ni Debra ay naiwang nakatayo at pinanood na lang sila.
“Nininerbyos naman ako d’yan kay Jandro. Matapang maghamon ng away!”
“Pasensya na, Debra. Nagulo pa itong date ninyo ni Gerry.”
Hinawakan niya ako sa braso. “Ano ka ba! Hindi mo kailangang mag-sorry. Nasho-shokot lang ako kay Jandro. Puyat ba ‘yan? Baka masama ang gising.”
Napansin kong tinawag ni Euric si Richard. Maganda na iyong sinasamahan nila ito kaysa magmukhang kampi sila kay Jandro. Kung ganito ang senaryo, mas gusto kong samahan si Richard hanggang sa makauwi siya ng ligtas sa bahay niya. Wala siyang kalaban laban sa kanila.
Kalaunan, humupa rin naman ang tensyon. Madilim na nang simulan ang inuman sa cottage. Nakapagpalit na kami ng tuyong damit ni Debra at nakaligpit ng ilang gamit. Magkatabi na sila ni Gerry at nagtatawanan.
“Juice for you, Angel.” Tukso ni Debra.
May isang bote ring hawak si Richard. Pero itong si Gerry na talagang pasaway, naglabas ng hard liquor. May yelo pa at sa dami ng plastic cup na dala ay hindi na nahirapan.
“Minsanan lang ‘to!” pahiyaw niyang tagay kay Jandro.
“Makakauwi ba tayo nito?” tanong ni Billy kay Euric.
“Papasundo tayo kay kuya Dreau.”
“Tama tama!”
A part of me doesn’t want to stay and drink with them. Inaantok na ako at pagod. But it is impossible to leave. Kung kaya nakinig na lang ako sa mga kwento ni Gerry. Sa kung gaano niya raw kamahal itong si Debra at handang maghintay. Namumula na ang kanyang mukha pero sige pa rin sa pagsasalita.
Then, I looked at Jandro. Nakaupo siya sa labas ng cottage katabi si Marina. May hawak na plastic cup at umiinom. Nakayuko siya at nakatitig sa lupa. Hindi siya masyadong nakikisali. Kung kausapin man, tatango lang tapos ay iinom.
“Umuwi na tayo…” aya ko kay Debra.
Tumayo si Richard at kinukuha ang kamay ko. “Ihatid ko na kayo, Angel.”
“Thank you, Richard.”
Napabaling kami sa tumumbang upuan sa labas. Nakatayo na si Jandro. Hindi siya naligo kaya ganoon pa rin ang suot niya. Binigay niya kay Marina ang plastic cup at saka lumapit sa amin. Pulang pula na rin ang kanyang mukha at malamlam ang mga mata.
Kumunot ang noo ko. May sakit ba ito?
“Tara na, baby. Umuwi na tayo sa atin…”
Umawang ang labi ko. He’s drunk. Naamoy ko sa hininga niya ang ininom.
This is bad. So f*****g bad.
“Ako na ang maghahatid sa kanya, Mr. De Narvaez.”
Hindi niya pinansin si Richard na parang hindi niya narinig.
“Let’s go, baby.” Inabot na ni Jandro ang bag ko at ako sa upuan.
I meant to stop him but Richard interfered. Hindi ko malaman kung ikatutuwa ko ba iyon o hindi. Tinabig niya ang kamay ni Jandro na humawak sa akin.
“She’s not yours, Mr. De Narvaez. Ex ka na lang niya.”
“Kanina pa ako napipikon sa ‘yo, Engineer Divino!”
“Hoy…” si Gerry na umusod sa kanyang upuan.
Lumabas ng cottage si Euric. Si Billy ay pabirong tinulak si Jandro sa dibdib.
Dinuro ni Jandro si Richard. “Ang angas mo, ah! Bakit anong pinagmamalaki mo? Pangalan mo? Pera mo? Talino mo?”
“Wala akong pinagmamalaki, Mr. De Narvaez-
“Edi tangina mo ‘wag kang mangielam sa amin ng girlfriend ko!!”
Halos lumuwa ang mata ko sa malakas na boses ni Jandro. Hindi nagpatinag si Richard. Lumabas siya ng cottage at sinugod ito!
“Ayy!” gulat na sigaw ni Debra.
Nasuntok ni Richard si Jandro sa panga. Sinubukan kong awatin ang dalawa pero hinila ako ni Billy at inilayo.
“Masasaktan ka kapag pumagitna ka, ate.”
“Then stop them!”
Nakatayo at sumagot din ng suntok si Jandro. Tumama iyon sa mukha ni Richard. Sa pag atras ay tumama ang likod niya sa cottage at dumaing sa sakit.
“Awat na, awat na!” pinaghiwalay ni Gerry ang dalawa at kapwa tulak sa mga dibdib.
Hinila ni Marina sa braso si Jandro at sa kabila naman ay Euric. Euric yanked his phone and dialed someone. Pero sa gitna ng sigawan ay narinig ko ang pagtawag niya kay Dreau.
“Mga pare naman, lasing lang kayo. Eto naman. Nagkapikunan pa. Kalma lang. Kalma. Natatakot ang girls, oh.”
Galit at namumula ang mukhang dinuro ni Richard si Jandro.
“Ang kapal naman ng mukha mong angkinin si Angel. Ex ka na. Pero kung umaasta ka parang wala kang fiancée na kasama rito!”
“Wala kang alam kaya manahimik ka! Bumalik ka na sa maynila dahil nagsasayang ka ng panahon dito sa Batangas, gago!”
Nag akmang magsusuntukan na naman ang dalawa ay muntik ding tamaan si Gerry.
“Angel… awatin mo na sila,” hila hila ni Debra ang braso ko.
Inakbayan ni Gerry si Richard at pumihit na paalis ng Bawi. Kinuha ko ang bag ko.
“Dito ka lang, Angel!” May diing pigil ni Jandro.
Hindi ko siya pinansin pero hinabol ako ni Billy at hinarangan.
“Ate, hindi ka pwedeng sumama kay Richard. Lasing din iyon at baka mahamak kayo sa daan.”
“At sino ang maghahatid sa kanya? I can drive.”
Nagmamadaling lumapit sa amin si Debra.
“Wait, wait, wait. Sige na. Kami na ni Gerry ang bahala kay Richard. Tapos kayo nang bahala kay Jandro.”
“Debra-
“Mas lalong hindi titigil ‘yan kapag kay Richard ka sumama. Saka sa iisang villa lang kayo nakatira. Sa kanya ka na sumakay, okay?”
Nag aalala at may takot pa rin si Debra sa mukha niya. Ako rin naman at hindi ko maikakaila iyon. Hindi na ako umangal. Sumunod siya kina Gerry.
Nilapitan ako ni Jandro at hinila sa kamay. I tried to wiggle my hand but he was too strong. Umakyat kami at pinasakay niya ako agad sa passenger side ng kanyang Raptor. Si Marina na nakasunod… hindi ito sumakay. Sinundan ko siya ng tingin. Sumakay ito sa kina Euric.
“Si Marina…”
“Hayaan mo siya.” malamig na sagot ni Jandro.
Natigalgal ako. Okay lang sa kanya kahit sa iba sumakay si Marina. Umalis kami sa Bawi pero naiwan pa roon sina Gerry, Debra at Richard.
Hindi ako makapagsalita habang bumabyahe kami. Nakuha kong silipin ang mukha niya pero kapag umiigting ang panga ay agad kong inaalis ang mata. Na para bang mas lalong sumasakit ang natamo niyang suntok kapag tinitingnan ko.
Pagkauwi namin sa villa, naroon na sina Euric. Pati si Dreau at Heaven!
Nakapamaywang na tinitingnan ni Dreau si Jandro nang makababa ito. Si Heaven ay nagmamadali akong sinalubong.
“What happened?”
“Sorry. Napasugod kayo rito.”
She worriedly stared at me. “Are you hurt?”
Umiling ako. Hinila na niya ako papasok sa villa.
Nag usap pa sina Dreau at Jandro sa labas. I can see the concern from Dreau’s eyes. Iyong tingin ng kuya sa kanyang nakakabatang kapatid. At si Jandro ay tila nagsusumbong ang mukha. Sinulyapan niya ako pero umalis kami roon.
Umupo kami sa dining table ni Heaven. Binabaan niya ako ng tubig. Inayos niya ang basa kong buhok at bumuntong hininga.
“Ayos lang ako, Heaven.”
“Pakiramdam ko may hindi maganda rito. Napasugod ang asawa ko. Hindi iyon aalis kung hindi matindi ang nangyari.”
I sighed. “Nagsuntukan sina Jandro at si Richard.”
“Sino?”
“Pamangkin ni Atty. Divino si Richard.”
She nodded. “Okay. Bakit nagsuntukan?”
Pahapyaw kong kinuwento sa kanya ang pinag ugatan. Habang nagkukwento ako ay nakita kong naglabas ng dalawang beer si Roselia at dadalhin sa labas.
“Sinong nagpahinga niyan?” tanong ko.
“Si Sir Draco, Angel.” Nagmamadali niyang sabi at sabay labas na.
Nagkatinginan kami ni Heaven. Halos tumayo ako para sawayin si Jandro pero hindi ko nagawa. Bumagsak lang ang mga balikat ko at pinakinggan ang komento ni Heaven.
“He is still possessive like Dreau. What if…”
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Umiling siya at humalukipkip na lang.
“Titingnan ko lang ‘yung dalawa. At baka magpakalasing na naman.”
“Sige,” Nagpaiwan akong nakaupo sa mesa at natulala sa pangyayari. Nilabas ko ang phone ko at nag text kay Debra.
Ako:
Nakauwi na ba kayo?
Ilang minuto pa ang pinalipas ko sa pagkakaupo sa mesa. Tumayo lang ako para sana dalhin sa kwarto ang bag ko at para na rin makapag ayos ng mga basang damit nang marinig ko ang boses ni Jandro palapit sa dining.
Kumunot ang noo ko. Hindi ako nakagalaw hanggang sa naunang pumasok si Jandro. Pulang pula ang mata akong tiningnan. Pinigilan siya sa balikat ni Dreau pero winasiwas niya iyon. Pumasok din si Heaven at tinulak si Jandro sa dibdib.
“Lasing ka na, Jandro.” Mahinahon niyang sabi.
“Jandro.” Dreau’s authoritative voice.
Dahil doon ay nilingon siya ni Jandro. Tumawa pa.
“Teka lang, bossing. May gushto lang akong sabihin dito kay Angel…”
Tiningnan niya ako at tinuro. Ang itsura niya ay parang babagsak na sa sahig anumang oras.
“Gushto kong malaman mong… hindi buo… ang loob ko nang pakawalan kita…”
I feel like cold washed on my face as I stared at his intoxicated face.
“Saka bakit ka ganyan, Angel? Ikaw ang nakipagkalas! Ikaw ang nakipaghiwalay! Pero… pero bakit ako ang habol nang habol sa ‘yo? Puntangina! Ikaw ang nang iwan… pero ako itong patay na patay pa ring bumalik ka! Puntangina! Sinaktan mo ako… pero mahal pa rin kita?!”
Malakas na hinatak ni Dreau ang kaibigan kaya napaatras ito.
“Tumigil ka na, Jandro! This is not the right time for that!”
“Bakit pinipigilan mo ‘ko, bossing? Dapat… dapat kampi ka sa akin, ‘di ba?” tinuro niya ang sarili. “Mahal ko pa rin siya, e! Kaya nga binayaran ko si Don Francisco para lang mapasaakin ulit si Angel ko!” sabay palo niya sa sariling dibdib.
Malakas na suminghap si Heaven.
“Yesss, sister! I bought her for five f*****g million pesos! Sa sobrang kabaliwan kong kunin siya, kahit na anong paraan gagawin ko! Kahit lagyan pa siya ng presyo ng tanginang Calavera na 'yon!"